Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Bolbok Integrated National High School

Bolbok, Lipa City

Araling Panlipunan
Diagnostic Test

Pangalan: _______________________________________________ Antas& Seksiyon: __________

Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.


_____ 1. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang – alang sa paggawa ng desisyon?
a. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin, at tradisyon
b. Isaalang-alang ang mga hilig at kagustuhan
c. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon
d. Isaalang-alang ang mga dinadaluhang okasyon

______2. Ang trade-off ay ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay samantalang ang
opportunity cost ay ang halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon
(Case, Fair, and Oster, 2012). Ano ang dahilan kung bakit may trade-off at opportunity cost?
a. Dahil walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao
b. Dahilan sa kawalan o limitado ang kaalaman sa pagpili at pagdedesisyon
c. Dahil may umiiral na kakapusan at kakulangan sa mga produkto at serbisyo
d. Upang makalikha ng mga produktong kailangan ng tao.

______3. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng Ekonomiks?


a. Ito ay pag-aaral ng tao at ng lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pangkabuhayan.
b. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya sa kaniyang pagdedesisyon.
c. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning pangkabuhayan na kinakaharap.
d. Ito ay pag-aaral kung paano matutugunan ng tao ang kaniyang walang katapusang pangangailangan at
kagustuhan sa harap ng kakapusan.

______4. Si Nicole ay pumapasok sa isang pampublikong paaralan na malapit sa kanyang bahay. Naglalakad lamang
siya sa tuwing papasok at uuwi. Sa loob ng isang linggo, binibigyan siya ng kanyang magulang ng Php 100
pambili ng knyang pagkain at iba pang pangangailangan. Sinabi ng knyang ama na kapag nakakuha siya ng
grado na 90 ay dadagdagan ang kanyang baon. Alin sa mga sumusunod na konsepto ng ekonomiks ang
tinutukoy nito?
a. Trade -off b. opportunity cost c. Marginal thinking d. Incentives

______5. Ayon sa batas ng demand, alin sa mga sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag tungkol
sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
a. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
b. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
c. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer
d. Habang tumataas ang presyo bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer

______6. Ano ang tawag sa pagtatakda ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan at
pangangailangan?
a. Distribusyon b. Alokasyon c. Pamumuhunan d. Reserbasyon

______7. Sentralisado ang kapangyarihan ng pamahalaan sa bansang China. Ano ang sistemang pang-ekonomiya na
kahalintulad nito sa North Korea?
a. Traditional b. Mixed c. Command d. Market
______8. May apat na pangunahing katanungang pang ekonomiko upang matiyak na episyente at maayos ang
aloksayon ng pinagkukunang yaman. Ano ang katanungan ang batay sa pahayag na “Mamamayan sa loob o labas ng
bansa”
a. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
b. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?

c. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?


d. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

______9. Sentralisado ang kapangyarihan ng pamahalaan sa bansang China. Ano ang sistemang pang-ekonomiya na
kahalintulad nito sa North Korea?
a. Traditional b. Mixed c. Command d. Market

______10. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
a. Traditional Economy b. Market Economy c. Command Economy d. Mixed Economy

______11. Ayon sa batas ng demand, alin sa mga sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag tungkol
sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer?
a. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo
b. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo
c. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer
d. Habang tumataas ang presyo bumababa ang quantity demanded ng mga konsyumer

______ 12. Isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo.
a. Demand b. Batas ng demand
c. Demand Curve d. Demand Schedule

_______13. Karaniwang naayon sa panlasa ang pagpili ng produkto at serbisyo. Ano ang maaaring maging epekto
nito sa demand kung ang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa?
a. Bumaba ang demand b. Katamtaman ang pagtaas ng demand
c. Tumaas ang demand d. Walang pagbabago sa demand

_______14. Dahil sa inaaasahan ang pagdating ng iyong sweldo sa susunod na linggo, ano ang posibleng mangyari sa
paggasta sa kasalukuyan?
a. Bumaba ang demand b. Katamtaman ang pagtaas ng demand
c. Tumaas ang demand d. Walang pagbabago sa demand

_______15. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin kung may mataas na kita ang isang tao?
a. Pumunta sa lugar na kilala sa turismo b. Bumili ng naayon sa iyong kagustuhan
c. Maging matalino sa larangan ng paggasta d. Bumili ng maraming produkto paras a hinaharap

_______16. Isang graph na nagpapakita ng iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at ng quantity demand. Ito ang
graphical representation ng isang demand schedule.
a. Demand b. Batas ng demand
c. Demand Curve d. Demand Schedule

_______17. Ito ay tumutukoy sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded.


a. Demand b. Batas ng demand
b. Demand Function d. Demand Schedule

_______18. Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na gawin kung may mataas na kita ang isang tao?
a. Pumunta sa lugar na kilala sa turismo b. Bumili ng naayon sa iyong kagustuhan
c. Maging matalino sa larangan ng paggasta d. Bumili ng maraming produkto paras a hinaharap
_______19. Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng matalinong pagpapasya sa produktong may
mataas na presyo?
a. Pagbili ng produktong second hand
b. Hintayin na lamang na bumaba ang presyo
c. Bilhin pa rin sa kabila ng mataas na presyo sa kadahilanang ito ang brand mo
d. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produkto na higit na mababa ang presyo kaysa nakaugalian

_______20. Ang teknolohiya ay isa sa salik na nakaaapekto sa suplay, alin sa mga sumusunod ang Hindi bunga ng
makabagong teknolohiya?
a. Mabagal na produksiyon
b. Nakapagpapataas sa suplay
c. Nakapagpapa- unlad ng isang ekonomiya
d. Nakahihikayat sa prodyuser na dagdagan ang suplay

_______21. Ano ang inilalarawang ng paikot na daloy ng ekonomiya?


a. Kita at gastusin ng Pamahalaan b. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
c. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya d. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya

_______22. Sa paikot na daloy ng ekonomiya, papaano nagkakaugnay ang sambahayan at bahay kalakal ?
a. Ang salapi ay ginagamit ng sambahayan upang ipautang na kapital sa mga bahay-kalakal
b. Sa sambahayan nagmumula ang mga salik ng produksiyon na sumasailalim sa pagpoproseso ng bahay
kalakal.
c. Ginagamit ng sambahayan ang nakokolektang buwis upang makabuo ng produkto na gagamitin
ng mga bahay-kalakal.
d. Nagbubukas ng bagong planta ang sambahayan upang magkaroon ng karagdagang trabaho para sa
mga bahay – kalakal.

_______23. Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito ay nagbibigay ng konteksto sa
pagsusuri ng pambansang ekonomiya sa makroekonomiks. Anong modelo ng pambansang ekonomiya ang bukas
para sa kalakalang panlabas.
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo

_______24. Ang modelong ito ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng simpleng ekonomiya at upang lumago
ang ekonomiya, kinakailangang maitaas ng kaukulang actor ang kanyang produksiyon at pagkonsumo. Anong modelo
ang tinutukoy dito?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo

_______25. May dalawang uri ng ng pamilihan sa pambansang ekonomiya. Ang unang uri ay ang pamilihan ng mga
salik ng produksiyon at ang ikalawa ay ang pamilihan ng mga tapos na produkto. Sa anong modelo ng pambansang
modelo ito nabibilang?
A. Unang Modelo B. Ikalawang Modelo C. Ikatlong Modelo D. Ikalimang Modelo

_______26. Kung ang mikro ekonomiks ay nakatuon sa bawat indibidwal na presyo, saan naman ang tuon ng
maykroekonomiks?
a. Pambansang Kita
b. Dami ng trabaho sa isang ekonomiya
c. Pamamaraan ng pamahalaan sa paglutas ng suliranin
d. Lahat ng nabanggit.

_______27. Sa modelong ito ng pambansang ekonomiya, may kalakalang panlabas ang bukas sa ekonomiya.
a. Unang Modelo b. Ikalawang Modelo c. Ikatlong Modelo d. Ikalimang Modelo

_______28. Sa ikalawang modelo ang paglago ng ekonomiya ay nakabatay sa pagtaas ng produksiyon.


Ang sumusunod ay mahalagang salik upang maitaas ang produksiyon maliban sa :
a. Dumami ang oportunidad sa trabaho b. Malinang ang oportunidad ng lupa
c. Mapalago ang kapital d. Mapaunlad ang kasanayan ng manggagawa.
_______29. Kung ang GNP ay sumusukat sa kabuuang produksiyon na nagawa ng isang bansa sa loob
ng isang taon, ano naman ang GDP?
a. Pagsukat sa paglago ng ekonomiya
b. Mabilis na paglaki ng populasyon.
c. Malaking Per Capita Income ng bawat tao
d. Halaga ng produkto na ginawa sa loob ng bansa
_______30. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng ___________.
a. Consumer Price Index b. Corruption Index
c. Gross National Product d. Human Development Index

_______31. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa,
marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay patuloy na korapsyon. Paano kumikilos
ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito?
a. Ipinagsasawalang kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
b. Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang hinaing ukol sa talamak na
korapsyon sa pamahalaan.
c. Mulat ang mga Pilipino sa anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang
ipaglaban kung ano ang tama at nararapat.
d. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga
tiwaling opisyal ng gobyerno.

_______32. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang
mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang
mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
a. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
b. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan.
c. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at
komunidad.
d. Wala sa nabanggit

_______33. Alin sa mga sumusunod na salik ang lubhang mahalaga sa pagpapalago ng ekonomiya ng isang bansa?
a. Likas na Yaman b. Yamang – tao c. Kapital d. Teknolohiya

_______34. Ang pagiging kasapi sa kooperatiba ay isang paraan upang makaroon ng pagkakataon ang bawat isa na
maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa gampanin ng mamamayang
Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran?
a. Maabilidad b. Makabansa c. Maalam d. Mapanagutan

_______35. Ang pagiging kasapi sa kooperatiba ay isang paraan upang makaroon ng pagkakataon ang bawat isa na
maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa gampanin ng mamamayang
Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran?
a. Maabilidad b. Makabansa c. Maalam d. Mapanagutan

_______36. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang
mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Alin sa mga sumusunod ang
tumutukoy sa estratehiya na makatutulong sa pag-unlad ng bansa?
a. Maabilidad b. Makabansa c. Maalam d. Mapanagutan

_______37. Maraming tao ang nagpapatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit anumang
larangan. Bilang isang maabilidad na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na
pamamamaraan?
a. Pagsunod sa batas trapiko
b. Pagsali sa mga illegal na gawain
c. Pagbili ng mga mamamahaling pabango
d. Pagtulong sa magulang sa maliit na negosyo
_______38. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tumulong sa pagsagip sa kalikasan, ano ang iyong gagawin?
a. Maglilinis ng kapaligirab at magtatapon ng basura sa tamang tapunan.
b. Magtatanim ng mga bakawan upang maging alternatibo sa mga puno na nawala.
c. Magtatanim ng maraming puno upang maibalik ang mga nawawalang puno sa kagubatan.
d. Lahat ng nabanggit

_______39. Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampubliko sa mga pamilyang nagbubungkal ng lupa.
Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
a. Agricultural Land Reform Code
b. Batas Republika Bilang 1160
c. Land Registration Act ng 1902
d. Public Land Act ng 1902

_______40. Itinuturing na ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman
ay tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa
pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan
o interaksiyon ng dalawang sektor?
a. Sa lumalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang sa industriya ay sa mga
bahay – kalakal.
b. Ang industirya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nananatili sa tradisyonal na
pamamaraan ng pagsasaka.
c. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang
kapitan ng industriya.
d. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa
sektor ng industriya upang gawing panibagong uri ng produkto.

You might also like