Aralin 3

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

KATOTOHANAN

O OPINYON
KATOTOHANAN
Ito ay nagpapahayag
ng mga bagay o
pangyayaring may
sapat na batayan o
patunay.
MGA HALIMBAWA
• Ang Pilipinas ay nasa Timog-
Silangang Asya.
• Si Andres Bonifacio ay isang
magiting na bayani.
• Ipinadiriwang ang Araw ng
Kalayaan tuwing ika-12 ng
Hunyo taon-taon.
MGA HALIMBAWA
• Batay sa ulat ng DOH-XII, nasa 658 ang kaso
ng local transmission sa Covid-19.
• Ang araw ang pangunahing pinagkukunan natin
ng enerhiya ayon sa mga eksperto.

• Napatunayan sa pananaliksik na ang tubig ay


kailangan ng ating katawan.
OPINYON
Ito ay isang kuro-kuro o
haka-hakang personal.
Ito ay sariling paniniwala
tungkol sa isang bagay.
MGA HALIMBAWA
Kung ako ang tatanungin, mahalaga
sa magkakaibigan ang pagtitiwala sa
isa’t isa.
Sa aking palagay, mas payapa ang
buhay ng isang taong may takot sa
Diyos.
Sa tingin ko, hindi siya magkakasakit
dahil umiinom siya ng maraming
bitamina.
MGA HALIMBAWA
Bughaw ang pinakamagandang kulay.

Ang prutas ay mas masarap kaysa


gulay.

Dapat ikulong ang mga taong


umiinom ng alak.
Tukuyin kung ang
pangungusap ay
opinyon o katotohanan.
KATOTOHANAN

Sinakop ng mga Amerikano ang


Pilipinas.
OPINYON

Walang magsasaka ang


yumayaman.
OPINYON

Humihingi ng bayad ang ibang


bumbero bago apulahin ang apoy.
KATOTOHANAN

Matigas ang bato.


OPINYON

Keso ang paboritong palaman ni Rea


sa tinapay sa paniniwala ko.
Pagsubok
#1
Isulat sa patlang ang K kung ang pangungusap ay
nagsasaad ng katotohanan at O kung ito ay
opinyon.
___1. Ang dugo ay kulay pula.
___2. Sa Baguio raw dapat magandang magtayo
ng bahay-bakasyunan.
___3. Pinakamagandang libangan ng isang bata
ang paglalaro ng online games.
___4. Ang isa dagdagan ng dalawa ay tatlo.
___5. Mura lang magbakasyon sa Boracay.
___6. Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing ika-25
ng Disyembre.
___7. Sunod-sunod ang pagtaas ng presyo ng
gasolina at diesel ayon sa balita.
___8. Nakakatakot ang mga gagamba.
___9. May pitong araw sa isang linggo.
___10. Ang pambansang watawat ng Pilipinas ay
may kulay bughaw, pula, puti, at dilaw.
RUBRIK SA BALAGTASAN (PETA#1)
NILALAMAN PAGGALAW
PAGBIGKAS
10 PUNTOS 5 PUNTOS
5 PUNTOS

You might also like