Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MGA KATANGIAN NG MGA PILIPINO

PAGIGING POSITIBO AT MASAYAHIN


 
Ang mga pilipino ay positibo at masayahin. Kahit na tayo ay may hinaharap na problema nagagawa
padin nating ngumiti. Hindi tayo sumusuko at bumabangon parin. Katulad nung mga oras na sinalanta
tayo ni Yolanda, di tayo sumuko at sinusubukang bumangon  para sa ating pamilya. Di na natin inisip
ang hirap ngunit patuloy tayong bumabangon kahit madapa .Tayo din ay masayahin. Minsan kung may
pyesta, nakikisaya din tayo at ginugunita ito. Tayo ay laging nakatawa kahit na may problema.
 

 
 PAGIGING MATULUNGIN NG MGA PILIPINO

Ang pagtulong sa kapwa ay isang gawaing pinoy na likas sa ating mga pilipino. Madalas , ang iba pa
ang inuuna natin imbes ang sarili natin .Tayong mga Filipino ay likas na mapagkawang-gawa sa kapwa
lalong-lano na sa mga kapus-palad at hirap sa buhay. Dyan mo masusukat ang pagiging matulungin
nating mga Filipino sa panahon ng kalamidad, sakuna, delubyo, at baha. Sa lahat ng dako dito sa
Pilipinas ang kadalasang tumutulong ay yung mga taong sapat lang ang pamumuhay. Kung sino pa ang
nakakaraos ng tama at nakaka-kain ng tama ay sya pa ang mga taong mabilis na tumutugon sa hinaing
ng mga maliiit na tao
 
 
PAGIGING MALIKHAIN NG MGA PILIPINO
 
Ang mga Pilipino ay kilalang malikhain dahil ang kanilang isipan ay hindi nababase sa isang kaisipan
lamang ngunit nagiisip pa sila ng ibang mga paraan o mas magandang gawin o gamitin ang patunay nito
ay ang mga kilalang pintor na Pinoy sila ay nagagawaran ng maraming parangal dahil sa pagiging
malikhain  at mas malawak ang kaisipan ng mga Pilipino.
 

  
PAGIGING MAPAGMAHAL SA PAMILYA NG MGA PILIPINO
 
Kilala ang mga Pilipino sa pagiging mapagmahal dahil handa silang magsakripisyo para lang mapabuti
ang kanila minamahal isa ng halimbawa rito ay ang mga magulang na mas pinipili magtarabaho sa
ibang bansa para lang sa kanila mga anak. Tinitiis ng mga magulang na mawalay sa kanilang mga anak
upang mabigyan nila ito ng magandang kinabukasan
 

 
 
PAGIGING MAKADIYOS NG MGA PILIPINO
 
Ang mga Pilipino ay makadiyos dahil tuwing may nangyayaring masaya ay hindi natin nakakalimutan na
pasalamatan ang Panginoong diyos at kung sa kalungkutan naman ay hindi rin natin nakakalimutan na
magdasal at manghingi ng tulong sa Poong maykapal iang halimbawa rito ay ang paniniwalang
Kristiyanismo dahil tuwing Linggo ay sama sama ang mga tao na magdasal at manghingi ng bas bas sa
Panginoon.
 
 
PAGIGING MAGALANG NG MGA PILIPINO

Ang mg pilipno ay kilala sa pagiging magalang lalo na sa matatanda naipapakita natin ito sa paraan ng
pagmamano o paghahalik sa kamay ng nakakatanda  at sa pagsasabi ng "po" at opo" na nagpapakita
na tunay magagalang ang mga Pilipino. Naipapakita rin natin ito sa ibang bansa dahil tayo ginagalang
natin ang bawat paniniwala ng isa't isa at imbis na baguhin ay iniintindi natin ang bawat pagkakaiba na
isa't isa.
 

PAGIGING MAPAGMAHAL SA BANSA NG MGA PILIPINO

Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging mapagmahal sa bansa  naipapakita nila at sa pag await ng
pambansang awit at sa pag sasalita ng "panatang makabayan" ang isang halimbawa ng lubos na
pagmamahal sa ating bansa ay ang mga bayani ng Pilipinas na nagsakrispisyo ng kanilang buhay
upang makamit lang ang kalayaan ng ating bansa

Pagtitiwala sa Panginoon

Isang magandang katangian ng mga Pilipino ang pagtitiwala sa Panginoon. Karamihan sa kanilang mga
mag-anak ay matapat sa pananampalataya. Naniniwala silang may isang Panginoong pumapatnubay sa
lahat ng kanilang gawain. Batid din nilang tumutulong Siya sa mga taong tumutulong sa kanilang sarili.

Pagiging Magalang

Isang magandang pag-uugali ng mga Pilipino ang paghalik sa kamay o pisngi at pagmamano sa
matatanda. Isang paraan ito ng paggalang. Karaniwang ginagawa ito ng mga bata matapos magdasal
ng orasyon, pagkagaling sa simbahan, bago umalis ng bahay, kapag may dumadating o bumisitang
kamag-anak o matanda, at kapag nakita at nasalubong nila ang kanilang ninong at ninang.

Ipinakikita rin ang paggalang ng mga batang Pilipino tuwing nakikipag-usap sila sa matanda.
Gumagamit sila ng po at opo at magalang na pananalita at pagbati gaya ng "Salamat po" at
"Magandang hapon po." Gumagamit din sila ng magagalang na pantawag sa matatanda gaya ng kuya,
ate, manong, manang, lolo, lola at iba pa.

Pagtutulungan

Nagsisimula ang pagtutulungan sa sariling tahanan. Nagtutulung-tulong ang mga kasapi ng mag-anak
sa mga gawain dito. nagtutulungan din ang baway isa sa magkakapitbahay upang maisaayos at
mapaunlad ang kanilang pamayanan. Iyan ay likas na katangian ng isang Pilipino.

Ang karaniwang tawagan sa pagtutulungang ito ay bayanihan. Tumatawag ang magkakapit-bahay ng


bayanihan kapag may malaking gawain isasagawa sa maikling panahon. Nagtutulungan ang bawa't isa
upang maging magaan ang isang mahirap na gawain. Kalimitang ginagawa ito tuwing panahon ng
pagtatanim at pag-aani at sa paglilipat ng isang bahay sa ibang lugar.

larawan mula sa: www.cag.lcs.mit.edu/ bayanihan/bayanfnl.jpg

Mabuting Pagtanggap at Pakikitungo


Kilala ang mga Pilipino sa mabuti at magiliw na pagtanggap. ibig nilang masiyahan at maging
maginhawa ang kanilang mga panauhin. nagsisilbi sila ng pinakamasarap na pagkaing kanilang
makakaya at naghahanda ng maayos na tulugan para sa mga bisita. Nagbibigay pa sila kung minsan ng
mga regalo kapag paalis na ang kanilang mga panauhin.

Pagsama-sama ng Pamilya

Karamihan sa mga mag-anak na Pilipino ay may maganda at malapit na pagsasama-sama.


Nagtutulungan ang bawat kasapi sa pagsasagawa ng mga gawaing-bahay. Madalas dumadalaw sa
magulang ang nag-asawang anak kapag ito'y naninirahan sa ibang lugar. Nagsasama-sama pa ang
mag-anak tuwing may "family reunion" kung Pasko at iba pang pagdiriwang o okasyon. Iyan ang
nagpapakita kung paano nagkakaisa ang mga mag-anak na Pilipino.

Inaalagaan at minamahal ng bawat miyembro ng mag-anak ang matandang kasapi nito. Tungkulin ng
bawat Pilipino na magsilbi sa kanyang matatandang magulang, mga lolo't lola, at kamag-anak hanggang
sila'y nabubuhay. Iyan ang paraan ng pagpapakita ng magandang pagtingin sa matatanda.
MELC

You might also like