IMDD

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

IMDD: CHAPTER 1

May isang dalagang nakasuot pang-opisina ang biglaan at walang pigil na pumasok sa
pintuan. Nang tumama ng malakas sa pader ang naglalakihan at nagbibigatang dal'wahang
pintuan na gawa sa kahoy, lahat ng tao sa loob ng silid ay napatingin sa petite ngunit
makurbadang katawan ng dalaga habang ito ay kompiyansang naglakad papasok.

Si Evangeline Young.

Nakasuot ng bilugang salamin sa mata at malinis na nakataling pusod ang kanyang


mga buhok. Kung ito ay titignan nang buo, masasabing siya ay isang strikto at prankang
negosyante. Pero sa totoo, ay ganoon nga siyang klaseng tao.

“Evangeline, anong ginagawa mo rito?” Habang patayong tanong ni Samuel Young sa


kanyang upuan na makikita sa mahabang lamesa na siya ang namumuno. Ang mga
mata’y may bahid nang gulat at ang iba naman ay may nagtatakang mukha sa
pagdating ng dalaga. Ngayon ay nasa kalagitnaan ng pagpupulong si Samuel kasama
ang mga miyembro ng board sa loob ng kanyang mamahaling opisina.

“Ano ang ibig mong sabihin, Lolo? Ako dapat ang nagtatanong niyan sa’yo. Ano ang
ginagawa mo rito? Ako ang CEO ng kumpanyang ‘to at itatanong mo pa kung bakit ako
na rito?” Sunod-sunod na pagkakatanong ni Evangeline habang nalilito at ‘di
makapaniwalang emosyon ang bumakas sa kanyang maliit at magandang mukha.

“Eva, umalis ka na rito. Mag-usap na lamang tayo sa bahay. Huwag kang umakto na
walang modo at diretso na lang pumasok dito nang walang paalam.” Habang ito ay
paupo, winagayway nang pabalang ang kamay nito, senyas na pinapalis na siya sa
lugar na iyon.

Habang si Eva ay nakatayo lamang doon at mga mata ay gulat pero matigasan pa itong
nagtanong, “Lolo, nalilito pa rin ako. Kailangan ko ng paliwanag mo ngayon, dito mismo,
kung bakit mo ito ginagawa.” Nakakuyom ang mga palad sa galit at walang respetong
trato ng matanda sa kaniya. ‘Paano niya ako pinapaalis rito? Ako ang CEO for
goodness’ sake!’ inis na saad sa kaniyang isipan.
“Evangeline!” Sigaw ni Samuel nang maubusan ito ng pasensya sa babae. “Simula
ngayon, aalis ka na sa posisyon mo bilang CEO ng kumpanya ito. Nakapili na rin ang
board sa papalit sa’yo at siya na ang manunungkulan sa madaling panahon.”

Napawalang imik sa katahimikan si Eva sa kaniyang narinig. Sinigawan siya ng lolo


niya at pinatalsik bilang CEO? Sa harap mismo ng mga taong ‘to? Napatingin siya sa
lahat ng mga nakaupo roon habang ang katawan ay hindi pa rin makagalaw sa narinig.
Wala ni isa sa kanila na may bahid ng pagkagulat katulad ng nararamdaman niya
ngayon. Umiiwas na lamang ang mga ulo nito sa tuwing tumatama ang mata niya sa
kanila. Tila ba’y siya na lamang ang hindi pa nakakaalam...

“Anong sinabi mo? Tinatanggal mo ‘ko sa posisyon ko? Bakit?” Hindi pa ring
makapaniwalang tanong habang dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kinauupuan
ng lolo niya. ‘Hindi lahat ‘to makatwiran. Panaginip ba ‘to? Ako ang CEO ng XY
Corporation. Ako ang nagtaas at nagpalago sa kumpanyang ito. Kaya bakit ako
pinapaalis?’ Hindi talaga maintindihan ni Eva ang mga sinasabi ng kaniyang lolo kung
bakit ganito lalo na’t biglaan.

“Eva, umuwi ka na sa bahay. Kausapin na lang-“ Buntong hiningang sumagot si Samuel


sa kaniya pero hindi nagbigay ng sagot sa mga katanungan niya.

“No!” Bugsong inis na sagot ni Eva, ang mga daliri ay mas lalo pang kumuyom, at lalo
pang nagdagdag diin sa mga kukong bumabakas sa kanyang palad. “Kailangan ko ng
sagot ngayon din, lolo! Sabihin mo sa’kin… Ano ba talagang nangyayari? Sabihin-“

“Dahil hindi kita totoong apo! Ayan! Ayan ang dahilan!” Napupuyos nang galit at
pasigaw nitong sagot kay Eva, at napatayo na lamang ulit ito sa kaniyang kinauupuan.

Nanigas sa gulat si Eva. ‘Ano? Hindi ako totoong miyembro ng Young family? Baka
nakikipagbiruan lang si lolo sa’kin?’

Pailing iling pa ng kaniyang ulo sa pagtanggi, nilingon ni Eva ang mukha paharap kay
Samuel Young. “Lolo, anong sinasabi mo? Paano mo nasasabi ‘yan-“
“Lumabas kahapon ang resulta ng DNA test.” Pagputol na sagot ni Samuel kay Eva.
“Hindi ka namin kadugo. Hindi ko alam paano nangyari pero may imbestigasyon ng
sinasagawa.”

“Hindi, hindi pwede… Nagsisinungaling ka lang. Siguro may mali lang.” Pailing iling pa
rin ang ulo ni Eva. Pagkaila’y malakas pa rin ang tama at nagsimulang dahilan ng pag
nginig sa katawan.

“Ipapakita ko sa’yo ang DNA test result mamaya. Inulit ko nang maraming beses ang
test! Walang mali, Eva. Ngayon umalis ka na at hintayin mo ‘ko sa bahay.” Madiing
sagot ng matanda at tumalikod na ito bilang huling pag-uusap nila.

Nanginginig ang mga kamay ni Eva, ang mga likod ng palad ay namuti sa sobrang diin
sa pagkakakuyom nito. Nagtiim ng bibig at tumingin muli sa kaniyang lolo.

Kagat ang kaniyang pang-ibabang labi upang pigilan ito sa panginginig bago siya
magsalita. “So? Hindi lang ako kadugo, ay sinasabi mo rin bang hindi na ako
kwalipikadong maging CEO ng kumpanyang ‘to?”

Ang matanda ay umiwas na lamang ng tingin, dahilan ng mala kontrabidang tawa ni


Eva. “Hahaha.”

“Eva, ‘wag ka mag-anala. Magta-trabaho ka pa rin naman dito bilang isa sa mga
directors. Tutulungan mo ang kapatid-“ Pampalubag loob sanang sagot ni Samuel kay
Eva. “Oh. So, my dear younger sister ang siyang papalit sa akin? Hahaha.” Natatawang
saad muli ni Eva.

“Eva, ang-“ Bago lamang makapagsalita si Samuel, itinaas ni Eva ang isang kamay na
para bang siya ang nakatataas dito, at nagdulot sa pagtigil ngang sagot pa ng matanda
sa kaniya. May kung anong bahid ng delikadong pagliyab sa mga mata ng babae
habang ito ay tumingin ng tuwid sa matanda.

“Forget it, lo… oh, Mr. Young.” Mabilisan niyang pagpalit ng pagkilala sa kinilakihang
lolo niya. Isang mapait at masakit na ngiti ang kumurbasa kaniyang mukha. Ngunit hindi
ito nagtagal at napalitan ng mga matang nagbabanta habang nakatingin sa matanda.
“Makinig ka Mr. Chairman… Without me, itong XY Corporation ay masisira pababa
hanggang sa mawala. Mark. My. Words.” Panumpang pahayag ni Eva habang taas noo
siyang umalis ng silid na parang reyna at pabagsak na isinara ang mga pinto.

Sa isang clinic, nakaupo si Eva at taimtim na pinakatitigan ang resulta ng DNA test sa
kaniyang walang tigil sa panginginig na mga kamay. Mga labi ay mapait, mga mata’y
nagtutubig.

“So, ito nga talaga ang totoong dahilan kung bakit ang trato nila noong bata pa ay para
akong robot… at ang mga magulang pati na rin ang ibang kamag-anak ay malamig ang
pakikitungo sa’kin.” Bulong niyang salita sa sarili. Nagbabalik tanaw sa nakaraan,
naaala pa ni Eva ang mga oras na kasama ang kaniyang lola. Noon, naramdaman niya
na iba talaga ang pakikitungo ng mga magulang niya dahil lagi itong iwas at malamig sa
kaniya.

“La, galit ba sila mom at dad sa akin? Hindi nila ako binibisita rito at pati sa school, kahit
na sinabi na ng teachers.” Naaalala pang tanong ni Eva sa kaniyang lola noong bata pa
siya.

Sinagot naman siya ng matanda, “Sinasanay ka lang nila, Eva, para kayanin mo kung
gaano kalupit ang realidad ng mundo na isang araw na kahaharapin mo rin pagtanda
mo.”

“So, yung cold treatment nila ay parte ng training ko bilang isa sa magpapatakbo ng
family business?” Naaalala pa niyang sinusubukang maintindihan ang mga sinasabi ng
matanda sa kaniya.

“Yes, ayaw ka lang nilang sanayin dahil ayaw kanilang lumaki sa layaw at mahina.”
Paliwanag na sagot ng lola niya at naalala pa niya ang sarili na paniwalang paniwala sa
mga paliwanag nito.
Tinapos ni Eva ang pagbabalik tanaw sa nakaraan, ngumisi lamang siya habang nilukot
ang mga hawak na papel sa kamay. ‘Napaka tanga ko for believing you. Siguradong
alam na nilang lahat sa simula pa lang na hindi ako lehitimong anak, ‘di ba? Kaya hindi
sila nagpakita na kahit munting paki o pagmamahal sa’kin. Kinupkop at pinalaki lang
nila ako kasi alam nilang malaking asset ako sa kumpanya. At ngayong independent at
nasa pinakataas na pwesto na ang kumpaniya, banta na ako sa paningin nila kaya oras
na akong patalsikin? Papaalisin na nila ako dahil tapos na nila akong gamitin?’ Dahil
naliwanagan na si Eva at naintidihan na ang mga rason, mapait na lamang siyang
napangiti.

Pagkaalis sa clinic, natagpuan na lang ni Eva ang mabilis na pagmamaneho. May


sinusubukan siyang tawagan pero wala sumasagot dito. Mayroon pa ring pag nginig sa
kaniyang labi ngunit nakayanan niyang ipakita sa mukha na mahinahon siya. Nang
dumating na siya sa isang magara at mamahaling apartment, siya ay mabilis na
pumunta sa pinakataas na palapag nito. Habang sakay sa elevator at naghihintay na
makarating sa pinakataas na palapag, kagat-kagat ang hinlalaking daliri.

Nang tumunog ang elevator senyas na nakarating na siya sa kaniyang patutuguhan,


nagmamadali siyang lumabas at tumakbo sa unit na makikita sa pinakadulo ng hallway.
Mayroon na lamang nag-iisa sa kaniyang isipan sa oras na ‘yon at iyon ay ang makita at
makausap si Julian, ang kaniyang kasintahan o fiancé.

Pinindot niya ng password sa apartment ni Julian at nakapasok. Ngunit pagkasara na


pagkasara niya ng pinto at humarap sa loob ay bigla siyang nanigas sa bumungad na
red high heels sa bukana ng pasilyo.

Kabado, ngunit tahimik ang paglakad sa loob. Malakas ang tibok ng kaniyang puso
habang nilalapitan ang pinto ng kwarto ni Julian. Kumuha si Eva nang malaki at malalim
na hininga bago niya binuksan ang pinto.

Nanlaki ang kaniyang mga mata sa natuklasan niyang dalawang hubo’t hubad na tao
sa ibabaw ng kama nang walang hiyang nagtatalik na para bang mga hayop at init na
init. Nanigas sa kinatatayuan si Eva dahil sa nakita at dala ng gulat ay nabitawan ang
hawak niyang cellphone sa sahig, na nagsanhi kay Julian Cates na mapalingon dito.
Napamura ito ng makita si Eva na nakatayo sa bukana ng pinto. Napatingin din ang
kasama nitong babae at nagulat sa kaniya, ang mukha ni Eva ay biglang namutla na tila
ba nakakita ng multo sa puti at walang buhay nito; hindi talaga makapaniwala si Eva sa
nakita dahil ang katalik ng kaniyang fiancé ay wala ng iba kun’di ang kapatid na papalit
sa kaniya, si Sarah Young.

Si Julian Cates ay ang college sweetheart ni Eva na ngayon ay fiancé niya na.
Napakabuting tao sa kaniya ng lalaki. Ang tagal na nilang magkarelasyon pero ni hindi
ito sumubok na galawin siya ng lalaki. Sa isip-isip ni Eva ay nirerespeto lamang siya
nito at dahil din ay madalas silang busy sa kanilang mga trabaho para bigyang pansin
ang pagroromansa sa isa’t isa. Sinabi rin ng lalaki sa kaniya na hindi alintana ang
kakapusan sa sekswal na parte nilang dalawa at handa itong maghintay hangga’t
maikasal sila. Pero ngayon, ito ang lalaki…

“What the f*ck, Eva?! Anong ginagawa mo rito? Bigla ka na lang pumapasok sa bahay
ko?” iritadong sigaw ng lalaki sa kaniya, ni hindi siya nagsalita, hindi niya magawa.
Nakayanan lang niya ay matitigan ang nakababatang kapatid na babae, na nakaupo sa
kama at takip ng kumot ang sarili nito.

“Eva, get out or baka gusto mo pang kaladkarin kita palabas?” Sigaw ni Julian kay Eva
na nakatayo at walang paki sa hubad nitong katawan. Naglakad na para bang susugod
ito upang hawakan ang braso ni Eva palabas, pero bago ‘yon ay umatras si Eva at
iniwas ang sarili na para bang may nakadidiri itong sakit. Dumiin na lamang ang titig ni
Eva na para bang espada sa talas ng tingin nito sa lalaki.

Ibinaba ni Julian ang kamay na gagamitin sana kay Eva habang sumandal ito at
bumulong. “Tapos na tayo, Eva. Narinig ko na ang balita. Hindi ka totoong Young. Wala
kang kwenta ngayon and you’re just a nameless bumpkin, at tapos sumugod ka rito?
Iniisip mo ba na pag pumunta ka rito ay may matutuluyan ka? Makinig ka, engaged lang
ako sa iyo dahil akala namin ay legitimate Young’s daughter ka.” Ngisi ng lalaki sa
kaniya, para bang nanunukso ito. Kita sa mga mata nito ang pangungutya kay Eva.

“Our sh*tty engagement is already over kaya huwag na huwag mo ng ipapakita ulit pa
ang pangit mong mukha sa harap ko. Sawang-sawa na akong makita ‘yan for many
years now!” Pagpapatuloy pa nitong panlalait kay Eva, walang pakialam sa pag-apak pa
nito sa ngayon ay durog at sira niyang puso at naguguluhang estado.

‘G*go ka, Julian!’ sigaw sa kaniyang isipan. Ramdam ni Eva ang sobrang pag-init ng
mga mata pero tinapangan at nilakasan pa ang loob na pigilan ang mga nagbabadyang
luha na pumatak. ‘No. Huwag mong subukang umiyak, Eva! Hinding-hindi ako luluha sa
harap ng g*gong ‘to. Never. Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa umiyak sa harap niya.’
Tinamaan na siya ng masamang balita kanina. At ngayon na may bagong dadagdag,
wala na sa kaniya ‘to, saad sa sarili. ‘Malakas ako. Walang makakahatak sa akin
pababa. Just watch me!’ malakas na singhal niya sa isipan, inihanda ang katawan at
bigla siyang nagpalit ng emosyon sa mukha bago iniangat ang ulo sa dalawang
nakakadiring tanawin sa harap niya.

Kinuyom nang mahigpit ang palad, ng ibuka ni Eva ang bibig para magsalita. Kita sa
mga mata nito ang masidhing titig dahilan upang makaramdam ng kakaiba at medyong
pagnginig ang lalaki, kaya’y ‘di niya magawang iiwas ang tingin sa babae. “Oh… talaga
ba?” Bigla siyang ngumisi at humarap sa kapatid na nasa kama ng lalaki. Bagama’t ang
ngising binibigay niya ay katulad na lamang sa nakasanayan, may sa pagkapilya at
masigla, nagsanhi kay Julian na makaramdam ng nginig habang nakatitig sa kaniya.
Kung titignan, may iba pero pareho pa rin.

“Makinig ka sa akin Julian, at makinig ka nang mabuti. Isang araw, sisiguraduhin kong
pati ikaw, ay mamamatay na puno ng pagsisisi. Pangako ko ‘yan. Maghintay ka lang…”
Pahayag ni Eva, sa boses na hindi malakas o hindi mahina. Maliwanag, at sakto
lamang para marinig ni Julian at Sarah. At bago pa makasabat si Julian, ang pituan ay
humampas pasara at nag-iwan nang malakas na tunog sa mismong harapan ng mukha
nito.

You might also like