Intro Sa Pag Aaral NG Wika Ang Pagtatamo at Pagkatuto NG Wika

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

lOMoARcPSD|19005799

Intro SA PAG Aaral NG WIKA (Ang Pagtatamo at Pagkatuto


ng Wika)
Principle of Teaching 2 (Keystone College)

Studocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)
lOMoARcPSD|19005799

I. ANG PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG WIKA (W1 AT W2): MGA


TEORYA AT PRAKTIKA

INTRODUKSYON

Sa kabanatang ito, malalaman natin kung anu-ano ang iyong mga pananalig at
paniniwala sa mabisang pagtuturo ng wika. Nariyan ang sosyolohikal, motibasyon,
pokus sa mag-aaral, mga batayang teorya at simulain kung saan mas mapag-aaralan at
maiintidihan kung anu nga ba ito. Narito rin ang pag-aaral ukol sa istruktural na
pagtuturo, komunikatibong pagtuturo, whole language approach, at ang content-based
instruction. Halina’t tuklasin ang mga ito.

1) MGA DULOG TEORETIKAL SA PAGTATAMO AT PAGKATUTO


WIKA
Mahaba-habang panahon na ang inilaan ng maraming pantas sa larangan
ng pag-aaral ng wika upang maipaliwanag kung paano natutuhan ang wika.
Ngunit totoong mailap ang ang mga kasagutan ditto. Upang maliwanagan tayo
kahit kaunti, marapat sigurong alamin natin kung anu-ano na ang pinaniniwalaan
ng marami mula noon hanggang ngayon… ang pagtatamo at pagkatuto ng wika,
misteryosoat may mahika ng aba?
Sa katunayan, may dalawang klasipikasyon ang mga salita ayon sa mga
sinaunang pilosopong Griyego: Una- iyong tumitiyak sa kilos na isinasagawa sa
isang pangungusap; at ang Ikalawa- ang tao o bagay na nagsasagawa ng kilos.
Si Dionysius Thrax, isang Griyego, ay tumutukoy ng walong iba’t ibang
klasipikasyon ng mga salita. Dahil dito, ang kanyang aklat na The Art of
Grammar ay sumikat at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilang Latin
at Griyego.

2) ANG PRESCRIPTIVE GRAMMAR


Bukambibig ng marami noong panahong iyon ang balarilang Latin sa mga
pag-aaral ng Wika. Noong unang ituro ang Filipino sa ating mga paaralang
bayan, nakaangkla ito sa balarila ng wikang Ingles. Sa kayarian at istruktura ng
Ingles ibinatay ang anumang pagpapaliwanag hinggil sa wikang Filipino. Kaya
ang paniniwala noong una, kung ano ang ayos ng pangungusap sa Ingles ay
ganoon din sa Filipino.
Ang mga pananalig at mga paniniwalang binanggit hinggil sa pagkatuto
ng wika ay naglundo sa metodong grammar-translation sa pagtuturo ng wika. Sa
metodong ito, ang mga mag-aaral ay nagmememorya ng mahabang talaan ng
mga talasalitaan, mga anyo ng pandiwa at mga pangngalan.

3) ANG DESCRIPTIVE LINGUISTIC


Sinuri ng mga naunang Linggwist ang mga yunit ng tunog ng wika, kung
paano nabuo ang mga ito, at nailarawan din nila ang istruktura ng mga
pangungusap. Nakabuo sila ng isang metodo sa pagtukoy ng mga tunog ng
wika, ng pagsusuri at pagtukoy ng mga morpemang bumubuo ng isang salita, at
ng pagsusuri ng mg anyo ng pangungusap.
Sumibol nang panahong ito ang pagbabalangkas o dayagramming bilang
gamiting paraang pedagohikal sa paglalarawan ng wika. Isang mahalagang
tungkulin ng guro ng wika noon ang kaalaman sa istruktura ng una at ikalawang
wika upang maipalaiwanag ang target na (W2) sa tulong ng kaalaman sa
kayarian ng unang wika.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

II. MGA TEORYA AT PRAKTIKA


a) ANG TEORYANG BEHAVIORISM: PAKINGGAN AT ULITIN
Bagama’t hindi tuwirang teoryang linggwistik ang behaviorism, malaki ang
naging impluwensya nito bilang teorya sa pagkatuto ng una at pangalawang
wika.
Ipinahahayag ng teoryang behaviorism na ang mga bata ay ipinanganak
na may kakayahan sa pagkatuto at ang kanilang kilos at gawi ay maaaring
hubugin sa pamamagitan ng pagkokontrol ng kanilang kapaligiran. Ang
kakayahang intelektwal ng mga bata ay mapapayaman at mapapaunlad sa
tulong ng mga angkop na pagpapatibay rito.
Binigyang-diin ni Skinner (1968), isang pangunahing behaviorist, na
kailangang “alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa pamamagitan ng
pagganyak at pagbibigay-sigla at pagpapatibay sa anumang mabuting kilos o
gawi. Ayon sa mga behaviorist, ang pagkatuto ng wika ay bunga ng panggagaya,
paulit-ulit na pagsasanay hanggang sa mamaster ang tamang anyo nito, at
positibong pidbak.
May paniniwala rin si Skinner na maaaring maisagawa ng bata ang
anumang Gawain kung tuturuan at bibigyan siya ng tamang direksyon.
Halimbawa, posibleng pagkaanak pa lamang ay maaaring hubugin na ng mga
magulang ang kanilang anak para maging isang doctor o isang abugado. Ang
mga gurong umaayon sa paniniwalang ito ni Skinner ay palaging kariringgan ng
mga papuring “Magaling.” “Tama ang sagot mo.” Kahanga-hanga ka.” “Sige,
ipagpatuloy mo.”
Ang teoryang behaviorism sa pagkatuto ay nagbibigay sa mga guro ng set
ng mga simulain at mga pamaraang madaling isagawa sa pagtuturo. Ang Audio-
Lingual Method (ALM) na nagging popular noong mga taong 1950 at 1960 ay
ibinatay sa teoryang behaviorism. Ang mga pangunahing katangian ng ALM ay
inilahad sa ibaba.
 Binibigyang-diin ang mga kasanayang pakikinig at pagsasalita;
 Binibigyang-diin ang pag-uulit at mga dril;
 Paggamit lamang ng target na wika;
 Kagyat na gantimpala/pagpapatibay sa bawat tamang sagot;
 Kagyat na pagwawasto ng kamalian; at
 Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa guro

b) TEORYANG INNATISM: NASA ISIPAN LAHAT IYAN


Ang teoryang innatism sa pagkatuto ay nakabatay sa paniniwalang ng
bata ay ipinanganak na may “likas na talino” sa pagkatuto ng wika. Ipinaliwanag ni
Chomsky (1975,1965) na ang kakayahan sa wika ay kasama na pagkaanak at likas
itong nalilinang habang ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa kanyang
kapaligiran.
Ayon pa rin kay Chomsky, ang mga bata ay biologically programmed para
sa pagkatuto ng wika at ang wikang ito ay nalilinang katulad nang kung paano
nalilinang ang iba pang tungkuling biyolohikal ng tao. Halimbawa, pagdating ng bata
sa takdang gulang, nagagawa niya ang paglalakad lalo na kung nabibigyan ng
tamang nutrisyon bukod pa sa Malaya siyang nakakakilos at nakakagalaw.
Tinukoy ni Chomsky ang espesyal na abilidad na ito na Language
Acquisition Device (LAD). Ang aparatong ito ay karaniwang inilalarawan bilang isang
likhang isip na ‘black box’ na matatagpuan sa isang sulok ng ating utak. Sa
kasalukuyan, inilaglag na ni Chomsky at ng kanyang mga kapanalig ang terminong
LAD; sa halip, Universal Grammar (UG) na ang tawag nila sa aparatong pang-isipan
na taglay ng lahat ng mga bata pagsilang (Chomsky, 1981; Cook, 1988; White,
1989).

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

c) TEORYANG COGNITIVE
Ayon sa pananaw ng teoryang cognitive, ang pagkatuto ng wika ay isang
prosesong dinamiko kung saan ang nag-aaral ng wika ay palaging
nangangailangang mag-isip at gawing may saysay o makabuluhan ang bagong
tanggap na impormayon, alamin ang pumapailalim sa tuntunin, at mailapat ang mga
ito upang makabuo ng orihinal na pangungusap. Ayon sa mga cognitivist, ang
pagkakamali ay isang palatandaan ng pagkatuto at eksperimentasyon at hindi ito
kagyat at tuwirang iwinawasto.
Nakapokus ito sa pagtuklas na pagkatuto sa pamamagitan ng mga dulog
na pasaklaw at pabuod. Sa dulog na pabuod, ginagabayan ng guro ang pagkatuto
sa pamamagitan ng ilang tiyak na halimbawa at ipasusuri niya ang mga ito upang
makatukalas sila ng isang paglalahat. Ang dulog na pasaklaw na kabaligtaran ng
dulog na pabuod. Kung ang dulog na pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa
patungo sa paglalahat o pagbubuo ng tuntunin; ang dulog na pasaklaw naman ay
nagsisismula sa paglalahad ng tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa.
Ang teoryang cognitiveay palaging nakapokus sa kaisipang ang mga impormasyong
ito’y maiuugnay ng mga mag-aaral sa kanilang umiiral na istrukturang pangkaisipan
at sa kanilang dating kaalaman.
Ang teoryang cognitive at teoryang innatism ay magkatulad sa maraming
aspekto. Parehong pinanghahawakan ng mga teoryang ito na ang mga tao ay
ipinanganak na may likas na kakayahan upang matutuhan ang isang wika (page at
pinnel, 1979). Pinaniniwalaan ng mga innativist na hindi kailangang suportahan ang
bata sa pagtatamo ng wika dahil likas niya itong matututuhan. Samantalang sa
kampo ng mga cognitivist, kailangan ang pagtuturo at mga kaligiran sa pagkatuto na
magpapabilis sa pagkatuto ng wika.

d) TEORYANG MAKATAO
Ang teoryang makatao sa pagkatuto ay nagbibigay-diin sa kahalagahan
ng mga salik na pandamdamin at emosyunal. Tungkulin ng guro na maglaan at
lumikha ng isang kaaya-ayang kaligiran sa klasrum at isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang pakiramdam ng bawat mag-aaral at malaya
nilang nagagamit at nasusuri ang bagong wikang natutuhan.
Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na may kaugnayan sa
makataong tradisyon ay ang sumusunod: Community Language Learning ni Curran;
ang Silent Way ni Gattegno at ang Suggestopedia ni Lazonov.

e) MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA PAGTATAMO AT


PAGKATUTO NG WIKA
Ang umiiral na pananalig na natutuhan ang wika sa pamamagitan ng
palagiang paglalaan ng mga input na berbal at may katugong pagpapatibay
(reinforcement) ay malinaw na ipinahayag sa aklat ni B.F Skinner
na VerbalBehavior (1957). Samantala, noong 1959, sa isang matinding rebyuna
isinagawa ni Chomsky sa aklat ni Skinner, pinanindigan niya na kung ang wika ay
matututuhan lamang sa pamamagitan ng pagpaptibay, magiging mahirap para sa
isang taal na tagapagsalita ng wika (W1) ang pag-unawa sa mga pangungusap na
hindi pa niya naririnig. Idinagdag pa rin ni Chomsky na hindi lamang sa mga proseso
ng pagmememorya at pag-uulit natutuhan ang wika.
Ang ating isipan ay may taglay na isang aktibong prosesor ng wika,
ang Language Acquisition Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin sa
pamamagitan ng walang-kamalayang pagtatamo ng pansariling pagbabalarila. May
tatlong pangunahing ideya ang nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng wika
sa kasalukuyan.
 Una, ang paglipat sa isang paradigmang kognitib na nagsasabi ng
pangunguna ng pagkatuto bago pa man ang pagtuturo nito.
 Ikalawa, naisasaalang-alang nang lubos ang proseso ng pagtuturo/pagkatuto
kung ito ay katugma (compatible) ng mga prosesong likas na nagaganap sa
ating utak.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

 Ikatlo, ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang mahalagang kaisipang


kontemporaryo na may kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga lawak
pangnilalaman at pagsanib ng pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig,
pag-iisip, at ang pagkilos ay isang nangungunang simulain sa kasalukuyang
kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.

III. ANG BALARILANG TRANSPORMASYONAL


(TRANSFORMATIONAL GRAMMAR)
Ang mga mambabalarilang transpormasyonal gaya ni Chomsky ay
nananalig na ang isang wika ay may taglay na set ng mga tuntunin na walang malay
na nalalamman at nagagamit ng isang tao sa kanyang pang-araw araw na
pakikipagtalastasan. Tunguhin ng balarilang transpormasyonal na maipaliwanag at
mailarawan ang likas na mga tuntuning ito ng wika.
Bagama’t hindi nagging modelo ang paradigmang ito sa pagtuturo ng
wika perse, malaki ang naiambag nito sa monitormodel ni Krashen.

IV. MONITOR MODEL NI KRASHEN


May iminungkahing teorya bsi Krashen (1981b, 1982) hinggil sa
pagtatamo ng pangalawang wika (W2) na nagging batayan ng isang balangkas para
sa pag-unawa ng mga proseso kung paano natutuhan ang pangalawang wika. May
limang haypoteses na nakapaloob sa teoryang ito ni Krashen: ang acquisition
learning hypothesis, na nagpapakita ng kaibahan ng pagtatamo (na patungo sa
katatasan) sa pagkatuto (na sangkot ang kaalaman sa mga tuntuning pangwika);
ang natural order hypothesis, nagpapahayag na ang mga tuntuning pangwika ay
natatamo sa isang mahuhulaang pagkakasunod-sunod; ang monitor hypothesis, na
nagpapalagay na may isang paraan ng pag-iisip para sa pagtatamo ng katatasan;
ang input hypothesis, nagpapahayag din na ang unawa sa mga mensahe; at
ang affective filter hypothesis, na nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pang-
isipan at pandamdamin para sa ganap na pagtatamo ng wika.
Bagama’t marami ring pagtuligsa ang ibinato sa monitor model,
nakapaglaan naman ito ng isang matibay na kaisipang teoretikal para sa natural
approach, na malaki ang impluwensya sa pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang
wika.
i. acquisition learning hypothesis (pagtatamo-pagkatuto)
Isinasaad ng haypotesis na ito na ang pagtatamo at pagkatuto ay
dalawang magkahiwalay na proseso sa pagiging dalubhasa sa wika.
Ang pagkatuto ay “kaalaman tungkol” sa wika.

ii. natural order hypothesis


Ayon sa haypotesis na ito, may mga tuntuning pangwika na mas
naunang natamo kaysa sa iba. Nananalig din ito sa paniniwalang may
likas na sinusunod sa natural na order ang bata sa pagtatamo ng wika.

iii. monitor hypothesis


Malinaw na isinasaad ng haypotesis na ito ang ugnayan ng pagtatamo
at pagkatuto ng wika. Sa tulong ng kaisipang Monitor ni Krashen,
napag-ibayo ang kalakaran sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng
paglalaan ng isang language-rich environment na makapagpapadali sa
natural o likas na pagkatuto nito.

iv. input hypothesis


Naninindigan ang haypotesis na ito na ang wika ay natatamo sa isang
prosesong payak at totoong kamangha-mangha-kapag naunawaan natin
ang mga mensahe. Ang kahusayan ay mapauunlad kung patuloy na
tatangkilikin ang mga sinasabi ni Krashen na comprehensible input.
Ipinagpapalagay ni Krashen na ito ay input na maaaring ihalintulad sa
“caretaker speech,” anyo ng pagsasalita para sa mga batang bago pa
lamang nagsasalita na maririnig sa mga yaya o caregiver. Ang caretaker

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

speech (maikling pangungusap, madaling maintindihan, kontrolado ang


bokabularyo, iba’t-ibang paksa) ay nakapokus sa komunikasyon.

v. affective filter hypothesis


Ang hypothesis na ito ay may kaugnayan sa mga baryabol na
pandamdamin gaya ng pagkabahala, motibasyon, at pagtitiwala sa sarili.
Mahalaga ang kabatiran ukol dito dahil nagagawa ng mga ito na
mahadlangan ang mga input para gisingin ang Language Acquisition
Device (LAD). Kung mahahadlangan ng affective filter ang ilan sa
mga comprehensible input, maaaring kaunting input lamang ang
makapapasok sa LAD ng mag-aaral. Ang isang kontekstong affective at
positibo ay nakapagpapataas ng input.

V. MGA GAWAING PAMPAGTUTURO NA UMAALINSUNOD SA


MONITOR MODEL
Isang maikling buod ni Krashen ay ang pananalig na matatamo ang
mga istrukturang pangwika (W1 o W2) sa isang mahuhulaang pagsusunod-
sunod kung may natatamong comprehensible input at kung mababa
ang affective filters at maluwag na makakapasok ang input.
i. Pagtatamo vs. Pagkatuto
Ang bahagyang komprehensyon at di-kumpletong pagsasalita ay
tinatanggap.

ii. Natural Order


Inaasahang tatanggapin ng mga guro na ang pagbubuo sa isipan
ng mga pangungusap ay hindi nagsisimula sa payak patungo sa mas
kompleks na mga pangungusap.

iii. Monitor
Maaaring maglaan ng mga karagdagang pantulong sa
pamamagitan ng mga mungkahi o tuwirang tuntuning gramatikal.

iv. Comprehensible Input


Ang pinagaang wika gaya ng caretaker speech ay maaaring
epektibo sa ibang mag-aaral.

v. Affective Filter
Mapabababa ng mga guro ang affective filter sa pamamagitan ng
isang pagkaklase na relaks ang lahat ng bata, may paggalang ang bawat
bata.

VI. ANG PAGTUTURONG NAKAPOKUS SA MAG-AARAL


(LEARNER-CENTERED TEACHING)
Ang pagtuturong nakapokus sa mag-aaral ay gumagamit ng mga teknik
na:
 Nakapokus sa mga pangangailangan, tunguhin, at istilo sap ag-aaral;
 Nagbibigay ng ilang pagkontrol sa mga mag-aaral (halimbawa: pangkatang
gawain o pagsasanay)
 Nakadaragdag ng pagtitiwala sa sariling kakayahan at kagalingang pansarili;
 At kurikulum na may konsultasyon at isanasaalang-alang ang input ng mag-
aaral at hindi itinatakda kaagad-agad ang mga layunin.
Ang ganitong kalagayan sa loob ng klasrum ay nagbibigay ng kamalayan na
“maangkin” ng mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto at nakadaragdag sa
kanilang intrinsic na motibasyon.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

VII. ANG PAGKATUTO NA TULONG-TULONG


(COOPERATIVE LEARNING)
Ang isang klasrum na kooperatib-samakatuwid ay hindi pagalingan o
paligsahan kaugnay ng mga katangian ng pagkatutong nakapokus sa mag-aaral.
Ang mga mag-aaral ay isang “koponan” na ang layunin ng bawat manlalaro ay
mapagtagumpayan ang anumang itinakdang gawain.
Dagdag na konotasyon ng “kooperatib” ay ang pagbibigay diin nito sa
sama-samang (collaborative) pagsisikap ng guro at mag-aaral upang matamo
ang mga itinakdang layunin.

VIII. ANG PAGKATUTONG INTERAKTIB


(INTERACTIVE LEARNING)
Mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin ay nakapokus sa
pagbibigay at pagtanggap awtentikong mensahe (mensaheng taglay ang
impormasyong kawili-wili sa nagsasalita at tagapakinig). Ayon kay Wells, ang
palitang-salita ang siyang pangunahing yunit ng dikors. Ang interaksyong
panlinggwistika ay isang sama-samang gawain na nangangailangan ng
triyadikong pag-uugnayan ng nagpapadala (sender), tagatanggap (receiver), at
ng konteksto ng sitwasyon sa isang komunikasyong pasalita o pasulat man.

Karaniwang makikita sa isang klaseng interaktib ang mga sumusunod:

 Madalas ang mga gawaing dalawahan o pangkatan


 Paggamit ng mga awentikong wika bilang input sa konteksto ng tunay na
paggamit nito.
 Paglikha ng mga tunay na wika para sa makabuluhang komunikasyon
 Pagsasagawa ng mga gawaing pangklasrum bilang paghahanda para sa aktwal
na paggamit ng wika sa “labas”
 Pagpapasulat na totoo ang target na awdyens

IX. ANG WHOLE LANGUAGE EDUCATION


Ang katawagang ito ay bunga ng mga pananaliksik sa pagbasa at
ginagamit upang bigyang-diin a) ang “kabuuan” ng wika laban sa pananaw na
pagbabahagi ng wika sa mga maliliit nitong element gaya ng ponema, morpema,
at sintaks; b) ang interaksyon at pag-uugnayin sa pagitan ng pasalitang wika
(pakikinig at pagsasalita) at wikang pasulat (pagbasa at pasulat); at c) ang
kahalagahan ng alituntunin sa pagsulat na ito’y likas at umuunlad, na katulad din
ng alituntuning pasalita.
Ang whole language ay isang leybel na ginagamit upang mailarawan ang:
 Tulong-tulong na pagkatuto

 Pagkatutong partisipatori

 Pagkatutong nakapokus sa mag-aaral

 Integrasyon ng “apat na kasanayan”

 Paggamit ng mga awtentiko at natural na wika

X. CONTENT-CENTERED EDUCATION
Ayon kina Brinton, Snow, at Weshe (1989), ang content-centered
education ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga
layunin ng pagtuturo ng wika.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

XI. ANG PAGKATUTONG TASK-BASED


Ayon kay Micheal Breen (1987), ang task ay alinmang binalangkas na
pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman, paraan, at mga
inaasahang matatamo ng mga magsasagawa ng task.

XII. ANG BRAIN-BASED LEARNING


Sa ganitong kalagayan, marapat sigurong alamin natin ang mga
teoryang neurofunctional at ang pagtatangka nitong ipaliwanag ang koneksyon
sa pagitan ng tungkulin ng wika at neuroanatomy-para matukoy hangga’t maaari
kung aling mga bahagi ng utak ang may tungkulin para gumana ang wika sa
pakikipagtalastasan.
Inilahad sa talahanayan sa ibaba ang mga simulain hinggil sa brain-based
learning (Caine at Caine, 1991) at naglaan ito ng paraan kung paano ilalapat ang
ilang kaalaman sa utak sa pagtuturo ng wika.

MGA SIMULAIN AT IMPLIKASYON SA PAGTUTURONG BRAIN-


XIII.
BASED

Simulain Mga Implikasyong Pampagtuturo


1.Nagagawa ng utak na Ang mga karanasan sa pagkatuto ay
makapagproseso nang maramihan at kailangang maiplano nang mabuti
sabay-sabay. (orchestrated) upang mapakilos at
maisangkot ang maraming bahagi ng utak.
2.Kasangkot sa anumang pagkatuto Dapat isaalang-alang ang nutrisyon,
ang kabuuan ng ating physiology ehersisyo, labis na pagkabahala, at
(katawan at mga bahagi nito). kahandaan ng mag-aaral sa anumang
okasyon ng pagtuturo at pagkatuto.
3.Ang paghahanap at pagbuo ng Ang anumang pagkatuto sa wika ay
kahulugan ay likas sa tao. kailangang maglaan ng kapanatagan at
pagpapalayag-loob bukod pa na tumutugon
ito sa kawilihan at pagkamausisa ng mga
mag-aaral.
4.Ang utak ay nakadisenyo upang Ang ideyal at mabisang proseso ng
makapaghulo at makalikha ng mga pagtuturo ay naglalahad ng mga
larawan. impormasyon sa paraang magagawa ng
utak na makahugot ng mga hulwaran at
aktibong makalikha ng pagpapakahulugan.
5.Ang mga emosyon ay mahalaga sa Kinakailangang suportahan ng anumang
memorya. pagtuturo ang kaligirang kabatiran ng mag-
aaral at ang kanyang taglay na wika.
6.Sabay-sabay na pinoproseso ng Ang mga kasanayang pangwika gaya ng
utak ang mga bahagi at kabuuan ng balarila at talasalitaan ay lubusang
isang kaisipan. natutuhan sa isang awtentikong kaligirang
pangwika (paglutas ng suliranin, pagtatalo
sa isang isyu, pagtuklas).
7.Kasangkot sa pagkatuto ang Ang musika, sining, at iba pang mga katulad
atensyong may tiyak na pokus at na pampasigla sa ating kaligiran ay
mga pang-unawa sa kapaligiran maaaring makaragdagat makaimpluwensya
kaugnay nito. sa likas na pagtatamo ng wika.
8.Ang di-malay at may malay na Kailangang bigyan ng pagkakataon ang
pagpoproseso ng isip ay lagging mga mag-aaral na balik-aralan ang
kasangkot sa anumang pagkatuto. anumang pagkatuto upang mapag-isipan
itong mabuti, at mapamahalaan nang
maayos ang paglinang ng sariling
pagkatuto.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

9.Tinatayang may dalawang uri ng Gamitin ang rote learning system sa mga
memorya: ang memoryang spatial at teknik sa pagtuturo na nakapokus sa
ang memoryang rote. pagsasaulo ng mga salita at mga tuntuning
panggramatika samantalang sa mga
pagtuturong kailangang isangkot ang mag-
aaral sa pagbabahagi ng naiibang
karanasan.
10.Nagiging mabisa ang pagkatuto Ang isa-sa-isang paglinang ng mga
kung ang mga kaalaman at kasanayang pangwika ay lubos na
kasanayan ay nakapaloob sa likas na matututuhan kung nakatutok sa mga gawain
memoryang spatial. at karanasang awtentiko (lakbay-aral,
pagtatanghal, dula, kwento, at iba pa).
11.Ang pagkatuto ay napasisigla ng Dapat sikapin ng guro na ang kanyang
mga hamon at nahahadlangan ng klasrum ay kaaya-aya at walang anumang
pagbabanta at pananakot. palatandaan ng panankot a mayaman sa
mga hamong pang-isipan.
12.Bukod-tangi ang bawat utak. Ang mga teknik sa pagtuturo ay kailangang
marami at magkakaiba.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

MUNGKAHING GAWAIN
Pangalan:
Petsa: ______

Kurso: Iskor:

Gumawa ng isang pagtatanghal na kung saan ipapakita ng mag-aaral kung ano ang
mga teorya ayon sa kanilang pagkakaintidi. Maaaring pagkanta, pagsasadula, pagtula
at pagguhit ng mga larawan nagpapakita sa mga teorya.

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

PAGSASANAY
Pangalan:
Petsa:
Kurso: Iskor:

Bilugan ang tamang sagot.

1. Sino ang pilosopo na nakatukoy ng walong klasipikasyon ng maga salita?


a. Dionysius Thrax
b. Skinner
c. Chomsky
d. Plato

2. Anong aklat ang sumikat at ginawang modelo sa pag-aaral ng mga balarilag Latin at
Griyego?
a. The art of language
b. The art of Africans
c. The art of grammar
d. The art of Noah

3. Ito ay pangongopya mula sa salitang Latin, nalimitahan paano dapat gingamit ang
wika?
a. Descriptive linguistic
b. Prescriptive grammar
c. Descriptive language
d. Prescriptive linguistic

4. Ano any ibig sabihin ng ALM?


a. Audio-language method
b. Audio-lingual method
c. Audio-linguistic method
d. Audio-logical method

5. Ano ang kahulugan ng acronym na Ito LAD?


a. Language Acquisition Device
b. Linguistic Acquisition device
c. Language of association device
d. Linguistic of association device

6. Sino ang nagbigay diin at nagpatibay sa nilalaman ng teoryang behaviorism?


a. Skinner
d. Plato
c. Chomsky
d. Watson

7. Isa sa mga teorya na ngabibigay diin sa kahalagahan ng mga salik na pandamdamin


at emosyunal?
a. Teoryang makatao
b. Teoryang behaviorism
c. Teoryang cognitive
d. Teoyang innatism

8. Ito ay teoryang na ang pagkatuto at batay sa paniniwalang lahat ng bata at


ipinanganakna may likas na talino sa pagkatuto ng wika?
a. Teoryang makatao
b. Teoryang behaviorism
c. Teoryang cognitive
d. Teoyang innatism

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

9. Ito at teryang na nagbibigay diin na ang bata at ipinanganak na may kakayahan sa


pagkatuto at ang kanilang gawi?
a. Teoryang makatao
b. Teoryang behaviorism
c. Teoryang cognitive
d. Teoyang innatism

10. Ito at teoryang na ang pagkatuto ng wika ay isang processing dinamiko kung saan
ang pag-aaral ng wika ay palaging nangangailangan mag-isip at gawaing may saysay o
kabuluhan?
a. Teoryang makatao
b. Teoryang behaviorism
c. Teoryang cognitive
d. Teoyang innatism

11. Teorya ni Krashen, nagpapahayag na ang tuntuning pangwika at natatamo sa isang


mahuhulaang pagkakasunod-sunod?
a. Natural order hypothesis
b. Monitor hypothesis
c. Affective filter hypothesis
d. Input hypothesis

12. Ito at nagpapaliwanag hinggil sa mga sagabal na pag-isipan at pandamdamin para


sa ganap na pagtatamo ng wika?
a. Natural order hypothesis
b. Monitor hypothesis
c. Affective filter hypothesis
d. Input hypothesis

13. Ito ay nagpapahayag din na ang mga wika at natatamo sa isang paraan lamang- sa
pag-unawa ng mensahe?
a. Acquisition learning hypothesis
b. Monitor hypothesis
c. Affective filter hypothesis
d. Input hypothesis

14. Ito aynagpapakita ng kaibahan sa pagtatamo at sa pagkatuto?


a. Acquisition learning hypothesis
b. Monitor hypothesis
c. Affective filter hypothesis
d. Input hypothesis

15. Ito ay mapadadali ang paggamit ng wika kung ang pansin at nakapokus sa
pagbibigay at pagtangap ng awtentikong mensahe?
a. Pagkatutong interaktib
b. Whole language education
c. Pagkatutong task-based
d. Brain-based learning

16. Ito ay binabalangkas na pagkatutong pangwika na may tiyak na layunin, nilalaman,


paraan at mga inaasahang matatamo?
a. Pagkatutong interaktib
b. Whole language education
c. Pagkatutong task-based
d. Brain-based learning

17. Ito ay ang integrasyon ng mga pagkatuto ng mga nilalaman sa mga layunin ng
pagkatuturo ng wika?
a. Content-centered education
b. Whole language education
c. Pagkatutong task-based
d. Whole language education

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

18. Ito ay ginagabayan ng guro sa pagkatuto sa pamamagitan ng ilang tiyak na


halimbawa?
a. Dulog na pasaklaw
b. Dulog na pabuod
c. wala sa nabanggit
d. A at B

19. Ito ay kabaliktaran, kung saan na di ginagabayan ng guro sa pagkatuto?


a. Dulog na pasaklaw
b. Dulog na pabuod
c. wala sa nabanggit
d. A at B

20. Ito ang panahon kung saan nagsimula ang ang pagtatalo ng mga pilosopong
Griyego hinggil sa kalikasan ng wika na sinasalita ng mga tao?
a. Ikaapat na siglo
b. Ikalimang siglo
c. Ikaanim na siglo
d. Ikapitong siglo

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)


lOMoARcPSD|19005799

Downloaded by Jean Custodio (mjcustodio361@gmail.com)

You might also like