Professional Documents
Culture Documents
Summative Test MAPEH Module 1 2
Summative Test MAPEH Module 1 2
a. b. c. d.
a. b. c. d.
b. b. c. d.
a. 1/2 b. ¼ c. 1 d. 2
a. b. c. d.
10. Ano ang tawag sa pinagsama-samang mga note at rest na binuo ayon sa nakasaad na time
signature?
13.
15.
MAPEH (ARTS) 5
Written Work No. 1 Quarter 1
Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________
I. A. Basahing mabuti at isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sa araw na ito nabibigyang halaga ang ginawang kabayanihan ng ating mga ninuno sa pagkamit ng ating
kalayaan mula sa pananakop ng mga Espanyol.
a. Araw ng mga Puso b. Araw ng Kalayaan c. Araw ng mga Patay d. Pasko
2. Ito ay parangal sa santong patron ng bayan na ipinagdiriwang ng isang beses sa isang taon.
a. Pasko b. Araw ng mga Patay c. Piyestang Bayan d. Bagong Taon
3. Naipamamalas din sa panahong ito ang pagiging likas na mapagbigay ng mga Pilipino .
a. Piyestang Bayan b. Araw ng Kalayaan c. Araw ng mga Patay d. Pasko
4. Pumupunta ang pamilya ni Ana sa sementeryo tuwing ika-2 ng Nobyembre upang mag-alay ng
kandila,bulaklak at dasal sa mga kapamilyang yumao. Anong selebrasyon ang ipinagdiriwang nila?
a. a. Araw ng mga Puso b. Araw ng Kalayaan c. Araw ng mga Patay d. Pasko
5. Ang mga selebrasyon at iba’t ibang gawaing pambayan ay _________________ ang mga Pilipino.
a. napagbubuklod-buklod ang mga Pilipino c.. napaghihiwalay ang mga Pilipino
b. nagpapagalit sa mga Pilipino d. nagpapatamad sa mga Pilipino
B. Pagtambalin ang mga selebrasyon na nasa Hanay A sa mga petsa kung kailan ito ipinagdiriwang na
nasa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. B.
6. . Araw ng mga Puso a. Disyembre 25
7. . Bagong Taon b. Pebrero 14
8. . Araw ng Kalayaan c. Enero 1
9. . Araw ng mga Patay d. Hunyo 12
10. Pasko e. Nobyembre 2
II. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng pagpapahalaga sa MALI naman kung hindi.
11. Bilang bahagi ng kasaysayan, ang banga ay hindi dapat sinisira.
12. Maaaring ilagay ang banga sa tamang lugar at gawing dekorasyon.
13. Pwede ring gawing basurahan ang banga.
14. Kapag marumi na ang banga ay itatapon ito.
15. Sikaping mabuti na mapreserba ang mga sinaunang bagay gaya ng banga.
MAPEH (HEALTH) 5
Written Work No. 1 Quarter 1
Name: ________________________________________ Date: ___________ Score: _________
Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng pangungusap, Mali naman kung hindi. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.
_____1. Ang pag-iwas sa problema ay isang indikasyon sa pagkakaroon nang hindi maayos na mental na
kalusugan.
_____2. Ang kalusugan ng isang tao ay sumasaklaw sa pisikal na aspeto lamang.
_____3. Ang pagkakaroon ng maraming kaibigan ay tanda ng malusog na sosyal na aspeto ng kalusugan.
_____4. Malaki ang maitutulong ng sariling pamilya upang mapaunlad ang kalusugan ng tao.
_____5. Ang pagsali sa iba’t- ibang gawain ng komunidad ay palatandaan ng malusog na pangangatawan.
_____6. Ang paghinga nang malalim at meditasyon ay mga gawaing pisikal na makatutulong sa pagbawas
ng matinding pagod.
_____7. Ang stress o pagkapagod ay nakaaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng tao.
_____8. Ang positibong pananaw sa buhay ay makatutulong upang mapaunlad ang mental na kalusugan
ng tao.
_____9. Ang mental at emosyonal na kalusugan ay may kaugnayan sa sosyal na kalusugan ng tao.
_____10. Ang pagmamaktol at pagdadabog ng isang bata sa ikalimang baitang kung hindi nakukuha ang
gusto ay palatandaan ng pagiging malusog
_____11. Ang sobrang pagkapagod o stress ay hindi nakaaapekto sa pangkalahatang kalusugan ng tao.
_____12. Ang pagiging palakaibigan ay nakatutulong upang magkaroon ng magandang kalusugang
sosyal.
_____13. Ang pagkakaroon ng masayang pamilya ay nakatutulong upang mapaunlad ang kalusugan ng
tao.
_____14. Ang aktibong pagsali sa mga gawain ay nakatutulong para magkaroon ng malusog na isipan at
damdamin
_____15. Ang may malusog na damdamin at isipan ay marunong maglutas ng problema at mga pagsubok
sa buhay.
_____16. Ang taong may malawak na pang-unawa ay kinagigiliwan.
_____17. Ang mabuting pakikitungo sa kapwa ay nakapagpapalubag ng loob.
_____18. Ang pagkabalisa ay nagpapakita ng pagkakaroon ng malusog na isipan at damdamin.
_____19. Ang pagtutulungan sa mga gawain ay nagpapakita nang may mabuting relasyon.
_____20. Ang pagkakaroon ng maraming problema ay maaaring magdulot ng mabuti sa katawan.