Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Modyul 8

Serbisyong Pabahay, Edukasyon, Transportasyon,


Kalusugan at iba pa.
(Ikalabindalawang Linggo)

LAYUNIN
Sa katapusan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Natutukoy ang magagandang reulta ng serbisyo ng gobyerno para sa edukasyon,
pabahay, transportasyon, kalusugan at iba pa.
 Nakapagbibigay ng matalinong mungkahi upang maipagpatuloy ang pagpapanatili at
pagpapaunlad ng serbisyong handog ng gobyerno.

MGA GAWAIN
Ikalabindalawang Linggo (Synchronous)
 Panonood ng bidyo
 Pagtalakay sa itinakdang paksang aralin
 Pagbabahagi ng ideya at reyalisasyon batay sa aralin

NILALAMAN

PAGTALAKAY
Programang Pabahay
 Ang programang libreng pabahay ay pinangungunahan ng National Housing Authority
(NHA). Ang organisasyong NHA ay nasa ilalim ng Department of Human Settlements and
Urban Development.
 Sa panahong ito, kabilang sa mga pagsubok na kinakaharap ng gobyerno ang pagdami ng
pamilyang Pilipino na walang sariling tirahan. 
 Sa kabila ng "mababang" budget ng ahensiya ay patuloy umano na tinutugunan ng NHA
ang mandato nito na nakasaad sa Presidential Decree 757 at RA 7279.
 Pangunahing ginagawa ng ahensiya ang pagbibigay ng pabahay sa mga informal settlers o
mga pamilyang umokupa sa mga lugar kung saan wala silang katibayan ng pagmamay-ari.
Pamilyang matatagpuan ang mga bahay sa delikadong lugar tulad ng creek at waterways.
 May pabahay rin para sa lowest 30% ng income earners o kumikita ng P10,000 pababa.
May nakalaan din ang NHA para sa mga pamilyang matatamaan ng mga ipapatayong
proyekto ng gobyerno.
Programang Pangkalusugan
 Nasa likod ng pag-unlad na ito sa kalusugan and Department of Health (DOH) sa
pamamagitan ng sari-saring programang pangkalusugan na inilulonsad taon-taon.
Nangunguna ito sa paggawa sa pampublikong pagamutan, ospital at pagbibigay ng mga
medical mission at seguro sa pasyenteng maralita.
 Sa pamamagitan ng seguro o insurance, nagkakaroon ng panustos sa mga gastusin sa
ospital ang mga pasyente. Ipinamamahagi ng pamahalaan sa lahat ng mamamayan sa
bansa ang libreng seguro sa pamamagitan ng Philippine Health Insurance Corporation
(PhilHealth).
Programang Pangedukasyon
 Pinamamahalaan ng Department of Education (DepEd) at Commission of Higher Education
(CHED)ang Sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
 Umunlad ang larangan ng edukasyon dahil sa programang tinatawag na K to 12 Kurikulum.
Sa ilalim nito, ang lahat ng mag aaral ay magkakaroon ng mga larangan o track na nais
nilang kunin pagkatapos ng kanilang pag-aaral.
 Ang elementarya sa ilalim ng K to 12 ay nagsisimula sa Grade 1 at nagtatapos sa Grade 6.
 Samantalang ang sekondarya naman ay nagsisimula sa Grade 7 at nagtatapos sa Grade
12, matapos nito ay maaaring ituloy ng estudyante ang pag-aaral sa kolehiyo.
 Bukod sa kurikulum, magpapagawa ang pamahalaan ng mga dagdag na pampublikong
paaralan at aklatan. Kasama na rin sa pagpapaunlad ng mga paaralan at kurikulum ang
pamamahagi ng mga iskolarsyip o tulong para sa mga mahuhusay na mag-aaral.

Programang Pangtransportasyon
 Pinamamahalaan ito ng Department of Transportation. Ang mga dyipni ay pinakatampok na
anyo ng pampublikong transportasyon sa Pilipinas, at naging simbolo ang mga ito
ng kultura ng bansa.
 May ilang mahahalagang programang pangtransportasyon at pangimprastraktura na
kasalukuyang pinauunlad ng pamahalaan tulad ng pagsasaayos ng mga kalsada,
pagpapalit ng mga bagong tren, pagbubuo ng mga daluyang tubig at marami pang iba.
 Nangunguna ngayon sa mga proyektong isinasagawa sa buong bansa ay ang pagtatayo ng
mga sumusunod: sistemang roll-on/roll-off (RORO) sa mga pangunahing pantalan, ang
Light Rail Transit Line 2 (LRT 2) at ang Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA
3)
Iba pang Programa at Serbisyo
 Maraming programa at serbisyo ang pamahalaan para sa mga mamamayan ng bansa na
nakabubuti para sa pag-unlad ng pamumuhay ng lahat.
 Sa larangan ng agrikultura, nagpapamahagi ng mga bagong binhi ang pamahalaan sa
ilalim ng Department of Agriculture (DA) sa magsasakang nais magpatubo ng mga
masusustansyang pananim.
 Pinauunlad ng pamahalaan sa pangunguna ng Department of Energy (DOE) ang mga
pangangailangang pang-enerhiya ng bansa sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga planta
ng kuryente tulad ng mga geothermal powerplant, dam, wind farm at iba pa.

PANUKAT SA NATAMONG KARUNUNGAN


Maikling Pagsusulit
 Binubuo ng labinlimang katanungan
 Ito ay mayroong kabuuang tatlumpung (30) puntos
KARAGDAGANG NILALAMAN/BABASAHIN
Maaaring Panoorin
 Need to Know: Ano ang papel ng PhilHealth sa mga Pilipino?
(https://www.youtube.com/watch?v=oSBNJ5n4ys4)
 Brigada: Ano ang qualifications para sa libreng pabahay ng NHA?
(https://www.youtube.com/watch?v=BddIsuxybqQ)
 Ilang mga residente, nakalipat na sa pabahay sa Baseco | TeleRadyo
(https://www.youtube.com/watch?v=kf26MTLYIqg)

MGA SANGGUNIAN
Nailathalang Hanguan
 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino nina Bernales, R. et. al.
Hanguang Elektroniko
 ANG PAMANA: Build, Build, Build Infrastructure Program ni Pangulong Rodrigo Duterte
| #SONA2021 (https://www.youtube.com/watch?v=uRNks6i9Yag)
 Bawal Ang Pasaway: Paano mapakikinabangan ang libreng tuition sa kolehiyo?
(https://www.youtube.com/watch?v=Ig9nAuqod-w)
 Lahat ng Pilipino, awtomatiko nang miyembro ng PhilHealth sa bisa ng bagong-pirmang
batas ni PDu30 (https://www.youtube.com/watch?v=ebjK3pA39P0)
 Need to Know: Ano ang papel ng PhilHealth sa mga Pilipino?
(https://www.youtube.com/watch?v=oSBNJ5n4ys4)
 Brigada: Ano ang qualifications para sa libreng pabahay ng NHA?
(https://www.youtube.com/watch?v=BddIsuxybqQ)
 Ilang mga residente, nakalipat na sa pabahay sa Baseco | TeleRadyo
(https://www.youtube.com/watch?v=kf26MTLYIqg)

Inihanda nina:

Rizalyn M. Bautista
Instructor I

Jeremias Mendoza
Instructor I

You might also like