Masusing Banghay Sa Modyul 6 Konsensiya 1

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Detalyadong Banghay ng Aralin sa ESP 7

ni Melanie Queen R. Ancheta

I. Layunin
Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipamalas ang mga
sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa, at paglalapat:
a. Nakikilala ang konsensiya bilang kakayahan ng isip na maghusga ng
kabutihan o kasamaan ng isang pasiya o kilos,
b. Nakapagsusuri ng mga psaiyang ginawa batay sa unang prinsipyo
ng Likas ba Batas Moral, at
c. Nakabubuo ng tamang pangangatuwiran batay sa Likas ba Batas
Moral upang makagawa ng angkop na pagpapasiya.

II. Nilalaman
Paksa: Konsensiya
Sanggunian: K to 12 Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 7
Modyul 6 Konsensiya, pahina 129-147.
Kagamitan: Laptop, Powerpoint presentation, visual aids, sagutang papel,
bolpen, at chalk
Pagpapahalaga: Natutukoy ang kaugnayan ng Likas na Batas Moral sa
Konsensiya ng Tao

III. Pamamaraan sa Pagtuturo

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Bago natin umpisahan ang
klase na ito, tayo muna ay
tumayo para sa isang
panalangin. Pangunahan
mo ang panalnagin natin,
Joshua.
Panginoon, maraming salamat po
sa ibinigay ninyong panibagong
pagkakataon upang kami ay
matuto. Gawaran mo kami ng isang
bukas na isip upang maipasok
namin ang mga itinuturo sa amin at
maunawaan ang mga aralin na
makatutulong sa amin sa
pagtatagumpay sa buhay na ito.
Amen.
2. Pagbati
Magandang buhay!

Mabuting Tao!
Mabuting Tao!

Magandang Buhay!
3. Pampasiglang bilang
Manatiling nakatayo at tayo
muna ay magkakaroon ng
maikling pampasigla. Alam
ba ninyo ang sayaw na Ulo,
Tuhod, at Paa?

Opo!
Sayawin natin ng sabay
sabay

(Sumayaw ang mga mag-aaral)


4. Pagpuna sa kalinisan ng
silid-aralan
Bago kayo magsi-upo,
pakitignan kung may mga
kalat sa paligid ng inyong
mga upuan. Pulutin ito at
ilagay sa inyong mga bag at
itapon sa inyong mga
tahanan. Tandaan, sa ating
paaralan ay isinasabuhay
natin ang CLAYGO o Clean
As You Go.
(Pupulutin ng mga mag-aaral ang
mga kalat)
Maraming salamat. Maaari
na kayong magsi-upo.

5. Pagtala ng Liban
Bago tayo magpatuloy,
itatala ko lamang kung may
lumiban sa inyong klase.
Kung tinawag ko ang inyong
apelyido, sasabihin niyo
lamang kung kayo ay
naririto sa ating klase.
Naunawaan ba?
“Aba syempre!”
(Nagtala ng liban)
(Sumagot ang mga mag-aaral)
6. Pag-aalaala ng mga
Pamantayan
Ngayon ating alalahanin ang
ating pamantayan sa
klaseng ito. Dahil sa tayo ay
mabuting tao. Pakibasa ng
sabay sabay ang nasa TV o
pisara.
M-Maaga
A-Aktibo
B-Buong isipang nakatuon sa
gawain
U-Umiiwas sa pakikipagdaldalan
T-Tapat
I-Iwasang gumamit ng gadget
N-Naaangkop ang kasuotan
G-Gumagalang sa lahat
T-Tumutupad sa alituntunin
A-Angat sa disiplina
O-On time sa pagsusumite ng mga
gawain
Mahusay!

B. Balik-aral
Bago natin Kilalanin ang bagong
paksa na ating tatalakayin balikan
muna nating ang paksa natin
netong nagdaang araw.
May nakakaalala ba ng paksa natin
nitong nakaraang araw?
Ako po ma’am!
Sige Shane, pakisagot.
Ma’am ang tinalakay po natin
noong nakaraan ay Isip at Kilos
loob.
Mahusay. Ikaw naman Kiko sang-
ayon ka ba sa sagot ni Shane?
Opo ma’am!
Mahusay! Ang ating naging paksa
nitong nakaraang araw ay tungkol
sa isip at kilos loob.

Ngayon subukin natin ang inyong


nalalaman tungkol sa isip at kilos
loob sa isang maikling gawain.
Basahin ng sabay-sabay ang mga
katanungan o pahayag at buuin
lamang ang titik na nasa pisara.
Naunawaan ba?
“Aba syempre!”
Para sa unang bilang, pakibasa ng
sabay sabay.
1.Ito ang kapangyarihan ng tao na
mangatwiran.
Sino ang gusting sumagot dito sa
harapan?
Ma’am!
Sige, Lyka pakisagot.
Sagot: ISIP
Para sa pangalawang bilang,
pakibasa ng sabay sabay.
2.Ito ang kapangyarihan ng tao na
pumili at magpasya.
Sino ang gusting sumagot dito sa
harapan?
Ma’am!
Sige, Ron pakisagot.
Sagot: KILOS-LOOB
Para sa pangatlong bilang,
pakibasa ng sabay sabay.
3.Maliit na bahagi ng katawan na
bumabalot sa buong pagkatao.
Sino ang gustong sumagot dito sa
harapan?
Ma’am!
Sige, Alex pakisagot.
Sagot: PUSO
Para sa pang-apat na bilang,
pakibasa ng sabay sabay.
4.Ito ay sumasagisag sa pandama,
panghawak, paggalaw, paggawa
at pagsasalita.
Sino ang gustong sumagot dito sa
harapan?
Ma’am!
Sige, Yunis pakisagot.
Sagot: KAMAY
Para sa pangalawang bilang,
pakibasa ng sabay sabay.
5.Ito ay tinatawag na katalinuhan.
Sino ang gusting sumagot dito sa
harapan?
Ma’am!
Sige, Ian pakisagot.
Sagot: INTELEKTWAL
May katanungan pa ba kayo sa
nakaraang aralin? Naunawaan na
ba ang Isip at Kilos-loob?
Wala na po ma’am!
Mahusay! Kung gayon, bigyan
natin ng limang bagsak ang ating
mga sarili.
(Pumalakpak ang mag-aaral)

C. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak na Gawain
Ngayon magkakaroon tayo
ng maikling pangkatang
gawain. Pumunta sa kanya
kanyang grupo, at umayos
ng pagkaka-upo.

Para sa panuto, pakibasa


ang nasa TV.
Panuto: Ang mga mag-aaral ay
una-unahan bubuuin ang larawan
sa pisara. Ipaliwanag kung ano
ang ipinakikita ng bawat larawang
nabuo. Mula sa nabuong larawan
tukuyin ang gawain kung ito ba ay
Tama o Mali na gawa. Ipaliwanag
ito ng tagapagsalita ng grupo.
Naunawaan ba ang panuto?
Aba syempre!
Ngayon, kuhanin na ninyo
ng sabay sabay ang mga
puzzle sa harapan.
Pagkabilang ng tatlo ay
sabay-sabay ninyo itong
bubuin.
(Nagsagawa ng aktibidad ang mga
mag-aaral)
Mahusay! Bigyan natin ng
Good Job clap ang 7-Xian!
G-o-o-d-j-o-b! Good job! Good job!
2. Pagganyak na tanong
Paano nga ba masasabi na
TAMA ang isang kilos
samantalang MALI ang isa?
Paano mo ito nakikilala?
Paano mo ito pinipiling
gawin?

Base sa ating isinagawang


aktibidad, may ideya na ba
kayo kung ano paksa ng
aralin natin sa araw na ito?
Tungkol po sa konsensiya.

D. Paglalahad
1. Pagtalakay
Ang ating aralin sa araw na
ito ay tungkol sa
konsensiya.
Bago ang lahat, pakibasa
muna ang layunin natin sa
aralin na ito.
Sa modyul na ito, ang mga mag-
aaral ay inaasahang maipamalas
ang mga sumusunod na kaalaman,
kakayahan at pag-unawa, at
paglalapat:
a. Nakikilala ang konsensiya
bilang kakayahan ng isip na
maghusga ng kabutihan o
kasamaan ng isang pasiya o
kilos,
b. Nakapagsusuri ng mga
psaiyang ginawa batay sa
unang prinsipyo ng Likas ba
Batas Moral, at
c. Nakabubuo ng tamang
pangangatuwiran batay sa
Likas ba Batas Moral upang
makagawa ng angkop na
pagpapasiya.
Bahagi ng buhay natin ang
magpasya araw-araw.
Sa pagpili o pagpapasiyang
ginawa ng tao, may
kailangan siyang pag-ukulan
ng pansin, ito ay ang pagpili
alin ang TAMA at MALI.
Ngayon pag-aralan natin,
ano nga ba ang
konsensiya?

Ang tao ay nilikha ng Diyos


at binigyan ng kakayahan
na kilalanin ang mabuti at
masama. Ang kakayahang
ito ay ang tinatawag na
konsensiya.

Para mas maintindihan natin


ang salitang konsensiya ay
magkakaroon tayo ng isang
gawain.
Pakibasa ang panuto ng
sabay sabay.
Panuto: Para sa gawaing ito,
bubuo kayo ng slogan, tula,
spoken word poetry, at musika na
ang tema ay ipinapakita ang
konsensiya ng isang tao.
Pagkatapos ay ipriprisinta ito sa
klase.
Para sa unang grupo, kayo
ay bubuo ng slogan, sa
pangalawang grupo naman
ay tula, pangatlo naman ay
spoken word poetry, at para
sa pang-apat na grupo ay
musika.

Para sa rubriks ng slogan,


pakibasa unang grupo.
Rubriks sa slogan
Kaangkupan sa tema 10 pts
Pagkamalikhain 10 pts
Naipaliwanag ng maayos 10 pts
ang awtput

Para sa rubriks ng tula,


pakibasa pangalawang
grupo.

Rubriks sa tula
Kaangkupan sa tema 10 pts
Malinaw ang mga pahayag 10 pts
sa tula
Naipaliwanag ng maayos 10 pts
ang awtput

Para sa rubriks ng spoken


word poetry, pakibasa
pangatlong grupo.

Rubriks sa spoken word poetry


Kaangkupan sa tema 10 pts
Maayos ang 10 pts
pagkakabigkas ng mga
salita
Naipaliwanag ng maayos 10 pts
ang awtput
Para sa rubriks ng musika,
pakibasa pang-apat na
grupo.
Rubriks sa Musika
Kaangkupan sa tema 10 pts
Maayos ang pagkakakanta 10 pts
Naipaliwanag ng maayos 10 pts
ang awtput

May katanungan ba?


Wala po

Mahusay. Kung gayon


maaari na kayong
magsimula. Mayroon
lamang kayong tatlong
minuto para maghanda, at
tatlong minuto din sa
pagpiprisinta. Naunawaan
ba?
Aba syemre!
(Nagsagawa ng aktibidad ang mga
magaaral)

Natapos na oras ng inyong


paghahanda. Maaari na
kayong magpresinta.
(Nagpresinta ang mga mag-aaral)

Bigyan ng tatlong bagsak


ang ating mga sarili.
Ating alimin, ano ng ba ang
koknsensiya. Pakibasa ang
nasa tv.
Ang salitang konsensiya ay mula
sa salitang Latin na cum na ang
ibig sabihin ay “with” o mayroon at
scientia na ang ibig sabihin ay
“knowledge” o may kaalaman.
Samakatuwid, ang
konsensiya ay cumscientia
sa salitang latin.
Saan niyo pa malimit
marinig ang salitang
scientia? Pamilyar ba kayo
sa salitang ito?
Sa Science po.
Mahusay, scientia na ang
ibig sabihin ay knowledge
ay ang science na kung
saan ay isang asignatura
din ninyo.
Alam ba ninyo kung anong
parte ng utak ng tao ang
may responsibiladad sa
intelektwal na talino? Ito ay
ang cerebrum.

Ang pangunahing gamit ng


konsensiya ay tukuyin ang
dapat gawin sa isang
sitwasyon.
Ngunit dahil sa ang
konsensiya ay subhetibo,
may pinagbabasehan itong
pamantayan, at ito ay ang
“likas na batas moral”

May ideya ba kayo kung


ano ang likas na batas
moral?

Saang asignatura naririnig


ang mga batas?
Sa asignaturang A.P. po.
Mahusay, sa asignaturang
araling panlipunan. Ang
mga batas na naipapasa sa
senado ay para sa ikabubuti
ng tao. Samakatuwid, ang
mga batas na ito ay ibinase
sa likas na batas moral.

Pakibasa ang nasa TV.


Ang Likas na Batas Moral ay batas
na iniukit ng Diyos sa ating mga
puso mula nang tayo’y Kanyang
nilikha.
Ang katotohanang
makabubuti ang isang
pasiya o kilos sa pagkatao
ng tao ay maituturing na
mabuti at ang hindi
makabubuti sa pagkatao ng
tao ay maituturing na
masama.

Samakatuwid, binibigyang
direksyon ng likas na Batas
Moral ang pagpapasya at
pagkilos ng tao.

May katanungan bago tayo


magpatuloy?
Wala po, Ma’am!
Kung gayon, alamin naman
natin ang apat na katangian
ng Likas na Batas Moral.

Pakibasa ang unang bilang.


1. Obhektibo- Ang batas na
namamahala sa tao ay
nakabatay sa katotohanan.
Mahusay. Ang likas na
batas moral ay obhektibo
dahil itoay mula sa
katotohahan- ito ay ang
Diyos. Mayroon ba ditong
hindi naniniwala sa Diyos?
Wala po, Ma’am!
Mabuti. Ngayon pakibasa
naman ang pangalawang
bilang. Sino ang gustong
magbasa?
Ma’am ako po.
Sige Bert pakibasa ng
malakas.
2. Pangkalahatan- Sinasaklaw
nito ang lahat ng tao.
Salamat. Ang Likas na
batas moral ay
pangkalahatan dahil ito ay
para sa tao. Para sa lahat
ng tao.

Para naman sa pangatlong


bilang, sino ang gustong
magbasa?
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-
aaral)
Sige Hannah, pakibasa.
3. Walang hanggan-Ito ay umiiral
at mananatiling iiral.
Maraming salamat. Ang
likas na batas moras ay
walang hanggan, walang
katapusan, at walang
kamatayan dahil ito ay
permanente.
Para sa panghuling bilang.
Sino ang gustong
magbasa?
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-
aaral)
Sige Eddie, pakibasa ang
pang-apat na bilang.
4. Di-nagbabago- Hindi
nagbabago ang likas na batas
moral dahil hindi nagbabago
ang tao.
Dahil nagbibigay ng
direksiyon tungo sa mabuti
ang Likas na Batas Moral,
ang tao ay may obligasyon
na ilapat ito sa kanyang
pagpapasya at pagkilos sa
pamamagitan ng
konsensiya.

Ngayon, atin namang pag


laliman pa ang ating
nalalaman tungkol sa
salitang Konsensiya.

Pakibasa ang nasa


harapan.
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-
aaral)
Sige Sam pakibasa ng
malakas.
Ang konsensiya ay itinuturing na
“praktikal na moral na
paghuhusga” ng isip.
Mahusay. Sa pamamagitan
ng konsensiya, nailalapat ng
tao ang kaniyang kaalaman
sa Likas na Batas sa Moral
sa iba't ibang situwasyon ng
kaniyang buhay. Paano
kumikilos ang konsensiya?

Naranasan niyo na ba yung


pagkakataon na may
gagawin kayong masama o
hindi mabuti pero bigla
kayong napapa-isip kung
itutuloy niyo ba o hindi?
Opo.
Sa pagkakataon na iyon ay
pumapasok na ang unang
uri ng konsensiya ito ay ang:
Pakibasa ang unang uri.
1. Antecedent o Bago ang kilos-
Tinutulungan tayo ng
konsensiya na suriin ang isang
pasiya o kilos bago ito isagawa.
Halimbawa inaaya ka ng
iyong mga kaibigan na
gumala. Ikaw naman, iniisip
mo kung paano ka
papayagan ng iyong
magulang. Napag-isip isip
mong magpaalam na
gagawa na lamang ng
proyekto upang payagan ka.
Habang papalapit ka sa
iyong mga magulang upang
magpaalam bigla mong
naisip, tama ba ito?

Para naman sa
pangalawang uri ng
konsensiya, pakibasa..
(Nagtaas ng kamay ang mga mag-
aaral)
Sige Claire, pakibasa.
2.Concomitant o Habang
isinasagawa ang kilos- Kamalayan
ng tao sa pagiging mabuti o
masama habang ginagawa ang
kilos.
Naranasan niyo na ba ang
ganito? Nakakaramdam
kayo ng pagkabalisa o hindi
mapakali kapag may
ginagawa kayo hindi
mabuti? Iyan ang tinatawag
na concomitant. Halimbawa,
eksamin natin ngayon.
Kagabi gumawa ka ng iyong
kodigo. Ngayon, habang
ikaw ay nagsasagot at iniisip
mo ang iyong kodigo na
hawak hawak mo, ikaw na
ay kinakabahan at
nababalisa. Ito na ang
resulta ng iyong konsensiya.
Naunawan ba?
Aba syempre!
Mahusay. Dumako naman
tayo sa panghuling uri ng
konsensiya.
Naranasan niyo na ba ang
magsinungaling?
Opo ma’am!
Itaas ang kamay ng hindi pa
nag sinungaling kahit
kailan?

Eto ang tanong, ano ang


naramdaman mo
pagkatapos mong
magsinungaling?
Kinakabahan po.
Nababalisa? Kinakabahan?
o nakokonsensiya?
Pakibasa ang pangatlong uri
ng konsensiya, Jasmin.
3.Consequent o pagkatapos gawin
ang kilos- proseso ng pagninilay
sa isang pasiya o kilos na naisaga.
Mahusay! Ang pangatlong
uri ng konsensiya ay ang
konsensiyang
nararamdaman pagkatapos
maisagawa ang maling
gawa.

2. Paglalapat
Para mas lalo ninyong
maunawaan ang
konsensiya. Magkakaroon
tayo ng gawain.

Pakibasa ang panuto ng


ating gawain.
Penoy henyo!
Panuto: Hulaan lamang ang
salitang ipahuhula sa inyo sa
pamamagitan ng tulong ng iyong
mga kagrupo. Mayroon lamang
kayong tatlong minute upang
mahulaan ito.
Naunawaan ba?
Aba syempre!
(Nagsagawa ng aktibidad ang
klase)
Ngayon ay lubos na ninyong
naunawaan ang ating
paksa.
Bigyan natin ng isang
GOOD JOB clap ang ating
sarili.
G-o-o-d-j-o-b! Good Job Good Job!
Ngayon naman, ano-ano
ang mga naunawaan ninyo
sa mga isinagawa nating
mga aktibidad at sa ating
aralin?
Maging maingat po sa mga
desisyon.
Mahusay. Ano pa?
Dapat po isiping Mabuti ang
gagawing kilos
Magaling. May iba pa bang
kasagutan?
Maging maingat po sa pagpapasya
at wag pong gagawa ng masama.

E. Paglalahat
Naging malinaw ba sa iyo ang mga
konseptong tinalakay tungkol sa
konsensiya ng tao? Nawa'y naging
malinaw sa iyo ang tamang paraan
ng paggamit nito nang matamasa
mo ang kapayapaan, kaayusan at
kaligayahan. Inaasahang maging
mapanuri at maingat ang iyong mga
pagpapasiya gamit ang iyong
konsensiya.

IV. Pagtataya
Taas Baba!
Panuto: Unawing mabuti ang bawat tanong. Itaas ang tamang kasagutan.
1. Ang batas na namamahala sa tao ay nakabatay sa katotohanan.
Sagot: Obhektibo
2. Hindi nagbabago ang likas na batas moral dahil hindi nagbabago
ang tao.
Sagot: Hindi nagbabago
3. Sinasaklaw nito ang lahat ng tao.
Sagot: Pangkalahatan
4. Ito ay umiiral at mananatiling iiral.
Sagot: Walang hanggan
5. Ang salitang ito ay mula sa salitang Latin na cum na ang ibig
sabihin ay “with” o mayroon.
Sagot: Konsensiya

V. GAWAING-BAHAY
Bilang takdang aralin, sagutan sa ½ crosswise na papel ang tanong na ito:
“Ano ang kaugnayan ng likas na batas moral sa konsensiya ng tao?”.
Sagutan ito sa hindi bababa ng limang pangungusap at hindi naman tataas
sa sampu. Ito ay ipapasa sa susunod na meeting.

Inihanda ni: Sinuri ni:


1. MELANIE QUEEN R. ANCHETA 1. JULIE ANNE I. SANTOS
2. Field Study Student 2. Cooperating Teacher

You might also like