Ang Kuwento NG Pagong at NG Matsing

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

KUWENTO NG PAGONG AT NG MATSING T U L O N G S A P A G-A A R A L

Jose Rizal KUWENTO NG PAGONG AT NG


MATSING
1. Paano napalalalim ang
ISANG ARAW AY nakasagip ang pagong at ang matsing ng isang puno ng saging na lulutang-lutang sa kuwento ng
pagkakalarawan ni Rizal sa
mga alon ng isang ilog. Ang nasagip ay isang napakagandang puno, may mga malalapadna dahong pagong bilang babae, at sa
luntian at may mga ugat na para bagang kabubunot lamang ng isang bagyo. Ang puno’y iniahon nila matsing bilang lalaki?
2. Ano ang ibig sabihin ng
sa pampang. isteryotipo? Paano nagiging
“Ito’y paghatiin nating dalawa,” anang pagong, “at itanim ng bawat isa sa atin ang kani-kanyang isteryotipo ang pagong at
matsing sa loob ng
kaputol.” kuwento?
“Yao’y hinati nila sa gitna, at kinuha ng matsing, na siyang lalong malakas sa dalawa, ang dakong 3. Pag-aralan kung gaano
kaepektibo ang istruktura
itaas ng puno, sa pag-aakala niyang ito’y lalong madaling lalaki dahil sa may mga dahon na. Naiwan sa ng paligsahan sa
pagong, na siyang lalong mahina sa dalawa, ang dakong ibaba, na pangit sa paningin, bagama’t may pagpapadaloy ng banghay
ng kuwento.
mga ugat. Pagkaraan ng ilang araw, ay nagkasalubong sila.
“Ano ba, Ginoong Matsing,” anang pagong, “kumusta ang inyong punong-saging?”
“Sa aba ko,” ang tugon ng matsing, “matagal nang namatay. At ang inyo, kumusta naman,
Binibining Pagong?”
“Aba, napakainam po; may mga dahon at may bunga. Ang masama lamang ay hindi ako makaakyat
upang pitasin iyon.”
“Huwag ninyong ikabahala iyan,” anang mapaghinalang matsing, “ako ang aakyat at pipitasin
ko ang mga bunga para sa inyo.”
“Para na ninyong awa, Ginoong Matsing,” ang boong pasasalamat na tugon ng pagong.
At silang dalawa’y nagtungo sa bahay ng pagong.
Pagkakitang-pagkakita ng matsing sa mga dilaw na dilaw nabungang nakabitin sa pagitan ng
malalapad na luntiang dahon, ay umakyat agad at nagsimulang, mamitas, nanginain at lumulon nang
buong bilis na maaaring magawa niya.
“Nguni’t bigyan mo naman ako ng ilan,” ang samo ng pagong nang makitang hindi siya pinapansin
kahit bahagya ng matsing.
“Kahit na kapirasong balat kung ito’y maaaring makain ay hindi kita bibigyan,” ang pakli ng
pagong na ang magkabilang pisngi’y namumuwalan sa saging.
Nag-isip-isip ang pagong kung paano siya makapaghihiganti. Tumungo siya sa ilog, namulot ng
ilang matutulis na susô at ang mga ito’y itinusok niya sa paligid-ligid ng punong-saging. Pagkatapos
ay nagtago sa ilalim ng isang bao. Nang bumaba ang matsing, ay napagtimo ang buong katawan niya
at nagdurugo.
Hinanap niya ang pagong, at natagpuan niya pagkaraan ng matagal na paghanap.
“Ikaw, hamak na nilikha, narito ka pala!,”anya. “Dapat kang magbayad ngayon sa iyong kasamaan;
dapat kang mamatay. Datapwa’t sa dahilang napakagandang loob ako, ikaw na ang papipiliin ko ng
uri ng kamatayang iyong mananais. Ikaw ba’y babayuhin ko sa isang lusong o itatapon kita sa tubig?
Alin ang pinipili mo?”

T R A D I S Y U N A L 39
“Ang lusong, ang lusong,” ang tugong ng pagong, “ako’y
takut na takot na malunod.”
“Aha!,” ang halakhak ng matsing, “siya nga ba? Natatakot
kang malunod! Kung gayon ay lulunurin kita.”
At tumungo sa baybayin ng ilog ang matsing, iwinasiwas
ang pagong at inihagis ito sa ilog. Nguni’t hindi nagluwat at
lumitaw ang pagong na lumalangoy at humahalakhak sa
napaglalangang mapanlinlang na matsing.

40 H U L A G P O S

You might also like