Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Covid 19

Pagbabad at pagpupuyat sa online games ang itinuturing dahilan kung bakit maraming bata at

kabataan ngayon ang sobrang bugnutin at maiinitin ang mga ulo lalo na at may mga sabagal o abala sa

kanilang paglalaro ng mobile games. Ayon sa mga eksperto, lalong naging seryoso ang problemang ito

ngayong panahon ng Covid-19 pandemic dahil sa online classes dahil nagkaroon ng mas malaking

pagkakataon ang mga estudyante na ang karamihan ay mga high school at elementary students para

makapaglaro ng one to sawa ng online games pagkatapos ng kanilang mga klase. Ginagawa nilang

dahilan ay ang pagkukunwari ng gumagawa sila ng kanilang mga assignment at projects para

makapaglaro na madalas ay inaabot na ng hating gabi hanggang madaling araw.

Dahil dito ay maraming mga magulang ang nahababala sa nakikita nilang mga pagbabago sa

kanilang mga anak partikular ang mga mag-aaral na may mga edad mula 7 hanggang 14 na parang

walang gana at matatamlay kapag nakahinto sa paglalaro ng online games . Nagbabala naman ang mga

eksperto na ang mga pagbababad sa online games ay nakakasira din ng paningin at hindi umano kataka

taka na parang hindi napapagod o hindi inaantok ang mga naglalaro nito dahil ang mga gadget ay

nqglalabas ng blue light na ang katumbas ay ang siikat o liwanag na nagmula sa araw kung kayat ang

pakiramdam ng mga gumagamit ng mobile phones, laptops at computer eh maaga pa para sila ay

matulog. Ilan sa mga reklamo ng mga magulang ay ang pagiging tamad, walang pakialam sa paligid at

para lagi na lang maysakit ang mood ng kanilang mga anak kapag nasa harap ng gadgets.

Ang mga nakaeengayong larong nangangailangan ng diskarte at mga kasanayan sa paglutas ng

problema upang manalo ay nangangailangan ng pagmemerya at pagkuha ng maraming data. Ang ilan sa

mga benepisyo ng mga online na laro ay kung paano sila nakakatulong sa pag-uunlad ng ilang mental

capabilities. Ngunit habang banta ng covid19 ay malaki pa, makatitiyak na malaki ang papel Ng internet

sa unang buwan ng panibagong school year. Ayon nmn Kay gavilan, dapat alalahanin ng gobyerno ang

iba't ibang pinanggagalingang estado sa buhay ng estudyante. dito talaga makikita iyon inequality sa mga

bata Kasi parang kahit na sabihin na lessons din per grade level, iyong access nila sa resources Hindi

pare-pareho. May mga bata na available agad ang computer, habang may mga Batang alalahanin pa ng
magulang Kung saan kukuha Ng Pera para magka- internet o Di Kaya mag-renta ng computer para sa

online classes.

Ito ang aking naging karanasan bilang isang estudyante at isang Tao na humaharap din sa

hamon Ng buhay, madami tayong nagiging problema pero lagi natin tatandaan na malalagpasan natin Ito

Kaya bilang estudyante katulad ko kailangan natin magpatuloy sa buhay kahit nahihirapan Tayo o kulang

sa budget. nasulat ko Ito dahil madami akong naging Aral dahil sa pagsubok na Ito at madami akong

karanasan na bumago sa aking buhay.

You might also like