Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Kabanata 1: Isang Salusalo

Dito isinasaad ang paghahanda ni Kapitan Tiago ng isang


salusalo para sa pagdating ni Crisostomo Ibarra galing
Europa. Inimbitahan niya ang mga opisyal at mga prayle
upang magsipagdalo sa handaan. Mababasa dito ang pag
uusap ni Padre Damaso at nang nakapaisano tungkol sa
pagpunta nito sa Pilipinas at sa hinanakit niya sa mga tao

at sa heneral dahil sa paglipat sa kanya sa ibang lugar.

Kabanata 2: Si Crisostomo Ibarra


Dito ipinakilala ni Crisostomo Ibarra ang kanyang sarili sa
mga bisita. Sa kanyang pagpapakilala, siya ay anak ng
nasirang Don Rafael Ibarra na nagmula sa Europa upang
mag aral.

Kabanata 3: Ang Hapunan


Mababasa dito ang pag aagawan ni Padre Damaso at
Padre Sibyla sa kabisera. Ang pagkainis ni Padre Damaso
dahil ang napunta sa kanya ay pakpak at leeg ng manok
habang si Crisostomo ay puros laman. Dito ipinakita ang
kagaspangan ng ugali ni Padre Damaso ng kutsyain niya si
Crisostomo na hindi na dapat siya nagpunta ng Europa
kung iyon lamang ang kanyang natutunan at isinaad rin
niya na hindi na dapat payagan ng pamahalaan na pag
aralin ang mga bata sa Europa dahil sila ay nagiging
mapagmataas lamang.

Kabanata 4: Erehe at Pilibustero


Mababasa dito ang pag uusap ni Crisostomo at Tenyente
Guevarra patungkol sa totoong nangyari sa kanyang ama.
Kung paano ito nakulong sa bintang na siya ang dahilan
kung bakit namatay ang artilyero at dito naglipana ang
mga lihim na kaaway ni Don Rafael na pinagbibintangan
siya ng mga bagay na hindi naman niya batid.

Kabanata 5: Isang Bituin sa Gabing Madilim


Nakaupo sa isang silya at nakamasid sa kalangitan si
Crisostomo habang sinasariwa ang mga alaala niya sa
kanayng ama. Sa kanyang isip ay sinisisi niya ang kanyang
sarili dahil wala siyang nagawa upang tulungan ang
kanyang ama kundi magpasarap ng buhay. Sinabi rin ditto
na inalala rin niya si Maria Clara.

Kabanata 6: Si Kapitan Tiago


Inilarawan dito si Kapitan Tiago at Ikinuwento ang
kanyang buhay na siya ay nagpa alila sa isang prayle
upang turuan siya dahil hindi siya pinayagan ng kanyang
ama na may ari ng isang pagawaan ng asukal. Ipinakilala
rin dito ang kanyang naging asawa na si Pia Alba na taga
Sanat Cruz, anim na taon na silang nagsasama ngunit hindi
pa rin nagbubunga kaya sila ay namamanata sa Obando
upang handugan ng anak. Pinangalanan niya itong Maria
Clara mula sa Santa Clara.

Kapitan 7: Suyuan sa Asotea


Nag usap sila sa asotea at doon inalala ang kanilang mga
nakaraan. Ang liham na ibinigay ni Crisostomo kay Maria
Clara at ang dahon ng sambong na kanialng
pinaghahawakan sa isa’t isa. Sila ay magkababata at
itinakdang magpakasal sa tamang panahon.

Kabanata 8: Mga Alaala


Dito ay namasyal siya at naisip na wala pa rin itong
ipinagbago kahit siya ay nawala sa mahabang panahon.
Hindi pa rin umuunlad dahil sa ito ay takot lumaban sa
mga nang aalipusta.

Kabanata 9 : Mga Bagay Bagay ukol sa Bayan


Dito mababasa ang pag uusap ng matandang pari at ni
Padre Sibyla patungkol kay Ibarra at Maria Clara. Isinaad
rin niya ang pag iinitan ni Padre Damaso at ni Crisostomo.
Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
Ang kasaysayan ng San Diego ang mababasa dito,kung
paano nagsimula ang mga alamat. Nagsimula ito sa isang
mayamang kastila na si Don Pedro na bumili ng lupain sa
San Diego at kinabukasan ay nakitang nakabigti sa puno
ng Balete. Ipinakilala dito si Don Saturnino na anak ni Don
Pedro at siya ang dahialn sa pagunlad ng bayan ng San
Diego. Mababasa rin kung paano nagkaroon ng isnag
kastilang kura ang San Diego.

Kabanata 11: Ang mga Makapangyarihan


Masasabi na si Don Rafael ang pinakamayan sa buong San
Diego ngunit hindi siya ang makapangyarihan lalong hindi
rin si Kapitan Tiago sapagkat sa maayos na pakikitungo ng
mga tao sa kanya ay pabulong siyang sinasabihan na
sacristan. Hinid rin ang kapitan sapagkat pwede siyang
pagalitan ng alkalde mayor at pinaghirapan niyang bilhin
sa halagang limang libong piso kasama ang maraming
pakiusap. Ang mga makapangayarihan ay sina Padre Salvi
at ang Aperes. Sila ay nagpapaligsahan sa taglay nilang
kapangayrihan ngunit sa kabila nito ay nagpapansinan at
nagkakamayan pa rin sila.
Kabanata 12: Araw ng mga Patay
Mababasa dito ang dalawang sepulturero na naghuhukay
ng bagong libingan. Sinabi rin niya na mas madiri ang
nagyari sa kanya dahil ipinahukay sa kanya ang 20 araw na
bangkay upang ilipat sa libingan ng mga tsino ngunit hindi
ito ang masaklap kundi ang pagkahulog nito dahil sa
natanggal ang pako sa ataul. Makikita si Pilosopo Tasyo na
hinahanap ang bungo ng kanyang asawa ngunit hindi niya
ito Makita kaya ipinagtanong niya ito sa isnag sepulturero,
imbis na tulungan ay inalok niyang bigyan ng ibang bungo
kapalit ng pera.

Kabanata 13: Ang Unang Banta ng Sigwa


Dumating si Crisostomo kasama ang kanyang alila na
matanda sa libingan ng kanyang ama. Itinanong niya kung
saan ito inilibing ngunit ang sagot ng matanda ay nilagyan
niya lang ng palatandaan dahil ang sabin ni Kapitan Tiago
ay magpapagawa siya ng nitso. Tinamnam niya ito ng
adelpa,sampaga at pensamiyento. Hinanap nila ang
libingan at tinanong ang sepulturero. Ito naman ay
nagsabi ng totoo na hinukay niya ang bangkay ngunit hindi
niya ito inlibing sa libingan ng mga tsino sa halip at
itinapon sa lawa. Nagdilim ang paningin ni Crisostomo lalo
nang malaman ang kura ang may kasalanan,sinigod niya si
Padre Silva at ito ay nagsabi na hindi siya ang nagpahukay
kundi ang pinalitan niyang kura na si Padre Damaso.

Kabanata 14: Tasyo,Baliw o Pilosopo


Dito inilahad ang kanyang nakaraan, na siya ay dating Don
at nakapag aral sa Colegio de San Jose.Dahil sa kanyang
katalinuhan ay pinapili siya kung mag aasawa o magiging
sacristan.Di pa amn natapos ang isnag taon ay siya ay
nabalo at naullila,napabayaan niya ang mga pamana ng
kanayang ina kaya siya ay nagging mahirap.. Siya ay baliw
sa pananaw ng mga mahihirap at pilosopo naman sa mga
mayayaman. Dito inimbitahan siya ni G. Filipo Lino na
pumanhik at nagsalaysay siya tungkol sa purgatoryo.

Kabanata 15: Ang Dalawang Sakristan


Masungit ang panahon ngunit nagtatrabaho pa rin sila
Crispin at Basilio. Ditto inilahad na pinagbintangan si
Crispin na angnakaw ng ginto at hindi pagtutugtog ng
kampana na sunod sunod kaya sinabi ng sacristan mayor
na hindi sila makakauwi sa ikawalo ng gabi kundi sa
ikasampu. Hinila ng sacristan mayor si Crispin sa isang silid
at pinalo habang si Basilio ay tumakas ng wala na siyang
marinig na ingay galing sa silid.
Kabanata 16: Si Sisa
Isinaad ang katangian ni Sisa. Siya ay maganda,mayumi at
mapagmahal na assawa at ina. Kahit siya ay binubugbog
ng kanyang asawa an si pedro ay hindi pa rin niya ito
iniiwan at ipinagtatanggol niya ito sa harap ng mga anak
dahil naniniwala siya na magbabago pa ito. Siya ay
naghanda ng mmasarap ng ulam sapagakat alam niya na
darating sina Crispin at Basilio ngunit kinain ito ng
kanyang asawa. Dumating si Basilio na sumisigaw at
kinakatok ang kanialng pinto na siya ay pagbuksan.

Kabanata 17: Si Basilio


Nalugmok si Basilio sa bisig ng kanyang ina at
pinanlamigan ng katawan si Sisa. Si Basilio lang ang
nakauwi wala si Crispin kaya siya ay nag alala. Ipinagtapat
ni Basilio na pinagbintangan si Crispin na nagnakaw ng
ginto at siya ay tumakas lamang at siya ay sinigawan na
isang quien vive. Dumating ang kanayng ama at nanghina
ng loob si Basilio at iwinaksi ito ni Sisa na nagbabalak na
magbalik ang kanilang ama kung sial ay magpapakabait.
Tinanaong ni Basilio na hindi ba mas maganda kung sila na
lang tatlo hindi kasali ang kanyang ama. Nanaginip si
Basilio tungkol sa kanaynag kapatid ngunit hindi niya ito
ipinabatid sa kanyang ina kundi ang kanyang sinabi ay
titigil na siya sa pagiging sacristan at magtatrabaho na
lamang siya kay G. Crisostomo. Natuwa si Sisa ngunit may
bahid ng lungkot spagkat wala ang kanyang bana sa
panaginip na binanggit ni Basilio.

Kabanata 18: Mga kaluluwang Naghihirap


Natapos ang pagmimisa ni Padre Salvi, na napansin ng
lahat ay matamlay at may sakit. Dinaanan niya ang mga
manong at manang ngunit hindi niya ito pinansin bagkus
ay pinakitaan niya ng pagkayamot. Ito ay ikipinahiya ni
Hermana Rufa.Nagsimula ng usapan si Manang Juana na
ang tugtog ng plegarya lamang ay makakaligtas nang mga
kaluluwa sa purgatoryo. Nagtalo rin sila kung sino ang
mgabibigay ng sermon sa piyesta at ska adumating si Sisa
na may dalang mga gulay. Nais niya sna makausap ang
pari ngunit sinabi ng sacristan na hindi maari dahil may
sakit at itinanong kung siya ang ina ng nagnakaw na bata
at siya ay idenepensa ang anak. Sinabihan siya na papunta
na sa kanilang bahay ang mga guwardiya sibil upang
dakpin ang kanyang mga anak at siya ay nanghina.

Kabanata 19: Mga Karanasan ng isang guro


Ang isang guro at si Crisostomo ay nag uusap malapit sa
isang lawa. Dito inilahad ng guro ang nangyari nang siya ay
magturo na hindi niya sinusunod ang pamantayan ng mga
prayle at dahil dito siya ay pinatawag at pinarusahan. Ang
nais nila ay daanin sa dahas at pamamalo upang matuto
ang mga kabataan. Sinunod niya ito ngunit nakita niya na
kakaunti na lang ang kanyang estudyante ng siya ay
muling magbalik dahil sa sakit. Tinama niya ang kanyang
mga ginawa, isinalin niya ang mga kastilang likha sa
wikang tagalog. Sinabi rin niya na kailangan ng mga
estudyante ng isang paaralan upang hindi na makisilong sa
simbahan at si Don Crisostomo naman ay nangako na
pagtutuunan niya ng pansin ang pagpapagawa nito.

Kabanata 20: Ang Pulong sa Tribunal


Ang tribunal ay isang malaking bulwagan na siyang
pinagtitipunan at lugar na pulungan ng mga may
kapangyarihang mga tao sa bayan. Nang dumating sina
Ibarra at ang guro, nagsisimula na ang pagpupulong. May
dalawang pangkat na nakapaqligid sa mesa. Ito ay binuo
ng dalawang lapian sa bayan. Ang conserbador ay pangkat
ng mga matatanda. Ang isa naman ay pangkat ng mga
liberal na binubuo ng mga kabataan. Ito ay
pinamumunuan ni Don Felipo. Pinagtatalunan nila ang
tungkol sa pagdaraos ng pista ng San Diego. May labing
isang araw na lamang ang nalalabi at pista na. Tinuligsa ni
Don Felipo ang tenyente mayor at kapitan dahil malabo
pa ang mga paghahanda sa piyesta. Kung saan-saan
napunta ang kanilang pulong. Nagsalita pa si Kapitan
Basilyo,isang mayaman na nakalaban ni Don Rafael.
Walang direksyon at walang kaunawaan ang talumpati
niya. Dahil dito,isinahapag ni Don Felipo ang isang
mungkahi at talaan ng mga gastos. Sumunod na
nagpananukala naman ay ang kabisa na siyang puno ng
mga matatanda, Nawalang saysay din ang panukala ng
kabisa sapagkat ipinahayag ng kapitan na tapos na ang
pasya ng kura tungkol sa pista.

Kabanata 21: Ang Pagdurusa ni Sisa


Ang ina ng dalawang anak; Crispin at Basilio. Tinawag ng
dalawang guwardiya si Sisa at tinanong kung saan niya
itinago ang perang ninakaw ng kanyang anak. Si Sisa ay
nahihiya habang ang mga sundalo ay nagmartsa sa kanya
sa bayan para makita ng lahat. Dinala sa kuwartel ng
militar, bumagsak siya sa lupa, kung saan nananatili siya
ng ilang oras habang naghihintay ang mga sundalo ng
karagdagang utos mula sa watawat, Sa natitirang bahagi
ng araw, si Sisa ay gumagala sa iba't ibang lugar, walang
magawa na hinahanap ang kanyang mga anak. Paulit-ulit
niyang sinisigaw ang kanilang mga pangalan hanggang sa
lumubog ang araw, iniwan siyang tatawid sa kadiliman.
Nabalisa, nadulas si Sisa sa paghihiwalay at pagkabaliw.

Kabanata 22: Liwanag at Dilim


Sa susunod na tatlong araw, naghahanda ang bayan para
sa fiesta. Dumating si María Clara kasama si Tiya Isabel, at
napansin ng mga taong bayan ang malaking pagkakaiba
kay Padre Salví. Para naman kay Ibarra, walang
nakakaalam kung bakit siya wala, at ang ilan ay nag-iisip
na siya ay nakulong dahil sa pagpilit kay Padre Salví na
lumuhod sa Araw ng mga Santo.

Kabanata 23;

You might also like