Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

9

  
    
 

i
Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasiyam na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Lipunang Pang-ekonomiya
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag


sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Palawan


Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Natividad P. Bayubay, CESO VI
Pangalawang Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan:
Loida Palay-Adornado, Ph.D.
Felix M. Famaran

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Lany J. Fondevilla, Nestor B. Mendoza
Editor: Elegio L. Oblian, Joseph R. Vejano, Grace B. Booc
Tagasuri: Clemencia G. Paduga, Rutheda M. Bacosa, Wennie L. Lorzano
Tagaguhit: Abbylene G. Malong, Melodia Torcuator
Tagalapat: Aisa G. Noblefranca, Melodia Torcuator
Tagapamahala: Aurelia B. Marquez
Rodgie S. Demalinao
Clemencia G. Paduga
Glenda O. Mendoza

Inilimbag sa Pilipinas, ng ________________________


Kagawaran ng Edukasyon – MIMAROPA Region - Sangay ng Palawan
Office Address: PEO Road, Barangay Bancao-Bancao, Puerto Princesa City
Telephone: (048) 433-6392
E-mail Address: palawan@deped.gov.ph
Website: www.depedpalawan.com

ii
9

 

    
 

iii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapaakatao-


Baitang Siyam ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralin Lipunang
Pang-Ekonomiya!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto sa mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit
sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


magaaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Lipunang Pang-Ekonomiya!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

iv
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
Subukin nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan
Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa
Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay gawain na naglalayong masukat ang antas
Tayahin ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang

v
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan


sapaglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito

vi
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumununod na

kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

3.1 Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan

(EsP9KP-IIIc-9.1)

3.2 Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga

tagapamahala at mamamayan (EsP9KP-IIIc-9.2)

3.3 Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa kapwa

ang nararapat sa kanya (EsP9KP-IIId-9.3)

3.4 Natutugunan ang pangangailangan ng kapwa o pamayanan sa mga angkop na

pagkakataon ((EsP9KP-IIId-9.3)

Subukin

Panuto: Sabihin kung tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap. I sulat sa
sagutang papel ang Tama kung wasto ang pinahihiwatig ng pangungusap at Mali
kung hindi.

1. Ang lahat ng tao sa mundo mayaman man at mahirap ay pare-pareho ang


paniniwala at kakayahan.
2. Ang pagakakaloob ng mga ayuda sa bawat mamayan sa panahon ng
Enhance Community Quarantine (ECQ) ay dapat pantay-pantay, ayon sa
kinabibilangan.
3. Ganap na masaya ang tao kapag nabibigyan nang mga bagay na libre dahil
nababawasan ang kanyang problema at natutugunan ang mga
pangngsilangan.
4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay ang kakayahang maiangat ang antas ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

1
5. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong paggalang sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay katiyakan sa agarang pagtugon ng pamahalaan sa mga
pangangailangan ng tao.
6. Napapanahanan ang bawat bahay sa Lipunang Pang-ekonomiya sa
pamamagitan ng pangangasiwa at pagbabahagi ng patas sa mga
mamamayan.
7. Bagaman di pantay-pantay ang antas ng pamumuhay ng mga tao, ngunit may
mga angkop naman para sa kanila. Ito ang mas higit na maayos na
pamamahagi ng mga tulong mula sa pamahalaan.
8. Nararapat sa isang tao ang umiwas na matali ang kanyang damdamin o sarili
sa kanyang pag-aari.
9. Hindi hadlang ang kahirapan sa pag unlad sa sarili na siya ring batayan upang
umunlad ang ekonomiya ng isang lipunan.
10.Lahat ng mayaman ay lalong yumayaman at lahat ng mahirap ay lalong
naghihirap.
11.Masama ang loob ni Cesar sa kanyang nanay dahil
pakiramdam niya kinakampihan nito ang kanyang bunsong kapatid.
12.Ang pag-unlad ng ekonomiya ay nakasalalay sa mga mamamayang bumubuo
sa lipunan.
13. Bilang mamamayan dapat maging mapanuri sa mga bagay na may kinalaman
sa ekonomiya ng bansa.
14. Bawat isa ay may kanya-kanyang papel na ginagampanan sa lipunan.
15. Ang karunungan ay maituturing na kayamang di mananakaw kailanman.

Aralin
Lipunang Pang-ekonomiya
3
Kung minsan, dumarating sa mga magkakapatid ang tanong na "Sino ang
paborito ni Nanay" o "Sino ang paborito ni Tatay." May halong inggit, kung minsan,
ang pagpapabor ni Nanay kay Ate o ang pagiging maluwag ni Tatay kay Kuya.
Naghihinanakit naman si Ate dahil sa tingin niya mas malapit ang kanilang mga
magulang kay bunso. Naranasan mo na ba ito? Kung oo, ano ang naramdaman mo?
Ano ang naisip mo? Ano ang ginawa mo?
Sadyang magkakaiba ang mga tao. May mga magagaling sa Math. May
mahuhusay sa pagdrowing. May masinop sa gamit. May marunong sa pera. May
magaganda at makisig ang katawan kahit na hindi nag-eehersiyo. Mayroon din
naming tabain at kailangang magingat sa pagkain. Dahil sa pagkakaiba-ibang ito, hindi
maiiwasan ang paghahambing sa isa’t isa.

2
Balikan

Ano ang nagawa mo para sa bayan?


Ano ang inaasahan mo sa pamahalaan?
Magbigay ng ga pagkakataong kailangan ng tiwala ng pamahalaan.

GAWAIN 1.
Panuto: Sa pamamagitan ng paggamit ng social media, magsagawa ng survey mula
sa mga malalapit na mga kaibigan, at tanungin kung anu-ano ang kanilang natanggap
na tulong mula sa pamahalaan sa nangdaang Enhance Community Quarantine
(ECQ).

Mga gabay na tanong.

1. Ano-ano ang mga ayodang inyong natanggap noong ECQ?


2. Magkano ang halaga ng mga ayodang ito?
3. Sino ang kumukuha/tumatanggap nito?
4. Sumasapat ba ng nakukuhang mga ayoda mula sa namamahagi? Di sapat?
5. Ano ang alternatibong pamamaraan ang ginagawa upang matugunan ang
kakulangan?

Tuklasin

Gawain 1:

Pumili ng isang tao o kaibigan na maari mong ma interview na nakatanggap ng ayuda


mula sa pamahalaan noong panahon ng COVID 19 kresis gabay ang mga katanungan
sa ibaba.
1. Paano po kayo nakakakuha ng biyaya mula sa pamahalaan natin?
2. Anong ahensiya ng pamahalaan po ang nagbigay ng ayuda?
3. Ano ang naging basehan upang mapabilang sa makakatanggap?
4. Pare-pareho ba ng nakukuha nyong biyaya sa iba? Oo/Hindi?
5. Kung HINDI, bakit?
6. Sumasapat po ba ng biyayang inyong natatanggap? Oo/Hindi?
7. Kung HINDI, bakit?
8. Ano naman po ang inyong ginawa sakaling di sapat ang iyong natanggap?
9. Kung sakali at malaman ninyong mag kaiba ang natatangap nyo sa ibang
barangay,
Ano kaya ang inyong iisipin?

3
Suriin

Gawain; Suriin Mo!

Likas na sa atin na masasabing tayong mga tao ay pantay-pantay, sa


kadahilanang ang lahat ay kumakain ng kanin. Liban pa diyan di natin maitatatwa na
tayo ay nilalang ng Dakilang Maylikha.
Kung tayo ay nagbabasa ng Banal ng Aklat, Nang pinakain ni Jesus ang 5000
na mga tao ay ganito ang panggyayari ayon sa Luke 9 verses 14;17 “Now the men
there numbered about 5000. Then He said to his disciples “Have them sit down in
groups of fifty; They all ate and satisfied. Ang sitwasyong ito ay nagpapatunay na
pantay-pantay ang tao kahit noong panahon pa Hesus.

Sa lipunang ating ginagalawan may kaisipan ding may puti at may dekolor.
Sabi nga ng aking mahal na ina noong nabubuhay pa siya, na pag maglalaba ng mga
damit kinakailangang ihiwalay ang puti sa di kolor upang mapanatili an kaputian ng
damit na puti. Gayundin naman, iwasang malagyan ng zonrox ang mga dekolor upang
mapanatili ang kulay nito.

Bagaman may kasabihang “ipinanganak na may kutsarang ginto sa bibig” ang


isang tao, sadyang alam na natin na sa pagpanganak pa lamang ay mayaman na
agad.

Sa loob ng silid aralan maiuugnay din natin at mauunawaan ang mga salitang
pantay at patas. Pantay dahil lahat ng mga mga-aaral ay nabibigyan ng kaukulang
grado. Patas dahil ang grado ay naaayon sa ang kanilang kakayahan. Ngunit nakikita
kaya ang kaugnayan ng dalawa?

Sa kasalukuyang kalagayan ng ating bansa nakikita ba natin ang tamang


kahulugan ng PANTAY at PATAS?

Isang debate sa mga pilosopo ang tanong ukol sa pagkakapantay-pantay. Sa


isang panig, may nagsasabing pantay-pantay ang lahat dahil likha tayo ng Diyos,
dahil tao tayo. Isa pa, dahil kung titingnan ang tao sa kaniyang hubad na anyo,
katulad lamang din siya ng iba. Sa kabilang panig, may nagsasabi rin namang hindi
pantay-pantay ang mga tao. May mga taong mananatiling nasa itaas, dinudungaw
ang mga tao sa ibaba. May mga taong yayaman at patuloy na yayaman at may mga
taong mahirap at mananatili sa kanilang kahirapan dahil sadyang ganito ang
kaayusan ng mundo.

Gamitin nating halimbawa ang sitwasyon sa klase. Maaaring si Elmer ang


pinakamagaling sa Math ngunit hindi nito ibig sabihin na si Elmer na lamang ang

4
tuturuan ng guro ng Math. Pagsisikapan pa rin ng guro na ituro ang mga tuntunin sa
Math sa kapwa mabilis matuto at sa mga mag-aaral na kailangan ng ibayong pag-
akay. Subalit, upang higit pang mapaunlad ang husay ni Elmer, maaaring bigyan
siya ng dagdag na mga Math problems na kanyang pag-aaralan. Tugma ito sa
tinatawag ni Sto. Tomas de Aquino na prinsipyo ng proportio, ang angkop na
pagkakaloob ng naaayon sa pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, hindi mn
pantay-pantay ang mga tao, may angkop para sa kanila. Kailangang maging patas
ayos sa kakayahan, ayon sa pangangailangan.

Pagyamanin

Gawain: Kaya Mo Ito!

Sa pagkakataon ito, maari ba nating masukat ang iyong pang-unawa sa


aralin?
➢ Ayon sa iyong sariling pag-unawa, ano ang kaibahan ng Patas sa Pantay?
➢ Paano uunlad ang isang tao sa isang lugar?
➢ Bilang isang Kabataan, paano mo paipapakita na malaki ang maiiambag mo
para sa ekonomiya ng lipunang iyong kinabibilangan.
➢ Ano ang maitutulong ng lipunan sa pag-unald ng iyong pag-katao?
➢ Natulungan ka ba ng araling ito upang lumago ang kaalam? Ipaliwanag?

Isaisip

Gawain: One Pic, One message


Panuto: Pumili ng larawan o mga larawang nagsasaad o nagpapakita ng mga
kabutihan idudulot sa tao at sa pamayanan. Lagyan ng ang larawan napili mo at isulat
sa journal, tukuyin ang mensahe nito.

1 2
5
3 5

4 6

Rubric:

Pagtukoy ng Tamang Kasagutan Kaukulang Puntos

Naipaliwanag ng may pagkatuto ang tamang larawang may 5 pts


kaugnayan sa aralin

Naipaliwanag ang mensahe ng larawang napili ngunit di 3 pts


angkop sa aralin

Di malinaw ang pagkaunawa sa larawang napili, ngunit 2 pts


tama ang larawan.

6
Di malinaw ang pagkaunawa ngunit nagpakita ng interes na 1
maihayag ang mensahe ng larawan subalit mali ang napili.

Di nakitaan ng pagsisikap na sagutan ang Gawain 0

Isagawa

Gawain:
- Epekto ng COVID-19 sa Ekonomiya ng Bansa
- Bilang isang kabataang nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ),
sa paanong paraan mo maipapakita na ikaw ay isang kabataang di nais pabagsakin
ang panlipunang ekonomiya.

Gawain:
Dahil tayo ay nasa New Normal na pamamaraan ng pagkatuto, gamit ang iyong
Celpon bumuo ng isang sine tungkol sa mga pinagdaanan nating Pandemya na
nagpapakita ng pagtutulungan, pagmamahalan, pagsulong ng isang lipunan sa gitna
ng krisis.

Tayahin

Panuto: Basahin at pag-isipang mabuti ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang ibig ipagkahulugan na kasabihang “ang tao ay pantay-pantay”?


a. Lahat ng tao ay pareho ang paniniwala
b. lahat ay dapat may angking talino na huhubog sa kanya
c. lahat ay iisa ay may kakayahang mapaunlad ang sarili sa gusto nyang
pamamaraan
d. Ang tao ay nilikha Diyos

7
2. Ang pagakakaloob ng mga ayuda sa bawat mamayan sa panahon ng Enhance
Community Quarantine(ECQ) ay dapat pantay-pantay, ayon sa kinabibilangan.
bakit?
a. Para maiwasan ang mga mga maling espikulasyonng ibinubulsa ng
tagapamanihala ang mga releif goods.
b. Ang pagkakaloob ng mga relief goods ay para talaga sa mga
mamamayanan
c. Angkop na pagkakaloob ng mga biyaya ayon sa pangangailanagan ng tao.
d. Pantay na pagkakaloob ng mga biyaya batay sa kalagayan at
pangangailangan ng tao.

3. Alin sa sumusunod ang kaisipang ganap na masaya ang tao kapag nabibigyan
nang mga bagay na libre?
a. Kapag natutugunan ang kanyang pangangailangan
b. Nababawasan ang kanyang problema sa mga pangangailang ng pamilya
c. Masaya ang pakiramdam kapag libre.
d. Lahat ng nabanggit.

4. Ang lipunang pang-ekonomiya ay ang kakayahang maiangat ang antas ng


pamumuhay ng mga mamamayan. Alin sa mga sumusunod ang di angkop na
sagot.
a. Husay sa budget sa mga kailangan sa bahay.
b. Pantay na pagbabahagi ng mga yaman ng pamilya.
c. Wastong paglalaan ng mga gastusing pampaaralan.
d. Pagkilos upang huwag masanay ang kapitbahay o malalapit na kaibigan sa
panghihiram sa atin.

5. Ano ang pagkakaiba ng pantay sa patas sa lipunang pang-ekonomiya?


a. Ang pantay - pangtanggap ng pare-parehong biyaya sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas pangtanggap ng nararapat para sa tao batay sa kaniyang
kakayahan.
b. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong biyaya sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay pagbibigay ng angkop sa kakayahan.
c. Ang pantay ay pagbibigay ng pantay na pagtingin/pag-aaruga sa lahat ng
tao ano man ang antas nito sa lipunan, patas ay ang pagalang sa mga
karapatan ng bawat tao sa lipunan.
d. Ang pantay ay pagbibigay ng pare-parehong paggalang sa lahat ng tao sa
lipunan, ang patas ay katiyakan sa agarang pagtugon ng pamahalaan sa
mga pangangailangan pangangailangan ng tao.

6. Paano magiging tahanan ang bawat bahay sa Lipunang Pang ekonomiya?


a. Naglalaan ng tulong pinansyal ang pamahalaan sa mga mahihirap na
pamilya.
b. Napapangasiwaan at naibabahagi ng patas ang yaman ng bayan sa mga
mamamayan.
c. Maglalaan na mabigyan ng trabaho ang bawat mamamayan na angkop sa
kakayahan.

8
d. Maglalaan ng mga alernatibong pamamaraan (Livelihood) ang mga
mamamayan.

7. Ano ang mas higit na maaaayos na pamamahagi ng mga tulong mula sa


pamahalan; patas o pantay na pamamahagi? Bakit?
a. Sapagkat, mas isaalang-alang ang kakayahan at pangangailangan ng
bawat isa.
b. Walang kakayahang magpasiya para sa sarili at sa iba ang mga
mamamayan.
c. Karapatan ng bawat mamamayan na matanggap ang nararapat sa kaniya.
d. Bagaman di pantay-pantay ang antas ng pamumuhay ang mga tao, ngunit
may mga angkop naman para sa kanila ayon sa mga pangangailangan.

8. Paano maipapakita ang tamang ugnayan ng tao sa kaniyang pag-aari?


a. Pagbibigay ng malaking pagpapahalaga sa kaniyang mga ari-arian kasya
sa sarili.
b. Pamamayagpag sa mga kakilala at kaibigan ang dami ng naimpok na
salapi.
c. Pagsusuot/pagbibili ng mga mamahaling mga kagamitan.
d. Pag-iwas na maitali ang kaniyang damdamin o sarili sa kaniyang pag-aari.

9. Paano maipapakita ang pag-unlad ng sarili sa pag-unlad ng bayan?


a. Kapag mayaman ang isang tao, kilala siya sa lipunan
b. Kapag ang isang tao ay may permanenteng trabaho may kakayahan siyang
magbayad ng buwis.
c. Kapag ang isang manggagawa ay nagbabayad ng tamang buwis uunlad din
an gating lipunan.
d. Hindi hadlang ang kahirapan sa pag unlad sa sarili na siya ring batayan
upang umunlad ang ekonomiya ng isang lipunan

10. Naniniwla ka ba na ang taong mayaman ay lalong yumayaman at ang taong


mahirap ay lalong maghihirap?
a. Oo dahil mayaman na at mahirap na din
b. Hindi dahil pag naubos ang yaman magiging mahirap na din at depende na
rin sa pagsisikap ng tao
c. Depende kung magiging tama ang isang tao
d. Wala sa nabanggit

9
Karagdagang Gawain

Anu-ano ang konsepto at Ano ang aking Anu-ano ang hakbang na


kaalaman na pumukaw pagkaunawa at aking gagawinpang
sa akin? reyalisasyon sa bawat mailapat ko ang mga pang-
konsepto at kaalamang unawa at reyalisayong ito
Ito? sa aking buhay?
1. Tungkol sa
pagkakapantay-pantay
2. Tungkol sa pagiging
patas
3. Tungkol sa Lipunang
Pang-ekonomiya
4. Iba pa (Hal. Lipunang
pang-ekonomiya sa
New Normal)

1. I-chat si Kap o sinuman sa Barangay. Alamin mula sa mga opisyal kung ano
ang livelihood program na mayroon dito.

2. Mga gabay na tanong sa pangkalap ng impormasyon:

a. Ano ang paraan sa pagpili ng livelihood program?


b. Ano ang paraan ng pagpili ng mga beneficiaries’ ng programa?
c. Sa paanong paraan ipamimigay ang livelihood sa mga benepisyaryo?
d. Sa paanong paraan nabibigyan ng benepisyo ang mga kabaranggay lalo
na sa aspekto ng pag-unlad ng pamilya?

10
11
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Kwarter 1
Modyul 3
Subukin
1. Mali 6. Tama 11.Mali
2. Tama 7. Tama 12.Tama
3. Tama 8. Tama 13.Tama
4. Tama 9. Tama 14.Tama
5. Tama 10. Mali 15.Tama
Pagtataya
1. D 6.B
2. D 7.D
3. B 8.D
4. D 9.D
5. C 10.B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Aklat
Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa Mag-aaral 2015, FEP Printing
Corporation Department of Education -Insructional Materials Counsil
Secretariat, DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
1600
ESP Budget of Work (BOW)
Curriculum Guide- MELC 2020-2021

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Department of Education – SDO Palawan
Curriculum Implementation Division Office
2nd Floor Deped Palawan Building
Telephone no. (048) 433-3292

Learning Resources Management Section


LRMS Building, PEO Compound
Telephone np. (048) 434-0099

12

You might also like