Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 2:
Heograpiyang Pantao: Wika

1
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Heograpiyang Pantao: Wika
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Ysmaela Chat A. Asdillo
Editor: Ma. Consolacion P. Gadingan & Vida T. Cabristante
Tagasuri: Gemma F. Depositario, Ed.D
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Mila A. Reyes
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, EdD., PhD., TM Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay, EdD
Joelyza M. Arcilla, EdD
Marcelo K. Palispis, EdD
Carmelita A. Alcala, Ed.D

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

2
Alamin

Panimula
Sa araling ito pagtutuunan mo ng pansin ang pag-aaral ng heograpiya ng daigdig.
Tatalakayin dito ang malaking bahaging ginampanan ng heograpiya sa paghubog ng
pamumuhay ng tao mula pa noong sinaunang panahon.
Halina at simulang tuklasin ang pisikal at kultural na heograpiya ng daigdig.

LEARNING COMPETENCY:

Napahahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at


mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat-etnolingguwistiko, at relihiyon sa
daigdig) AP8HSK-Ie-5

Layunin ng
Aralin

Sa araling ito, inaasahang:


K: Nakikilala ang wika at mga pamilya nito;
S: Nauuri ang mga bansang gumagamitng wika sa pamilya ng wika nito; at
A: Napahahalagahan ang wika at pagkakaiba-iba nito bilang saklaw sa pag-aaral ng
heograpiyang pantao.

3
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
A. Heograpiya ng daigdig B. wika
C. Heograpiyang pantao D. relihiyon

2. Itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura.


A. wika B. relihiyon C. lahi D. pangkat-etniko

3. Ilan ang buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit na 6 200 000 000 katao?
A. 7, 107 B. 7, 105 C. 7, 106 D. 7, 108

4. Tinatayang may ilang language family sa buong daigdig?


A. 134 B. 135 C. 136 D. 137

5. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa


isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

Panuto: Ang mga sumusunod ay ang pamilya ng wika o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-uugatan. Piliin kung alin sa mga sumusunod ang pamilya ng wika na ginagamit
ang mga bansa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

6. Angola, Benin, Cuba, Ghana, Zimbabwe - ________________________

7. Bangladesh, Bhutan, China, India, Nepal - _______________________

8. Afghanistan, Brazil, Myanmar, France, Belgium - _________________

9. Brunei, New Zealand, East Timor, Malaysia, Philippines - ________________

10. Algeria, Bahrain, Egypt, Malta, Ethiopia - _________________________

4
Balikan

Pagkaraang pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng daigdig, isunod ang


pagbibigay-tuon sa ikalawang sangay ng heograpiya – ang heograpiyang pantao.
Simulan mo na.

Gawain A: Three Pics One Word

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan at tukuyin ang ibig ipahiwatig ng mga ito sa
pamamagitan ng pagpuno ng mga letra upang mabuo ang isang salita o mga salita. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

1.

https://tinyurl.com/yadwp3b2
2.

5
3. S__O-_IB_T_N

4.

Tuklasin

Panuto: Bilang isang Pilipino na nakatira sa bansang Pilipinas ay may sari-saring wika ang
ginagamit. Maglista ng mga wikang ginagamit ng mga tao sa Pilipinas batay sa iyong
nalalaman. Isulat ang inyong sagot sa kwaderno.
1. Waray
2. Tagalog
3. Cebuano
4. Kapampangan
5. Chavacano

6
Suriin

Heograpiyang Pantao

Saklaw ng heograpiyang pantao (human


geography) ang pag-aaral ng wika,
relihiyon, lahi, at pangkat-ertniko sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig.

Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o
identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang wika ay isang ipinagkaloob ng Diyos
sa atin at ipinamana pa sa mga sinaunang tao sa mundo at ito ang ginagamit natin upang
magkaunawaan at magkaintindihan ang mga bawat tao sa mundo.
Ano ang kahulugan ng wika?
1. Ito’y mabisang instrumento sa pambansang pagkakaunawaan at pagkakaisa.
2. Nagagamit ito sa iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng tao; pang-ekonomiya,
panrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan.
May 7, 105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000 000 katao.
Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang
magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong
daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit
sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

7
Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig

Pamilya Buhay Bahagdan


ng mga Bansang Gumagamit ng Wika
ng Wika na
Nagsasalita
Wika

Afro-Asiatic 366 5.81 Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus,


Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq,
Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta,
Mauritania, Moroco, Niger, Nigeria, Oman,
Palestine, Saudi Arabia, Somalia, Sudan, Syria,
Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United
Arab Emirates, Uzbekistan, at Yemen.

Austronesian 1 221 5.55 Brunie, Cambodia, Chile, China, Cook Islands,


East Timor, Fiji, French Polynesia, Guam,
Indonesia, Kiribati, Madagascar, Malaysia,
Marshall Islands, Mayotte, Micronesia,
Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand,
Niue, Northern Mariana Islands, Palau, Papua
New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon
Islands, Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau,
Tonga, Tuvalu, United States, Vanuatu, Viet
Nam, Wallis at Futuna

Indo- 436 46.77 Afghanistan, Albania, Armenia, Austria,


European Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium,
Bosnia and Herzegovina, Brazil, Bulgaria,
Canada, China, Croatia, Czech Republic,
Denmark, Fiji, Finland, France, Germany,
Greece, Iceland, India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of
Man, Italy,

Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia,


Maldives, Myanmar, Nepal, Netherlands,
Norway, Oman, Pakistan, Peru, Poland,
Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia,
Slovakia, Slovenia, South Africa, Spain, Sri
Lanka, Suriname,Sweden, Switzerland,
Tajikistan, Turkey, Ukraine, United Kingdom,
United States, Vatican State, at Venezuela

8
Niger- 1 524 6.91 Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,
Congo Burundi, Cameroon, Central African Republic,
Chad, Comoros, Congo, Cόte d’ lvoire, Cuba,
Democratic Republic of the Congo, Equatorial
Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea,
Guinea-Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia,
Malawi, Mali, Mayotte, Mozambique, Namibia,
Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone,
Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan,
Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda, Zambia, at
Zimbabwe

Sino- 456 20.34 Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyztan,


Tibetan Laos, Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at
Viet Nam

Pagyamanin

Gawain B: Likhawit
Panuto: Lumikha ng isang tula na maaaring salinan ng tuno para magiging awitin. Ang
nilalaman nito ay ang pagpapahalaga na isasabuhay ng isang tao sa pagkakaiba-iba ng wika
na sinasalita sa buong daigdig. Isulat ang nabuong awit sa iyong kwaderno.
Pamagat ng Tula o Awitin
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

9
Isaisip

Ang wika ay itinuturing na kaluluwa ng isang kultura. Ito ay nagbibigay ng identidad o


pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang pangkat. May 7,105 buhay na wika sa buong
daigdig at may 136 language family o wikang nagkakaugnay.

Isagawa

Panuto: Gumuhit ng isang larawan o poster na nagpapahayag ng pagkakaiba-iba ng


wika sa daigdig. Gawin ito sa iyong kwaderno.

Pamantayan sa Pagtataya ng Larawan o Poster

10 7 4 1

Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo Walang


ay mabisang naipakita magulo ang mensaheng
naipakita ang mensahe naipakita
mensahe

Pagkamalikhain Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda


at napakalinaw malinaw ang ngunit di at Malabo
ng pagkagawa pagkagawa gaanong ang
ng larawan o ng larawan o malinaw ang pagkagawa
poster poster pagkagawa ng larawan o
ng larawan o poster
poster

10
Kaugnayan May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
kaugnayan sa may ang kaugnayansa
paksa kaugnayan kaugnayan paksa
sa paksa sa paksa

Kalinisan/kaayusan Napakalinis at Malinis at Di gaanong Marumi at di


napakaayos maayos ang malinis at maayos ang
ang pagkagawa maayos ang pagkagawa
pagkagawa pagkagawa

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Letra lamang ng wastong sagot ang isulat sa iyong kuwaderno.

1. Ilan ang buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit na 6 200 000 000 katao?
A. 7, 107 B. 7, 105 C. 7, 106 D. 7, 108

2. Alin sa sumusunod ang suliraning maaaring idulot ng pagkakaroon ng maraming wika sa


isang bansa?
A. Mahirap makamit ang pag-unlad ng ekonomiya.
B. Maraming sigalot sa mga bansa.
C. May posibilidad na maraming mamamayan ang hindi magkakaunawaan.
D. Walang sariling pagkakakilanlan ang bansa.

3. Saklaw nito ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
A. Heograpiya ng daigdig B. wika C. Heograpiyang pantao D. relihiyon

4. Itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura.


A. wika B. relihiyon C. lahi D. pangkat-etniko

5. Tinatayang may ilang language family sa buong daigdig?


A. 134 B. 135 C. 136 D. 137

Panuto: Ang mga sumusunod ay ang pamilya ng wika o mga wikang magkakaugnay at may
iisang pinag-uugatan. Piliin kung alin sa mga sumusunod ang pamilya ng wika na ginagamit
ang mga bansa. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

6. Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, - ________________________

7. Northern Mariana Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, - _________

11
8. Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab Emirates, Uzbekistan- _________________

9. Myanmar, Nepal, Pakistan, Thailand, at Viet Nam- ________________

10. Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda - _________________________

Karagdagang
Gawain

Mula sa iyong mga natutunan sa aralin, sagutin ang tanong sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kuwaderno.

Paano mo isasabuhay ang paggalang sa wika sa kabila ng pagkakaiba-iba


nito?

Sagot: _________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

________________________________________________________

12
13
Pauna at Panghuling Pagtataya
1. C
2. A Pagyamanin
3. B
4. C Gawain B: Likhawit
5. B Pamantayan sa Pagtataya ng
6. Niger- Congo Likhawit
7. Sino- Tibetan
8. Indo- European
9. Austronesian
10. Afro-Asiatic
Gawain A: Three Pic One Word
1. Afro- Asiatic
2. Austronesian
3. Sino- Tibetan
4. Niger- Congo
Tayahin:
1. B 4. A 7. Austronesian 10. Niger- Congo
2. C 5. C 8. Afro-Asiatic
3. C 6. Indo-European 9. Sino-Tibetan
Pagwawasto
Susi sa
Pamantayan sa para sa Gawain 4: Likhawit

15 10 5

Pagkakabuo Angkop at May Walang


wasto ang mga iilang salitang kaugnayan at
salitang ginamit ginamit na hindi hindi wasto ang
sa pagbuo angkop at wasto mga salitang
ginamit

Nilalaman Mabisang Hindi Hindi


naipahayag ang gaanong naipahayag
mensahe ng tula naipahayag ng nang mabisa
mabisa ang ang nilalaman ng
mensahe ng tula tula

Karagdagang Gawain
(Ang sagot ng mag-aaral ay batay lamang sa sarili nitong ideya o pananaw.)
Pamantayan sa pagwawasto ng sagot.

5 3 1

Nilalaman Angkop at May Walang


wasto ang sagot iilang salitang kaugnayan at
ginamit na hindi hindi wasto ang
angkop sagot

Kaugnayan Maayos Di Di
at may malinaw gaanong malinaw at kaunti
na malinaw at may lang ang
pagkakaugnay sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa paksa paksa

14
Mga Sanggunian

Aklat
Mateo, Grace Estela, Heograpiyang Pantao, p. 309-319; 338-343; 348-355; 358-361

Vivar, Teofista L. et al, Kasaysayan ng Daigdig, p. 243-250; 281-284

Website

https://www.slideshare.net/edmond84/heograpiyang-pantao-77901607
https://www.slideshare.net/arme9867/ap-powerpoint
https://tinyurl.com/ydc7m73w

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like