Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 13

GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan

Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

CvSU Vision CvSU Mission


The premier university Republic of the Philippines Cavite State
in historic Cavite recognized CAVITE STATE UNIVERSITY University shall provide
for excellence in the excellent, equitable and
development of morally Imus Campus relevant educational
upright and globally Cavite Civic Center, Palico IV, City of Imus,Cavite 4103 opportunities in the arts,
competitive individuals. (046)686-7607/ (046) 471-6607 science and technology
through quality instruction
www.cvsu.edu.ph and responsive research and
development activities.
It shall produce
professional, skilled and
morally upright individuals
for global competitiveness.

Modyul Blg. 1

Matapos ang aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


1. Magkaroon ng ebalwasyon sa kredibilidad, awtensidad, at pinanggalingan ng mga
primaryang batis.

I. Kabuluhan at halaga ng kasaysayan

Ano ang kasaysayan?

Ang kasaysayan ay ang record ng magkakasunod at importanteng pangyayari (na


nakaaapekto sa isang tao, bansa, o isang institusyon) na madalas na may kaakibat na
paliwanag sa mga sanhi nito. Ito ang tinatanggap na kahulugan ng karamihan ng tao kaugnay
sa kasaysayan ngunit hindi lamang ito pag-aaral sa mga nakaraan na pangyayari sa mundo
kung hindi ay pag-aaral din sa mga sanhi at mga bunga na mga pangyayari na ito.

Ang kasaysayan ay malaking bahagi sa bawat aspekto ng pamumuhay ng tao. Hindi lamang
ito naiiwan sa apat na sulok ng silid aralan. Ito ay hindi lang pagtatala ng mga mahahalagang
gawa ng mga dakilang tao, ito rin ay importante sa mga ordinaryong tao upang masuri ang
mga sitwasyon na kanilang hinaharap sa pagsilip sa mga rekord ng nakaraan.

lIang halimbawa kung paano nagagamit ang kasaysayan sa sa iba’t ibang aspekto ng
pamumuhay ng tao ay:

▪ Mga tala ng importanteng kaganapan sa nakaraan


▪ Mga medical na record
▪ Mga larawan at mga kwento
▪ Mga tala ng panalo at talo ng iyong paboritong kupunan sa isport
▪ Record ng marka ng isang mag-aaral
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Ang salitang “history”, kasaysayan sa Filipino, ay nagmula sa Greyigong salita na “historia”


na nangangahulugan na magtanong o magsiyasat.

Ang kasaysayan ay hindi lamang simpleng pagtatala ng mga pangyayari, isang malaking
bahagi nito ay ang pag-iimbestiga sa katotohanan sa likod ng napakadaming record na
mayroon.

Sa wastong na pag-aaral ng kasaysayan na nakatanim sa pagbuo ng mga tanong, pagsusuri


sa nakaraan at pagberipika ng mga ebidensya na naglalayon na mahanap ang iisang
katotohanan o maging mas malinaw ang isang bahagi ng nakaraan, tayo ay magkakaroon ng
mas malinaw na larawan sa buhay ng mga tao sa nakaraan at pag-unawa sa mga pangyayari
sa kasalukuyan.

Hindi na simpleng paglalahad lamang ng isang pangyayari ang kasaysayan. Ang pagtingin sa
iba’t ibang perpekstibo ay mahalagang gawin.

Iba pang mga pakahulugan sa kasaysayan:


History is defined as a documented record of man and his society.
(Gray, 1956, pp.1-3).
As a field of study, history is a study of man and his achievements
from the beginning of written records to the present.
As a literary form of history is an effective presentation of the
unfolding events. But as a type of literature history falls under nonfiction work.
History comes from social history which defines it as a record of
events showing the evolution of man and his society from the earliest
and from the age of barbarism to what he is today.

Tignan natin ang kasalakuyang kasaysayan ng ating bansa, marami ang di nagkakasundo
kung sino ang mga bayani o traydor sa kasaysayan dahil sa iba’t ibang pananaw at ebidensya
na mayroon ngayon. Ito ay nagpapakita na mahirap makamit ang katotohanan ngunit mayroon
tayong instrumento upang masuyod natin ang mga iba’t ibang kwento at edidensya, ito ay ang
pagsusuri ng kasaysayan.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Bakit mahalaga pag-aralan ang kasaysayan?

- Para malaman ang nakaraan


Sa pag-aaral ng kasaysayan matutunan mo ang mga paghihirap at tagumpay ng
sangkatauhan. Ito ay maaring magbigay ng inspirasyon sa isang tao na gumawa ng
kabutihan o magturo sa kanya na umiwas sa mga bagay na naglalantad sa kahinaan
at kasamaan ng sangkatauhan at upang hindi na muling ulitin ang mga maling ginawa
ng ating ninuno.
- Upang maunawaan ang kasalukuyan
Ang pagsusuri ng kasaysayan ay magbibigay sa isang tao ng pagkaunawa sa
kasalukyang sitwasyon ng daigdig. Ang mga kinakaharap na suliranin ng mundo ay
hindi lamang biglang lumitaw isang araw, ito ay nagmula sa nakaraan. Pagkamulat sa
kasalukyan ay makakatulong upang pagbutihin pa ang hinaharap.

- Upang mapalawak ang perspektibo at pang-unawa


Ang pag-aaral ng kasaysayan ay nagbibigay ng pagkakataon sa isang tao upang
makilala ang ibang lipunan, ibang kultura, at ito ay makakatulong sa isang tao na
maunawaan ang pananaw ng iba. Ang pagkabuo ng empatiya sa iba ay nakaugat sa
pag-unawa sa iyong kapwa.
- Upang makapagkamit ng isang isip na mapanuri
Ang pag-aaral sa problema at sa kanilang solusyon ay importante sa pag-aaral ng
kasaysayan. Mauunawaan mo ang mga ugat ng mga kontemporyayong isyu. Ang
pagkaunawa sa nakaraan ay makakatulong sa iyo sa pagharap sa mga suliranin sa
kasalukuyan at sa hinaharap.

Gawain Blg. 1 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa malinis na papel
ang inyong mga sagot at kunan ng retrato o gamitin ang app na Camscanner. Ipasa ito
nang naka PDF format sa ating Google Classroom.

1. Ano ang kasaysayan? Ano ang iyong sariling pagkakaintindi sa kasaysayan bago mo
nabasa ang paliwanag sa talakayang ito?
2. Sa papaanong paaran mo magagamit ang kasaysayan sa inyong pangaraw-araw na
pamumuhay?
3. Base sa inyong pagunawa, Ipaliwanag ang pahayag na ito ni Dr. Zeus Salazar sa
kanyang pakahulugan sa kasaysayan:
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

“Ang KASAYSAYAN ay SALAYSAY hinggil sa nakaraan o nakalipas na may SAYSAY


– kahulugan, katuturan, at kabuluhan – sa SARILING LIPUNAN at KULTURA o
kabuuang kinabibilangan. Ito ay iniuulat gamit ang mga konsepto at kategorya ng
sariling kultura.” (Salazar, 1999)

II. Primarya at Sekundaryang Batis; Panloob at panlabas na kritisismo

Ano ang mga Batis?

Sa isang akda na may titulong, Understanding History, Gottschalk (1950) tinatalakay ang
kahalagahan ng mga batis para sa mga nag-aaral ng kasaysayan, at mga historyador sinabi
niya na:

“The historian, however, has to use many materials that are not in books. Where these are
archeological, epigraphical, or numismatical materials, he has to depend largely on museums.
Where there are official records, he may have to search for them in archives, courthouses,
government libraries, etc. Where there are private papers not available in official collections,
he may have to hunt among the papers of business houses, the muniment rooms of ancient
castles, the prized Possessions of autograph collectors, the records
of parish churches, etc. Having some subject in mind, with more or less definite delimitation
of the persons, areas, times, and functions (i.e., the economic, political, intellectual, diplomatic,
or other occupational aspects) involved, he looks for materials that may have some bearing
upon those persons in that area at the time they function in that fashion. These materials are
his sources. The more precise his delimitation of persons, area, time, and function, the more
relevant his sources are likely to be.” (52—53)

Nanggagaling sa mga historikal na batis ang ating kasaysayan at ito ay labis na nakatutulong
sa kung papaano natin maiintindihan ang nakaraan. Ngunit anu-ano nga ba ang mga iba’t
ibang uri ng batis? Meron tayong dalawa: ang primarya at sekundaryang batis.\

Primaryang Batis

Bahagi ng pag-aaral ng kasaysayan ang pagkilala sa mga bagay na pinagkukunan ng mga


tala at datos upang lubos na maunawaan ang kronolohiya, saysay at katibayan ng mga
kaganapan. Matapos na magbigay ng paksa ay isinasaalang-alang ng mga historyador ang
mga
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

batis o sanggunian ng kasaysayan. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga


sangguniang
pangkasaysayan sa pagtitiyak ng mga konklusyon at naratibo ng nakaraan. Dahil dito,
mahalagang kilalanin ang dalawang uri ng sangguniang pangkasaysayan na magsisilbing
batayan sa pagsulat ng kasaysayan.

Pangunahing sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan ang mga tinatawag na primaryang


batis. Ang mga ito ay ang bagay at mga tala na naglalaman ng impormasyon na galing mismo
sa
bagay o tao na pinag-uusapan sa kasaysayan (de Viana, n.d.). Nangangahulugan na ang
mga ito ay mga uri ng bagay na umiral kasabay ng mga pangyayaring tinatalakay.

Ang mga primaryang batis ay maaaring uriin sa dalawa: nakasulat at ‘di-nakasulat. Ang mga
nakasulat na primaryang batis ay mga dokumento na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan,
tala, opinyon, pananaw, at damdamin ng may-akda. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang mga
sumusunod:

a. Talaarawan- tinatawag din itong diary o journal. Ang mga ito ay naratibo ng mga
kaganapan na inakda ng mga tao na mismong nakaranas at nakasaksi sa mga pangyayari.
Kadalasan na ito ay isinusulat ng may-akda araw-araw. Isang halimbawa nito ay ang diary ni
Hen. Gregorio del Pilar na naglalarawan ng kanyang karanasan sa pakikibaka sa mga
Amerikano. Nagtapos ang kanyang pagsusulat nang siya ay mapaslang ng mga Amerikano
sa Pasong Tirad.

b. Awtobiograpiya- tinatawag din itong talambuhay na isinulat ng may-akda na


pumapatungkol sa kanyang sarili. Mahahalagang mga kaganapan, lugar, tao at mga
pangyayari ang kadalasang paksa ng nasabing akda.

c. Liham- ito ay ang mga sulat ng may-akda na naglalaman ng mensahe, pananaw o


damdamin na nais niyang iparating sa taong kinauukulan. Halimbawa nito ay ang Liham ni
Rizal sa Kadalagahan ng Malolos na may petsang Pebrero 22, 1889. Dito pinapurihan ni Rizal
ang kagitingan at katapangan na ipinamalas ng kadalagahan ng Malolos na umalpas mula sa
pagkaalipin ng kamangmangan sa pamamagitan ng paghiling nila sa gobernador-heneral na
makapagtayo ng isang paaralan na magtuturo ng wikang Espanyol.

d. Diyaryo/Pahayagan- isang dokumento na inilathala at inilimbag kaalinsabay ng mga


isyung panlipunan na tinatalakay sa mismong pahayagan. Maaari rin itong maglaman ng ulat
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

ukol sa mga kaganapang pulitikal, pang-ekonomiko at panlipunan. Tumatalakay din ang mga
pahayagan sa mga opinyon at pananaw ng mga eksperto sa isang partikular na isyu. Isang
halimbawa ng pahayagan ay ang Diariong Tagalog, na pinamatnugutan ni Marcelo H. del
Pilar. Ito ang kauna-unahang bilingguwal na pahayagan na nasusulat sa wikang Tagalog at
Espanyol (Almario, 2015). Isiniwalat ng nasabing pahayagan ang
pang-aabuso ng mga prayleng Kastila at ang pagmamalabis ng mga opisyal ng gobyernong
kolonyal.

e. Memoir- isa itong uri ng primaryang batis na naglalarawan ng mga pangyayari habang
bumabanggit ng kanyang sariling kuro-kuro ang may-akda. Ipinapaliwanag ng may-akda ang
isang kaganapan sa paraang naratibo gayundin ang paglalahok niya ng kanyang opinyon
base sa kanyang paniniwala. Isang sikat na memoir ay ang The Philippine
Revolution o ang La Revolucion Filipina na inakda ni Apolinario Mabini. Tinalakay niya rito
ang pagtatagumpay ng Himagsikang Pilipino laban sa mga Espanyol gayundin ang
pagtatatag ng isang Republika na kinikilala ng mga bansa sa Asya at sa Europa noong 1899.

f. Mga Ulat- Kadalasang mga opisyal na dokumento ang mga ulat na nanggaling sa
isang grupo ng tao na naglalayong maghatid ng impormasyon ukol sa isang partikular na
kaganapan. Ginagamit ang mga ulat sa mga imbestigasyon o sa mga pagdinig upang
magamit na basehan ng hakbangin ng pamahalaan. Halimbawa ng ulat ay ang dokumento na
inilabas ng Agrava Fact-Finding Commission na nagsiyasat sa mga kaganapan ukol sa
pagpaslang kay dating Senador Benigno Aquino Jr. noong 1983. Ginamit ang ulat ng
Komisyong Agrava sa pagsasampa ng kaukulang asunto sa Sandiganbayan laban sa mga
opisyal na pinaniniwalaang sangkot sa nasabing pagpaslang. Ilan pang halimbawa ng ulat ay
ang mga ulat ng lupon na ginagamit ng mga mambabatas sa pamahalaang lokal bilang
basehan ng mga ordinansa at gawaing lehislasyon.

g. Mga Talumpati- isa ring uri ng primaryang batis ang mga talumpati. Ito ay ang mga
pahayag na binigkas sa mga mahahalagang okasyon, pagtitipon, gawaing panrelihiyon o
pulitikal. Kinakailangan na malathala ang mga nasabing talumpati bago mauri bilang
nasusulat na primaryang batis. (de Viana, n.d.) Sa bisa ng Artikulo 2 ng Kodigong Sibil ng
Pilipinas, minamandato ang paglalathala ng mga mahahalagang talumpati sa Official Gazette,
ang opisyal na pahayagan ng pamahalaan ng Pilipinas. Ilan sa mga nalathala ay ang mga
talumpati ng Pangulo sa ilang mahahalagang pagdiriwang. Maaari ring isama sa mga
talumpati ang mga privilege speech ng mga mambabatas na nailalathala naman sa mga
dokumento ng Kongreso na tinatawag na journal.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

h. Opisyal na mga Dokumento- bahagi ng gampanin ng pamahalaan ang maglathala ng


mga opisyal na dokumento na naglalaman ng mga mahahalagang kalatas, anunsyo o
mandato. Dahil dito, nagagamit ang mga opisyal na dokumento bilang primaryang batis. Ilan
sa mga ito ay ang mga orihinal na kopya ng mga batas na ginawa ng Kongreso at
pinirmahan ng Pangulo gayundin ang mga desisyon ng hudikatura, kalatas ng mga
administratibong ahensya ng gobyerno, at iba pang mga katulad nito. Halimbawa ng mga
opisyal na dokumento ay ang Acta de la Proclamacion de la Independencia del Pueblo
Filipino na inakda ni Ambrosio Rianzares Bautista at binasa kaalinsabay ng deklarasyon ng
kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898. Isa ring primaryang batis ang Proclamation No.
1081 ni dating Pangulong Marcos na nagdedeklara na ang buong bansa ay nasa ilalim ng
Batas Militar.

i. Mga Kasunduan- kinokonsidera ring primaryang batis ang mga kasunduan na


nilagdaan ng mga pinuno ng pamahalaan o ng mga samahan. Isang halimbawa ng kasunduan
ay ang Kasunduan sa Biak-na-Bato na nilagdaan ng mga kinatawan ng pamahalaang
rebolusyonaryo at gobyernong kolonyal ng mga Espanyol.

Ang mga primaryang batis naman na inuuri bilang ‘di-nakasulat ay yaong mga hindi
matatagpuan sa anyong pasulat. Ito ay mga bagay o gamit na naiwan ng isang kaganapan
na naging saksi sa mga pangyayari. Ito ay maaaring ginamit ng mga tao sa isang partikular
na panahon at mga ebidensya ng pag-iral ng isang tao at pangyayari. Ang mga halimbawa
nito ay ang mga sumusunod:

a. Artipakto- ito ay tinatawag ding liktao na halaw sa aklat ni Prop. Zeus Salazar na nalathala
noong 2004. Ito ay mga bagay na nahukay ng mga arkeologo mula pa sa unang panahon na
ginamit at hinubog ng tao ayon sa kanilang kultura. Ilan sa mga halimbawa ng artipakto ay
ang balangay, isang uri ng sinaunang sasakyang
pandagat na nahukay at natagpuan sa lungsod ng Butuan noong 1978. Ang
balangay ay isang katunayan na may kakayahan at kahusayan na ang mga sinaunang
Pilipino sa pagsasagawa ng malalaking sasakyang-pandagat na sumasalamin sa
kabihasnang maritimo bago pa man ang pagdating ng mga Europeo. Isa rin halimbawa ng
artipakto ang hikaw na natagpuan sa Yungib Duyong ng Palawan na tinatawag na
Lingling-o na sumisimbolo sa karangyaan ng sinaunang pamayanang Pilipino.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

b. Relikya- ito ay mga labi ng mga bagay na may buhay gaya ng tao, hayop, halaman at iba
pa. Ito ay maaaring mga buto ng hayop at tao o mga bakas (imprints) ng mga halaman sa
mga yungib o bato. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang buto ng daliri sa paa (metatarsal) ng
Taong Callao na natagpuan sa Yungib Callao sa Cagayan. Ayon sa mga eksperto, ito ay
tinatayang may 67,000 taon na. Isa pa ring halimbawa ng relikya ay ang natagpuang
bagang (molar) ng stegodon. Ito ay isang dambuhalang elepante na tinatayang nabuhay sa
Pilipinas. Ang nasabing relikya ay natagpuan sa Hilagang Luzon.

c. Kasaysayang Oral- isang uri ito ng primaryang batis na ‘di-nakasulat. Ito ay ang mga
sali’t saling pahayag, kwento, o salaysay na maaaring tiyak o hindi tiyak ang pinagmulan.
Halimbawa ng mga kasaysayang oral ay ang mga alamat, epiko, sawikain, bugtong, at
kwentong bayan. Halimbawa ng mga ito ay ang Biag ni Lam-ang, isang Ilokanong epiko na
binigyang bikas ni Pedro Bukaneg.

d. Larawan at dibuho- Ang mga ito ay nagsisilbing primaryang batis. Ito ay bunga ng mga
likha ng tao sa pamamagitan ng dunong at teknolohiya. Ebidensya ang mga larawan sa
pagpapatibay na ang mga tao ay naroon nga sa binabanggit na lugar o pagtitiyak na naganap
nga ang isang pangyayari. Ilan sa halimbawa ng dibuho ay ang Spolarium ni Juan Luna na
nakatanghal ngayon sa Pambansang Museo ng Pilipinas. Ipinapakita ng dibuhong ito ang
karahasan at pang-aabuso ng mga mananakop na Espanyol sa mga Pilipino. Isa namang
halimbawa ng larawan ay ang larawan ng tatlong propagandistang sina Dr. Jose P. Rizal,
Marcelo H. del Pilar at Mariano Ponce habang sila ay nasa Europa.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Sekundaryang Batis

Sa kabilang banda, ang mga sekondaryang batis naman ay mga lathalain na nakaangkla sa
mga tala at impormasyon halaw sa primaryang batis. Binibigyang-diin dito ang pagsangguni
ng mga sekondaryang batis sa mga primaryang batis bilang pinagmulan ng mga ito o mga
batayang aklat, brochure at magazine ay halimbawa ng sekondaryang batis. Dagdag pa rito
ang mga nalathalang artikulo sa internet. Nakakatulong ang mga sekondaryang batis
upang makilala ng mga mananaliksik ang mga primaryang batis. Nakakaambag sa paunang
kaalaman ng mga mananaliksik ang pagkakilala nila sa mga sekondaryang batis upang mas
maunawaan ang nilalaman, konteksto at naratibo ng mga primaryang batis (Navarro, 2000).

REPOSITORYO NG MGA SANGGUNIANG BATIS

Ang mga sangguniang batis na ito ay tinipon at kinalap ng mga mananaliksik, historyador at
mga arkeologo. Ang mga ito, maaaring primarya o sekondaryang batis man ay maaaring
matagpuan sa mga sumusunod na repository sa Pilipinas:

Pambansang Museo ng Pilipinas (National Museum of the Philippines) - matatagpuan sa


Lungsod ng Maynila at dating gusaling lehislatibo ng
pamahalaang Komonwelt. Nakalagak dito ang mga sikat na primaryang
batis gaya ng bahagi ng balangay mula sa Lungsod ng Butuan, ang dibuhong Spolarium ni
Juan Luna, ang bangang Manunggul, at ang hikaw na Lingling-o.

Pambansang Sinupan (National Archives of the Philippines) - Nakalagak dito ang mga
opisyal na dokumento gaya ng

Gusali ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas (Cultural Center of the


Philippines) – nakalagak sa repositoryong ito ang mga dokumento na may kinalaman sa mga
Pambansang Alagad ng Musika at Teatro na si Honorata “Atang” dela Rama.

Gusali ng National Historical Commission of the Philippines- kinalalagakan ng mga


mahahalagang pahayagan, peryodiko at mga aklat na mga mapagkakatiwalaang manunulat
ng kasaysayan ng Pilipinas.

Pambansang Aklatan ng Pilipinas ( National Library of the Philippines)


– tahanan ng mga mahahalagang aklat, dokumento, artikulo, pahayagan at
peryodiko kagaya ng mga orihinal na kopya ng mga nobela ni Rizal na
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Intramuros Administration- isang ahensya na nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo


ng Republika ng Pilipinas na nangangalaga ng mga dokumento at gamit na gumanap ng
malaking papel sa kasaysayan ng Intramuros.

Mga museo at aklatang lokal- karaniwan na may mga aklatan at museo ang mga
lalawigan at bayan sa Pilipinas. Isang halimbawa nito ang Aklatang Panlalawigan ng Bulacan
na naglalaman ng mga aklat,
peryodiko at artikulo na may kinalaman sa kalinangan at kasaysayan ng Lalawigan ng
Bulacan. Gayundin ang Museo ng Kasaysayang Pampulitika ng Pilipinas na nasa Dambana
ng Casa Real sa Lungsod ng Malolos. Itinatanghal ng nasabing museo ang iba’t ibang tagpo
sa kasaysayang
pampulitika ng Pilipinas mula sa pagtatatag ng mga kabihasnan sa ilaya at ilawud hanggang
sa pagkakamit ng soberanyang tinatamasa ng bawat mamamayang Pilipino sa kasalukuyan.

Pambansang Dambana- ang mga dambana ay lugar kung saan nakahimlay ang mga
labi ng mga kinikilalang bayani ng bayan. Kadalasan na may mga museo rin na matatagpuan
sa mga ito. Isang halimbawa ng dambana ay ang Dambana ni Gat. Marcelo H. del Pilar na
matatagpuan sa Brgy. San Nicolas, Bulakan, Bulacan. Dito ang pook-kapanganakan ni del
Pilar na ipinasunog ng mga Espanyol, muling ipinatayo at ipinaayos ng
pamahalaan, at kinalalagakan ng kanyang mga labi na buhat pa sa Barcelona, Espanya.

Nagsisilbing lagakan ng mga primarya at sekondaryang batis ang mga gusaling ito. Itinuturing
na yaman ng bayan ang mga primaryang batis maski ang mga repositoryo kung saan ito
matatagpuan. Kung kaya, masidhi ang pag-iingat na hinihingi ng pamahalaan sa mga mag-
aaral, mananaliksik at historyador na nagsasadya sa mga repositoryo.

Panlabas na Kritisismo
Isang uri ng historikal na pananaliksik na pinalolooban ng pagsusuri ng mga pinanggalingan
ng dokumento.

Panloob na Kritisismo
Pagsusuri ng ebidensya base sa kahulugan at pagiging tunay ng mga datos ng dokumento.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Pagkakaiba ng Panlabas at Panloob na Kritisismo


Ang panlabas na kritisismo o external criticism sa wikang Ingles ay tumutukoy sa isang uri ng
pangkasaysayang pananaliksik kung saan ito ay pinapalooban ng mga pagsusuri ng mga
pinagmulan ng dokumentong gagamitin. Samantala ang panloob na kritisismo o internal
criticism sa wikang Ingles ay tumutukoy sa mga pagsusuring ginagawa sa mga kalakip na
ebidensya depende sa kahulugan nito, gayundin sa proseso ng pagsusuri sa mga datos ng
dokumento. Ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng panloob na kritisismo ay upang
masuri ang pagiging tunay ng bawat dokumento.

Gawain Blg. 2 Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa malinis na papel
ang inyong mga sagot at kunan ng retrato o gamitin ang app na Camscanner. Ipasa ito
nang naka PDF format sa ating Google Classroom.

1. Ano ang pagkakaiba ng primarya at sekundaryang batis?


2. Bakit mahalaga ang primaryang batis sa pag-aaral ng kasaysayan?
3. Ano ang gamit ng sekundaryang batis?
4. Sa kasalukuyan, sa paanong paraan mo susuriin ang isang pangyayari if merong
dalawa o higit pang mga sinasabi mula sa iba’t ibang mga batis?

Gawain Blg. 3 Basahin at suriin ang mga teksto at suriin nang mabuti ang pagkakaiba
ng dalawang teksto. Isulat sa malinis na papel ang inyong mga sagot at kunan ng
retrato o gamitin ang app na Camscanner. Ipasa ito nang naka PDF format sa ating
Google Classroom.

Ang mga babasahin na ito ay tumatalakay sa mga labi ng mga pinaniniwalaan noon na
pinakaunang tao sa Pilipinas – Ang Tabon Man.

• Robert B. Fox. The Tabon Caves: Archaeological Explorations and Excavations on Palawan
Island, Philippines (Manila, 1970) p. 40.
Tabon Man — During the initial excavations of Tabon Cave, June and July, 1962, the scattered
fossil bones of at least three individuals were excavated, including a large fragment of a frontal
bone with the brows and portions of the nasal bones. These fossil bones teere recovered
towards the rear of the cave along the left of the wall. Unfortuvately, the area in the human
fossil bones were discovered had been disturbed by Magapode birds. It was not possible in
1962 to establish the association of these bones with a specific flake assemblage. Although
they were provisionally related to either Flake Assepnblage Il or Ill, subsequent excavations
in the same area now strongly suggest that the fossil human bones were associated teith
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Flake Assemblage Ill for only the flakes of this assemblage have been found to date in this
area of the cave. The available data would suggest that Tabon Man may be dated from 22,000
to 24,000 years ago. But, only further excavations in the cave and chepnical analysis of human
and animal bones from disturbed and undisturbed levels in the cave will define the exact age
of the human fossils.
The fossil bones are those of Homo sapiens. These will forlll a separate study by a specialist
which will be included in the final site report for Tabon Cave. It is important, however, because
of a recent publication (Scott, 1969), that a preliminary study of the fossil bones of Tabon Man
shows that it is above average in skull dilllensions when compared to the modern Filipino.
There is no evidence that Tabon Man was less brainy individual..[Scott (1969) 361.] Moreover,
Scott's study includes many "misstatements about the Tabon Caves, always the problem
when writers work from conversations.

• William Henry Scott. Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History
(Revised Edition) (Quezon City, 1984), pp. 14—15.

Tabon Man — The earliest human skull remains known in the Philippines are the fossilized
fragments of a skull and jawbone of three individuals who are collectively called "Tabon Man"
after the place where they were found on the west coast of Palawan. Tabon Cave appears to
be a kind of little Stone Age factory: both finished tools and waste cores and flakes have been
found at four different levels in the main chamber. Charcoal left from cooking fires has been
recovered from three of these assemblages and dated by C-14 to roughly 7,000 B.C., 20,000
B.C., and 28,000 B.C. with an earlier level lying so far below these that it must represent Upper
Pleistocene dates like 45 or 50 thousand years ago....Physical anthropologists who have
examined the Tabon skullcap are agreed that it belonged to modern man—that is, Homo
sapiens as distinguished from those mid-Pleistocene species nowadays called Homo erectus.
Two experts have given the further opinion that the mandible is "Australian" in physical type,
and that the skullcap measurements are mostly nearly like those of Ainus and Tasmanians.
What this basically means is that Tabon Man was "pre-Mongoloid, " Mongoloid being the term
anthropologists apply to the racial stock which entered Southeast Asia during the Holocene
and absorbed earlier peoples to produce the modern Malay, Indonesian, Filipino, and Pacific
peoples popularly—and unscientifically—called, "the brown race. " Tabon Man presumably
belonged to one of those earlier peoples, but, if decently clothed in flesh, T-shirt, and blue
jeans, might pass unnoticed in Quiapo today, whatever his facial features are concerned,
nothing can be said about the color of his skin or hair, or the shape of his nose or eyes—
except one thing: Tabon Man was not a Negrito.
GNED 04: Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan
Inihanda ni: G. Angel Jatneil B. Agualada, LPT

Mga Gabay na Tanong

1. Alin sa dalawang teksto ang primaryang batis, at alin sa dalawang teksto ang
sekundaryang batis?
2. Basahin at suriin nang mabuti ang mga teksto. Sino kaya sa palagay ninyo sa
dalawang may-akda ang mas kapani-paniwala ang naging pag-aaral tungkol sa Tabon
Man at Bakit?

Mga Sanggunian:

1. Louis Gottschalk, Understanding History, (pp. 41- 61; 117-170)

2. Howell and Prevenier, From Reliable Sources, (pp. 17-68)

3. Santiago Alvarez, Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General, (pp. 184-187)

4. Teodoro Agoncillo, History of the Filipino People, (pp. 184-187)

5. Robert Fox, The Tabon Caves, (pp. 40-44; 109- 119). [mga labí ng tao at mga artifak

6. William Henry Scott, Prehispanic Source Materials for the Study of Philippine History (pp.
90- 135)

You might also like