Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Limay Polytechnic Collage

Brgy. Reformista, Limay Bataan


Dangal Ng Bayan

Charles Cedricks G. Perez Kalinangan 7


Limay Polytechnic College FILIPINO

DETALYADONG BANGHAY ARALIN


FILIPINO 7
IKATLONG MARKAHAN
I. LAYUNIN:
Sa katapusan ng aralin, inaasahan ang 100% ng mga mag aaral ay makakamit ang 80% na kasanayan
na:
a. Natutukoy ang iba't ibang elemento ng maikling kuwento;
b. Natutukoy ang bahagi ng maikling kuwento; at
c. Nakapagpahayag ng sariling kaisipan patungkol sa maikling kuwentong pinanuod.

II. PAKSANG-ARALIN:
a. Paksa: Mga Elemento ng Maikling Kuwento
b. Sanggunian: Kalinangan 7, Ikalawang Markahan Aralin 11 (p.161-175)
c. Mga Kagamitan: Video ng Maikling Kuwento na "Paalam sa Pagkabata" Chalk, Cartolina,Marker at
iba pang mga kagamitang pantulong.

III. PANIMULANG-GAWAIN:
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

a. Panalangin:
Ama namin patnubayan mo po kami nawa sa
“Bago natin simulan ang talakayin tayo munang aming
tumayo at manalangin, maaari mo bang pasimulan Gagawin ngayong araw, kayo na po bahala
ang panalangin Bb. Matic” gumabay at magbigay ng lakas at talino sa amin…
Amen.

b. Pagbati sa mga Mag-aaral:


Magandang araw din po, Ginoong Perez.
"Magandang araw sa inyong lahat"

c. Pagtatala ng Liban:

"Bb. Mateo bilang kalihim ng klase" Maaari mo Nalulugod po akong ilahad sa inyo na wala pong
bang ilahad ang mga lumiban sa klase ngayon. lumiban sa klase ngayong araw.

Salamat!
d. Kasunduan:

“Bago tayo magsimula ngayong araw, pakipulot


ang mga kalat na makikita sa inyong paligid,
kung wala na umayos na kayo sa pagkakaupo.”

Pagbabalik Aral:

Bago tayo tuluyang dumako sa ating talakayan


ngayong araw, tayo muna’y magbalik-aral sa
ating diskurso kahapon.

Batay sa inyong pakikinig sa nakaraang Sir, Ang pamagat po ng Epiko na tinalakay ay


tinalakay, Ano nga ulit ang pamagat ng Epiko Hinilawod.
na ating tinalakay?

Saang lugar naman ito nagmula? Sir, sa isa po itong Epiko ng mga Bisaya

Ibigay ang tatlong bahagi ng sanaysay na ating Simula, gitna, at wakas


tinalakay patungkol sa Epiko na Pinamagatang
“Hinilawod”.

Mahusay! Tunay ngang naunawaan niyo ang


ating tinalakay kahapon.

IV. PAGGANYAK:
IDEYA MO ILABAS MO!

Suriin kung ano ang mga nasa larawan at


ipaliwanag gamit ang sariling pagkakaunawa .

Sa unang dalawang larawan, Ano ang mapapansin


ninyo?
- Si Kuneho at si Pagong po, magkakarera
po sila

Tama!

Ano naman ang mapapansin niyo sa


pangalawang larawan?
- Naging kampante po si Kuneho dahil
mabagal si pagong kaya nagtulog siya sa
ilalim ng puno.
Sa pangatlong larawan naman ano ang inyong
mapapansin?
- Ang nanalo po ay si Pagong dahil po
naging kampante at mayabang si Kuneho.

Tama ang inyong mga ibinigay na ideya, may


napansin ba kayo sa tatlong larawan batay sa una - May pagkakasunod-sunod po
hanggang pangatlo?

Magaling klase, dahil dyan ang tatalakayin natin ay


patungkol sa mga Elemento ng Maikling Kuwento

V. Paghawan ng Sagabal:

Panuto: Mayroon akong inihandang mga salita,


ang gagawin nyo lamang ay tutukuyin nyo kung
ano ang kasingkahulugan. Ididikit nyo sa dulo ng
pangungusap ang kasingkahulugan nito.

1. Ang langit ay nasa tao. A. Kapayapaan at Kabutihan


a. Kapayapaan at kabutihan
b. Maaliwalas
c. Pagbabago
d. Kasiyahan

2. Bumaling si Celso sa pinanggagalingan ng


tugtog ng gitara. A. Nakuha ang atensiyon
a. Nakuha ang atensiyon
b. Tumatak
c. Tumingin
d. Lumiko

3. Ang damdamin niya’y tila tigang na lupang B. Pinagdamutan


pinagkaitan ng ulan.
a. Tinanggal
b. Pinagdamutan
c. Pinatigil
d. Kinuha

4. Nakita sa isipan ni Celso ang kaniyang sariling C. Nalaman


pagkatao.
a. Natagpuan
b. Nakalimutan
c. Nalaman
d. Nakasalubong

5. Lahat ay may tinatagong kahulugan. B. Sikreto


a. Pagkain
b. Sikreto
c. sama ng loob
d. sakit

VI. PAMAMARAAN:
a. Panonood ng Aralin:

Pangkalahatang panuto:
Bilang panimula sa ating talakayin ngayung araw,
may nais akong ipanood sa inyo na isang panoorin
pumapatungkol sa isang anyo ng panitikan na
maikling kuwento.

Panuto: Masusing panoorin ang aking inihandang


palabas ng patungkol sa maikling kuwento na
“Paalam sa Pagkabata” at magkakaroon tayo ng
paglalahad ng ideya pagkatapos mapanuod.

o Sino sino ang mga tauhan sa kwento? Si Celso, Mang Tomas at Aling Isidra
o Saan ang naging tagpuan ng kuwento? Sa kanilang tahanan po at sa dalampasigan
o Ano ang naging wakas ng kwento? Humingi ng kapatawaran si Mang Tomas
o Ano ang naging aral ng kuwento?

(Video ng Paalam sa Pagkabata:


https://youtu.be/l0fGJbw9kqQ)

b. Pagtalakay sa Aralin:

Magsimula na tayo sa ating talakayan


Opo Ginoong Perez
Handa na ba ang lahat makinig?

Nagustuhan ba ninyo ang inyong napanood? Opo, Ginoong Perez

(Indibidwal na Gawain)
Panuto: Tukuyin at lagyan ng bilang ( 1-5 )
batay sa pagkakasunod-sunod ng mga bahagi
ng maikling kuwento.

(2) Itinapon ng kaniyang ina ang lambat at


dahil dito, nagalit nang husto ang kaniyang
ama at napagbuhatan pa ng kamay.

(1) Nakagisnan na ni Celso ang kalungkutan


ng kaniyang kabataan at ang madalas na
pagsasagutan ng kaniyang mga magulang na
sina Mang Tomas at Aling Isidra.
(4) Nagpunta si Celso sa kusina at kinuha ang
itak ng kaniyang ama at pinagtataga ang
lambat hanggang magkagutay-gutay.

(3) Bumaling si Celso sa pinanggagalingan ng


tugtog ng gitara at ang malungkot na awitin
nito mula sa di-kalayuang bahay-pawid na
nagpapahayag ng kasawian sa pag-ibig.

(5) Naramdaman ni Celso na may maiinit na


bisig na yumayakap sa kaniya at nang
magmulat siya ng mga mata ay nakita niya
ang maamong mukha ng kaniyang ama na
larawan ng pagsisisi.

Kung gayon, subukan ko nga kung may


naintindihan ang klase sa napanood na vidyo.
Naghanda ako ng ilang mga katanungan mula sa
pinanood:

Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa


pinanuod na kuwento? Sir, Si Celso,Aling Isidra, at si Mang Tomas po

Tama, ating mahihinuha na ang ating mga


pangunahing tauhan sa kuwento ay sina Celso ang
anak ni Aling Isidra at Mang Tomas

Salamat sa Pagbabahagi ng ideya, Carlo.

Saan ang naging tagpuan ng kuwento?


Sir, sa Batay sa aking napanuod ang naging
tagpuan ng kuwento ay sa bahay nila celso at sa
dalampasigan na malapit sa kanilang bahay.
Sa inyong palagay, kasalanan bang maituturing
ang nangyari kay Aling Isidra? Patunayan ang
sagot Opo pero sa kabilang banda nagsisisi na po siya at
ating mahihinuha na hindi niya na ito gagawin muli
sapagkat may pamilya na siya.

Makatarungan ba ang ginawang pananakit ni


Mang Tomas kay Celso? Hindi po sapagkat sino mang nagkasala at
Bakit? napagsisihan ay dapat na mapatawad at hindi
sagot ang pananakit.
Magbigay ng sariling interpretasyon o hinuha
sa naging wakas ng kuwento.
Pangatuwiranan ang hinuhang ibinigay

Mahusay klase! Ngayon may ideya na ba kayo sa


ating tatalakayin ngayong araw? Opo Sir

Kung gayon, dumako na tayo sa kung ano nga


ba ang maikling kuwento?

MAIKLING KUWENTO – Ito ay isang masining na


anyo ng panitikan na nagsasalaysay at nag-iiwan
ng kakintahan sa isipan at damdamin ng
mambabasa.

Ang pagsasalaysay ng isang maikling kuwento ay


maaaring hango sa tunay na buhay, may iisa o
ilang tauhan lamang, at sumasaklaw ng maikling
panahon.

Ngayon, dumako na tayo sa mga Elemento ng


Maikling Kuwento

A. Tauhan – Ito ay tumutukoy sa mga


nagsiganap sa maikling kuwento.
gumaganap at nagbibigay-buhay sa
kuwento. May angking
katangian sa kanilang pisikal na kaanyuan,
pananamit, at pagkilos na
naglalarawan ng kanilang pag-uugali at
pagkatao.

Mula sa napanuod na video clip,Sino nga uli ang


mga tauhan na inyong nakita? Sila Celso, Aling Isidra, at Mang Tomas po.

Magaling, Daisy

B. Tagpuan – Ito ay tumutukoy kung anong


panahon/oras, at saan naganap ang
maikling kuwento.Ito rin ay tumutukoy sa
pook o pinangyarihan ng kuwento.

Kung inyong natatandaan saan nga uli ang naging


tagpuan batay sa ating pinanuod?
Sa tahanan at dalampasigan po.
Tama, Joan Mahusay

Nauunawaan niyo na ba ang Tauhan at Tagpuan?


Ano-anu nga ulit ito? Mga nagsiganap at pinagganapan ng maikling
kuwento.
Kung gayon dumako ay dadako na tayo sa
Banghay.

C. Banghay – Ito ay tumutukoy sa


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
sa maikling kuwento.

Ngayon naman, Ano kaya ang mga nakapaloob sa


banghay?
Simula, Gitna at Wakas po Ginoong Perez.
D. Kaisipan – Ito ang mensahe o ang
kakintalang maiiwan sa isip ng mga
mambabasa.

Batay sa inyong napanuod na video clip ng


“Paalam sa Pagkabata”, Ano ang mga mensahe
nito sa mga manunuod o mambabasa? Paalam na sa iyo aking kabataan. ayaw ko man
sabihin pero darating din na ako ay magbibinata o
Tama, magandang ideya ang iyong binahagi mgdadalaga. pero Ang pagiging isang Bata Ang
Francisco pinaka masaya sa buhay ng isang tao.

E. Wakas – Ito ay tumutukoy kung paano


nagwakas o natapos ang maikling kuwento.

Ano ang napansin niyong naging wakas ng ating


pinanuod? Nagbago na si Mang Tomas at nanghingi ng
kapatawaran kay Celso.
Magaling, Laica salamat

Dumako naman tayo sa Bahagi ng Maikling


Kuwento

A. Panimula – Dito ipinapakilala ang tauhan at


nalalaman ang tagpuan ng kuwento.
B. Suliranin – Ito ang problemang haharapin o
kinakaharap ng mga tauhan sa kuwento.
C. Kasukdulan – Ang sagot o solusyon sa
problema ng mga tauhan.
D. Katapusan - Ang resolusyon o ang
kahihinatnan ng kuwento.

4. Tema – ito ang pangunahing ideya sa loob


ng kuwento o ang mahalagang
kaisipan ng akda.

Iyan ang kabuoan ng talakayan natin sa araw na


ito. Upang lalong mapalalim ang inyong pagkatuto,
naghanda ako ng ilang mga aktibidad para sa inyo.

(Pangkatang Gawain)

Panuto: Igugupro ko kayo sa apat at


bawat grupo ay magsusuri sa
nakatalagang kuwento. Tutukuyin nyo ang
mga elemento at mga bahagi ng maikling
kuwento. Isusulat niyo sa isang malinis na
papel ang sagot. Mayroong limang minuto
ang bawat grupo:

UNANG GRUPO: Isang Aral para kay Armando


PANGALAWANG GRUPO: Ang Buhay nga
naman
IKATLONG GRUPO: Huling Limang Oras
IKAAPAT NA GRUPO: Ang alkansya ni Boyet

Panimula:

Tauhan:

Tagpuan:

Suliranin:

Kasukdulan:

Wakas:

PAMANTAYAN SA PAGSUSURI NG
KUWENTO

Nasusuri ng malinaw at maayos ang 10%


mga element at bahagi sa
nakatalagang kuwento.

Pagkamalikhain sa mga ideyang 5%


nakuha sa maikling kuwento.

Naipapamalas ang diwa ng 5%


pagkakaisa sa pangkatang gawain.

Kabuoang Pursyento 20%

VII. PAGLALAHAT:

Naiintindihan niyo na ba ang ating mga Sir, mga Elemento po at bahagi ng maikling
tinalakay? kuwento tsaka yung “Paalam sa Pagkabata” po.

Batay sa larawan anong elemento ng kuwento


ang inyong mahihinuha?

Mga Tauhan po

Sa pangalawang litrato, anong elemento ng


kuwento ang inihahayag?
Sa Ikatlong litrato ano ang inyong mahihinuha? Panimula po
Sa tingin niyo ano kayang uri ito ng elemento
ng kuwento?

Sa Ikaapat naman anong Elemento ng Kuwento


Wakas po
ang inilalarawan?

Tema po

Sa Ikalima na larawan ano ang inilalarawang uri ng


element ng kuwento?

Tagpuan po

Mahusay sa klase, tunay ngang natutuhan niyo


ang ating tinalakay. Upang mas mapalalim ang
ating tinalakay magbibigay ako ng isang
pagsusulit. Pakihanda ang isang buong papel.

VI. PAGTATAYA:
Panuto. Basahin ang inihandang kuwento na
“ Ang Matalik na Magkaibigan” at ibigay ang
mga elemento ng kuwento.

Ang Matalik na Magkaibigan


Magkasabay na lumaki sina Efren at Gardo.
Mula sa buhay mahirap ay kinaya nila ang
lupit ng kapalaran. Hindi sila nakapagtapos
ng elementarya. Grade 2 lang si Efren at
Grade 4 lang ang natapos ni Gardo. Naging
magkasama sila sa hanapbuhay, ang
pagiging construction worker. Isang araw
ay magkasama silang kumakain sa tindahan
ni Lucy. Nagkaroon sila ng pagtingin sa
dalaga ngunit hadlang ang kanilang
kahirapan sa buhay.
“Lucy kung mapapangasawa kita, ibibigay
ko lahat ng gusto mo” wika ni Efren.
“Naku! Di niyo ako kayang pakainin, e
magkano lang ang kinikita niyo sa pagiging
labor sa constuction.”
“Ako naman Lucy kahit maliit lang ang
sweldo ko magiging masaya tayo basta
magkasama lagi sa hirap at ginhawa,” wika
naman ni Gardo.
“Tama na nga kayo, kung sino na lang ang
magugustuhan ko sa inyo kalaunan, ay
maswerte. O lista kuna nakuha niyo ha?”
“Sige Lucy salamat sa uulitin.” Biro ng
dalawang binata.
Nag-usap ang dalawa kinagabihan
matapos ang trabaho.
“Pare, balang araw di na ako maghihirap.
Yuyuko ang lahat ng tao sa akin, magiging
ganap akong kilala sa lugar natin para may
ipamukha ako kay Lucy,” wika ni Efren.
“Ako naman e kung di niya ako gusto okey
lang ang mahalaga yung mahal ako, balang
araw titingalain din ako ng mga tao,” wika
ni Gardo.
“May trabaho ang pinsan ko, sumama ka sa
akin mamaya kung gusto mo malaki ang
kikitahin natin doon sa alok niya. Tiba-tiba
tayo.”
“Baka kung ano yan Efren, okey na sa akin
ang trabaho ko marangal.”
“Bahala ka, patuloy tayong magdidildil sa
tuyo kung mananatili tayo dito,” wika ni
Efren.
“Ano bang trabaho yun?” tanong ni Gardo.
“Dun na lang natin aalamin.”
“Pare ikaw na lang, marami pa akong
gagawin bukas ibig sabihin di ka papasok?”
Tanong ni Gardo.
“Di na Pare, dun na ako magtratrabaho at
sisiguraduhin ko sa sa mga taong lumalait
sa trabaho natin na yuyuko sila sa akin at
hihingi ng paumanhin.”
“Bahala ka Pare basta ako magsisikap,
balang araw titingalain naman ako nila.
Hehehe!” biro ni Gardo.
“Ha ha ha! ikaw talaga tara at matulog na
tayo.”
Lumipas ang isang linggo habang
nagpipintura si Gardo ay sinigawan siya ng
isang kaibigan.
“Gardo! Alam mo na ba ang nangyari kay
Efren!”
“Ha! Bakit ano nangyari!”
“Mamaya pumunta tayo sa kanila!”
Patay na si Efren, nabaril habang nag-
hoholdap ng banko sa bayan. Natupad ang
kaniyang pangarap. Ang mga tao ay isa-
isang yumuyukod sa kaniyang harap sa
loob ng isang kahon na may salaming
bubog.
Tinitingala naman ng tao si Gardo sa
pagiging isang pintor ng mga mural sa
malalaking gusali na kaniyang natutunan sa
masikap na pagtiya-tiyaga at kumikita ng
sapat para sa kanilang mga anak ni Lucy.

Tauhan -Efren,Gardo,Lucy
Tagpuan -Tindahan ni Lucy at sa gusaling
Panimula: pinagtatrabahuhan ni Gardo at Efren
Suliranin: -Inilalarawan ang dalawang tauhan na sina Efren
Kasukdulan: at Gardo na di naging hadlang ang kahirapan sa
Wakas: pagiging magkaibigan nila.
-

VII. TAKDANG-ARALIN:
Panuto: Basahin ang maikling kuwento na
pinamagatang “Larong Pambata”. Tukuyin ang
mga elemento ng kuwento ayon sa binasa.

Larong Pambata
Tauhan
Tagpuan
Panimula:
Suliranin:
Kasukdulan:
Wakas:

Inihanda ni:

CHARLES CEDRICKS G. PEREZ


BSED 2E

Iniharap kay:

ADAM HELSON G. ELARDO,


MARIO E. DOJILLO JR.
Instruktor

You might also like