Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

IKATLONG MARKAHAN – MODYUL 1

(UNANG LINGGO)
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano
gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo
na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan
ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng
mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay
nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto


at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Modyul 1 – Paksa:

Mga Dahilan, Paraan, at Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismong


Kanluranin

Panimula:

Sa modyul na ito ay tatalakayin ang mga dahilan, paraang ginamit at ang naging epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa mga bansa sa Asya.
Mga Saklaw na Aralin:

1. Kahulugan ng Kolonyalismo at Imperyalismo


2. Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya (Unang Yugto)
3. Tatlong Motibo ng Kolonyalismo
4. Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya (Ikalawang
Yugto)
5. Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang dahilan, paraan, at epekto ng kolonyalismo at


imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog
at Kanlurang Asya.

Subukin Natin
PANUTO: Basahin at unawain ang mga pahayag at katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ay inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong hari upang mabawi ang Jerusalem sa
Israel.

A. Rebolusyong Industriyal B. Krusada C. Digmaan D. Merkantilismo

2. Ang pagbagsak ng Constantinople ay isa sa mga dahilan na nagbunsod sa mga Kanluranin


na magtungo sa Asya.

A. Mali B. Tama C. Tama ang nasa A D. Wala sa mga nabanggit

3. Siya ay Italyanong taga Venice na nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan ng


Dinastiyang Yuan nang higit sa halos 11 taon.

A. Marco Polo B. Ferdinand Magellan C. Christopher Columbus D. Francis Drake


4. Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang” na naganap sa huling bahagi
ng Gitnang Panahon.

A. Merkantilismo B. Renaissance C. Nasyonalismo D. Constantinople

5. Ano ang naging epekto ng kolonyalisasyon sa mga rehiyon ng Asya?

A. Naging masidhi ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ng mga Asyano upang


ibangon ang kaunlaran ng bansa.
B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa naisin ng mga dayuhang bansa.
C. Natutunan ng mga Asyano ang manakop ng ibang lupain.
D. Natutong magtiis ang mga Asyano alang-alang sa kapayapaan.

6. Anong bansa ang sinakop ng Portugal, England, at France sa Timog Asya?

A. Afghanistan B. Bangladesh C. Bhutan D. India

7. Ang mga sumusunod ay mga bansang Kanluranin na nanguna sa pagtuklas at paggalugad


ng mga lupain maliban sa isa.

A. Spain B. Potugal C. England D. Italy

8. Alin sa mga sumusunod ang naging masamang epekto ng kolonyalismo sa rehiyong Asya?

A. pag-unlad ng kalakalan C. pagkakaroon ng mga kaalyadong bansa


B. pagkamulat sa mgaKanluranin D. pakikinabang ng mga Kanluranin sa mga yamang likas

9. Ito ay salitang Latin na colonus na ang ibig sabihin ay magsasaka.

A. Imperyalismo B. Kapitalismo C. Kolonyalismo D. Merkantilismo

10. Siya ang nagsulat ng “White Man’s Burden” kung saan ipinasailalim sa isang kaisipan na
ang mga nasasakupan ay pabigat sa mga Kanluraning bansa.

A. Rudyard Kipling B. Robert Browning C. William Shakespeare D. William Wordsworth

11. Salitang Latin na pinagmulan ng salitang Imperyalismo.

A. Colonus B. Religare C. Imperium D. Civitas

12. Ito ay naging salik sa paghahanap ng mga bansa sa Europa at Hilagang Amerika ng
pamilihan na magiging laglagan ng kanilang mga produktong ginawa.

A. Merkantilismo B. Rebolusyong Industriyal C. Kapitalismo D. Nasyonalismo

13. Ang pinairal na patakarang ginamit sa Kanlurang Asya ay ______________.

A. Protectorate B. Patakarang Kolonyal C. Sistemang Mandato D. Walang nabanggit


14. Nagkaroon ng takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa dahil sa pananakop. Ito ay
tinatawag din na ______________.

A. Bansa B. Kolonya C. Imperyo D. Fixed Border

15. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansa gamit ang sariling
sistema dahil sa pananakop ng mga Kanluranin.

A. Hindi B. Oo C. Tama ang nasa A D. Wala sa nabanggit

Balikan Natin
PANUTO: Ibigay ang tamang sagot. Kunin ang mga sagot sa loob ng kahon.

______________________1. Pamumuno ng isang angkan


______________________2. Masalimuot na pamumuhay sa lungsod
______________________3. Mula sa salitang ‘bihasa’ ibig sabihin ay eksperto
______________________4. Pinakaunang kabihasnan sa mundo
______________________5. Mula sa salitang ‘religare’ na ang ibig sabihin ay ‘pagbubuklod’

Tuklasin Natin
GAWAIN: MAPA-KONEK
PANUTO: Gumuhit ng linya na magtuturo ng lokasyon ng mga sumusunod na bansa sa mapa.

Spain

Portugal

United Kingdom

Netherlands

France
Suriin Natin

Panahon ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya


Kolonyalismo Imperyalismo
❖ Nagmula sa salitang Latin na colonus na ❖ Nagmula sa salitang Latin na imperium
ang ibig sabihin ay magsasaka. na ang ibig sabihin ay command.

❖ Ito ay isang patakaran ng isang bansa na ❖ Ito ay dominasyon ng isang


mamahala ng mga sinakop upang makapangyarihang nasyon-estado sa
makagamit ng likas na yaman ng mga aspektong pulitika, pangkabuhayan at
sinakop para sa sariling interes. kultural na pamumuhay ng isang mahina
at maliit na nasyon-estado upang
maging makapangyarihan sa daigdig.

Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya (Unang Yugto)


1. Krusada

❖ Naganap mula 1096 hanggang 1273.


❖ Ito ay isang kilusan na inilunsad ng simbahan at mga Kristiyanong
Hari upang mabawi ang banal na lugar, ang Jerusalem sa Israel.
❖ Hindi man lubusang nagtagumpay ang krusada ay napasigla
naman ang kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya.
❖ Ito din ang naging daan para magka-interes ang malalaking bansa
sa Europa na sakupin ang ilang lugar sa bansa sa Asya.

2. Paglalakbay ni Marco Polo

❖ Siya ay isang Italyanong mangangalakal na taga-Venice. Siya ay


nanirahan sa China sa panahon ni Kublai Khan ng Dinastiyang Yuan
nang higit sa halos 11 taon.
❖ Siya ay inatasan ni Kublai Khan na maglakbay sa iba’t ibang
bahagi ng Asya gaya ng Tibet, Burma, Java, at Japan.
❖ Pagbalik niya ng Italy ay inilimbag niya ang aklat na The Travels
of Marco Polo.
❖ Inilahad ni Marco Polo sa kanyang aklat ang mga magagandang
kabihasnang nakita niya sa Asya lalo na sa China.
❖ Dahil dito, maraming adbenturerong Europeo ang namangha at nahikayat na makarating sa
Asya.

3. Renaissance

❖ Kilusang pilosopikal na makasining na binigyang-diin ang pagbabalik-interes sa mga kaalamang


Klasikal sa Greece at Rome.
❖ Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay “muling pagsilang”. Ito ay naganap sa Italya noong
1350.
❖ Nagbukas ng daan ang renaisaance sa pagbabago sa larangan ng kalakalan at negosyo kaya
umusbong ang rebolusyong komersyal na nagdulot ng mga pagbabago sa gawaing pang-
ekonomiya.

4. Pagbagsak ng Constantinople

❖ Ang Constantinople ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa


Kontinente ng Europa. Ito ang nagsilbing rutang pangkalakalan
mula Europa patungong India, China at ibang bahagi ng Silangang
Asya na napasakamay ng mga Turkong Muslim noong 1453.
❖ Madalas itong daanan ng mga Krusada ngunit nang mapasakamay
ng mga Turkong Muslim ang Constantinople, tanging mga
Italyanong mangangalakal na lamang ang pinayagang makadaan.
❖ Ito ang kasalukuyang Istanbul, pinakalamaking lungsod na
matatagpuan sa bansang Turkey.
❖ Dahil sa pagbagsak ng Constantinople, naghanap ng ibang ruta ang iba pang mangangalakal
na Europeo. Pinangunahan ito ng mga Portuguese at sinundan ng mga Spanish, Dutch, Ingles,
at Pranses.

5. Merkantlismo

❖ Sa Europe, umiral ang isang prinsipyong pang-ekonomiya na ang basehan ng yaman ng isang
bansa ay sa dami ng ginto at pilak na tinataglay nito. Ito ay tinatawag ng Merkantilismo.
❖ Kinailangan ng mga Europeo na makahanap ng mga lugar na mapagkukunan ng likas na yaman
at hilaw na sangkap.
Tatlong Motibo ng Kolonyalismo

God Gold Glory


Paglaganap Paghahanap Paghahangad
ng ng ng katanyagan
Kristiyanismo Kayamanan at karangalan

Mga Dahilan ng Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Asya (Ikalawang


Yugto)
Bago matapos ang ika-18 siglo, ang United States at ilang sa mga bansang Europeo ay
nagsimulang kumontrol ng ibang mga bansa sa bahagi ng Asya, Africa, at Latin America. Ang
panahon mula 1800 hanggang 1914 ay naging kilala bilang Panahon ng Imperyalismo.

1. Udyok ng Nasyonalismo

❖ Nasyonalismo – kadalasang tumutukoy sa masidhing pagmamahal sa bayan.


❖ Maliban dito, ang nasyonalismo ay nangangahulugang ding pagkakatanto ng isang lahi na
mahalagang ipagtanggol ang kaniyang bansa laban sa panlulupig ng banyagang bansa.
❖ Ninais ng mga nasyon sa Europe na magkaroon ng malawak na kapangyarihan upang labanan
ang kanilang mga karibal sa bansa.

2. Rebolusyong Industriyal

❖ Nangailangan ng ma pagkukunan ng mga hilaw na materyales at


pamilihan ng mga produktong gawa ng mga Kanluranin kaya sila
ay nagpalawak ng kanilang mga teritoryo.

3. Kapitalismo

❖ Kapitalismo – isang sistema kung saan namumuhunan ang isang tao ng kaniyang salapi upang
magkaroon ng tubo o interes.
❖ Sa pag-unlad ng kalakalan sa pagitan ng mga Europeo at Asyano ay dumami ang salapi ng mga
mangangalakal na Kanluranin kaya nahikayat sila na mas mamuhunan pa sa mga pananim at
minahan ng mga kolonya upang mas kumita pa ang kanilang salapi.

4. White Man’s Burden

❖ Isinulat ni Rudyard Kipling, isang manunulang Ingles.


❖ Sa pamamagitan ng tulang ito, ipinapasailalim ang mga nasasakupang
kolonya sa kaisipan na sila ay pabigat sa mga Kanluraning bansa.
❖ Isinasaad din na ang mga Kanluranin ay may tungkulin na turuan at
tulungang umunlad ang kanilang mga nasasakupang bansa.

Gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ang mga imperyalistang bansa upang makakuha ng
panibagong lupain. (1) Minsan sila ay gumagawa ng kasunduan at binibili ang mga lupain sa mga
dating mananakop. (2) Simpleng sinasakop ang mga lupain sa pamamagitan ng puwersang militar.

Ang mga imperyalistang bansa ay may iba’t ibang anyo sa pamamaraan ng pagkontrol sa
kanilang mga teritoryo.

❖ Colony – direktang kinokontrol at pinamamahalaan ng imperyalistang bansa ang kaniyang


nasakop na bansa.

❖ Protectorate – mayroong sariling pamahalaan ang nasakop ng bansa ngunit ang mga patakaran
at kautusan ay nanggagaling sa imperyalistang bansa lalo na sa mga patakarang panlabas.

Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya

❖ Ang mga bansang Asyano ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at pamilihan
ng produktong Kanluranin.
❖ Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo.
❖ Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
❖ Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
❖ Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan
ng kolonya.
❖ Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
❖ Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang
sariling bansa gamit ang sariling sistema.
❖ Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat
pinakinabangan ng mga Asyano.
❖ Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
❖ Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideya na magamit sa
pagpapatakbo ng pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng
buhay.
❖ Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo.
❖ Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
❖ Mga kaugalian ay nahaluan.
❖ Mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin.
❖ Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o “middle man”.

Pagyamanin Natin
GAWAIN: Chart Organizer
PANUTO: Matapos malaman ang mga dahilan, paraan, at epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismong isinagawa ng mga Kanluranin sa Asya, gawan ito ng buod sa pamamagitan ng
talahanayan sa ibaba.
Mga Dahilan ng Dahilan ng Tatlong Paraan ng Epekto ng
Bansang Pananakop Pananakop Motibo ng Pananakop Kolonyalismo
Nanakop (Unang (Ikalawang Kolonyalismo at
Yugto) Yugto) Imperyalismo
sa Asya

Isaisip Natin
PANUTO: Mula sa naging mga gawain at talakayan, sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Alin sa mga dahilan sa pagpunta ng mga Kanluranin sa Asya ang higit na nakaimpluwensiya
sa kanilang desisyon na manakop? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Ano ang epekto ng merkantilismo sa mga bansang Asyano?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, may Mabuti bang epekto ang mga dahilan ng pananakop ng mga
Kanluranin sa mga bansang Asyano? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isabuhay Natin

GAWAIN: Venn Diagram


PANUTO: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, isulat ang pagkakaiba at pagkakapareho ng
Imperyalismo at Kolonyalismo. Isang pangungusap lamang para sa bawat bilang. Iguhit ang Venn
Diagram at isulat ang sagot sa short bond paper.

Tayahin Natin

PANUTO: Lagyan ng E kung Ekonomiya, P kung Pulitika, at SK kung Sosyo-Kultural na epekto o


pagbabago ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Asya ang mga sumusunod na pahayag.

_____1. Ang mga bansang Asyano ang naging tagapagtustos ng mga hilaw na materyales at
pamilihan ng produktong Kanluranin.
_____2. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo
_____3. Nagkaroon ng “fixed border” o takdang hangganan ang teritoryo ng bawat bansa.
_____4. Sumulpot ang mga kolonyal na lungsod.
_____5. Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang
katapatan ng kolonya.
_____6. Pag-unlad ng sistema ng transportasyon at komunikasyon.
_____7. Nawalan ng karapatan ang mga Asyano na pamahalaan ang sariling bansagamit ang
sariling sistema.
______8. Nailipat sa Europa ang mga kayamanan ng Asya na dapat pinakinabangan ng mga
Asyano.
_____9. Nagtayo ng mga irigasyon, ospital, paaralan, at simbahan.
_____10. Nagkaroon ng makabagong kaisipan at ideyana magamit sa pagpapatakbo ng
pamahalaan, ekonomiya at iba pang aspeto ng buhay.
____11. Nabuo ang mga kilusang nasyonalismo.
____12. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
____13. Mga kaugalian ay nahaluan.
____14. Mga istilo ng pamumuhay ay iginaya sa Kanluranin.
____15. Isinilang ang mga Asyanong mangangalakal o “middle man”.

Karagdagang Gawain

Panoorin ang video clip tungkol sa Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya. Sa
isang buong papel ay sumulat ng repleksyon (reflection) hinggil dito. Ibahagi ito sa klase.
https://www.youtube.com/watch?v=mcDMsOWYzEw

Sanggunian

Batayang Aklat

Blando, Rosemarie, et al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba (Modyul ng Magaaral),


ph.196-215.
Development Team of the Module
Writers:
JULIE GRACE G. AGAPAY
MARGARITA S. OÑES

Editors
Content Evaluator:
MARIETTA F. VALIDA – Head Teacher III
ROWEL GALURA – Head Teacher I

Illustrator
Layout Artist:
ROBERT M. VALERA

Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS


DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
MR. FERDINAND PAGGAO, EPS - AP
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

Sa mga katanungan, maaring tumawag o sumulat sa…

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan


Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like