Module#5 Second Quarter

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Core Subject

Class No.: _____ Petsa: _________________________


Pangalan: ____________________________________ Modyul 5 – 2nd Quarter – SY20202021
Baitang at Seksyon: __________________________ Guro: ______________________

I. Pamagat: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


(Sosyolingguwistiko)
II. Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
1. natutukoy ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon;
2. naiisa-isa ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong komunikasyon;
3. nababatid ang halaga ng angkop na gamit ng wika batay sa lugar, tao, panahon ng pakikipag-usap;
4. napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa usapan.

III. Mga kagamitan:


1. Pluma o panulat, long bond paper.
2. Aklat na may kaugnay sa paksa (Opsyunal)
3. Maaring mag-subscribe sa mga link na katulad ng paksa.

IV. Nakalaang oras/panahon: Ikaanim na Linggo/ Ikatlong Araw

V. Konsepto:
A. Panimulang Gawain:
Sa ikalawang aralin, nabatid natin na hindi sapat na ang tao ay matuto ng lengguwahe at
makapagsalita, dapat ding maunawaan at magamit niya ito nang tama. Ngayon mababatid natin ang
halaga ng wastong gamit ng wika ayon sa sitwasyon. Ngunit bago iyon, Suriin ang komiks sa ibaba at
pagkatapos ay sagutin ang ilang katanungan tungkol dito.

1. Ano ang paksa ng usapan?


2. Saan ang lugar naganap ang usapan?
3. Angkop ba ang salitang ginamit batay sa taong nag-uusap?

B. Ano-ano ang dapat isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon?


Sa nagdaang module nakilala natin si Dell Hymes na siyang nagpakilala ng kakayahang
komunikatibo, sa module na ito, mababatid natin ang mga dapat isaalang-alang sa epektibong
komunikasyon. Ginamit ni Dell Hymes ang acronym na SPEAKING upang isa-isahin ito.

Halinat ating alamin…..


S-(Setting)
• Lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 5 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 1 ng 4
• Ang tono o paraan ba ng pag-uusap ng magkakaibigan sa kalye ay katulad ng tono o paraan ng
pakikipag-usap kapag nasa loob ng simbahan? Hindi ba’t magkaiba? Kaya mahalaga na
isaalang-alang ang pook o lugar sa pakikipagkomunikasyon.

P-(Participants)
• Ang taong nakikipagtalastasan. (Sino ang kausap, nag-uusap?)
• Isinasaalang-alang din natin ang ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya
kakausapin. Paano mo kausapin ang iyong magulang, ang iyong guro, ang pari, ang principal
sa inyong paaralan? Ang salita bang ginagamit mo ay katulad ng pakikipag-usap mo sa iyong
bunsong kapatid, sa iyong kaibigan o ka-tropa?

E-(Ends)
• Ano ang layunin ng usapan o pakay ng pakikipag-usap?
• Hindi ba’t kapag tayo ay hihingi ng pabor sa ating kausap ay gumagamit tayo ng paraang
nagpapakita ng pagpapakumbaba? Ano ang iyong tono kapag ang layunin mo sa pakikipag-
usap ay mangutang?
• Kaya dapat isaalang-alang ang layunin o pakay upang mabatid ang tono, salita o wikang
gagamitin upang matamo ang layon sa pakikipag-usap.

A- (Act Sequence)- (Paano ang takbo ng usapan?)


• Ito ay tumutukoy sa pagkakaugnay ng usapang nagaganap sa uri ng pangyayari.
Halimbawa, sa pagtitipan o date
Inaasahang masuyo o malambing ang himig ng usapan at takbo ng pananalita ng
magkasintahan ngunit maaring magbago ang ayos ng usapan kung sila ay may mga bagay na
pinagtataluhan.
K-(Keys)- (Pormal ba o impormal ang usapan?)
• Nakakita ka na ba ng naka-shorts sa isang debut party? O ‘di kaya naman ay naka-gown o
barong tagalog habang naglalaro ng basketball? Parang ganito rin ang magiging hitsura mo
kung hindi mo isasaalang-alang ang pormalidad ng isang okasyon sa iyong pakikipag-usap.
Kung gayon, wala sigurong magkakagusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa
isang pormal na okasyon.

I-(Instrumenatalities)-(Ano ang midyum ng usapan, pasalita ba o pasulat?)


• Kailangang ikonsider ang gamit o daluyan ng komunikasyon.
• Isipin mo, maikukuwento mo ba ng maayos ang nobelang nabasa mo sa pamamagitan lamang
ng text? Maipapaamoy mo ba ang bago mong pabango sa pamamagitan ng chat?
• Susulat ka pa ba sa bumbero kung sakaling may sunog sa inyong lugar?
• Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.

N-(Norms)-(Ano ang paksa ng usapan?)


• Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May mga sensitibong bagay na kung
minsan ay limitado lamang ang ating kaalaman. O ‘di kaya minsan may mga paksang ekslusibo,
kagaya ng may mga usapang pangmatanda, usapang pambabae at panlalake lamang.

G-(Genre)-(Ano ang uri ng pagpapahayag? Pasalaysay, paglalarawan, paglalahad o


pangangatwiran?)
• Sa komponent na ito, isinasaalang-alang ang layunin ng participants, kung ang nais niya ay
magkwento ng isang pangyayari o mga pangyayari, pasalaysay ang pagpapahayag.
• Kung nais naman niyang magpaliwanag at magbigay ng impormasyon, paglalahad ang paraan
na kanyang gagamitin. Kung nais niyang pabulaanan ang isang impormasyon o hindi sang-
ayunan ang isang opinyon, paraan ng pangangatwiran ang kanyang gagamitin.

Binuo ni Dell Hymes ang modelong ito upang itaguyod ang pagsusuri ng diskurso bilang serye ng
usapan sa isang kontekstong kultural.
VI. Pagsasanay: Subukan Natin!
Salitang Gagamitin Mo, Piliin Mo!
Panuto: Sumulat ng diyalogo (dialog) batay sa mga sitwasyon na inilahad sa bawat bilang sa ibaba.
Piliin ang angkop na salita at paraan ng paggamit nito batay sa sitwasyon. Isulat ang diyalogo sa loob ng
kahon.
1. Sa isang shopping center sa Cebu sa kalagitnaan ng pagdiriwang ng Sinulog, may dalawang
turistang tila naliligaw. Magalang na nagtanong ang dalawang turista sa isang mamimili kung saan
sila makakakuha ng Taxi papuntang Basilica Del Santo Nino. (Ang simula ng usapan ay ibinigay na
ng guro bilang halimbawa)

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 5 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 2 ng 4
Turista: Magandang araw po.

2. May isang mag-aaral na bagong lipat sa inyong paaralan. Nakasabay mo ito sa hallway.
Napansin mong pasulyap-sulyap siya sa iyo at sa papel na hawak niya. Nilapitan mo siya at
nalaman mong ang papel na hawak niya ay listahan ng silid aralan para sa bawat asignatura.
Nagkataon ang silid sa unang asignatura ay ang silid aralan na patutunguhan mo. At ang silid
ay matatagpuan sa ikaanim na palapag. Nais mong siya ay tulungan.

VII. Pagtataya: Tiyakin Natin!


Panuto:
1. Sundin ang pormat sa ibaba:
Blg sa Klase:__________ Petsa:____________
Pangalan:___________________ Maikling Pagsusulit 3
Baitang at Seksyon:_________________ Guro:_____________
2. Ang gawain ay magsisilbing maikling pagsusulit. At ito ay may kabuuang 15 puntos.
3. Sagot na lamang ang isusulat sa isang papel.
4. Ipapasa ang gawain matapos a oras at araw ng itinakdang pagbalik ng mga modules sa paaralan.
5. Hindi maitatala sa rekord ng guro ang sinomang magpapasa huli o late sa itinakdang araw at oras. Ito
ay nangangahulugan na 0 ang iskor para sa pagsusulit.
6. Kung may katanungan hinggil sa gawain ay lilinawin o sasagutin ito ng guro sa itinakdang araw.
(Iskedyul ng asignaturang Filipino sa paggawa ng modyul at sa oras ng online class lamang.)

Matutukoy Mo Kaya?
Panuto: Basahin ang sumusunod na mga sitwasyong pangwika. Tukuyin kung sino, paano, kalian, saan
at bakit nangyari ang sitwasyong pangkomunikatibo.
1. May usap-usapang tatanggalin na sa pwesto ang nakaluklok na department head ng isang opisina.
Nakarating ito sa kinauukulan at ito ay ikinagalit niya. Ikinasama niya ng loob ang pagkalat ng
impormasyon habang siya ay walang kaalam-alam. Sa halip na magmukmok lamang ay pumunta
siya sa opisina ng pangulo ng kompanya upang alamin ang katotohanan noong araw ding iyon.
Sino:____________________________________________________________________________
Paano:___________________________________________________________________________
Saan:____________________________________________________________________________
Kailan:___________________________________________________________________________
Bakit:____________________________________________________________________________
2. Bago pa lamang si Rajid at ang kanyang asawa sa Iloilo. Nadestino siya rito noong isang linggo dahil
sa kanyang trabaho bilang medical representative. Kahit ilang buwan pa lamang siya rito ay
napagtanto na niyang dito niya nais palakihin ang kanyang mga anak. Sinikap niyang unawain ang
kanyang kapitbahay at nakikita naman niyang buong tiyaga rin siyang kinakausap ng mga ito upang
matutuhan niya ang kanilang wika.
Sino:____________________________________________________________________________
Paano:___________________________________________________________________________
Saan:____________________________________________________________________________
Kailan:___________________________________________________________________________
Bakit:____________________________________________________________________________

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 5 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 3 ng 4
3. Dahil sa napili si Roy bilang isang iskolar, sa isang pamantasan sa Maynila siya nag-aral ng kolehiyo.
Nagtungo siya sa Maynila matapos ang bakasyon. Hindi siya gaanong bihasa sa wikang Filipino pero
sinisikap niyang matutuhan ito upang magkaunawaan sila ng kanyang mga kaklase. Dahil sa
kanyang sipag at pagiging aktibo sa mga gawaing pampaaralan, hinikayat siya ng kanyang mga
kamag-aral na kumanditato bilang pangulo sa kanilang student government. May pag-aalinlangan
man ay tinanggap ni Roy ang hamon.
Sino:____________________________________________________________________________
Paano:___________________________________________________________________________
Saan:____________________________________________________________________________
Kailan:___________________________________________________________________________
Bakit:____________________________________________________________________________

VIII. Paglalahat: (Sagutin sa loob ng dalawang pangungusap)

1. Bakit mahalagang magkaroon ng kakayahang pangkomunikatibong sosyolingguwistiko ang isang


indibidwal?
2. Paano ito makatutulong sa pagkakaunawaan sa pakikipagtalastasan?

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – Modyul 5 (Unang Semestre, Ikalawang Markahan) Pahina 4 ng 4

You might also like