Worksheet1 4-Epiko

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Unang Markahan sa Filipino

Baitang 10
Worksheet 1.4
Pangalan: __________________________________ Baitang at Pangkat: ____________________

I. Proseso ng Pagkatuto
A. Panimulang Gawain
Panuto: Basahin ang maikling impormasyon tungkol sa bansang pinagmulan ng panitikang
tatalakayin.

Sinasabing napakarami at iba’t iba ang paniniwala at kultura ng mga bansa sa


Mediterranean. Ito ay sa kadahilanang magkaiba ang naging pinagdaanan at prinsipyo
ng bawat lugar. Ang mga taga- Mediterranean ay naniniwalang sila ang humubog at
nagpabago ng lahat ng uri ng panitikan sa buong mundo dahil sila ang nakatuklas ng
sistema ng pagsusulat. Pinaniniwalaang sa kanila nagmula ang maraming akda sa
mitolohiya, epiko, nobela at iba pang panitikan. Sa panitikang Mediterranean nakabatay
ang halos lahat ng modernong panitikan ng mga bansa sa ngayon. Nagiging tanyag ang
pagiging pagkamalikhain at mahusay nito sa lahat ng bagay
. https://filipino33.wordpress.com/2016/08/17/panitikang-mediterranean/

B. Pagbasa Alam mo ba na ang bansang Slovenia ay may malaking populasyon ng katoliko?


sa Akda
kaya naman sa akda
Basahin at unawain nila makikita
ang akda ang pagpapahalaga
at pagkatapos nilakatanungang
ay sagutin ang mga sa relihiyon.may
Matutunghayan
kaugnayan dito.
mo ngayon kung paano hinarap ng tauhan na itinuring nilang bayani ang pakikipaglaban
Ang ito
lalo na sa relihiyon. Ang epikong Pagbibinyag sa Savica
ay naglalaman ng pagkakakilanlan ng Slovene sa
ni France Preseren
konteksto ng pagbabalik-loob sa Kristiyanismo.
Saling Ingles ni Alasdair Mackinnon
Isinalin sa Filipino ni Rogelio G. Mangahas

Ang pagbibinyag sa Savica ay isang epikong Slovenian na tumatalakay sa mga


pangyayaring nagbigay daan upang ang mga Paganong Corinthian noong ikasampung
siglo ay maging binyagang Kristiyano.Sumentro ito sa pag-iibigan ng dalawang
pangunahing tauhan: si Crtomir, ang makisig at matapang na mandirigmang Pagano na
labis na nagmamahal sa kanyang kasintahan at si Bogomila, isang dalagang maganda,
inosente, at mahinhin subalit may matatag na paninindigan.
Nagkahiwalay ang dalawa dahil sa pagsabak
ni Crtomir sa isang digmaan sa pagitan ng Paganong
pinamunuan niya at ang mga Kristiyanong
pinamumunuan ni Valjhun sa Lambak ng Bohinj
noong taong 772. Naging madugo ang digmaan at
dahil malakas ang nakalabang hukbo bukod pa sa
kulang sila sa pagkain, natalo ang pangkat nina
Crtomir.
Sa pagtapos ng digmaan ay tanging si Crtomir
lamang ang nakaligtas nang buhay. Lingid sa
kanyang kaalaman, ang kanya palang kasintahang si
Bogomila na dating alagad ng kanilang diyosang Ciba
ay hindi na isang Pagano. Nagpabinyag ang dalaga
at ngayon ay isa ng Kristiyano.

1
Sa kabilang dako, habang nasa digmaan ang kasintahan ay nanalangin nang
buong taimtim at nangako ang dalaga sa Panginoon at sa Mahal na Birhen na kung
makababalik pa ng buhay si Crtomir ay iaalay niya ang kanyang sarili at ang buong
buhay sa pagsisilbi sa Panginoon.
Nang muli silang magkita, nanikluhod at sinuyo ni Crtomir ang kasintahan para
mabago ang desisyon nito subalit buo na ang desisyon ni Bogomila tunay na nagpakita
ng paninindigan ito. Sa halip, kinumbinsi niya si Crtomir na yakapin ang
pananampalatayang Kristiyano at magpabinyag din tulad niya. Sa matiyagang
pangungumbinsi ni Bogomila ay napapayag din niya si Crtomir. Naganap ang
pagbibinyag sa binata sa Talon ng Savica. Sa dakong huli si Crtomir ay naging isang
paring Kristiyano at tulad ng kanyang dating kasintahan ay nag-alay ng kanyang at
pagsisilbi para sa Panginoon.

C. Pagtalakay sa Akda
Panuto: Gawin ang mga gawain na may kaugnayan sa binasang akda.

Gawain 1 - Katangian Ko, Patunayan Mo!


Panuto: Ipakilala nang lubusan ang tauhan sa pamamagitan ng CHARACTER MAP.
Pumili sa bahagi ng akda na nagpapatunay at ipaliwanag ito.Kopyahin sa kwaderno ang organizer
at doon ito sagutan. (Mapanuring Pag-iisip)

Katangian Patunay

Crtomir

Bogomila

Valjhun

Gawain 2: Itala at Interpret


Panuto: Sa tulong ng iyong kaibigan, magtala ng naging suliranin ng tauhan sa akdang
binasa at tukuyin kung sino sa mga kakilala ang kahalintulad nang dinanas ng tauhan na
nagpakita ng katapatan at pananampalataya. Magbigay ng interpretasyon ukol dito. Isulat
ang iyong sagot sa ibaba.

Tauhan Pangalan ng Suliranin Interpretasyon


sa Epiko Kakilala

Crtomir

2
Bogomila

Valjhun

II. Pag-uugnay sa Panitikan


A. Uri ng Panitikan

Ang Epiko o Epic sa wikang Ingles ay uri ng panitikan na matatagpuan sa iba’t


ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga
tagpuang makababalaghan. Kwento ito ng kabayanihan noong unang panahon na
punong-puno ng mga kagila-gilalas na pangyayari. Ang mga pangunahing tauhan dito
ay nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao at kadalasan siya ay buhat
sa lipi ng mga diyos o diyosa.
Ang epiko ay galing sa salitang Griyego na ‘epos’ na ang kahulugan ay ‘awit’.
Ang mga ito ay nasa anyo ng berso o talata ngunit ito ay iba-iba at bukod-tangi sa bawat
rehiyon at hindi maikukumpara sa mga Kanluraning epiko.
Nahahati ang epiko sa dalawang uri:
1. Sinauna - Tinatawag na Sinaunang uri ito sapagkat ang mga tao noon ay
mahihilig sa mahahaba, malalalim na mga pananalita. Kaya ang mga Sinaunang Epiko
ng mga Pilipino ay mas nararapat na tawaging ethno-epic. Ito ay dahil ang nilalaman
nito ay ang bawat pangkat etniko at tumatalakay sa mga bayani ng bawat rehiyon at
tribo. Ito rin ay maaaring gawin nang nag-iisa o kaya naman ay grupo ng mga tao na
katulad ng isang chorus, na tumatakbo ng maraming araw at oras.
2. Makabagong Epiko - Ang uri ng epikong ito ay kadalasang napapalawig ito
sa ibang anyo ng sining, tulad ng sa teatrong epiko, mga pelikula, musika, nobela,
palabas sa telebisyon at kahit sa mga larong bidyo. Ang mga tema ng kabayanihan ay
nagiging simboliko, ginagamitan ng mga teknolohiya, at maging ang wika ay kaayon
ngayon. Ngunit ang mga tema ay gaya pa rin ng kuwento ng kadakilaan ng kabayanihan.

B. Mga Gawain

Gawain 1: Bayani na Ako!


Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na maging bayani tulad ng mga
tauhan sa nabasa/napanood na epiko,ilahad mo ang mga hakbang na iyong gagawin
upang masolusyunan ang lumalalang suliranin sa bansa. (

Mga Suliranin ng Bansang Paano mo ito gagawin?


Bibigyan ng Solusyon
1.

2.

3
3.

4.

5.

Gawain 2: Kwento ng Kabayanihan


Panuto: Sumulat ng maikling kwento na nagsasalaysay ng kabayanihan ng isang tao sa
modernong panahon o sa kasalukuyan. Ipakilala siya sa pamamagitan ng paglalarawan sa kanya
at maaaring ito ay hango sa tunay na kwento ng isang tao o gawa-gawa mo lamang. Isaalang-
alang ang banghay (simula, gitna at wakas) ng kwento. Isulat sa ibaba ang iyong epiko.

Pamagat: ______________________________________

4
III. Pag-uugnay sa Wika
A. Ang Pagtalakay sa Aralin

1. Ang alegorya ay maaaring magpahayag ng isang ideyang abstrak, mabubuting mga


kaugalian, tauhan at isang pangyayaring makasaysayan, panrelihiyon, at panlipunan.

- Ito rin ay nagsasalaysay na kung saan ang tao, bagay at mga pangyayari ay nagtataglay
ng naiibang kahulugan na karaniwan,
- Nililikha upang magturo sa atin ng kagandahang asal o magbigay ng komento tungkol
sa kabutihan at kasamaan at nagbibigay o nagpapahayag ng makabuluhang aral sa
ating buhay.
- Ito ay isang kapansin-pansing istilo na gumagamit ng mga kathang-isip na mga tauhan
at mga kaganapan upang ilarawan ang ilang paksa sa pamamagitan ng pagpapahiwatig
ng mga pagkakahawig.
- Ang mga tauhan, tagpuan at pangyayari at iba sa alegorya ay may mahalagang
sinasagisag o sinisimbolo.

2...Ang simbolo o sagisag ay isang bagay na nagrerepresenta, tumatayo o kaya naman ay


nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala, aksyon o kaya naman ng isang
bagay

B. Mga Gawain

Gawain 1 – Suriin ang larawan at isalaysay mo ang kaugnayan ng kabayong ito sa naging
digmaan sa Troy. Basahin ang maikling talata na may kaugnayan sa Trojan War at iugnay
mo ito sa mga karanasan ng iyong sarili, pamilya, kaibigan at mga kilala mo.

Ang Digmaang Troya o Trojan War ay ISA SA PINAKADAKILANG DIGMAAN SA


KASAYSAYAN ng Sinaunang Gresya. Ito ay nakatala sa tulang epiko na Illiad ni Homer.
Pinaniniwaalang naganap ang digmaan noong 1200 BC.

Nagtagal ang digmaan nang sampung taon. Ang ilan sa mga bantog na tauhan ay sina
Achilles, Paris, at Hector. Nagwagi ang mga Griyego sa pamamagita ng pagbubuo ng isang
malaking kabayong kahoy. Tinawag itong Kabayong Troyano. Ilang mga Griyego ang nagtago
sa loob ng kabayong kahoy, at ang ibangGriyego ang naging tagapaglagay ng kabayo sa
dalampasigan at lumisan gamit ang bangka.

Nakita ng mga Troyano ang kabayong kahoy at iniisip na sumuko na ang mga Griyego
sa labanan at ito ay inihahahandog sa kanila. Hinila ng mga Troyano ang kabayo papasok sa
kanilang lugar at nagdiwang sa inaakala nilang pagtatagumpay sa digmaan. Nang sumapit
ang gabi, ang mga Griyegong nagkukubli sa loob ng kabayong kahoy ang nagbukas ng mga
tarangkahan ng lungsod ng Troya at sinunog nila ang mga kabahayan.

Ang mga Griyegong lumisan sa pamamagitan ng kanilang mga bangka ay nagpanggap


lamang na lumisan upang malinlang ang mga Troyano. Nagtago lamang sila sa mga pulo,
nagbalik at napagwagian ang digmaan. Mula sa Wikipedia: Digmaang Troya

5
Sarili:

Pamilya:

Kaibigan:

Kakilala:

Gawain 2: Pangyayari Kaugnay sa Kalikasan


Panuto: Balikan mo ang bahaging ito ng pelikulang “Troy” maaaring panoorin ito sa YouTube o
sa uploaded video sa Facebook page ng Filipino ang tiyak na pangyayari na nagpapakita ng
ugnayan sa puwersa ng kalikasan. Sipiin ang graphic organizer na ito sa ibaba at dito mo rin
sagutan. (Mapanuring Pag-iisip)

Pwersa ng Kalikasan
Ito ay likas at natural. Hindi ito basta-basta gawa-gawa lamang o ito rin ay artispisyal
na epekto na gawa ng tao. Hindi ito mapipigilan at kusa itong kumikilos batay sa sitwasyon
at panahong umiiral sa kapaligiran.
Ang pwersa ng kalikasan ay maihahalintulad sa sakit. Nagkakasakit ang isang tao dahil sa
pag-aabuso nito sa kaniyang katawan, o ‘di kaya’y dahil sa mga mapaminsalang mikrobyo.
Sa katulad na paraan, ang pwersa ng kalikasan ay ang pagtugon mismo ng kalikasan sa
abusing ginagawa ng mga tao sa daigdig. Ang bunga nito ay sakuna o kalamidad.
Mula sa: Brainly.com

Pangyayari sa Ugnayan sa Pwersa ng Kalikasan


Trojan War

1.

2.

3.

Paalala: Huwag kalimutang sagutin ang lahat ng gawain na nasa worksheet na ito.

You might also like