Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

National College of Business and Arts

Fairview, Quezon City


Senior High School Department
A.Y 2020-2021

E-PORTFOLIO

Ipinasa ni:
Sanchez, Christian Jake
Baitang at Pangkat:
HUMSS-12 A
Petsa:
Oktobre 12,2021

Ipinasa kay:
Bb. Julie Ann Cataylo
 Introduksyon
 Pasasalamat

Taus puso akong nag papasalamat sa poong maykapal sa pag gabay at pagbibigay ng
malawak na kaisipan sa kasalukuyang talakayin na aking natutuhan sa panahong ito.
Sunod kong pinasasalamatan ang aking napakahusay na guro na si Bb. Julie Ann Cataylo,
na walang sawang nagbibigay ng gabay at kaalaman sa akin sa asignaturang ito. Sa
panahong ito ay mahirap matuto at maging pokus sa pag-aaral pero dahil sa aking guro ay
mas nagiging aktibo at masigla ako sa mga talakaying aming inaaral. Ang papiging
estudyante sa panahon ng pandemya ay hindi madali sapagkat mahirap ang pakikipag
komunikasyon sa aking mga kamag- aral at guro. Utang ko sa aking guro na si Bb. Julie
Ann Cataylo ang mga natutuhan ko sa semestreng ito.
 Bionote

Ang bionote ay isang sulating nagbibigay impormasyon ukol sa isang indibidwal


upangmaipakilala siya sa mga mambabasa o tagapagkinig. Ito ay nagbibigay diin sa
edukasyon, parangal, mga paniniwala at ibang impormasyon tungkol sa pinakilalang
indibidwal. Ang bionote ay hindi lamang ginagamit upang ipakilala ang isang
indibbidwal kundi upang pataasinang kredibilidad nito. Ang pagsusulat ng bionote ay
maituturing salawahan o volatile dahil mabalis itong mabago dahil sa mga impormasyong
naidagdag.

Si Christian Jake Sanchez o mas kilala sa tawag na CJ. Si


CJ ay labing walong taong gulang na lumaki at ipinanganak
noong Agosto 22, 2003 sa lungsod ng Quezon. Pangatlo sa pitong
magkakapatid at isa ring kilalang manlalaro sa kanilang pamilya.
Nabigyan ng pagkakataon na makapag laro bilang isang varsity
player sa National College of Business and Arts (NCBA) sa loob
ng apat na taon at isa rin estudyante mula sa pangkat ng
Humanities and Social Science (HUMSS) marami ang naging
parangal na natanggap ito mula nang siya ay naging isang
manlalaro sa kanilang paaralan. Marami din ang naging
opurtunidad na natanggap na makapag laro sa iba pang paaralan
ngunit mas pinili nito na magtapos sa NCBA. Hindi naging
hadlang ang kasarian nito upang magpatuloy sa kaniyang
pangarap na makapag tapos at mabigyang karangalan ang
kaniyang paaralan, kaya naman si CJ ay nag sumikap upang
maging maigi sa kanyang mga ninanais sa buhay. Marami ang
hindi nakakaunawa sa kanyang prinsipyo sa buhay, ngunit
naniniwala ito sa kanyang kakayahan at angking galing sa
pagiging malikhain.
 Sintesis
Ang sintesis o buod ay ang pinakamahalagang kaisipan ng anumang teksto. Ito ay
pinaikling bersyon ng pinaikling teksto o babasahin. Ito ay ang paglalahad ng anumang
kaisipan at natutuhang impormasyong nakuha mula sa tekstong binasa na nasa yamang
pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.

PATULOY NA KAHIRAPAN NG BANSA


sa nagdaang maraming dekada, isa ang Pilipinas sa nakakaranas ng patuloy na
kahirapan. Marami ang mga pilipinong nagdudusa, namamatay, at nahihirapan sapagkat
sa mga nag daang panahon ay patuloy ang pag bagsak ng ekonomiya ng pilipinas. Hindi
lamang ang pagbagsak ng ekonomiya ang nagiging sanhi ng patuloy na kahirapan bagkus
ang mga taong nahalal bilang opisyal ng ating bansa, ang korapsyon na naging
hanapbuhay na ng mga opisyal. Patuloy ang pag dami ng mga kurap sa bansa na nagiging
bunga ng hindi pantay na pamumuhay ng mga Pilipino. Lumipas ang maraming panahon
ay marami ang nag tangka na masugpo ang korapsyon na nagiging sanhi ng patuloy na
kahirapan ng ating bansa ngunit ang mga ito ay nabubulag at natatakam sa pera o kaban
ng ating bayan.

Isa sa pinakamasalimuot na dinaranas ng mga Pilipino, ay ang buhay ng


kahirapan. Karamihan ng mga batang isinisilang sa mundo ng paghihirap ay may mga
posibilidad na mahirapanan makahanap ng mga matatas na trabaho sa ating bansa. Ang
patuloy na paghihirap ng mga pilipino ay nagiging sanhi ng pagbaba ng imahe ng ating
bansa sa buong mundo. Sa daming problema ng ating bansa ay mas lalo tayong
nahihirapang makaahon sa buhay at mas lalo tayong nagiging maliit sa mata ng mga mas
nakaka angat sa buhay. Kakapusan sa trabaho at sapat na pagpapasahod ang iling ng mga
mangagawang pilipino sapagkat marami ang pamilya ang mas nahihirapan sa patuloy na
panggigipit ng pamahalaan sa ating mga mangagawa.

Sa patuloy na pagkakaroon ng utang ng ating bansa mula sa iba’t ibang bansa ay


may tyansang mahirapan tayong maka ahon sa patuloy na kahirapan na kinakaharap
natin. Maiging maging mas aktibo ang ating pamahalaan sa mga ganitong krisis na ating
kinakaharap sapagkat hindi lamang ang ekonomiya natin ang bumabagsak kung hindi
maraming pilipino rin ang namamatay sa gutom. Ang karapatang mabubay sa ating bansa
ay karapatan ng bawat isa, ngunit kung bago ka pa lamang isilang sa mundong ito ay
humaharap na tayo sa ganitong sitwasyon ay mas maiging pag isipan o mag plano kung
paano mabibigyang magandang buhay o kung paano mo mabubuhay ng maayos ang
iyong pamilya sa patuloy na kahirapang ating dinadanas. Sa kabila ng maraming tensyon,
kahirapan, kaguluhan at korapsyon na kinakaharap ng ating bansa ay patuloy pa rin ang
pag bibigay pag asa ng mga kapwa Pilipino sa bawat isa.
 Panukalang Proyekto
 Panukalang Proyekto
 Adyenda

Ang adyenda ay tumutukoy sa listahan, talaan, plano o balangkas na patungkol sa


mga bagay na dapat pag usapan o pag desisyunan sa isang pag-uusap o pagpupulong.
Ang nilalaman ng adyenda ay kronolohikal na nakaayos batay sa halaga ng mga gagawin.
Inuuna sa talaan o binibigyang prayoridad ang mga plano na mahalaga at kinakailangan
ng agarang aksyon. Mahalaga ang paggamit ng adyenda dahil binibigyang katuturan o
kaayusan nito ang daloy ng pagpupulong. Nagagamit din ng wasto ang oras at naiiwasan
ang pagtatalakay ng mga bagay na hindi naman mahalaga at wala sa adyenda.

Pook: Edsa Shangri-La, 1 Garden Way, Ortigas Center, Mandaluyong, 1550 Metro Manila
Oras at Petsa: Pebrero 14, 2022 (6:00 PM-10:00 PM)

Daloy ng Programa
I. Seremonya (6:00PM-7:00PM)
 Panimulang Pagdadasal
 National Anthem
 NCBA Hymn
 Panimulang Programa
 Lighting of torch
II. Hapunan at “ Bequeatal “ (7:00 PM-8:00 PM)
 Prom King and Queen
III. Cantillion De Honor (8:00PM-9:00PM)
IV. Dance Night (9:00 PM-9:30 PM)
V. Huling bahagi ng programa (9:30 PM- 10:00 PM)
 Pag papasalamat sa mga dumalo at nanguna sa seremonya
 Pang huling pagdadasal
 Katitikan ng Pulong

Ang katitikan ng pulong ay tinatawag na minutes of meeting sa wikang Ingles. Ito


ay mga isang dokumento o sulatin na kung saan nakasaad ang mga mahahalagang piang-
usapan, pinagkasunduan, maging ang mga diskusyon at desisyon na nangyari sa isang
pagpupulong o pag-uusap. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga pagpupulong na maaring
isang pormal o opisyal. Ito rin ay magiging gabay ng hanguan o sanggunian sa mga
susunod na pulong at batayan ng mga miyembro ng pulong. Nabubuo ito kapag isinusulat
ng kalihim, sekretarya, typist o reporter o sino mang naatasan ang mga naganap sa isang
pulong o pag-uusap.

You might also like