Professional Documents
Culture Documents
Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan: (Pang-Araw-Araw Na Tala Sa Pagtuturo)
Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan: (Pang-Araw-Araw Na Tala Sa Pagtuturo)
Modyul 6: Ang Pakikipagkaibigan: (Pang-Araw-Araw Na Tala Sa Pagtuturo)
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Sa gawaing ito, simulan nating isa-isahin ang iyong mga kaibigan at suriin ang kabuluhan ng iyong ugnayan sa
aralin kanila.
1. Isa-isahin ang mga taong itinuturing mong kaibigan at isulat sa notebook ang mga impormasyon:
a. Pangalan ng iyong kaibigan at kanyang larawan (maaaring solo o kaya naman ay larawang kasama ka)
b. Pag-iisa-isa ng kanyang mga katangian
c. Maikling pagkukuwento ng pinakamahalagang pangyayari tungkol sa inyong pagkakakilala at pagiging malapit sa
isa’t isa
d. Mga bagay na iyong natutuhan mula sa kanya (mga naging impluwensiya niya sa iyo – halimbawa, sa paggawa
ng mabuting pagpapasya)
e. Mga konsepto tungkol sa pagkakaibigang natutuhan mo mula sa kanya
f. Pangkalahatang kabutihang naidulot niya sa iyo
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Matapos ang gawain, sagutan ang sumusunod na katanungan.
bagong kasanayan a. Batay sa iyong isinagawang pagsusuri tungkol sa iyong mga itinuturing na kaibigan, ano ang konsepto
tungkol sa pagkakaibigan ang natutuhan mo mula sa kanya/kanila?
b. Ano ang iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan bago mo sila nakilala? Ipaliwanag.
c. Mayroon bang naidulot na pagbabago sa iyong pananaw tungkol sa pagkakaibigan mula nang siya/sila ay
iyong nakasama? Ano-ano ito?
d. Ano-ano ang nabago sa iyong sarili mula nang dumating siya/sila sa iyong buhay? Isaisahin.
e. Ano ang halaga ng iyong kaibigan sa iyo bilang tao? Ipaliwanag. Isulat sa notbuk at sagutan ang sumusunod
na katanungan. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng Sa gawaing ito ay iyo namang suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad mo at ng iyong mga kaibigan. Gawin ito gamit
bagong kasanayan #2 ang Venn Diagram.
Gumuhit ng mga bilog batay sa dami ng iyong mga kaibigan (kasama ka sa bilang ng bilog). Gawin ito sa isang
malinis na bond paper o makulay na papel Ang Venn Diagram ay isang representasyon ng pagkakaiba at
pagkakatulad ng mga bagay. Sa pagkakataong ito, ito ay gagamitin sa pagpapakita ng pagkakaiba at pagkakatulad
ninyong magkakaibigan. May inihandang halimbawa para sa iyo:
3. Tiyaking ang mga isusulat na katangian ay higit pa sa pisikal na mga katangian. Maaaring isama rito ang gawi,
pag-uugali, hilig, talento, o kakayahan at iba pa. (gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist Approach)
F. Paglinang sa Gamit ang resulta ng katatapos na gawain, ipakikilala ng bawat mag-aaral ang mga kaibigang naitala sa Venn
Kabihasahan Diagram. Gabay ang Venn Diagram, sagutan ang sumusunod na tanong sa notbuk.
(Tungo sa Formative a. Ano ang iyong natuklasan mula sa gawain?
Assessment) b. Ano ang epekto ng pagkakaiba ng mga katangian ninyong magkakaibigan?
c. Ano ang epekto ng pagkakatulad ng mga katangian ninyong magkakaibigan?
G. Paglalapat sa aralin sa pang-araw-araw na buhay Isagawa ang Think-Pair-Share. Ang bawat mag-aaral ay hahanap ng kapwa mag-aaral na pagbabahagihan ng
resulta ng kanilang katatapos na gawain. Itala sa notbuk ang mahahalagang pangyayaring naganap sa ginawang
pagbabahagi tungkol sa ginagampanan ng kapwa sa iyong buhay. Gamiting gabay sa pagsulat ang sumusunod na
tanong. (gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
1. Sino-sino ang itinuturing mong kaibigan? Gaano sila kahalaga at ano ang bahaging ginagampanan nila sa iyong
buhay?
2. Kaya mo bang mabuhay nang wala sila? Sang-ayon ka ba sa pahayag na “No man is an island?” Ipaliwanag.
3. Ano ang iyong nararamdaman kapag kasama mo ang iyong mga kaibigan? Bakit?