Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEPRESYON

Ang depresyon ay isang sakit sa pag-iisip na kumbinasyon ng panlulumo o


lubhang pagkalungkot, mababang pagtingin sa sarili, at kawalan ng interes sa mga
nakasisiyang gawain. Kondisyon ng labis na kalungkutan o pighati, pakiramdam
ng kawalan ng pag-asa at kakulangan, kadalasang may pisikal na sintomas. Bipolar
at Unipolar ay isa sa mga uri ng depresyon.

Mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang tao ay stress at
pang aabuso.Isa din sa mga dahilan ay ang isyu sa pamilya at buhay pag-ibig, sa
kapaligirang kinabibilangan naman ay pang-aapi at panghuhusga sa pamamagitan
ng social media.

Mga epekto ng depresyon sa sarili ay mga saloobin na pananakit o pagpatay sa


sarili, o mga saloobin na hindi makabuluhan ang buhay at pagkawala ng interes sa
mga bagay na dati kang nasisiyahan, sa pag-aaral ay hirap din makapag pokus at
nagiging mababa ang mga grado. Epekto din sa komunidad ay pwedeng makasakit
ng tao, parating takot o kinakabahan at hindi mapakali dahil sa trauma na kanilang
naranasan sa pangbubully sa kanila.

Mga solusyon sa disiplinang pansarili ay bawasan ang paggamit ng social


media at umiwas sa mga toxic na tao upang hindi lumala, sa tulong ng pamilya
laging magpapakita ng suporta at wag balewalain ang nararamdaman nila.
Mahalaga rin na mag karoon ng programa tulad ng Crisis Line PH at Hopeline
Philippines para sa mga taong nagkakaroon ng depresyon upang sila ay
maliwanagan na mali ang kanilang ginagawa at maramdaman nila na may mga
handang tumulong sa kanila.

You might also like