SS5 - Rizal

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Aking Mga Kabata

 Isinulat ni Dr. Jose Rizal noong siya ay walong taon na gulang lamang
 Nagpapahayag ng taimtim na pagmamahal sa bayan at sa sariling wika
 Ipinaalala ni Dr. Rizal sa tulang ito na ang bayang Pilipinas sa kabila ng pagiging
magiliw sa mga dayuhan ay may ugali na madaling maimpluwensiyahan. Sinabi niya na
ang wika ang magtatakda ng pagkakaroon ng kalayaan kaya't kung ang isang bansa ay
hindi magkakaroon at gagamit ng sariling wika, ito ay nangangahulugan lamang ng
pagiging alipin sa lahi ng kung anong wika ang bininibigkas natin maging ito man ay
wikang Ingles o Kastila. Ito ay pagpapakita lamang ng patuloy na pagtangkilik sa mga
impluwensyang kolonyal.

Sinabi din ni Dr. Rizal na kung hindi natin pagyayamanin ang ating sariling wika ay hindi
natin makakamtan ang ating hinahangad na paglaya. Ang ating wika ay tulad din ng
wikang Espanyol at Ingles na pinagyaman ng kanya - kanyang lahi kaya nagpatuloy at
umunlad. Kung nais natin na maging maunlad kailangan ng mga Pilipino na paunlarin
ang wikang Filipino. Ang pagkakaroon ng wikang pambansa ay pagkakaroon ng
pambansang pagkakakilanlan. Ang mga bansang nakapalibot sa Pilipinas sa mundo ay
mapagtatanto na tayo ay hindi palaging nakaasa lamang sa pamumuno at pamamahala
ng mga dayuhan sapagkat kaya nating tumayo sa sarili nating mga paa sa pagtataguyod
ng bansang Pilipinas.

Si Colon at Si Juan II
 Ang Colón y Juan II ay isang tula na isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si
Jose Rizal noong mga taon ng kanyang akademiko sa Ateneo Municipal de Manila
noong 1877.
 Ang tulang ito ay inilarawan bilang isang Lira. Ito ay isinulat noong panahong si Rizal ay
isang magaaral sa Akademya ng mga Literatura sa Ateneo Municipal de Manila. Ayon
kay Mariano Ponce, ang oras, buwan at petsa kung kailan isinulat ang tulang ito ay
nanatiling hindi alam dahil hindi ito ipinahiwatig ng makata.
Ang epikong tula ay isang pagdiriwang ng katapatan ni Columbus kay Isa bella, ang
katoliko ng Espanya.
Ito’y nagsasalaysay kung paano nawala ang katanyagan at yaman ng Haring Juan II ng
Portugal dahil hindi niya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni Columbus
sa Bagong Daigdig o Amerika.

You might also like