Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG APAT NA MAGKAKAPATID

Isang araw sa isang maliit na baryo may nakatirang isang matandang lalaki
na mangingisda kasama ang apat niyang mga anak na sina Kole, Rob, Alex at
Harry. Dahil sa kahirapan sila inatasan ng kanilang ama na maghanap na ng
kanilang mga trabaho at dahil walang alam na trabaho ang magkakapatid ang mga
ito ay nag-alinlangan at sila’y pinagpaliwanagan ng kanilang ama. Nagsimula ng
maglakbay ang magkakapatid at tinunton ang apat na daan sa magkakaibang
landas. Sa paglalakad ni Rob nakasalubong niya ang isang lalaki na bihasa sa
pagnanakaw at inalok ito at tinuruan hanggang maging bihasa ito. Si Kole naman
ay napunta sa isang bihasa sa binoculars at kanya itong tinuruan hanggang maging
bihasa. Si Alex naman ay naputa sa isang lalaki na magaling gumamit ng pana at
kanya itong tinuruan hanggang maging bihasa sa pagpana. Si Harry naman ay sa
isang mananahi at kanya itong tinuruan at nagging bihasa ito sa pananahi. Nang
muli silang magbalik sa kanilang ama ay kanya-kanya silang nagpamalas ng galling
sa harap ng kanilang ama.
Isang araw nakatanggap sila ng mensahe mula sa kaharihan ng hari na ang
prinsesa ay dinukot ng isang dragon. Kaya kumilos ang apat na magkakapatid para
iligtas ang prinsesa. Ginamit ni Kole ang galing niya sa binocular upang makita ang
kinalalagyan ng prinsesa. Si Rob ginamit ang bilis sa pagkuha sa prinsesa. Si Alex
naman ang kanyang pana para pabagsakin ang dragon at si Harry naman tinahi
ang pira-pirasong kahoy para gamiting balsa. Maayos nilang nailigtas ang prinsesa
at ng tanungin ng hari kung sino sa kanila ang pakakasalan ay nagsimula na silang
mag-away kaya ang naging desisyon ng hari ay wala sa kanila ang pakakasalan at
binigay na lamang ang kalahati ng kaharian. Kaya ang magkakapatid kasama ng
kanilang ama ay namuhay ng sagana at masaya.

You might also like