Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

University of Caloocan City

EPEKTO SA KULTURANG PILIPINO NG PAGTANGKILLIK SA KPOP


NG MGA PILING MAG-AARAL SA UNIBERSIDAD NG CALOOCAN
CITY, CAMARIN CAMPUS T.A. 2015-2016: ISANG PAG-AARAL

Mga Mananaliksik:

Alegre, Rufa S.A.


Buanda, Patricia Marie
Buanda, Sheilah
Carbonel, Rezyl
Catayong, Christy
Fuentes, Cristine

Marso 2016
KABANATA I
Suliranin at Sanligang Sangkasaysayan

Panimula
Ang ating bansa, ang Pilipinas, ay kilala sa malikhaing

kaalaman at karunungan sa larangan ng musika. Dahil sa

talento at pagkahillig sa musika ng mga Pilipino, ang mga

kabataan at pati na rin ang matatanda ay nahilig na sa iba’t

ibang klase ng musikang banyaga. Ang musika na ating

pinakikinggan ay nagbabago-bago at nadadagdagan sa

pagdaan ng panahon. Dahil na rin ito sa patuloy na paglago

ng teknolohiya kung saan maaari tayong makinig at

makakalap ng iba’t ibang uri ng musika galing sa kung saan

mang bansa.

Sa paglipas ng mga taon, ang ating mga lumang

katutubong musika noon ay nakababagot na para sa

maraming kabataan na ngayon ay nahihilig sa makabagong

musika. Tulad na lamang iyan ng Korean Pop Music o KPOP


na talaga namang walang dudang tinatangkilik ng mga

kabataan ngayon. Ano nga ba ang KPOP? Ayon sa Wikipedia

(2014), ang KPOP ay isang kategorya ng musika na binubuo

ng electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa

Timog Korea. Karagdagan pa dito, ang K-POP ay

kasalukuyang popular sa kamalayan ng mga kabataan sa

buong mundo at ito’y nagbunga ng laganap na interes sa

pananamit at kilos ng mga hinahangaang grupo ng mga

Koreano pati na rin ang mga solong mang-aawit. Mula sa

kahulugan na ito’y ating mahihinuha na ang KPOP ay talagang

patuloy na umuunlad at nakaaapekto sa bawat indibidwal na

tumatangkilik dito gayundin sa ating kultura.

Taong 2009 nang magsimulang pumatok ang isang

kanta ng isa sa Korean Group, ang “Nobody” na pinasikat ng

Wonder Girls na sumasayaw at kumakanta. Binubuo ang

grupong ito ng limang kababaihan. Ang kantang ito ay naging

bukambibig ng halos lahat ng Pilipino noon, mapa bata man o


matanda at nakikiindak pa sa saliw ng kantang ito. At mula sa

taong 2009 hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang

pagdami ng grupong Koreano na patuloy din ang

panghihimasok sa bansa. Ang Superjunior, EXO, 2ne1, Girl’s

Generation at marami pang iba ang kilala at pinaguusapan ng

mga Pilipino lalo nang mga kabataan.

Nagkaroon ng isang malaking katanungan kung bakit

nga ba patok ang KPOP sa mga kabataan. Bakit ba

tinatangkilik ng ilan ang mga KPOP Groups? Bakit nga ba mas

gusto ng mga kabataan ang musikang banyaga kaysa sa

sariling atin? Makaaapekto kaya ito sa kultura at mga

kaugalian ng mga kabataang tumatangkilik dito? Ilan lamang

ito sa marami pang katanungan na masasagot sa pag-aaral na

ito.
Paglalagad ng mga Suliranin

1. Ano ang K-Pop?

2. Anu-ano ang mga kadahilanan kung bakit tinatangkilik

ng mga piling mag-aaral ng Unibersidad ng Caloocan

City ang K-Pop?

3. Anu-ano ang nagiging epekto ng pagtangkilik sa K-Pop

sa kulturang Pilipino?

4. Sa anong aspeto naipapakita ng mga mag-aaral ang

pagtangkilik sa K-Pop?
Haypotesis

1.
Sanligang Pangkasaysayan

Ang Korean Pop o mas kilala natin sa tawag na K-POP,

ay isang malawakang pagkahilig sa mga produktong koreano.

Lubusan na rin itong naging tanyag sa mga koreano at mapa

hindi koreano, dahil na rin sa kinilala na ito sa Asian Market at

pati na rin sa Worldwide Level.

Ang paglabas ng Seo Tai-ji & Boys sa taong 1992 ang

nagsimula ng popular na musika ng Timog Korea, na may

pinaghalong rap rock at techno. Popular din noong 1990s ang

mga Hiphop duos kagaya ng Deux. Ang pagkabuo ng

pinakamalaking industriya ng talento ng Timog Korea, ang

S.M. Entertainment, noong 1995 ng isang Koreyanong


negosyante na si Lee Soo Man, ay naging daan upang mabuo

ang kauna-unahang grupo ng mga babaeng mang-aawit at

pati na rin ng mga lalaking mang-aawit. Sa mga huling taon

ng 1990s, ang YG Entertainment, DSP Entertainment, at JYP

Entertainment ay biglang sumulpot sa industriya at naglabas

sa publiko ng madaming-madaming mga bagong talento. Ang

mga grupo tulad ng S.E.S., Fin K.L, H.O.T, Sechs Kies, G.o.d.,

Fly to the Sky at Shinhwa ay naging matagumpay noong

1990s. Sa dekada ring ito sumikat ang hip hop at R&B sa

Korea, na nagdulot ng Kasikatan ng mga mang-aawit katulad

ng Drunken Tiger (Wikipedia, 2009).

Ang impluwensiya ng K-pop ay lumalabas na rin sa

Asya, katulad ng Amerika, Canada, at Australia. Sa taong

2011, ang K-Pop ay naging popular na sa Japan, Malaysia,

Poland, Mexico, Philippines, Indonesia, Thailand, Taiwan,

Singapore, France, Ireland, China, Canada, Brazil, Chile,

Colombia, Argentina, Russia, Spain, Germany, Sweden,


Romania, Croatia, Australia, Vietnam, United Kingdom at

United States.

Bagama’t limitado ang mga datos na nakalap sa mga

piling mag-aaral Unibersidad ng Caloocan City, maaaring

sabihin na naangkop pa rin ito sa iba’t ibang uri ng mga mag-

aaral na tumatangkilik sapagkat halos lahat ay

naimpluwensyahan na ng tinatawag na “K-POP” na maaaring

hatiin sa tatlong aspeto: sa pisikal na kaanyuan, sa pag-iisip

at sa pagiging nasyonalismo.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Sa mga Mag-aaral.
Sa mga Magulang.
Sa mga Guro.
Sa mga susunod na Mananaliksik.
Saklaw at Limitasyon
Kahulugan ng mga Salita
K-Pop isang kategorya ng musika na binubuo ng

electropop, hip hop, pop, rock at R&B na nagsimula sa Timog

Korea.
KABANATA II

You might also like