Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

I.

II. Pamagat : THE HEALING


III. MAY-AKDA:

III. Kwento

Marami na ang dumarayo sa bahay ni Manang Elsa para magpa “healing” sa simula pa lamang.
Marami kasing mga tao ang naniniwala sa panggagamot niya na tinatawag nilang "faith healing." Maraming
tao na ang nagamot kaya naman ay dinala ni Seth ang kanyang tatay at pinasubok ang nasabing
panggagamot. Nang malaman niyang bumuti ang kalagayan at gumaling ang kanyang tatay, dinala din niya
ang iba niyang mga kakilala para magamot ang kanilang karamdaman. Sa kabila ng kagalingan ng iba’t
ibang karamdaman ay siya namang pagbawi sa kanilang buhay bilang kapalit nito. Ito ay dahil kay Dario
Mata, ang binuhay ni Manang Elsa mula sa kamatayan na naging dahilan rin nang pagkamatay ni Manang
Elsa. Siya ang dahilan ng lahat ng mga problema at kinailangang putulin ang sumpang ito dahil lahat nang
nagagamot ay iaalat ang buhay para sa kay Dario. Ang kamatayan lamang ni Dario ang lunas sa sumpa
upang maayos ang lahat ng mga pangyayari ngunit marami nang buhay ang kanyang nakuha bago pa man
malaman nila Seth ang solusyon sa sumpa.

IV. Banghay ng Pangyayari

> Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang unang nakaalam tungkol sa sinabing manggagamot
at siya ring ang nagdala sa mga kasamahan niya kay Manang Elsa para magpa-healing. Lahat ng mga
kasamahan niya ay gumaling ang kalagayan ngunit may naging kapalit ito sa kanila. Isa-isa silang namatay
tuwing nakikita nila ang kanilang “doppelganger”, simula sa unang nagpahealing hanggang sa huli. Ang
pagkakamatay muli ni Dario ang tanging sagot sa problemang ito.

> Ang kabuuang pelikula ay makatotohanan tingnan at talagang maganda dahil madaling naiintindihan
at maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang
manggulat at manakot sa mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay.
Maihahambing na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang pagkakagamit ng CGI
(computer generated images) sa The Healing, bagama’t wala itong bagong naidagdag sa genre. Sa
katunayan, ang mga ipinakita dito ay “lumang tugtugin” na, halimbawa, ang paggamit ng uwak upang
magpahiwatig ng nakaambang kapahamakan. Nakakasawa din ang paulit-ulit na gimmick na ginamit kapag
nababaliw na ang mga pasyente—kikilos nang kakaiba; magdidilim ang mukha; manglalaki, tila luluwa, at
magpapaikot-ikot ang mata. Kapag nasa punto nang iyon, tiyak, papatay na siya, at papatayin din ang sarili.
Nawawala tuloy ang “gulat”, nagiging predictable.

V. Paksa/Tema

Ang paksa ng pelikula, na napapaloob din sa pamagat nito, ay ang pagpapagaling ng karamdaman sa labas
ng kinikilalang siyensiya ng medisina, ngunit ang ubod ng salaysay ay: hanggang saan nakakatulong at
nakakabuti ang ganitong uri ng panggagamot? Kailan dapat gamitin ang kapangyarihang ito, at kailan dapat
ihinto? Inaalam ba ng tao kung saan nagmumula ang kapangyarihang ito? Kung susukatin ang ibinubunga
nito, ang paggaling ngunit pagkabaliw ng mga pasyente. Masasabi ba nating nagmumula sa Diyos ang
kapangyarihan ni Elsa?

VI. Cinematograpo

Ang uri ng pelikula na aming napanood ay isang halimbawa ng suspense thriller. Ang pagkakagawa ng
pelikula ay sinadya para takutin o gulatin ang mga manonood ngunit mayroong ibang parte na hindi
masyadong makatotohanan. Mabisa pa rin naman ang pelikula dahil maiintindihan talaga ang bawat
pangyayari at ang pokus sa bawat tauhan ay pantay at nababagay sa mga nangyayaring eksena. Ang ginamit
din na mga tunog ay talagang epektibo dahil angkop sa mga pangyayari.

VII. Mensahe

"Tayo rin ang haharap sa mga bunga ng ating mga ginagawa" pinakita sa pelikula na ang basta bastang
pagpasok o paggawa ng desisyon mula sa desperasyon ang siyang magdadala sa atin sa kapamahakan.
Huwag dapat tayong magpadalos-dalos sa anumang gagawing desisyon natin sa buhay. Alamin muna ang
sanhi at magiging bunga nito, hindi lamang para sa iyong sarili kundi pati na rin sa ikabubuti ng ibang tao
dahil ito pa ang magdadala sa atin sa sitwasyong hindi mabuti na humantong lamang sa pagsisi.

You might also like