Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KOLEHIYO NG DE LA SALLE JOHN BOSCO

Mangagoy,Lungsod ng Bislig

SCHOOL OF TEACHER EDUCATION


Guro: Elmer A.Taripe,M.Ed
Panimula:
Ang Estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya ay pagpaplano para sa
pagkatuto. Ito rin ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kamalayan, kaalaman at kasanayan sa
pagkontrol sa sariling proseso ng pag-iisip o pag-unawa. Ang Makrong Kasanayan ay ang
epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin at damdamin ay isang mahalagang
proseso sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang
matagumpay na pakikipagtalastasan ay ang pag gamit ng wika.

Mga Katangiang Estratehiya sa pagtuturo ng Filipino sa Elementarya:

1. Pagsasanay sa pagsusuri - Nagsasangkot ng madalas na pagsubok at pagsusulit sa loob ng


isang yugto ng panahon upang hikayatin ang pag akda ng mga mag-aaral ng materyal mula sa
memorya.
2. Naipamahagi na kasanayan - Nagsasangkot ng pagpapalaganap ng mga sesyon ng pag-aaral
para sa isang bagong konsepto o ideya sa paglipas ng panahon, sa halip na sabay-sabay.
3. Pansariling Paliwanag- Pagpapaliwanag ng sarili sa proseso ng pag-iisip, sa halip ng isang
konsepto lamang.
4. Aktibong Pag-aaral - Pamamaraan ng pagtuturo na nagpapataas ng pakikisangkot ng mag-
aaral sa pang-araw-araw na mga aralin.
5. Kooperatiba ng Pag-aaral - Pagbubuo ng mga klasi sa paligid na maliit na grupo na
nagtutulungan Sa paraan na ang tagumpay ng bawat miyembro ng grupo ay nakasalalay sa
tagumpay ng grupo.

Ang Apat na Makrong Kasayang:

1. Pakikinig - Ito ay proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng sensoring


pakikinig at pag-iisip.

2. Pagsasalita - Ito ay kakayahan at kasanayan ng isang tao na maipahayag ang kanyang ideya
at maunawaan ito.

3. Pagbasa - Ito ay interpretasyon ng mga nakalimbag na mga simbolo.

4. Pagsulat - Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan ng tao sa pamamagitan ng mga


simbolo ( titik ).

Moral lesson:
Ito ay ang pakikinig sa guro upang ang m aaral ay may matututunan sa talakayan. At ang
pagbasa upang lumawak ang pang-unawa ng mga mag aaral. Sa pagsasalita upang maibahagi
ang saloobin o damdamin at upang ma ibahagi kong ano ang nasa isipan. At pagsulat ito ay
mahalaga upang maibahagi natin ang ating hinanaing at saloobin sa pamamagitan ng
pagsulat.
Halimbawa:
- Ang mga mag aaral ay dapat makinig sa mga guro upang sila ay may matututunan.

Pagpapahalaga:
- Mahalaga matutunan ang mga Estratehiya sa pagtuturo sa elementarya upang maging
organisado ang mga talakayan.
- At mahalaga rin bilang mag aaral ang matutunan ang apat na Makrong Kasanayan dahil ito
ay malaking tulong sa kanila na maging mabuti at matalinong mag aaral.

You might also like