Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Review Test in Filipino II

1. Alin ang tawag sa mga salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at kapwa


pang-abay?

a. Pandiwa
b. Panghalip
c. Pang-abay

2. "Masayang naglalaro ang mga bata sa labas."

Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?

a. Panlunan
b. Pamanahon
c. Pamaraan

3. "Pumunta ang mga mag-aaral sa Tagaytay noong isang linggo."

Anong uri ng pang-abay ang may salungguhit?

a. Pamanahon
b. Pamaraan
c. Panlunan

4. "Mahirap magtahi sa madilim na lugar."

Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a. magtahi
b. lugar
c. mahirap
5. "Kumakain kami ng tsokolate paminsan-minsan."

Alin ang pang-abay sa pangungusap?

a. paminsan-minsan
b. kumakain
c. kami

6. Aling uri ng pang-abay ang sumasagot sa tanong na "saan?"

a. Pamanahon
b. Panlunan
c. Pamaraan

7. Alin ang pang-abay sa pangungusap sa ibaba?

“Banayad kumilos ang dalaga.”

a. banayad
b. kumilos
c. dalaga

8. Aling pangungusap ang gumagamit ng pang-abay na panlunan?

a. Dumating kami kagabi.

b. Nahulog ang lapis sa ilalim ng mesa.

c. Malakas kumain ng adobo si Ronnie.

9. Aling pangungusap ang gumagamit ng pang-abay na pamanahon?

a. Ako ay umiyak kagabi.

b. Sina Jane at Rosa ay nasa parke.

c. Mabilis tumakbo ang kabayo.


10. Aling ang pang-abay na pamanahon sa pangungusap sa ibaba?

“Tumalon si Jose sa bangin kagabi.”

a. tumalon

b. sa bangin

c. kagabi

11. Alin ang pang-abay sa pangungusap sa ibaba?

“Pumunta kahapon si Aling Lina sa bayan.”

a. sa bayan

b. si Aling Lina

c. pumunta

12. Alin sa mga pangungusap ang nagsasabi ng tama tungkol sa pang-ukol?

a. Ito ay nagsasabi tungkol sa simuno.

b. Ito ay isang salitang kilos.

c. Ito ay salitang nag-uugnay sa pangngalan, panghalip at iba pang


salita.

13. Alin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap sa ibaba?

“______ pangulo, agad na ipatutupad ang bagong batas sa bansa.”

a. Para kina
b. Hinggil kay
c. Ayon sa
14. Alin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap sa ibaba?

“________kasunduan ng lider at kanyang mga miyembro, sisimulan na ang


proyekto bukas.”

a. Ukol sa
b. Para sa
c. Alinsunod sa

15. Alin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap sa ibaba?

“Ang mga alituntunin ng paaralan ay_______ kabutihan ng mga


mag-aaral kaya kinakailangan itong sundin.”

a. tungkol sa
b. para sa
c. ayon sa

16. Alin ang tamang pang-ukol na bubuo sa pangungusap sa ibaba?

“_________ batas ang pagtapon ng basura sa ilog at mga dagat.

a. Labag sa
b. Alinsunod sa
c. Hinggil sa

17. Alin ang tamang pang-ukol para sa pangungusap sa ibaba?

“_______ kasunduan ng pamahalaan at mga rebelde, sisimulan na ang


ceasefire.”

a. Ukol sa

b. Para sa

c. Alinsunod sa
18. Aling pangungusap ang may pang-ukol?

a. Si Jessica ay may bagong sapatos.

b. Si May ay pumunta sa amin kahapon.

c. Ang mga tuntunin ng paaralan ay para sa kabutihan ng mga mag-aaral.

19. Alin ang tawag sa lipon ng mga salita na nagsasabi o nagsasaad ng buong diwa?

a. parirala

b. pangungusap

c. salitang kilos

20. Alin ang pangungusap sa mga sumusunod?

a. nasa ilalim ng upuan

b. Takbo!

c. Ang mga mag-aaral

21. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagsasaad ng buong diwa?

a. Sunog! Sunog!

b. Umalis ka na.

c. sa Nayong Pilipino

22. “Mabuhay ang Pilipinas!”

a. pangungusap
b. parirala

23. “Noong ika-12 ng Hunyo 1898 nakamit natin ang kalayaan.”

a. Pangungusap
b. Parirala
24. Alin ang simuno sa pangungusap sa ibaba?

“Ito ay isusuot niya sa kanyang kaarawan.”

a. Ito

b. ay isusuot niya

c. sa kanyang kaarawan

25. Alin ang panaguri sa pangungusap sa ibaba?

“Ang luma niyang sapatos ay kulay dilaw.”

a. Ang luma niyang sapatos

b. Ang luma

c. ay kulay dilaw

26. Alin sa mga sumusunod ang may simuno at panaguri?

a. Ang kanyang arko

b. ay pumunta sa amin

c. Si Aling Tinay ay pumunta sa amin.

27. Alin ang simuno sa pangungusap sa ibaba?

“Pinatugtog sa kauna-unahang pagkakataon ang pambansang awit ng


Pilipinas.”

a. pinatugtog
b. kauna-unahang
c. ang pambansang awit ng Pilipinas
28. Alin ang panaguri sa pangungusap sa ibaba?

“Masayang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas.”

a. Masayang iwinagayway
b. iwinagayway
c. ang watawat ng Pilipinas

29. Alin ang simuno sa pangungusap sa ibaba?

“Ang Pilipinas ay isang magandang bansa.”

a. Ang Pilipinas
b. ay isang magandang bansa
c. Ang Pilipinas ay

30. Alin ang panaguri sa pangungusap sa ibaba?

“Ang pambansang kasuotan ng mga lalaki ay barong Tagalog.”

a. Ang pambansang kasuotan


b. kasuotan ng mga lalaki
c. ay barong Tagalog

31. Alin ang panaguri sa pangungusap sa ibaba?

“Ito ay sagisag ng kagitingan ng ating lahi.”

a. ito ay sagisay
b. ay sagisag ng kagitingan ng ating lahi
c. kagitingan ng ating lahi
32. Ito ang pangungusap na nagsasaad o nagsasabi. Ito ay nagtatapos sa
bantas na tuldok.

a. Padamdam
b. Pakiusap
c. Pasalaysay

33. Ito ang pangungusap na naghahanap ng kasagutan. Nagtatapos ito sa


tandang pananong.

a. Padamdam
b. Pakiusap
c. Patanong

34. Ito ang pangungusap na nagsasabing gawin ang isang bagay. Nagtatapos
ito sa tuldok.

a. Padamdam
b. Pakiusap
c. Pautos

35. Ito ay ang pangungusap na nakikiusap o nakikisuyo. Maaari din itong


magtapos sa tuldok o tandang pananong.

a. Padamdam
b. Pakiusap
c. Patanong

36. Ito ay ang pangungusap na nagsasaad ng matinding damdamin gaya ng


galit, tuwa, lungkot, inis, o gigil. Nagtatapos ito sa tandang padamdam.

a. Padamdam
b. Pakiusap
c. Pautos
37. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na pasalaysay?

a. Dumating sila kahapon.

b. Ano ang pangalan mo?

c. Umalis ka na.

38. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Naliligo ka ba sa banyo tuwing umaga?"

a. pakiusap
b. pasalaysay
c. patanong

39. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Bumili pala ako ng mga pagkain."

a. patanong
b. padamdam
c. pasalaysay

40. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Aray! Kinagat ako ng daga!."

a. pautos
b. padamdam
c. pakiusap

41. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Gerald, pakiayos nga ng mga gamit ko."

a. pakiusap
b. pautos
c. pasalaysay
42. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Hanapin mo ang mga nawawalang krayola."

a. patanong
b. pautos
c. pakiusap

43. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Nakabukas na ang mga pinto ng silid-aklatan."

a. patanong
b. pakiusap
c. pasalaysay

44. Tukuyin ang uri ng pangungusap sa ibaba:

"Jonathan, maaari mo bang itapon ang mga basura sa kusina?"

a. patanong
b. pakiusap
c. pasalaysay

45. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na patanong?

a. Sila ay namasyal sa parke kagabi.

b. Yehey! Nanalo kami sa paligsahan.

c. Paano mo ginawa ang basket na ito?

46. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na padamdam?

a. Dadaan po ba kayo sa palengke?

b. Dito tayo sasakay ng dyip.

c. Para po!
47. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na pakiusap?

a. Hoy, bawal sumingit ng pila!

b. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.

c. Umupo ka na.

48. Alin sa mga sumusunod ang pangungusap na pautos?

a. Walong piso ang pasahe.

b. Pakiabot po ng bayad ko.

c. Huwag kang sumabit sa dyip.

You might also like