Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

GAWAING PANGKLASE

SINESOSYEDAD/PELIKULANG PANLIPUNAN
FILSOS 1115

PANUNURING PAMPELKULA
GAMIT ANG MGA ELEMENTO NG ISANG PELIKULA

PAGSUSURI SA PELIKULANG
HENERAL LUNA

Ni

JACKSON A. PARCHAMENTO
GURO

GAWAING PANGKLASE
Unang Semestre 2022-2023
I. PANIMULA
Ang pamagat ng pelikula ay Heneral Luna. Ito ay idinerehe ni
Jerrold Tarog na siya ring kabilang sa mga sumulat nito, kasama nina
Henry Francia at E. A Rocha. Ipinalabas ito sa mga sinehan noong
Septyembre 09, 2015 sa ilalim ng Artikulo Uno Productions. Kabi-kabilang
mga parangal ang inani ng pelikula at maging ng mga aktor at direktor
nito. Gaya na lamang noong FAP Awards (2016), Gawad Urian Award
(2016), Stars Award for Movies (2016) at marami pang iba. Dahil sa
angking galing ng pelikulang ito, napili ito bilang opisyal na kalahok sa
88th Academy Awards para sa Best Foreign Language Film.
Pinagbibidahan ito nina John Arcilla, Mon Confiado, Joven Hernando,
Paulo Avelino, Epi Quizon, at iba pang mga batikang mga actor.
Mahihinuha batay sa mga nagdaang pelikulang nilikha ni Jerrold Tarog ay
ipinapakita nito ang nakaraan ng Pilipinas. Isang magaling at kilalang
director si Tarog kahit bago pa man sumikat ang pelikula niyang ito.
Ang Heneral Luna ay isang biograpikal na palabas na mayroong
temang makasaysayang-aksyon. Ipinapakita sa palabas na ito ang
pamumuhay ni Heneral Antonio Luna sa panahon ng digmaan ng Pilipinas
at Amerika. Ang mga ganitong klase ng pelikula ay talaga namang
kahanga-hanga dahil hindi ito nagdalawang isip na ilahad nang buo ang
mga pangyayari na hindi kailanman itinuro o isinaad sa mga libro sa
eskwelahan. Maraming mga ‘malaking akala’ ang naitama nito dahil
nabigyang linaw nito ang mga katanungan na hindi rin kalianman
nabanggit sa mga libro. Mariin ring ipinakita ng pelikula ito ang ang
halaga ng patrionismo at si Heneral Luna nga mismo ang naging mukha at
halimbawa nito. Dahil pinili at ipinaglaban niya ang bansang Pilipinas
maski hanggang sa huling hininga niya at kahit na tinutuligsa na siya ng
mga matataas na opisyales ng gobyerno. Samu’t-saring mga isyung
panlipunan rin ang mababanggit at pag-uusapan rito na tiyak na
makapagbibigay aral sa mga manonood.
Sa pag-susuring ito, himay-himayin ang bawat paksa at ideya na
may kinalaman sa pelikula. Naglalayon ito na magkaroon ng sariling
interpretasyon at pagkakaintindi. Para rin mas mabigyang kahulugan ang
bawat aspetong mababanggit. Panghuli ay para na rin makapag-bahagi ng
sariling pananaw ukol sa pelikula.

II. PAGBUBUOD
Ang istorya ng pelikulang ito ay umikot kung paano pinangunahan
ni Heneral Antonio Luna ang kanyang hukbo laban sa mga Amerikano.
Nagsimula ang pelikula sa isang pagtitipon ng mga gabinete kung saan
kabilang si Heneral Luna, Apolinario Mabini, Heneral Mascardp, Felipe
Buencamino, Pedro Paterno, at si Emilio Aguinaldo, na siyang
kasalukuyang pangulo sa panahon na ito. Sila ay nagtatalo dahil saliwa
ang kanilang mga layunin, hangad ni Heneral Luna na labanan at huwag
magpasakop sa mga Amerikano dahil batay sakanila ay ito ang magiging
mitsa ng tuluyang pagbagsak ng bansa. Ngunit naniniwala ang ibang mga
opisyales na makatutulong ang mga Amerikano upang tumaas muli ang
ekonomiya ng Pilipinas. Makalipas ang pagtitipon iyon ay siya na ang
naatasang mamuno sa giyera. Nang matunugan ni Heneral Luna na may
balak lumusob ang mga Amerikano, dali-dali siya nanghingi ng
karagdagang mga tao na mula sa ibang mga lugar para sumali sa
digmaan. Nakakuha siya nang mangilan-ngilan ngunit kulang pa rin ito.
Napag-alaman niya na mayroong hindi sumunod sa kanya at ito ay si
Kapitan Janolino, na siyang pinuno ng Kawit, Cavite. Litanya niya ay hindi
naman galing kay Pangulong Aguinaldo ang kautusang ito. Nang malaman
ito ni Heneral Luna ay pinuntahan niya mismo ito kung saan ipinahiya niya
ito sa harap ng mga sundalo nito. Tinakot niya ito na papatayin gaya na
lamang ng nakasaad sa Artikulo Uno, kung saan nakasaad na ang hindi
sumunod sa punong heneral ng digmaan ay siyang tatanggalan ng ranggo
at ipapatay nang walang paglilitis. Mula noon ay ginamit na niya ang
Artikulo Uno upang makalikom nang sapat na tao para sa giyera, ito rin
ang siyang dahilan kung bakit siya binansagang bilang Heneral Artikulo
Uno. Naging mabisa naman ang pananakot na ginawa niya dahil
nakapagtipon siya ng apat na libong (4,000) katao. Dahil rin dito ay
marami ang nagsimulang magalit at matakot sakanya dahil masyado raw
itong istrikto.
Nagkaroon muli ng pagpupulong kasama ang mga gabinete at
pangulo. Nagtalo muli ang magkasalungat na opinyon ng mga miyembro.
Nais ipakulong ni Heneral Luna sina Buencamino at Paterno dahil ayon sa
kanya ay traydor ang mga ito sa bansa dahil sang-ayon sila na dapat ay
magpasakop na lamang ang Pilipinas sa mga Amerikano. Kilaunan ay
dinakip rin ang mga ito. Matapos nito ay naghanda muli Heneral Luna
para sa pakikipagdigmaan. Kinailangan niya muli maghakot ng mga tao na
ilalaban kaya naman humiling siya kay Heneral Mascardo, ngunit hindi
siya pinagbigyan dahil sa Pangulo lang rin siya susunod at saad niya ay
walang awtoridad si Heneral Luna sakanila. Naging mainit ang palitan nila
ng mga telegrama at humantong pa sa puntong maghaharap na sila sa
Guagua, Pampanga. Sa kabila ng mainit nilang pagtatalo ay nilusob ng
mga Amerikano ang Bagbag at Quinga kaya dali-dali siyang pumunta sa
Bagbag. Sa kasamaang palad, hindi nila napagtagumpayan na
depensahan ang kanilang kampo at nagpasyang umatras na lamang.
Nang mapabalita na nakalaya sina Buencamino ay napag-desisyunan ni
Heneral Luna na magbitiw na sa pwesto bilang pinuno ng digmaan. Ngunit
hindi tinanggap ni Aguinaldo ang kanyang pagbibitiw dahil kagaya ni
Mabini, naniniwala sila na siya lamang ang may kakayahan na pamunuan
ang hukbong sandatahan. Kapalit nito ay hiniling niya na hayaan siyang
mamuno at dumisiplina sa mga tauhan nito. Pinagbigyan rin siya ni
Aguinaldo na magtayo ng kuta sa Norte.
Dahil nakalaya na nga ang mga traydor na sina Buencamino,
sinimulan naman nila na siraan si Heneral Luna kay Aguinaldo. Isang araw
ay nakatanggap na lamang si Heneral Luna ng isang telegram mula kay
Aguinaldo na inaanyayahan siyang dumalo sa isang pagpupulong sa
Cabanatuan. Kahit na kahina-hinala ito ay tumuloy sina Heneral Luna
kasama ang dalawa niyang kapitan na sina Roman at Rusca. Nang
makarating sila ay napag-alaman nila na wala si Aguinaldo roon at si
Buencamino lamang ang nasa opisina. Nagtalo ang dalawa at nakarinig na
lamang sila ng putok ng baril galing sa labas. Paglabas ni Heneral Luna ay
nakita niya si Kapitan Janolino kasama ang hukbo nito, dito ay walang
habas siyang pinaslang ng mga ito. At hanggang ngayon ay palaisipan pa
rin kung si Aguinaldo nga ba talaga ang nagpapatay sa kanya o ibang tao
na may sama ng loob kay Heneral Luna.

III. PAGSUSURI

1. SENARYO

Sa kakaibang paraan binuksan ang istoryang ito dahil hindi agad


ipinakita ang pangunahing paksa nito. Makikita sa umpisa na mayroong
isang nakikipanayam, si Joven Hernando, na kabilang sa isang pablikasyon
na naglalayong ipagpatuloy ang nasimulang larangan ng La Independecia.
Nais nilang itampok ang naging buhay ni Heneral Antonio Luna bilang
unang lathain nila. Ang karakter na ginampanan ni Hernando ay
masasabing mahalaga dahil siya ang mistulang mukha o tauhan ng
henerasyon ngayon na tulad niya ay sabik ring malaman ang tunay na
nangyari noong panahon na iyon. Isang malikhaing paraan ito para
balikan ang nakaraan at mailahad ito na tila ba nagbabalik-tanaw lamang.
Sa kabuuan ng pelikula makikita na ang naging pangunahing suliranin ay
ang pagpapakita ng hindi pagkakaisa. Una pa lamang ay hati na ang
opinyon nina Heneral Luna at mga gabinete. Kaya naman nabanggit niya
na, “Mayroon tayong mas malaking kaaway kaysa mga Amerikano, ang
ating sarili.” Ang katagang ito ay isa lamang sa mga pinakatumatak dahil
sa bigat at diin ng mensahe na ipinaparating nito. Nakalulungkot lamang
isipin na mismong mga kababayan mo ay mas nanaisin pang ipasakop ang
sariling bayan sa halip na ipaglaban ito. Minsan ring isinaad ni Heneral
Luna na, “Walang nakakaangat sa batas, kahit ang presidente.” Tila sa
panahong pangkasalukuyan ay makabuluhan pa rin ito dahil kahit ngayon
ay karamihan pa rin sa gobyerno ay ginagamit ang kanilang
panunungkulan para sa pansariling kapakinabangan. Sa senaryo ng
pelikulang ito, malinaw nitong naipakita kung paano nasasalamin ng
nakaraan ang kasalukuyan. Gaya na lamang na iilan rin lamang ang
handang magbuwis ng buhay para ipaglaban at mahalin ang pilipinas
ngunit marami ang nanamamantala ng kanilang mga kapangyarihan.
Maayos rin ang naging daloy ng pagsalaysay ng istorya dahil hindi
nakakalito at maiintindihan agad ng mga manonood ang nangyayari.

2. PAGDIDIREHE

Ang buhay ng isang pelikula ay nasa kamay ng direktor dahil siya


ang may kakayahan na isabuhay ang mga nasa iskript. Walang silbi ang
magandang kwento kung hindi ito mabibigyang hustisya ng direktor. Sa
pelikulang ito, masasabi na talagang kamangha-mangha ang pagdidirehe
nito dahil nagawa nitong ipamalas nang tila makatotohanan ang bawat
senaryo. Nagawa niya ring bigyan ito ng sarili niyang timpla nang
pinaghalo niya ang historya at sarili niyang imahinasyon. Maaaring hango
nga ito sa istorya ng buhay ni Heneral Luna ngunit mapapansin rin na
mayroon siyang mga idinagdag at inilakip na mga ideya na talaga namang
tugma at nakatulong upang mas lalong mapaganda ang istorya. Hindi
maitatanggi na magaling ang pagkakadirehe ni Tarog sa pelikulang ito
dahil unang-una ay nagsiyasat at kumunsulta siya sa mga taong maalam
sa kasaysayan nang sa gayon ay mapagkatiwalaan ito ng mga manonood
lalo pa at kasaysayan ng Pilipinas ang pinag-uusapan. Bilang director rin,
trabaho nitong pumili ng mga aktor na magsasabuhay sa kaniyang mga
karakter, hindi maipagkakaila na ang mga napili niyang mga magsipag-
ganap ay nagampanan ang kani-kanilang mga tungkulin. Sumatotal,
maayos na nagampanan ni Tarog ang tungkulin niya dahil naging
maganda ang kinalabasan nito at patunay rin nito ang mga nalikom nitong
mga parangal at papuri.

3. PAG-ARTE

Mula sa mga pangunahing mga tauhan hanggang sa mga


katuwang na mga tauhan ay talaga namang magagaling ang mga
ipinakita nilang pag-arte. Unang una ay ang pangunahing tauhan na si
John Arcilla bilang si Heneral Antonio Luna. Maliban sa isa na siyang
batikang actor ay talagang binigyang hustisya niya ang pag-ganap sa
karakter niya. Masasabing hubog na hubog at bagay na bagay sa kanya
ang karakter ni Heneral Luna dahil maski sa tindig at awra ay gayang
gaya niya. Lalo na rin ang pagbigkas at pagbitaw niya ng mga linya ay
punong-puno ng emosyon at tumatagos sa kaluluwa. Kuhang-kuha niya
ang tamang emosyon na dapat ipahiwatig. Sa sobrang galing ng pag-arte
niya ay tila naging makatotohanan at kapani-paniwala ito dahil nagawa
niyang iparamdam ang samu’t-saring mga emosyon sa bawat eksena.
Gaya ng tuwa, inis, galit, awa, gulat, at takot na nagpapatunay ng
epektibong pag arte. Sa kabilang dako naman, ang mga katuwang na
tauhan ay hindi rin nagpatalo dahil maganda at kabilib-bilib rin ang pag-
arteng ipinakita nila. Hindi lamang ang mga aktor na may kilalang
pangalan ngunit pati na rin ang mga extra dahil hanggang matapos ang
pelikula ay hindi sila makikitaan ng pagbabago ng pag-arte. Sa madaling
salita ay sinimulan nila nang mahusay at mula dulo ay nahigitan pa nila
iyon. Talaga namang kahanga-hanga ang mga actor na nagsipag-ganap
dahil nabigyan nila ng magandang pagsasabuhay ang bawat karakter at
senaryo. Lalong lalo na sa mga parte kung saan may giyera, dito makikita
ang galing nila dahil ramdam na ramdam mo ang mga emosyon nila. Sa
makatuwid, napagtagumpayan ng mga aktor ang layunin nila dahil
nagawa nilang masalamin ang mga eksaktong pangyayari at emosyon na
tila natural na natural.

4. PAGLAPAT NG TUNOG AT MUSIKA

Malaking aspeto ang ginagampanan ng musika sa kabuuan ng


pelikula dahil ito ang nagtatakda ng emosyon sa bawat senaryong
ipinapakita. Nakatutulong rin ito upang lubos na maramdaman ng mga
manonood ang mga eksena. Halimbawa na lamang ay kapag nasa
bakbakan sila ay matinding mga musika at tunog rin ang inilapat kaya
naman pakiramdam mo ay tila kasali ka sa giyera. Napapabalikwas ka sa
tuwing bumabagsak ang mga bomba at puputok ang mga baril. Angkop
na angkop ang mga ginamit na tunog at musika sa kabuuan ng pelikula
dahil mas nabigyan nito ng magandang daloy ng emosyon ang bawat
bahagi ng pelikula. Nakatulong rin ito upang mas maakit ang kalooban at
damdamin ng mga manonood.

5. MGA ELEMENTONG VISWAL

Nababagay at angkop ang mga viswal na ginamit sa pelikula at


masasabi na ito ang isa sa mga dahilan kung bakit kahanga-hanga ang
pelikulang ito. Dahil mula sa mga kasuotan, kagamitan, at lokasyon na
pinili ay tila bumalik talaga sa sina-unang panahon dahil sa pagiging
makatotohanan ng mga ito. Una rito ay ang mga props at kagamitan sa
mga eksena ay wasto at kapani-paniwala, nagbigay-daan ito sa mga
manonood na masilayan ang aktwal na kalagayan ng mga tauhan sa
nasabing panahon. Sunod rito ay mga kasuotan nila na talaga namang
nabigyang linaw kung sino ang may mga kapangyarihan at ang mga
mahihirap. Sunod naman ay ang make-up na talaga namang kamangha-
mangha dahil sa galing ng pagkakagawa ng mga ito. Lubos na nakabibilib
ito lalo na sa mga huling bahagi ng pelikula kung saan pinaslang si
Heneral Luna, nakamamangha ang paglapat nila ng mga kolorete dahil
nagmukhang makatotohanan ito. Isa pang elemento ay ang mga tagpuan
at lokasyong ginamit na isa pa sa nagpaganda sa kabuuan nitong pelikula.
Masasabing pinaghandaan at pinag-isipang mabuti ang pagpili sa mga ito.
Hindi naman sila nabigo dahil nakatulong ang mga ito upang mas lalong
maipadama sa mga manonood ang mga aktwal na pinagdaan ng mga
karakter noon. Sa makatuwid, lahat ng mga elementong viswal na ginamit
at inilapat ay nakatulong nang lubos upang maipakita at maiparating sa
mga manonood ang mga pangyayari noong panahon ng digmaan.
Nakatutulong rin ito upang maipamalas kung gaano kalaki na nga ang
pagbabago ng mundo sa kasalukuyan sa buhay noon.

IV. KONKLUSYON

Sa kabuuan ang pelikulang Heneral Luna ay maituturing na isang


obra maestra dahil sa galing ng pagkakadirehe at pag-arte ng mga aktor
nito. Higit sa lahat ay nabigyang linaw talaga nito ang naging buhay ni
Heneral Luna noong panahon ng digmaan laban sa Amerika. Kapupulutan
rin ito ng maraming aral lalo na tungkol sa kasaysayan ng bansa. Isa rin
itong patunay kung gaano katalentado ang mga Pilipino sa larangan ng
sining dahil nakikilala rin ito maging sa ibang bansa. Kaya naman ay sana
mas mabigyang pansin ang mga paglikha ng mga ganitong uri ng pelikula
dahil malaking tulong ito para mapanatiling buhay ang nakaraan ng
Pilipinas. Dahil hindi lamang nakaka-aaliw at makabuluhan ang mga ito,
kundi ay nagagawa nitong himay-himayin ang mga maaaring tunay na
katotohanan. Gaya na lamang kung paano nag-iwan ng katanungan ang
pelikula ito sa mga manonood gaya kung sino nga ba talaga ang
nagpapatay kay Heneral Luna. Dito naungkat rin kung karapat-dapat nga
bang ituring na bayani si Aguinaldo. Sa ganitong paraan ay nagkakaroon
ng mga kuru-kuru at importante iyon lalo pa at nagkakaroon ng
panibagong perspektibo ang mga tao tungkol sa historya ng bansa na
taliwas at hindi naituro sa mga librong o sa paaralan.

You might also like