Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

KINDERGARTEN DAILY LESSON PLAN

TEACHERS Sabijon, Maribeth SCHOOL F. Ma Guerrero


Elementary School
CONTENT My family members help one QUARTER/ Q2/W3/D1
FOCUS another by doing different roles. WEEK/DAY
DATE NOVEMBER 20, 2022

I. Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang mga gampanin ng mga kasapi sa pamilya;
b. Nakikilala ang tunog ng letrang Nn; at
c. Nakakapag iisa-isa ng mga bagay na nagsisimula sa letrang Nn
II. Mensahe: Ang bawat kasapi ng pamilya ay may gampanin.
Paksa: Mga Gampanin ng Bawat Kasapi ng Pamilya
Mabuting Asal: Pagpapahalaga sa bawat gampanin ng pamilya.
Kagamitan: Powerpoint presentation, popsicle sticks, worksheets, cut out pictures
Sanggunian: MELCS

III. PAMAMARAAN
A. Pagpapakilala Pamilya
Tingnan ang larawan, sila ang mga kasapi ng ating pamilya: ang mga
magulang (nanay at tatay), ang mga anak (kuya, ate, bunso), at mayroon
din tayong lolo at lola

Letrang Nn
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga bagay na nagsisimula sa
letrang Nn. Itatanong ng guro ang tunog nito sa mag-aaral.

Bilang Siyam (9)


Ipapakita ng guro ang chart ng mga bilang. Ang lahat ng mag-aaral ay
magbibilang mula isa (1) hanggang thirty (30).

B. Paglalahat at Pamilya (Lolo at Lola)


Pagmomodelo Tingnan ang larawan, sila ang ating mga magulang. Sila ang
nagpapalaki sa atin. Sinisigurado nila na tayo ay ligtas at nabibigay ang
pangangailangan natin: pagkain, tahanan, at damit. Tinuturuan din tayo
ng tama na gawi. Nagtatrabaho ang mga magulang para sa kanilang
anak. Nagbabayad ng bills. Sila ang gumagawa ng mga importanteng
desisyon. Ang mga magulang ang naghahanda ng iyong kakainin at
sinisigurado na malinis ang tahanan. Tinutulungan din ng magulang ang
kanilang anak sa pag-aaral.

Ito naman ang mga anak. Gampanin nila sumunod sa magulang.


Sinusunod ang mga utos ng magulang. Gawain nilang mag-aral.
Tumulong sa magulang sa gawaing bahay. Magligpit ng kalat at laruan.
Mga nakatatandang anak, ate, o kuya ay mag-alaga sa nakababatang
kapatid.

Ito naman ang ating lolo at lola. Sila naman ang tumutulong sa
pagaalaga sa kanilang apo. Tumutulong din sila sa gawaing bahay.

Letrang Nn
Aawitin ng mga mag-aaral at ng guro ang awiting aksyon ni Alpabasa
na pinamagatang “Awit ng Alpabasa”

AWIT NG ALPABASA

Bilang Siyam (9)


Aawitin ng mga mag-aaral at ng guro ang awiting aksyon ni Teacher
Karyl na pinamagatang, "Umawit at Bumilang"

"Umawit at Bumilang" (Action by Teacher Karyl) - Kinder Song

C. Ginabayang Letrang Nn
Pagsasanay Ipapakita ng guro ang letrang Nn at tatanungin ang tunog nito.
Magbibigay ng mga larawan ang guro ng mga halimbawa ng mga bagay
na nagsisimula at may tunog Nn. Babasahin itong lahat ng sabay sabay
ng mga mag-aaral

Bilang Siyam (9)


Ipapakita ng guro ang bilang siyam (9). Mula sa larawan na ipapakita sa
pisara, bibilangin ng mag-aaral ang mga ito hanggang siyam (9).
Ipapakita ng guro ang tamang paraan na pagsusulat ng bilang siyam (9)
sa pisara.

D. Pagsasanay at Letrang Nn
Pagpapalawak Magtatawag ng ilang mag-aaral ang guro upang magsulat ng letrang Nn
sa pisara.

Bilang Siyam (9)


Ipapakita ng guro ang bilang siyam (9). Aanyayahan ng guro na isulat
ang bilang siyam (9) sa pisara.

E. Malayang Bilang Siyam (9)


Pagsasanay Sa isang buong pahina ng kuwaderno ng mga mag-aaral, isusulat nila
ang bilang siyam (9)
F. Aplikasyon/ Pamilya
Paglalapat Magbibigay ng worksheet ang guro, kailangang gupitin ng mag-aaral
ang mga larawan na nagpapakita ng gampanin ng bawat miyembro ng
pamilya at ilalapat ito sa kahon ng kasaping may gampanin nito.

You might also like