Professional Documents
Culture Documents
AP5 Module
AP5 Module
AP5 Module
Baitang V
Lahing Pilipino:
Pinagmulan, Paglaban, Pag-alsa at Pag-usbong
Para sa Kasarinlan
Cherry Mie Edroso Bonane Andrei Noel C. Batalla Lovely Rose M. Alboroto
1
MGA NILALAMAN
Pahina
Paunang- Salita…………………………………………………………………………………………………. 1
Mga Nilalaman………………………………………………………………………………………………….. 2
ARALIN 1: Mga Katutubong Pilipino Na Lumaban Sa Mga Espanyol…………………… 3
Gawain sa Pagkatuto 1……………………………………………………………………………………… 7
Gawain sa Pagkatuto 2……………………………………………………………………………………… 7
ARALIN 2: Ang Pinagmulan Ng Lahing Pilipino……………………………………………………. 8
Mga Sanggunian…………………………………………………………………………………………………….. 26
2
ARALIN 1:
MGA KATUTUBONG PILIPINO NA LUMABAN SA MGA
ESPANYOL
Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol upang
mapanatili ang kanilang Kalayaan.
• Naibibigay ang mga dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa mga katutubong
Pilipino at Muslim.
Medicines to Protect, Prevent, and Cu
• Napahalagahan ang mga katutubong Pilipino na lumaban sa mga Espanyol para sa
Kalayaan ng bansa.
•
A. Mga Katutubong Igorot sa Cordillera.
Ang bulubundukin ng Cordillera ay tahanan ng mga Igorot na nahahati sa iba’t-ibang
pangkat “Itnolingguwistiko” na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa bansa
na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad. Ito ay ang mga pangkat Ibaloi, Isneg,
Kankanaey, Kalinga, Bontoc at Ifugao. Ang mga katutubong ito ang nabubuhay sa biyaya ng
kalikasan. Ilan sa kanilang hanapbuhay ay pagsasaka, paghahabi ng tela, pagnganganga,
pangangayaw, o pakikilahok sa digmaan laban sa ibang katutubo. May sariling paniniwala ang
mga katutubo. Pinaniniwalaan nila na ang kalikasan ay tahanan ng mga espiritu. Napanatili ng
mga katutubong ito ang pagiging Malaya dahil hindi napagtagumpayang sakupin ng mga
Espanyol ang kanilang mga lupain.
Pagsasaka
3
Igorot – malikhaing paghahabi o weaving
Pagnganganga
4
napalaganap ang kristyanismo.
• Pangangalap ng Ginto
Pinaniniwalaan ni Gobernador Heneral Miguel Lopez de Legazpi na ang kabundukan
ng Cordillera ay mayaman sa deposito ng ginto. Natuklasan niyang ang mga gintong ito ay
ibinenta ng mga Igorot sa Ilocos. Tulad ng mga naging kolonya ng Espanya ninais ng mga
Espanyol na mkinabang sa deposito ng ginto sa Cordillera. Nagpadala ng misyon c Legazpi
sa Ilocos sa pangunguna ng kanyang apo na si Juan de Salcedo upang alamin ang mga
gintong ibinebenta rito. Ipinagpatuloy ng mga sumunod na gobernador heneral ang
pagpapadala ng misyon sa kabundukan ng Cordillera upang ipagpatuloy ang paghanap ng
ginto. Lalong pinaigting ang pangangalap ng ginto dahil sa pagsiklab ng 30 taong digmaan
sa Europa dahil na rin sa pangangailangan ng Espanya upang matustusan ang kanilang
pakikipagdigma.
5
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Matapos hindi matagumpay sa paghahanap ng ginto sa bulubundukin ng Cordillera
nagpadala ng mga misyonerong Dominikano at Agustiniano ng mga Espanyol upang
ipalaganap ang Kristyanismo. Nasaksihan ng mga ito ang paniniwalang Animismo ng mga
Igorot na itinuturing nilang isang uri ng pagsamba sa demonyo. Ipinahayag din nila sa mga
ito na upang mailigtas ang kanilang kaluluwa ay kinakailangan nilang yakapin ang
kristyanismo. Hinikayat din nila ang mga ito na bumaba ng kabundukan at manirahan sa
puerto at maging sibilisadong katutubo kagaya ng mga ginawa nila sa mga nasa kapatagan.
Ipinagutos ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman ang pagpapadala ng
misyong relihiyoso sa Cordillera sa pamumunuan nina Kapitan Mateo de Aranda at Padre
Esteban Marin, ang kura paroko ng Ilocos. Tinangka ni Padre Marin na kumbinsehin ang
mga katutubong Igorot na makipagtulongan kay Kapitan Aranda. Sumulat sya ng isang
diksyonaryo ng wikang Igorot upang mas mapadali ang pakikipag-usap sa mga katutubo.
Mahigpit na tinutulan ng mga Igorot ang tangkang pagbibinyag sa kanila bilang kristyano.
Dinakip nila ang ilan sa mga misyonerong Espanyol at ito ay kanilang pinatay. Bilang tugon
ni Aranda pinasunog nya ang mga tahanan ng Igorot at sinupin ang mga ito. Nabigo ang
mga misyonero sa tangkang binyagan ang mga katutubong Igorot.
• Monopolyo sa Tabako
Sa pagsapit ng ika-19 na siglo, muling nagpadala ng misyon ang mga Espanyol sa
Cordillera upang magtatag dito ng pamahalaang military. May mga hinirang na kinatawan
ng pamahalaan na syang may karapatang bumili ng tabako sa mga katutubo. Gayunpaman,
hindi ito sinunod ng mga Igorot patuloy pa ring nagbebenta ng tabako nang patago sa ibang
mangangalakal.
6
Ang Mga Muslim Sa Mindanao
Mula ika-7 hanggang ika-14 na siglo ay sinakop ng mga muslim (Moors) ang Spain.
Batay sa mga karanasang ito, batid ng mga Espanyol na hindi magiging madali na magapi
ang mga Muslim sa timog ng Pilipinas.
Panuto: Isulat sa iyong kuwaderno ang inilalarawan ng bawat pahayag. Gawing basehan ang
mga salitang hindi nakaayos na nasa loob ng panaklong sa pagsasagot.
7
ARALIN 2:
ANG PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO
Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Makapagpapaliwanag ng mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino;
• Makakasuri ng mga ebidensya na nagpapatunay sa bawat teorya;
• Makapagbibigay ng posisyon kung alin ang teoryang makatotohanan.
.
Ang Lahing Pilipino
Bakit iba’t iba ang hitsura ng mga Pilipino? Bago mo pag-aralan ang mga teorya ng
pinagmulan ng Pilipino, mahalaga munang liwanagin kung bakit Pilipino ang itinawag sa ating
lahi.
Bago pa man dumating ang mga Kastila, may mga tao nang nakatira at may sariling
kabihasnan sa mga pulo ng ating bansa. Iba’t ibang ang tawag sa mga tao noon. Depende ito
kung saan sila nakatira. Nang dumating si Ferdinand Magellan sa bansa, tinawag niyang
Archipelago de San Lazarus ang bansa bilang pagbibigaypugay kay Santo Lazarus. Felipinas
naman ang itinaguri ni Ruy Lopez de Villalobos sa ating bansa nang siya ay dumating noong
1542-1543 bilang parangal kay Felipe na anak ni Haring Carlos ng Espanya. Pintados ang itinawag
sa mga taga-Bisaya at indio ang sinumang makita nilang katutubo ng kapuluan. Ang tawag na
Filipino noon ay para lamang sa mga anak ng mga Kastila na nakatira sa Pilipinas. Isa sa
pinakaunang tumawag ng Filipino sa mga mamamayan ng Filipinas ay si Dr. Jose Rizal.
Ipinahayag niya ito sa kanyang tulang A La Juventud Filipina (Sa Mga Kabataang Pilipino). Nang
dumating ang mga Amerikano, Philippines ang itinawag sa Filipinas, at Filipino ang itinawag sa
mga naninirahan dito. Mula noon, Filipino na ang itinawag sa ating lahi, o Pilipino, wikang
pambansa
Maraming pinuno ng bansa ang nagnais na palitan ang tawag na ito sa atin. Mga dayuhan
naman daw ang nagpangalanng ng Filipino sa atin. Nais ng ilan ang Maharlika, ngunit ito daw ay
Sanskrito at galing sa India. Ang iba naman ay gusto ng Maynilad, ngunit marami din ang
sumalungat. Ito daw ay para sa mga Tagalog lamang. Dahil dito, nananatiling Pilipino ang tawag
sa atin.
May tatlong kilalang teorya kung saan nagmula ang lahing Pilipino. Ang mga ito ay ang
Teorya ng Pandarayuhan, ang Teorya ng Paglipat-lipat ng Panirahan ng Asyano at ang Teorya ng
Ebolusyon
1) Mga Negrito. Sila ay maliliit at may maitim at kulot na buhok. Nabibilang dito and mga
Negrito ng Bataan, Ayta ng Luzon at Mamanwa ng Mindanao;
2) Mga Malay. Sila ay mga kayumanggi na kinabibilangan ng mga tao sa Bikol, Bisaya at Timog
Luzon. Hinunuha ni Montano na sila ay may dugong Intsik, Arabo at Indonesian.
8
3) Mga Indones. Halos hawig ng mga Malay sa kulay ang mga grupong ito ay kinabibilangan
ng Samal, Bagobo, Guianga, Ata, Tagakaolo, Tagbanua, Manobo, Mandaya, at Blaan.
1. Mga Primitibong Tao. Kapareho sila ng mga taong Java na namuhay mga 250,000 taon na
ang nakaraan. Pinaniniwalaang sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na
lupa na nagdudugtong sa Pilipinas at Asya.
2. Ang mga Australoid-Sakai. Sila ang mga unang grupo ng pigmi na kamukha ng mga Negrito
at tinaguriang proto-Malay (parang Malay). Dumating sila sa Pilipinas may 25,000
hanggang 30,000 taon na ang nakalilipas.
3. Indones A. Sila ay mga mandaragat na gumamit ng mga kagamitang bato at nakarating sa
Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na ang nakararaan.
4. Indones B. Mga mandaragat sila na nakarating sa Pilipinas mula IndoTsina mga 1,500 taon
bago ipinanganak si Kristo.
5. Ang mga Taong Gumagawa ng Hagdang-Hagdang Palayan Galing sila sa Gitnang Asya at
dumating sa Pilipinas mga 800-500 BK.
6. Mga Malay Nakarating sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng makalumang bangka. Nagdaan
sila sa Borneo, Palawan at Mindoro mga 300-200 bago ipinanganak si Kristo.
7. Ang mga modernong Asyano. Nakarating sila sa Pilipinas sa panahon ng Kristiyanismo.
Ang Teorya ng Migrasyon ay may malaking impluwensya sa atin. Subalit may mga
katanungang hindi masagot ng teoryang ito. Ilan dito ay ang mga sumusunod:
1. Paano maipaliliwanag ng teoryang ito ang pag-unlad at pagkakaiba-iba ng kultura ng mga
tao sa bansa? Ang adaptasyon ng kultura ng mga tao sa lugar na may mga panirahan ay
hindi maipaliwanag ng teoryang ito.
2. Ano ang ebidensya na ang pisikal na kaanyuan ng mga mandarayuhan ay katulad ng sa
pag-unlad ng kanilang kultura?
3. Bakit ang pandarayuhan ng mga tao ay may eksaktong pagkakasunud-sunod na panahon?
Bakit grupu-grupo ang pagdating nila? Nasaan ang ebidensya ng mga grupu-grupong
pandarayuhan?
4. Bakit ang grupu-grupong pandarayuhan ay biglang dumami sa maikling panahon lamang?
5. Nasaan ang ebidensya ng ruta ng mga grupo ng migrasyon?
Sapagkat hindi matugunan ang mga tanong na ito, maraming mga iskolar ang nagsaliksik pa
tungkol sa pagsisimula ng tao sa Pilipinas.
9
napatunayang mas matanda ang kanilang wika kaysa sa mga Malayo–Polynesian. Ang grupong
ito ay ang mga Austronesyano.
Ang teoryang ito ay hindi sumasang-ayon sa teorya ni Beyer subalit ipinakikita dito na ang
unang Pilipino ay produkto pa rin ng migrasyon. Gayunpaman hindi rin nito maipaliwanag kung
paano kumalat ang populasyong Austronesyan sa buong kapuluan. Hindi rin nito maipaliwanag
kung ano ang nangyari sa wika ng mga taong kanilang nadatnan nang sila ay dumating sa
Pilipinas. Maaaring may mga Austronesyano nga na dumating sa Pilipinas ngunit hindi
maipaliwanag kung paano mabilis na kumalat ang kanilang kultura sa buong kapuluan.
C. Teorya ng Ebolusyon
Ang uri ng kapaligiran ng mga sinaunang tao ay maaring makapagbigay ng kaalaman kung
paano nagsimulang manirahan sa Pilipinas ang ating mga ninuno.
Marami ring nadiskubreng mga skeleton o buto ng hayop tulad ng elepante, riniceros at
mga stegodon sa lalawigan ng Cagayan, Rizal, Batangas, Pangasinan, Pasig at mga lugar sa
Mindanao. Ang mga hayop na ito ay karaniwang makikita sa kontinente ng Asya.
Nangangahulugan na malaki ang posibilidad na ang Pilipinas noon ay bahagi nga ng
kontinenteng Asya. Tinataya rin na may tao na sa Pilipinas mga 500,000 taon na ang nakararaan.
1. Pandarayuhan
2. Paglipat-lipat ng tirahan
10
3. Ebolusyon
Gawain sa Pagkatuto 2:
ARALIN 3
MGA NAUNA SA PAG-AALSA LABAN SA ESPANYOL
Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo) sa pakikibaka
ng bayan
a. Pag-aalsang Pangrelihiyon.
b. Pag-aalsang Pang-ekonomiko
c. Pag-aalsang Politikal
• Naipapakita ang kabayanihan ng ating mga katutubong Pilipino sa pakikibaka laban sa
mga Espanyol sa pamamgitan ng pagbuo ng awit o tula
11
Pag-aalsa ni Lakandula (1574)
• Hindi pagtupad sa ipinangako sa kanila ni Gobernador- Heneral Miguel Lopez de Legazpi
na malibre sa pagbabayad ng buwis at polo ang mga kaanak ni lLakandula ang huling
hari ng ng Maynila.
• Tinanggal ang mga prebilehyong ito nang palitan si Legazpi ni Guido Lavezares bilang
gobernadora-heneralng Pilipinas.
• Ninais ng mga datu sa pangunguna nina Magal Salamat Martin Pangan, Juan Banal at
Pedro Balingit na mahawing muli ang kanilang Kalayaan at karangalan.
• Maagang natuklasan kaya pinapatay o pinatapon sa ibang bahagi ng bansa (hal. Mexico)
ang nadakip na pinuno.
12
Mga Pag-aalsang Ekonomiko
• Pinamunuhan ni Pedro Ladia isang Moro na taga Borneo na naniniwalang mula siya
sa lahi ng Lakandula.
• Kinumpiska ang kanyang ari-arian ng mga Espanyol na nagtulak sa kaniya na mag-
alsa laban sa mga mananakop.
13
Pag-aalsa ni Almazan sa San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte (1661)
• Nag-alsa si Diego Silang dahil sa buwis at pagnanais na palayain ang mga Espanyol
• Ipinagpatuloy ni Gabriela Silang ang ipinaglalaban ng asawa.
Panuto: Tukuyin kung ito ay pag-aalsang panrelihiyon, ekonomiko, o political ang mag
sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa iyong kuwaderno.
Panuto: Ipakita ang kabayanihan ng ating katutubong Pilipino sa pakikibaka laban sa mga
Espanyol sa pamamagitan ng pagbuo ng isang tula o awit. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
ARALIN 4:
PAG-USBONG NG KAMALAYANG FILIPINO SA
SEKULARISASYON
Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
14
ANG ISYU NG SEKULARISASYON
Noong panahon ng mga Espanyol, nahati ang mga pari sa dalawa: mga paring regular at
paring secular.
• Paring regular- Ito ang kinabibilangan ng halos mga prayleng Espanyol. Ito ang
kinabibilangan halos mga prayleng Espanyol.Ito ang mga paring kabilang sa mga ordeng
relihiyoso tulad ng mga Agustino, Dominikano at Heswita,
• Paring Sekular- Ito ang mag paring Pilipino na hindi kabilang sa mga ordeng relihiyoso na
pawing katulong lamang ng mga Paring Regular sa mga parokya
Nagkaroon ng suliranin kung sino ang mangangasiwa sa mga parokya ng mga paring
Heswita nang matanggal ang mga ito noong 1768. Pinagbintangan ng mgamay kapangyarihan
ang mga Heswita na sinabing namuno sa isang pag-aalsa sa Madrid Spain laban sa isang ministro
sa pamahalaan at pagtangkang patayin si Haring Carlos III.
Nang dahil sa pangyayaring iyon, iniutos ng mga nakatataas na iluklok ang mga paring
secular sa mga bakanteng parokya. Lubhang tinutulan ito ng mga paring regular na natira.
Nang bumalik ang mga Heswita noong 1859, itinaboy na parang wala lang
ang mga paring Pilipino kaya nakadama sila ng diskriminasyon. Itinatag nila ang Kilusang
Sekularisasyon na naglaban sa mga karapatan ng mga paring Pilipino.
Ang Kilusang Sekularisasyon ay itinatag ni Padre Pedro Pelaez upang ipaglaban ang
karapatan ng mga Paring Sekular. Maagang nagtapos ang panunungkulan ni Padre Pelaez pagkat
namatay siya dahil sa lindol sa Katedral ng Maynila. Ipinangpatuloy ng GomBurZa ang
kampanyang sinimulan ni Padre Pelaez.
Mas lumala ang diskriminasyon ng mga Espanyol sa mga Pilipino. Mas umigting din ang
hidwaan ng mga Espanyol at Pilipino.
15
ANG PAG-AALSA SA CAVITE
Noong Enero 20, 1872 nagkaroon ng isang pag-aalsa sa isang arsenalsa Cavite dahil sa
sobrang paniningil ng buwis sa mga empleyado nito. Pinamunuan ito ni Sarhento Fernando la
Madrid. Nagresulta ito sa pagkabigo ng mga Pilipino at marami sa kanila ang ipinapatay at
ikinulong kabilang na ang mga sarhento.
16
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Ibigay ang kaibahan ng Paring Regular sa Paring Sekular
ARALIN 5:
MGA SALIK NA NAGBIGAY-DAAN SA PAG-UUSBONG NG
NASYONALISMONG PILIPINO
Sa aralin na ito ikaw ay inaasahang makamit ang mga sumusunod na mga layunin:
• Natutukoy ang mga salik na nagbigay-daan sap ag-usbong ng nasyonalismong Pilipino.
• Naibibgay ang epekto ng kaisipang La Ilustracion o Age of Enlightenment sa
makabayang nasyonalismo.
• Napapahalagahan ang mga salik na nagbibigay-daan sap ag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino.
17
I. Pagbubukas ng Suez Canal
Noong ika-17 ng Nobyembre 1869, binuksan sa pandaigdigang kalakalan ang Suez
Canal. Sa pagbubukas ng kanal na ito, higit na napadali ang pag-aangkat ng kalakal at
pagdating ng kaisipang liberal mula sa Europe patungo sa ibang panig ng daigdig. Napaikli
sa isang buwan ang paglalakbay mula sa Rurope patungo sa Maynila.
Bunsod nito ay dumami ang mga dayuhang naglakbay sa Pilipinas dala ang sariling
mga pananaw, kaisipan, at kultura, gayundin ang mga Pilipinong nakapaglakbay palabas ng
bansa. Nakarating din sa Pilipinas ang mga aklat, pahayagan, at iba pang babasahing mula
sa Europa at America na naglalaman ng mga kaisipang liberal na may kaugnayan sa
Kalayaan, pagkakapantay-pantay, pagkakapatiran, at kapayapaan na ibinunga ng Pranses
at iba pang himagsikan sa Europa at America.
Malaki ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal hindi lamang sa Pilipinas
kundi sa Asya at sa buong mundo. Narito ang ilan sa mga ito:
18
Epekto ng La Ilustracion sa Pilipinas
Ang deklarasyon ng Cadiz Constituttion sa Pilipinas noong 1813 ay lumikha ng
matinding reaksiyon mula sa hanay ng mga Pilipino. Ang pagpapatupad nito ay
nangangahulugang kailangang ipatigil ang ilang mahigpit na patakarang pang ekonomiya ng
Spain sa Pilipinas tulad ng sapilitang paggawa at pagbayad ng buwis.
Hindi man ganap na naipatupad ang Cadiz Constitution sa Pilipinas, nagdulot ito ng
iba’t-ibang reaksiyon sa mga Pilipino. Halimbawa nito ay ang pag-aalsa ng mga katutuo ng
Sarrat, Ilocos Norte noong 1815. Para sa mga katutubo, ang hindi pagpapatupad sa nasabing
kontitusyon ay pakan lamang ng pamahalaang kolonyal upang maipagpatuloy ang pang-
aabuso sa mga Pilipino sa pamamagitan ng sapilitang paggawa at pagpapataw ng buwis.
Kumalat ang pag-aalsa sa mga karatig na bayan sa Ilocos. Pinaslang ng mga katutubo ang mga
principles na itinuring nilang kasabwat ng pamahalaang kolonyal sa pang-aabuso sa kanila.
Bigo man ang mga pag-aalsa, malinaw na pinukaw ng kaisipang La Ilustracion at Cadiz
Constituttion ang kamalayan ng mga Pilipino tungkol sa kanilang mga karapatang dapat
tinatamasa sa buhay. Nakatulong din ito upang mapagtanto ng mga Pilipino na may
pagkakataon sana silang mamuhay nang maginhawa kung magwawakas ang pag-aabuso sa
pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng mga karapatan.
19
Subalit hindi nagtagal ang liberal na pamamahala ni dela Torre. Natapos ito ng
pinalitan siya bilang Gobernador-Heneral ni Rafael de Izquierdo matapos ang dalawang taong
panunungkulan. Si Izquierdo ang kinilala bilang isa sa pinakamalupit na namuno sa Pilipinas.
Sa panahong ito lalong sumidhi ang pagnanais ng mga Pilipino para sa pagbabago at
kasarinlan.
20
ARALIN 6
PANANAW AT PANINIWALA NG MGA SULTANATO (KATUTUBONG MUSLIM) SA
PAGPAPANATILI NG KANILANG KALAYAAN
Mga Layunin
Sa kataupusan ng araling ito ikaw ay inaasahang:
• Nakikilala ang mga katangian ng pamahalaang Sultanato, mga pananaw at paniniwala
ng mga katutubong Muslim sa pagpapanatili ng kanilang Kalayaan.
• Naipapaliwanag kung bakit naging matatag ang mga Muslim na ipagtanggol ang
kanilang relihiyon at mapanatili ang Kalayaan laban sa mga Espanyol.
• Naipagmamalaki ang katapangan ng mga Pilipinong Muslim.
Ang Sultanato ay ang pamahalaan ng mga Muslim sa Mindanao. Higit itong Malaki kaysa
sa pamahalaang barangay. Pinamumunuan ito ng sultan. Organisado ang Sultanato. Ito ang
tumakot sa mga Espanyol na agad sakupin ang mga Muslim sa Mindanao. Matatapang ang mga
muslim, hindi sila basta nakikipagkasundo sa mga dayuhan. Malaki ang pagmamahal nila sa
kanilang pamahalaan at teritoryo. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng
malaking digmaan hanggang kamatayan. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa
Kalayaan.
21
hindi makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol
at mga Muslim, kalian may hindi nila napasuko ang mga Muslim.
22
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Panuto: Hanapin sa hanay B ang katugmang mga salita na makikita sa Hanay A. Isulat sa iyong
kuwaderno ang titik ng tamang sagot.
A B
1. Pamahalaan ng mga Muslim sa a. Luzon at Visayas
Mindanao b. Sultan Kudarat
2. Ugali ng mga Muslim na hindi sila c. Sultanato
basta nakikipagkasundo d. Matapang
3. Pinunong Muslim na labis na e. Digmaang Moro
kinatatakutanng mga Espanyol
4. Tawag sa pakikipaglaban ng mga
Muslim
5. Lugar na sinalakay ng mga Muslim
bilang paghihiganti sa mga
Espanyol
Isagawa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.
23
SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 1
Gawain sa Pagkatuto 1 Aralin 4
1. Igorot Gawain sa Pagkatuto 1
2. Kristiyanismo 1. Sekularisasyon
3. Muslim 2. Padre Pedro Pelaez
4. Ginto 3. Heswita
5. Digmaang Guro 4. GomBurZa
Gawain sa Pagkatuto 2 5. Arsobispo Meliton Martinez
Iba-iba ang maaring sagot Gawain sa Pagkatuto 2
Iba-iba ang maaring sagot
Aralin 2
Gawain sa Pagkatuto 1 Aralin 5
Iba-iba ang maaring sagot Gawain sa Pagkatuto 1
Gawain sa Pagkatuto 2 1. Suez
Iba-iba ang maaring sagot 2. La Ilustracion
3. Nasyonalismo
Aralin 3 4. Principles
Gawain sa Pagkatuto 1 5. Izquierdo
1. Pag-aalsa Politikal Gawain sa Pagkatuto 2
2. Pag-aalsa Politikal Iba-iba ang maaring sagot
3. Pag-aalsa Pang-ekonomiko
4. Pag-aalsa Panrehiyon Aralin 6
5. Pag-aalsa Pang-ekonomiko Gawain sa Pagkatuto 1
Gawain sa Pagkatuto 2 1. √
Iba-iba ang maaring sagot 2. √
3. √
4. x
5. √
Gawain sa Pagkatuto 2
1. c
2. d
3. b
4. e
5. a
Isagawa
Iba-iba ang maaring sagot
24
Mga Sanggunihan
https://www.youtube.com/watch?v=yE6FtA3aWaU&t=1164s
https://www.youtube.com/watch?v=AINqbTLTluI
https://grade5.modyul.online/araling-panlipunan-ikaapat-na-markahan-modyul-2-pag-
usbong-ng-kamalayang-filipino-sa-sekularisasyon/
https://www.google.com/search?q=MGA+NAUNA+SA+PAG-
AALSA+LABAN+SA+ESPANYOL&rlz=1C1NDCM_enPH974PH974&oq=MGA+NAUNA+SA+
PAG-AALSA+LABAN+SA+ESPANYOL
https://www.youtube.com/watch?v=hi0_6cEuejo
https://www.youtube.com/watch?v=ex_l44LcnNM
25