Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Maikling kwento

Ang buhay ng Pamilya Dionisio

Ang mag-anak na Dionisio ay nakatira sa bayan ng Lubao, Pampanga. Ang mag-asawang sina
Oscar at Tessie ay nagkaroon ng 4 na anak. Sila ay namumuhay ng simple lamang. Dumanas din sila ng
kahirapan dahil hindi palagian ang trabaho ng amang si Oscar sa pagmamaneho ng dyip. Si Tessie ay
umaasa na lamang sa tulong ng kanyang pamilya, ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Lahat ay
ginawa ng mag-asawa para mapalaki ang kanilang 4 na anak.

Dahil walang maayos na trabaho si Oscar, problema nila kung papaano nila papaaralin at
mapapatapos ng pag-aaral ang kanilang 4 na anak , dahil dito lumapit si Tessie sa kanyang mga kapatid at
magulang at humingi ng tulong. Kaya naman ang kapatid ni Tessie, na si Jessie kinuha ang dalawang anak
nito, ang panganay na si Phines at ang pangalawa sa panganay na si Fe. Dinala ang mga ito sa Maynila
upang papag-aralin ang mga ito. Naiwan sa pangangalaga ni Tessie ang 2 pa niyang anak na sa kalaunan
ay kinuha din sila ng kanilang mga tito at tita para paaralin din kagaya ng mga ate nila. Kaya naman sina
Phines at Fe ay nagsumikap sa kanilang pag-aaral upang makatapos at makatulong sa kanilang mga
magulang.

Si Phines ay nakapag-kolehiyo at nakatapos sa Unibersidad ng Pilipinas at si Fe naman sa


Unibersidad ng Centro Escolar sa tulong ng kanilang mga tito at tita. Nang makatapos na sa pag-aaral ang
dalawa ay tumulong naman sila sa kanilang mga magulang. Nakapag-abroad si Fe at si Phines ay
nagkaroon ng maayos na trabaho at nakapag-asawa ng isang dayuhan.

Dahil sa pagsusumikap ng magkakapatid natupad ang pangarap ng kanilang mga magulang na


magkaroon ng maayos na buhay . Ngayon ang mag-anak na Dionisio ay may maganda at malaking bahay
na at masaya na silang namumuhay sa America. Dahil sa kanilang tinatamasang karangyaan sa buhay
ngayon, sila naman ang tumutulong sa kanilang mga tito at tita na tumulong sa kanila noong sila ay
walang wala. Ito ang maikling kuwento ng mag-anak na Dionisio na aking mga tito at tita at mga pinsan.

You might also like