Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

KABANATA 2

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Makikita sa kabanata na ito ang mga kaugnay na Literatura at Pag-aaral na nakuha sa


mga binasang aklat, thesis, disertasyon, web page at iba pang mga babasahing may malaking
kaugnayan sa pananaliksik na ito. Isinagawa ang paghahanay ng mga ideya, kaispan at konsepto
upang mas maunawaan at mabigyang linaw ang isinagawang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

A. Banyaga

Ang Pilipinas ay kinikilala sa buong mundo bilang isa sa pinakamalaking mga bansang
nagsasalita ng Ingles na may mayorya ng populasyon nito na may kahit ilang antas ng katatasan
sa wika. Ang Ingles ay palaging isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas at sinasalita ng higit sa
14 na milyong Pilipino. (Mike Cabigon,2015)
Ang Pilipinas ay tahanan ng mahigit 100 milyong tao na nakakalat sa 7,107 isla sa
Southeast Asia. Kabilang sa higit sa 100 karamihan sa mga wikang Austronesian na sinasalita sa
makapal na populasyon na kapuluang ito ay Ingles, na ginagawang isa ang bansa sa
pinakamalaking bansang Anglophone sa mundo. (Oxford, 2022)
Sa 2/3 ng populasyon na matatas sa Ingles, ang Pilipinas ay itinuturing na isa sa
pinakamalaking mga bansang nagsasalita ng Ingles sa mundo. Sa katunayan, sa EF English
Proficiency Index 2017, ika-15 ang Pilipinas sa 80 bansa. Ang grupo ng mga available na de-
kalidad na workforce ay nagsisilbing competitive advantage ng bansa kumpara sa mga kalapit na
bansa nito. (Josephine Mariñas, 2021)

B. Lokal

Ipanatupad ng pamahalaan ang Executive Order (EO) No. 210 noong Marso 17,2003 na
muling nagtakda ng wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pagtuturo sa pambiliko at
pribadong paaralan. Ayon sa kautusang ito na papaunlarin pa ang kasanayan ng mga estudyante
na mga Pilipino sa wikang Ingles.

At ayon sa kanila dagda pa ng mga ibang naghain ng petisyon, na magiging balakid din
ang paggamit ng wikang Ingles sa paaralan ng mag aaral sa pagkatuto na galling sa mahihirap na
pamilya. Bunsod ng mahirap na pamumuhay, hindi sila nakakapag-aral sa pribadong paaralan ung
saan higit na ginagamit ang Ingles bilang wikang-panturo. Nahihirapan silang sumabay sa
talakayan sa silid-aralan kapag Ingles na ang midyum na gagamitin sa pagtuturo sa klase.

Ayon kay Joel Malabanan, isang guro ng Filipino sa isang paaralang sekundarya sa
Cavite isa syang dating propesor ng Filipino sa De La Salle Universiry, nakakaabala sa pagkatuto
ng mga mag aaral ang wikang Ingles sapagkat importante at kinakailangan pa nilang magsalin
ang mga salita sa isip nila Aniya,” Paatras na hakbang ang EO 210 sa pagyabong ng wikang
panitikang Pilipino.

Mahalagang matutunan ang wikang Ingles, ngunit at dahil higit na mainam kung ang mga
mag-aaral ay tinuturuan muna sa wikang Filipino o sa rehiyonal nawikang kanilang nakasanayan
sapagkat madali nilang maiintindihan ang mgaaralin gamit ang mga ito. Naipakita na ito sa mga
pag-aaral at mag-aaral, gaya ng ginawa ng mga Lupon ng Pambansang Edukasyon sa Iloilo
noong 1948 hanggang 1954 kung saan higit na natuto ang mga mag-aaral sa Iloilo nang Ilonggo
ang ginamit nawikang panturo.

Alinsunod sa konstitusyon ng Biak-na-Bató na binuo noong 1897, ang Tagalog ang


magiging opisyal na wika ng bansa. Ang probisyon ay produkto ng paggamit ng Katipunan sa
Tagalog bilang wika ng komunikasyon, gaya ng pinatutunayan sa lahat ng mga dokumentong
inilabas nito, at ayon na rin sa Kartilyang Makabayan: Mga Tanong at Sagot Ukol kay Andrés
Bonifacio at sa KKK na sinulat at inilathala ni Hermenegildo Flores noong 1922. Maraming mga
dokumento sa Katipunan gaya ng isyu ng pahayagang Kalayaan at mga liham ng pamunuan, ay
nakasulat sa Tagalog (Richardson, The Light of Liberty).

Ayon kay Sibayan (1988) “Ang Intelekwalisasyon ng Pilipino ay dapat ipokus sa mga
lawak ang kumokontrol ng Wika, ang lawak na ayon sa kanya ay nagdidikta ng Wikang inaasam
atpinapaburan ng mga taong gumagamit ng wikang iyan. Mahalaga sa pag aaral ng wika ang
pagsulat at paglilimbag ng mga kagamitang panturo at mga aklat sa pagkatuto o ang ‘idyomang
Pedagojical.” Ang mga sinsabing ito ay inilahad ni Sibayan ay ang mga maaring mapagnilayan
ng bawat isang Pilipino habang patuloy na dinidevelop ang wikang Filipino. Ito sana’y Magsilbi
itong gabay nating mga Pilipino tungo sa mabilis at malawakang estandardisasyon at
intelektwalisasyon ng ating wika. Ito ay magiging isa sa magsilbing tagapagbuklod sa ating lahat
na mamayang Filipino na tungo sa iisang mithiin makabansa.

Ayon naman kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang tagalog Filipino: they differ,
isa ng Executive Order No.134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon noong ika-30 disyembre, 1937
ay kinilala ang tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng wikang Pambansa. Marahil sa
pagkakaroon din ng opisyal na wika sng isang bansa ay siyang magiging tulay tungo sa matatag
at matagumpya na ekonomiya nito. Dagdag pa rityo”

Ayon naman kay Dr. Aurora Batnag (Kabayan,2001) ang Pilipinas ay multi-linggwal at
multicultural” nabubuklod ang ating mga watak na watak na isla ng iisang mithiin na
ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng ibat ibang rehiyon kundi gayon din sa isahang
midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi ito matubasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa. Hindi rin kayang baguhin”
palitan at malimutan ng isang bansa ang wika nito dahil malaking Malaki ang nagging gampanin
nito noo at magpahanggang ngayon.

Ayon kay Antonio Piafetta noong taong 1525, mas maganda pa daw napormalisa ang
wikang Filipino ngayon kay sa kasaysayan ng ating bansa. May mga pamilyar na salita ang lugar
na naiintindihan sa kahit saang dako ng Pilipinas. Ibig sabihin nito ay nagkakaisa na tayo noon pa
man sa usapin tungkol sa wika.

Ayon sa Binhi sa Lingwistikang Filipino (2003) at Sining ng komunikasyon sa kolehiyo


(2003), ang komunikasyon ay paghatid ng nais nating mensahe o emosyon upang tayo’y
maintindihan ng ating kapwa. Sa lahat ng oras, ang tao ay nakikipagkomunikasyon, sa tuwing
nakikipag-usap sila sa kanilang kapwa o nais nilang maintindihan ang mga taong miyembro ng
ating lipunang kanilang ginagalawan. Ang komunikasyon ay isang proseso kung saan may
nakakatanggap at naghahatid ng mensahe. Bawat isa, may kani-kanyang parteng ginagampanan
sa paghahatid ng kahulugan. Alam naman natin na ang ginagamit nating lingwahe dito sa
Dumaguete at sa buong Negros Oriental ay mga Cebuano ngunit kailangan nating pag-aralan at
dapat din tayong matuto ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan ay sarili nating wika. Dapat
itong pahalagahan at ipagmalaki sa pamamagitan ng paggamit hindi lang sa paaralan kundi
maging sa labas ng paaralan. Tayo ay naninirahan sa demokratikong bansang Pilipinas kaya may
karapatan tayo at malaya tayong gamitin ang wikang atin kailan man at saan man natin gusto.

Kaugnay na Pag-aaral

A. Banyaga

Ayon sa mga ginawang pananaliksik ni Patrisius Djiwandono (2017) na may pamagat na


The Learning Styles of Millenial Generation in University: A study in Indonesian Context”, ang
konteksto ng pag tuturo at aspetong kultural ay pinaniniwalaang isa sa humubog sa estilo ng pag
aaral ng mga kalahok. Maaaring mayroong epekto ang kapaligiran kung paano mas mauunawaan
ng isang estudyante ang kanyang pinag-aaralan.

Ayon sa ginawang pag-aaral ni karpen et.al (2018) na “How Millenials are changing
English Language”, ang kasalukuyang kabataan ay gumamit ng kakaibang wika. Nakasaad din
dito na ang wikang Ingles ay hindi pa wasak bagkus, ito lamang ang nagbabago at tingin nil ana
ito’y nakakabuti at kung hindi man nagbago o umusbong ang wika, maaaring ang pananalita
ngayon ay katulad ng pananalita sa panahon ni Shakespeare.

Bilang asignatura naman, 1940 na nang maging subject ang wikang pambansa sa isang
taon ng hayskul at sa mga kolehiyong normal (Edroza-Matute 189) Iyon ang pagtatangka na
simulan ang paggamit ng wikang pambansa bilang wikang panturo. Sapagkat, sa panahon ng
pananakop ng Hapon sa bansa, pansamantalang bawal ang Ingles at wikang pambansa ang
ginamit na wikang panturo sa lahat ng antas, sa kauna-unahang pagkakataon. Yumabong at
dumami na lalo ang panitikan sa sariling wika sapagkat “Pati ilang manunulat na Pilipino sa
Ingles at nagsulat sa Tagalog, sa panahon ng Hapon” (Edroza-Matute 191). Gayunman, sa
pagbalik ng mga Amerikano na tila pinapayagan ng mga Pilipino, muling gamitin ang Ingles
bilang dominanteng wikang panturo. Malinaw na nailarawan ni Edroza-Matute (193) ang
sitwasyong pangwika sa mga paaralang normal pagkatapos makapanumbalik ang mga Amerikano
sa bansa.

B. Lokal

Ayon kina Denise alacar, Patricia Faundo, joyce santoceldes at med vanadero 2021 sa
isang website isa silang mga pilipinong naniniwala na kailangan nating pahalagahan ang wikang
Pambansa. Ito ay isang kayaman ng ating lipunan at ang katumbas nito ay pagmamahal sa ating
bansa at sa ating wika. Mahirap man panatilihin ang pagsasalita at paggamit ng wikang filipino
dahil may ibat-ibang lengguwahe ginagamit ang nakakarami.

Ayon kay Ginoong Luis Bajar, Isang praticumer, Hindi maisasaklaw sa isang wika
lamang ang wikang filipinong panturo sa loob ng silid aralan dahil ang mga bata ay mayroong
ibat-ibang lenggwahe. Ayon kay Ginoong Luis Bajar, na kahit mas magiging komportable at
madali ang kaniyang pagtuturo gamit ang Filipinom, hindi palaging pwdeng gamitin ang wikang
ito sa pagtuturo dahil ang iba sa kaniyang studyante ay mas marunong sa Ingles. Upang
masolusyana ito minungkahi nya na.
1. Magkaroon ng pagtitibay sa aksyon at implementasyon ng Republica Act
10157 nakasaad dito na Tagalog o Filipino wika ang gagamitin sa pagtuturo mula sa Pre-
school hanggang ikatlong baiting.
2. Paggamit ng mga salitang nasa wikang Filipino ng Halimbawa; imbes na
A for apple, pwede din maging A for Atis o B for Boy magiging B for Baka. Sa
pamamagitan ng mga halimbawang ito mas maiintindihan at mas tatatak sa pag-iisip ng
mga studyante ang mga bagay na kanilang naririnig ay wasto sa konteksto.

Wika ang nagiging tulay sa pagyayabong at pananatili ng isang kultura habang ang wika
ay isang kultura rin. Bilang isa tayong Pilipino, ang mga paggamit ng wikang Filipino ay
pagbubukas ng isipan para mas maging maalam sa kultura ang ating bansa at pagbabahagi na ang
wika ay kultura rin mismo.

Binoya, et al. (n.d). Ang posibleng epekto sa pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo.
sa Paaralan na kanilang nabisita, iisa ang kanilang suliraning kinakaharap ang klarong
pagkakahiwalay ng Wikang Ingles at wikang Filipino o Tagalog sa pagtuturo sa mga bata kung
saan kaakibat nito ay ay pagpapalawig ng wikang Ingles kung saan natuturo na ng panbigong
wika ang mga mag aaral kahit pa nila gaanong kagamay sariling wika. Kahit na sa anumang anyo,
sapag susulat man o pagsasalita, ang wika ang piaka mabisang paraan upang maipahatid ang mga
kaisipan katalinuhan o karunungan ng mga magaaral kung kaya’t mas maigi kung matutunan at
mahahasa muna sa sariling wika bago ang iba. Sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GEC ng
kolehiyo ay maaring magdulot ng masamang epekto sa pagkakakilanlan at pag-bubuklod nating
mga Pilipino. Kapwa Pilipino natin ay gusto ng alisin ang asignaturang Filipino sa lahat ng klase
sa kolehiyo. Dahil dito, maaaring ang ating wikang Filipino ay tuluyang mawawala na rin. Pero
hindi ba nila alam na sa pamamagitan ng wika magagawang maibahagi ng isang tao ang kanyang
hangarin at kung hindi magkakaunawaan ang mga mamamayan. (Paz, C.) Sa pagpaplano na alisin
ang wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ay hindi makatarungan. Parang wala ng respeto at
pagpapahalaga sa ating sariling wika. Kung babalikan natin ang mga sinaunang pangyayari o
kasaysayan ng bansa maraming mamamayang Pilipino ang patuloy na nagpahalaga nito.
Iningatan nila ito ng maayos at ito rin ay maaaring makaapekto sa ating bansa.

Ang problema sa pagtanggal ng wikang pambansang Filipino, Sa kolehiya ang kurikulum


ng Kolehiyo ngunit ito ay tinutulan. Ayon dito may mga paraan ginawa para upang mapanatili
ang mga mamamayan ng Pilipinas, Ayon kay Rubin Caranova, Paz Abiera (2017) Makaroon
upang hindi ito maalis sa isipan nila. Globalisasyon ay hindi lamang Mabuti sa kanila ngunit
nagdudulot din ito ng pagkawala ng sariling atin o sariling pagkakilanlan bilang isang bansa
(Pagaalis ng Filipino sa kurikulum ng kolehiyo tinutulan). Ito ay kahit kelan hindi ito magiging
sagabal sapag unlad ng ating bansa kundi magsilbi susi tungo kaunlaran ng ating bansa. Nararapat
na pahalagahan natin lahat kung anong meron tayo na minama natin sa ating kapwa mamamayan.
Ang wikang Filipino ay hindi makakatumbas sa kahit anong kayamanan dahil ito ay maituturing
nating totoong kayamanan nagsisilbi itong daan natin lahat para sa ating ika-uunlad.

Ayon kay Enriquez (2001) "Ang Wika ay isa sa pinakamahalagang parte sa pakikipag
usap ng tao sa kanyang kapwa." Kagaya nalang ng kultura, ang wika ay nagsisilbing isa sa
kultura natin bilang mga Pilipino. Kung kaya't ito'y mahalaga dahil kung mawawala o tatanggalin
ang ating wika ay para narin tayong tinanggalan ng ating sariling kultura at pagka kakilala. Ang
wika ng kultura ay may isang malaking papel sa buhay ng maraming tao. Lalong lalo na nating
mga pilipino. Sa panahon ngayon lalo na sa paglago ng ating teknolohiya at pabago bago ito, ay
siya ring pagbago at pag-unlad ng ating wika kagaya na lamang ng ating kultura. Kung kaya't sa
pamamagitan nito ating makikita na sadyang napaka importante na ating mahalin, paunlarin at
palaganapin ang paggamit ng wikang Pilipino sa halip na ito'y tanggalin.

Ayon kay Santos B. (2003) inilahad na ang wika ay hindi nilikha gawa lamang ng mga
taong nag-aaral dito. Ito’y nilikha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, emosyon, pang-araw-
araw na pamumuhay at sa kung ano ang nais ng tagapagsalita kaya’t patuloy itong nagbabago.
Dahil dito Umusbong ang wikang Filipino hindi dahil ito’y gawa-gawa lamang. Ang ating wika
ay maraming dumaan sa isang pagkahaba-habang proseso na kung saan ito’y nailikha dahil ito’y
kinakailangan ng mga tao, sa kanilang pakikipag-ugnayan, pagaabot ng emosyon o maging sa
kanilang pag-araw-araw na pamumuhay ay ginagamit ito. Sa madaling salita, ang wika natin ay
maingat na pagpapaunlad ng panahon na dapat nating ipagmalaki at ipreserba.

Bilang konklusyon, hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo


sapagkat ito ay makaaapekto sa ating wikang pambansa, sa kultura, sa pagkakakilanlan,
pagkakaunawaan at pagkakaisa nating mga Pilipino. Ang ating wika ay patuloy at palaging
nagbabago at umuunlad, kapag ang asignaturang Filipino ay tatanggalin sa kolehiyo maaaring
hindi na patuloy na yumabong at yumaman pa ang ating wika mawawalan tayo na orihinal na
salita at wika. Ang ating wikang Filipino rin ay ang bahagi ng ating kultura at hindi dapat natin
ito itakwil. Sa wikang ito nakasalalay ating pagkakakilanlan. Ang mga Pilipino ay patuloy na
tumatanggap ng iba’t ibang kultura na galing sa ibang bansa at nakalilimutan na natin ang totoong
sariling atin at hanggang ngayon ito ay ng yayare. Lalong-lalo na kung tatanggalin pa ang
asignaturang ito sa kolehiyo, parang binubura na rin nating ang tanging yaman na natitira sa ating
inang bayan. Mawawalan na tayo ng pagkakakilanlan. Hindi na tayo magkakaunawaan, na siyang
isang malaking sangkap tungo sa pagkakaisa at pag-unlad nating mga Pilipino.

Ang Pagkitil sa wikang Filipino ayon kay Polynne Dira 2021, Unang inilimbag ang
artikulo sa isyu ng Kule noon Agosto 27, 2019. Ayon sa kantya Bukod sa barya-baryang pag-
alala sa pambansang wika isang buwan kada taon, sa ilalim ng CHED Memorandum Order
(CMO) 20, na ang nakasaad ay tatanggalin na ang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo. Ginawa na
rin nitong opsyonal ang paggamit sa wika bilang kasama sa pagtuturo. Malaki ang gampanin ng
edukasyon sa pagpapanatili ng lagay ng lipunan o sa pagbabago nito, kaya ang mga pamantasan
ang unang pinatatamaan ng mga palisiyang mapanupil. Sa loob ng mga unibersidad gaya ng UP,
ginagawang at oportunidad na malaya at malalimang talakayan ng mga radikal na ideya, at
kasabay nito ang pagiging sensitibo sa mga pangyayari sa labas ng silid-aralan. Sa kamalayang
ito nag-uugat ang matapang na pagkilos ng mga kabataan para sa malawakang pagbabago.
Madalas na katwiran sa pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ang duplikasyon ng pag-aaral nito
mula elementarya at hayskul. Mas bigyan daw ng pansin ang Ingles dahil ito ang magbibigay ng
mas maraming oportunidad sa pag-unlad.

What date is this? V

Sumagot ang Tanggol Wika, alyansa ng mga propesor at mga organisasyong pangwika at
pangkultura: Hindi pag-uulit, kundi pagpapalalim sa Filipino ang ginagawa sa kolehiyo. Higit ito
sa pagiging asignatura o sa pagkakaroon nito ng lantay na gramatika, kundi tumutungo ito sa
praktikal na paggamit ng wika sa iba’t ibang pag-aaral na tumutugon sa pangangailangan ng
mamamayan. “Ang kabuluhan ng Filipino bilang disiplina ay hindi matatawaran sapagkat ito’y
daluyan ng kasaysayan ng Pilipinas, salamin ng identidad ng Filipino, at susi ng kaalamang
bayan,” ayon kay David Michael San Juan, tagapanguna ng Tanggol Wika, sa kanyang papel
tungkol sa mahabang laban ng paglinang ng Filipino sa edukasyon. Ang pagkawala ng pag-aaral
sa pambansang wika ay pagpapalabo sa hubog ng identidad bilang Pilipino—iyong pamumuhay
na inuuna ang interes ng sariling bansa.

Hindi maitatanggi na ang paggamit ng Ingles ay nagbubunga ng panga-outcast, na


madalas humahantong sa pag aaral sa mamamayang walang sapat na kaalaman sa lenggwahe.
Halimbawa nito ang patuloy na panlilinlang sa mga manggagawa o magsasaka dahil sa mga
kontratang hindi nila lubos na maintindihan.

Napipilitan silang iwan sa iilan ang diskurso at pagdedesisyon ukol sa mga bagay na
makakaapekto sa araw-araw nilang pamumuhay. Ngunit magagawa nilang lumaban sa
pagkakataong naintindihan na nila ang isyu gamit ang sariling wika. Kaya hindi na nakakagulat
ang tahasang pagkitil sa Filipin sa kadahil may mga hindi makakapayag na mabuwag ang status
quo o ang patuloy na pagkakaalipin ng maraming Pilipino sa kamay ng makapangyarihang iilan.
Ngunit ito ang mismong dahilan ng pagpapatuloy ng matagalang laban. Kaakibat ng pagsulong
ng sariling wika ay ang pagsulong ng malayang ekonomiya at politika mula sa dayuhan. Kaya
patuloy ang paggiit sa Filipino, ang paghasa ng sandata, kasabay ng pagpanday ng pagbabago
mula sa masa.

Sintesis

Hindi maipagkakailang malaki ang dulot na adbantahe ng pagkakaroon ng kaalaman at


kasanayan sa wikang Ingles hindi lamang sa pag - aaral kung hindi pati narin sa alinmang aspeto
ng ating buhay, sapagkat ang wikang ingles ay ginagamit sa pandaidigang setting mapa
komuniksyon, medesina, trabaho, negosyo, pakikipag kalakalan, teknolohiya at entertainment.

Ngunit, lubos rin na mahalaga ang pagpapayaman at pagmamahal ng atin pambansang


wika –Filipino. Ang wastong paggamit nito sa alinmang tuntunin, ay tumutulong hindi lamang sa
pagpapakita ng diwa ng nasyonalismo at ng ating pagka Pilipino, sa pagpreserba ng ating sariling
kultura kung hindi pati narin sa mga diskusyon at pakikipag ugnayan sa loob ng silid aralan at
pagpapa unlad sa sarili. Sapagkat kung ang wikang ginagamit ay pamilyar sa lahat, nagagawa ng
mga mag-aaral na ilabas ang tunay nilang mga kahusayan at ipakita ang kanilang mga kakayahan.
Naipapahayag nila nang maayos ang kanilang mga ideya at nagagawa nilang magtanong at
tumugon sa mga tanong. Nakakapag - ugnayan sila ng maayos sa mga guro at kamag - aral. Sa
madaling salita, mas nalilinang sila kung naipapahayag nila ng maayos at kung may sapat na
kasanayan sila sa wikang ginagamit sa silid- aralan.

Ngunit, katulad nga ng sinabi ni Ginoong Luis Bajar, na kahit mas magiging komportable
at madali ang kaniyang pagtuturo gamit ang Filipino, hindi palaging pwedeng gamitin ang
wikang ito sa pagtuturo dahil ang iba sa kaniyang studyante ay mas marunong sa Ingles. Ang
bawat mag- aaral ay naiiba sa bawat isa, magkakaiba ang kanilang mga kaalaman, mga
kakayahan, kakayahan sa pagkatuto at mga istilo ng pag-aaral. Kaya inirerekomenda ng research
na ito ang paggamit ng “code – switching” sa pagtuturo at mga diskusyon sa loob ng silid -
aralan. Ang code-switching o language alternation ay nangyayari kapag ang isang tagapagsalita
ay nagpapalitan sa pagitan ng dalawa o higit pang mga wika, o mga varayti ng wika, depende sa
konteksto ng isang pag-uusap o sitwasyon. Naniwala ang research na ito na ito ang mas mainam
ang paraan na ito kaysa mamili lamang ng isang wikang gagamitin sa pag – aaral, dahil alinmang
wika, Filipino man o Ingles ay may kalakip ng advantage alinmang aspeto ng atin buhay.

Batayang Konseptuwal

PROSESO AWTPUT
INPUT
Ang mga Inaasahan ng mga
Nais ng mga
mananaliksik ay mananaliksik sa pag-aaral
mananaliksik na
magsasagawa ng na ito na matukoy kung
alamin kung ano ang
pinapaborang wika isang sarbey sa ano ang pinapaborang
ng mga mag-aral at pamamagitan ng wika ng mga mag-aral at
kung anu-ano ang pamamahagi ng kung anu-ano ang mga
mga epekto nito sa kwestuner sa epekto nito sa kanilang
kanilang pagtuturo kanilang kapuwa pagtuturo at pagkatuto.
at pagkatuto. mag-aaral sa Inaasahan din ng mga
Concepcion Holy mananaliksik na
Cross College. pagtibayin ang
multilingual na diskarte sa
pag-aaral at pagtuturo

Feedback

Pigura 1: Paradym ng Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ang gumamit ng modelong IPO para ipakita ang daloy ng
pagaaral. Sa input tinukoy ang mga impormasyon na dapat makalap. Sa proseso, ang mga
mananaliksik ay gagamit ng mga sarbay kuwestyuner. Ang awtput ay nagpapakita ng resulta ng
pananaliksik. Ang feedback ay gumaganap din ng isang mahalagang papel habang tumatagal ito
sa resulta at batay dito, maaaring gawin ang mga pagbabago sa input at proseso.

Bilang paghahanda sa pananaliksik na pinamagatang “Wikang Pinapaburan Ng Mga


Mag-aaral sa Kolehiyo ng Concepcion Holy Cross College sa Paglalahad ng Ulat sa Klase”, ang
mga mananaliksik ay nangalap ng mga impormasion tungkol sa naturang pananaliksik na
maaaring makatulong sa ginagawang pag-aaral. Malaki ang tulong na nakalap na impormasion
sapagkat nagkaroon ang mga mananaliksik nang ideya. Sa tulong nang internet, nangalap ang
mga mananaliksik ng iba’t ibang mga libro at tesis na may kinalaman sa mga wikang pinapaburan
ng paglalahad ng ulat sa klase. Ang mga libro at tesis na ginamit na ginawang batayan ng mga
mananaliksik ay mula sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol sa naturang pag- aaral.

You might also like