Piling Larang Reviewer

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

FILIPINO SA PILING LARANG (POINTERS TO REVIEW)

Makrong Kasanayan sa Pagsulat

Isa sa makrong kasanayan sa pakikipagtalastasan ang pasulat at wika ang pangunahing sangkap sa
pagbuo ng isang sulatin na magluluwal ng iba’t ibang ideya na magiging mensahe sa anumang isusulat.

Iba’t ibang Uri ng Sulatin

1. Personal na Sulatin- Ito ay impormal, kadalasang ginagamit ng mga estudyante.


Halimbawa: liham, dyornal, diary o talaarawan, tala at talambuhay.
2. Transaksyunal na Sulatin- Ito ay pormal, Ito ay may sariling pokus at mensahe na nais ihatid.
Halimbawa: proposal, advertisement, patakaran, memo, plano at panuto.
3. Malikhain na Sulatin- Pagsulat na lumalabas sa mga hangganan karaniwang pampahayag,
propesyonal, o teknikal na mga anyo ng panitikan.
Halimbawa: nobela, bugtong, awit, maikling kwento, pabula, parabola, mito, at editorial.

Mga Taglay na Katangian ng Isang Akademikong Sulatin


1. Komprehensibong Paksa- Batay ito sa interes ng manunulat.
2. Angkop na Layunin- Ang layunin ang magtatakda ng dahilan kung bakit nais makabuo ng
akademikong sulatin.
3. Gabay ng Balangkas- Magsisilbag gabay sa akademikong sulatin.
4. Halaga ng Datos- Nakasalalay dito ang tagumpay ng akademikong sulatin.

-Primaryang Sanggunian- Nakapaloob ang mga orihinal na dokumento na naglalaman ng


mahahalagang impormasyon ukol sa paksa.
- talaarawan -orihinal na pananaliksik
-pakikipanayam - mga sinulat na panitikan
-liham
- Sekondaryang Sanggunian- Makikita ang sariling interpretasyon batay sa pangunahing
impormasyon.
- aklat, buod ng anumang paksa
-palabas -pahayag ng isang tao
-manuskrito
5. Epektibong Pagsusuri- Ito ay isang bahagi ng komprehensibong akademikong sulatin.
6. Tugon ng Kongklusyon- Taglay nito ang pangkalahatang paliwanag sa nais na maipahayag ng
akademikong sulatin.

Tandaan sa Pagsulat

Kilos Damdamin Isip


1. Tugon 1. Nararamdaman 1. Ideya
2. Aksyon 2. Saloobin 2. Konsepto
Subukin- Ginagamit ito kung ang nais ipahayag ay ang paggawa ng isang bagay.

Halimbawa: Subukin natin sumayaw ng cha-cha.

Subukan- Ginagamit ito kung ang nais ipakahulugan ay paniniktik (spying) sa isang tao.

Halimbawa: Subukan mong kumain ng prutas at gulay upang sumigla ka naman.

Pahirin- Ito ang ginagamit kung nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang bagay.

Halimbawa: Pahirin moa ng sipon sa ilong ng iyong kapatid.

Pahiran- Ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay.

Halimbawa: Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.

Rin- Ginagamit ito kapag ang sinusundang mga salita ay nagtatapos sa mga patinig o mala- patinig ng
katinig w at y.

Halimbawa: May balak ka rin sigurong higupin ang mainit na sabaw.

Din- Ang ginagamit kapag ang kasunod ng mga salitang nagtatapos sa katinig maliban sa w at y.

Halimbawa: Nawaldas din ang kaniyang pinaghirapan.

Ng- Ginagamit ito kasunod ng mga pang-uring pamilang.

Halimbawa: Inalis ng matanda ang mga nakaharang sa daan.

Nang- Ginagamit ito sa gitna ng mga pandiwang inuulit.

Halimbawa: takbo nang takbo ang mga bata sa parke sa sobrang kaligayahang nararamdaman.

Sundin- Nangangahulugang sumunod sa payo o pangaral.

Halimbawa: Sundin mo ang ipinagbilin sa iyo na mag-aral ng mabuti para sa iyong kinabukasan

Sundan- Gayahin ang ginawa ng iba o pumunta sa pinupuntahan ng iba.

Halimbawa: Sundan mo ang iyong ama at baka mag-iinom na naman yon.

May- Ginagamit ito kapag ang sinusundan ng pangngalan, pandiwa, pang-uri, pang-abay at panghalip
sa anyong paari.

Halimbawa: May batang pumasok sa kwarto.

Mayroon- Ginagamit kung sinusundan ito ng panghalip na nasa anyong palagyo (Palagyo- ang
pangngalan ay ginagamit bilang simuno o paksang pinag-uusapan sa pangungusap).

Halimbawa: Mayroon akong bagong sapatos.

Kila- Walang salitang kila sa balarilang Filipino. Ang paggamit ng kila ay karaniwang pagkakamali.

Kina- Ito ay pantukoy na maramihan at sinusundan ng pangalan ng tao.

Halimbawa: Umalis siya kina Mrs. Santos.


Kita- Tumutukoy sa kinakausap.

Halimbawa: Mahal kita.

Kata- Tumutukoy sa nagsasalita at kumakausap.

Halimbawa: Kata nang kumain sa kantina

Kung ‘Di- Ito ay pinaikling salita na mula sa salitang “kung hindi”.

Halimbawa: Aalis na sana kami kung ‘di ka dumating.

Kun’di- Salitang nangangahulugang “maliban sa”.

Halimbawa: walang ibang pwedeng lumabas kun’di ako lang.

Hagdan- Ginagamit ito kung ang tinutukoy ay ang baytang na inaakyatan at binababaan. (stairs)

Halimbawa: Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang mga hagdan.

Hagdanan- Ginagamit kung ang tinutukoy ay ang lugar o bahaging kinalalagyan ng hagdan. (stairways)

Halimbawa: Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

Pinto- Ay ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.

Halimbawa: May malaking gagambang nakadapo sa may pinto.

Pintuan- Ay ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o pasukan o lugar kung saan
nakalagay ang pinto (kung meron man).

Halimbawa: Lumabas ang napadaming ipis sa pintuan.

Kong- Ito ay buhat sa panghalip na panao ng “ko” na nilagyan ng pang-angkop na “ng”.

Halimbawa: Nais kong malaman mo na mahal na mahal kita.

Kung- Ito ay ginagamit na pangatnig sa mga sugnay na di makapag-iisa sa mga pangungusap na


hugnayan katumbas ng “if” sa ingles.

Halimbawa: Sumama ka na sa kanila kung ibig mo.

Operahin- Ito ay tumutukoy sa tiyak na bahaging katawan na titistisin.

Halimbawa: Ooperahin ang mukha ni Anna upang siya ay gumanda.

Operahan- Ang operahan ay tumutukoy sa tao.

Halimbawa: Si Arkin ay ooperahan sa isang taon.

Walisin- Kung ang ibig sabihin o tukuyin ay ang partikular na dumi o kalat.

Halimbawa: Walisin mo ang mga papel na nagkalat dito.


Walisan- Kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi.

Halimbawa: Walisan mo ang sahig, sapagkat ang daming kalat.

Ikit- Mula sa labas papunta sa loob.

Halimbawa: nakatatlong ikit muna sila bago matagpuan ang daan o pasukan sa loob ng kweba.

Ikot- Isang kilos mula sa loob papunta sa labas.

Halimbawa: Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel umikot-ikot muna sila sa loob bago nila
nakita ang daan palabas.

Hatiin- To divide o pagpartihin.

Halimbawa: Hatiin mo ang tinapay sa apat, at ibigay mo sa apat na batang nagugutom.

Hatian- To share o pagbahagi.

Halimbawa: Hinatian ni Jak si Ben ng tinapay.

Nabasag- di-ginusto o di sinasadya.

Halimbawa: sa sobrang kaba ni Luis, nabitawan at nabasag niya ang niyang baso.

Binasag- kilos na ginusto o talagang sinasadya.

Halimbawa: sa sobrang galit ni Ken ay binasag niya ang salamin.

Bumili- pagbili o bumili ng isang bagay.

Halimbawa: Si lola ay pumunta sa bayan upang bumili ng ulam.

Magbili- magbenta o pagbebenta.

Halimbawa: Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

Kumuha- pagkuha sa isang bagay.

Halimbawa: ako ay kumuha ng bulaklak para ibigay kay crush.

Manguha- mangolekta ng isang bagay.

Halimbawa: umalis si Kara para manguha ng bayabas.

Iwan- wag isama o dalhin.

Halimbawa: Iwan mo na lang iyang libro sa ibabaw ng lamesa.

Iwanan- bibigyan o ipaghahabilinan ang isang tao.

Halimbawa: Iwanan mo ng pera ang kapatid mo.


Dahil- ginagamit bilang pang-ukol.

Halimbawa: hindi siya nakapasok kahapon sa eskwelahan dahil siya ay nagkasakit.

Dahilan- ginagamit bilang pangngalan.

Halimbawa: hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkawala.

Napakasal- punong abala o siyang nangasiwa upang magpakasal.

Halimbawa: Napakasal na sina Alex at Mikee noong isang linggo.

Nagpakasal- Ito ay ginagamit kapag ang ginawa o ginagawang pag-iisang dibdib ng dalawang nilalang na
nagmamahalan.

Halimbawa: Ang magkasintahang sina Johnny at Miah ay nagpakasal.

Tungtong- Ito ay panakip sa palayok o kawali.

Halimbawa: Hindi Makita ni Rey ang tungtong sa kusina.

Tuntong- Ito ay pagyapak sa ano mang bagay.

Halimbawa: Tumuntong siya sa mesa upang maabot niya ang bumbilya.

Tun-ton- Ito ay pagbakas o paghahanap sa ano mang bagay.

Halimbawa: Natunton ko ang bahay ni Sir Jerson.

Agawan- sinusundan ng pang-ukol na “ng”.

Halimbawa: Ang bata ay huwag mong agawan ng pagkain.

Agawin- sinusundan ng pang-ukol na “ang”.

Halimbawa: huwag mong agawin ang pagkain ng bata.


Administrasyong Pangangalakal ay ang Pagpapalitan ng Produkto ng Bansa

Eksaktong Agham- ito ay isang tiyak na sistema ng kaalaman tungkol sa kalikasan, at gayundin espesyal
na uri espriritwal na produksyon.

Pisikal na Agham- Isang sangay ng natural na agham na nag-aaral ng mga sistemang hindi nabubuhay,
kaibahan sa agham ng buhay.

Matematika- Ito ang pag-aaral ng kantidad, espasyo, estruktura at pagbabago.

Pisika- Ang isang natural na agham na sumasangkot sap ag-aaral ng materya at mosyon nito sa espasyo-
panahon kasama ng mga kaugnay na konseptong gaya ng enerhiya at pwersa.

Inhenyeriya- Ang paglalapat ng agham sa pagdisenyo at paggawa ng mga makina at struktura.

Astronomiya- Isang agham na kinapapalooban ng pagmamasid at pagpapaliwanag ng mga kaganapang


nangyayari sa labas ng daigdig at ng himpapawid nito.

Aralin 2:

Batayang Katangian ng Akademikong Sulatin

1. May malinaw na paglalahad ng katotohanan at opinion.


2. May pantay na paglalahad ng ideya.
3. May paggalang sa pananaw ng iba.
4. May katangiang organisado at sistematiko.
5. May tuon batay sa matibay na patunay.

Mga Disiplina o Larangan

1 Humanidades
a. Wika b. Literatura

c. Pilosopiya at Teolohiya d. Mga pinong sining

-Arkitektura

-Teatro

-Sining

- Sayaw at Musika
2. Agham Panlipunan

a. Kasaysayan e. Sosyolohiya i. Agham Politikal

b. Sikolohiya f. Arkeolohiya j. Administrasyong Pangangalakal

c. Antropolohiya g. Heograpiya

d. Ekonomiks h. Abogasya

3. Agham Pisikal

A. Eksaktong Agham

a. Matematika (Sipnayan) d. Inhenyeriya

b. Pisika e. Astronomiya

c. Kemistri

B. Agham Biyolohikal

a.Biyolohiya b. Botanika e. Agrikultura- Pagmimina

c. Medisina d. Soolohiya -Pagsasaka

-Paghahayupan

-Pangingisda

Pangungubat

Aspekto ng Pag-unawa

-Pagpapaliwanag -Pananaw

-Pagpapakahulugan -Pagdama

-Paglalapat -Kaalaman sa sarili

6. Suliranin at Solusyon

7. Pag-uuri-uri o kategorrisasyon

8. Pagpapahayag ng opinion o saloobin

9. Paghihinuha

10. Pagbuo ng Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon


Katangian ng Akademikong Sulatin

1. Makatao-Naglalaman ito ng makabuluhang impormasyon na dapat mabatid para sa kapakinabangan


ng mamamayan.

2. Demokratiko- Walang kinikilingan o kinatatakutan dahil ang hangarin ay magpahayag ng


katotohanan.

3. Makabayan- Kapakinabangan ng akademikong sulatin at magtutulay sa kaunlaran ng mamamayan


upang maging produktibong kasapi ng pamayanan at bansa.

Saysay ng Pagsasalaysay at Paglalahad Bilang Hulwaran sa Akademikong Sulatin

Diskurso- Galing sa salitang Latin na “discurus” na ang ibig sabihin ay pagpapadala o pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng mga salita.

Webster (1974)- Ang diskurso ay tumutukoy sa berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon.

Diksyunaryo Ingles-Filipino (1995)- Ito ay isang pormal na pagtatalakay sa isang paksa pasulat man o
pasalita.

Pagsasalaysay- Naglalahad ng mga pangyayari na madalas ay tapos na.

Katangian ng Pagsasalaysay

1. Ang pagsasalaysay ay may maayos na pagkakasunod-sunod.

2. Ginagawa ang pagsasalaysay nang malinaw at may tiyak na kaayusan.

3. Ang binibigyang-pansin ay ang mga pangyayaring totoong mahalaga.

4. Gumagamit ng punto de vista sa pagsasalaysay.

5. Nangangailangan ng mahusay na paggamit ng wika.

Kahalagahan ng Pagsasalaysay

1. Nagagawa ng pagsasalaysay na maibahagi, maihatid, at mapahalagahan ng impormasyon nang may


maayos na pagkakasunod-sunod.

2. Nakagagamit ito ng mabisa, masining at angkop na wika na makatutulong sa akademikong sulatin.

Sa pagpili ng paksa dapat ito ay maganda at kawili-wili.


Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa

1. Kawilihan ng Paksa- Dapat ito ay may likas na napapanahon, may mayamang damdaming pantao,
may kapana-panabik na kasukdula, naiibang tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa
mga tahan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan- Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.

3. Kakayahang Pansarili- Naaayon sa kahusayan, hilig at layunin ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook- Nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan panahon at pook na


pinangyarihan nito.

5. Kilalanin ang mambabasa- Sumusulat ang tao hindi lamang para sa kaniyang pansariling kasiyahan at
kapakinabangan kun’di para sa kanyang mambabasa.

Mga mapagkukunan ng paksa

1. Sariling Karanasan-Ito ay tumutukoy sa pinakamadali at pinaka- detalyadong paraan ng pagsasalaysay


ng isang tao.

2. Narinig o Napakinggan sa Iba- Ito ay maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang
isyu, mga balita sa radio, telebisyon, at iba pa.

3. Napanood- Mga palabas sa sine, telebisyon, dulang panteatro, at iba pa.

Paglalahad

-Ito ay isang uri ng diskurso na nagpapaliwanag o naglalarawan ng isang paksa. Layunin nito ay
magpaliwanag at magsuri ng mga impormasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng ideya, mahalagang
ebidensya at angkop na pagtatalakay.

Katangian ng Paglalahad

1. Kailangan ng malawak na kaalaman sa paksa.

2. Mahalaga rinna mahusay ang pagkakahanay ng mga impormasyon.

3. Makatutulong ng Malaki ang pagsangguni sa makabuluhang aklat, magasin, dyornal at iba pang
mahalagang sanggunian para maging mapanghahawakan ang mga impormasyong ibibigay.
Kahalagahan ng Paglalahad

1. Ang paglalahad maaaring nagbibigay ng depinisyon at tumutukoy sa sanhi at bunga, sa paraan ng


pagsasagawa, problema at solusyon.

2. Hinihikayat tayo na maging palabasa, mapanaliksik, at mapagmasid nang mapaunlad ang ating
kakayahan.

Katangian ng isang manunulat sa Tekstong Naglalahad

1. Obhetibong nagtatalakay sa paksa.

2. Sapat na kaalaman sa paglalahad ng teksto.

3. Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya.

4. Lohikal na pagsusuri ng mga kaisipan.

You might also like