Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

PAGBASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

Pagbasa- isa sa mga apat kasanayang pangwika. Ito ay pagpapakilala at pagkuha ng mga
ideya at mas ibahagi ng may-akda sa babasa ng kanyang sinulat. Ang Pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga salita (Anderson, 1998). Ayon naman kay
Huffman (1998) ang Pagbasa ay parang pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at
pagbabasa na may pang-unawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay masagot.

ANO ANG IYONG LAYUNIN SA PAGBABASA?


Ayon kay Horace, ang Panitikan ay may layunin.
Dulce et Utile - “matamis” at “nagagamit”
Prodesse et delectare - “magturo” at “mangaliw”

Mayroon ring mga hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray na siyang
kilala bilang isang ama ng pagbasa.
1.ASIMILASYON AT INTEGRASYON
2.REAKSYON
3.PAGUNAWA (COMPREHENSION)
4.PAGKILALA (PERCEPTION)

Kahalagahan ng Pagbasa
● nakakapagpalawak ng pananaw
● Gamot s pagkabagot
● Nakakapagbigay-aliw
● Nakakarating sa iba’t ibang lugar
● Gamot sa suliraning personal

Pagbasa
● Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbag na simbolo. Ito
ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahaging may akda sa babasa ng
kanyang isinulat.
● Nagbibigay ito ng mga bagong kaalaman, libangan, pagkatuto at mga karanasang
maaaring mangyari sa tunay na buhay.

MGA TEORYA SA PAGBASA

TEORYANG BOTTOM-UP
● Ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik,salita, parirala
patungo sa talata bago maibigay ang kahulugan ng binasa ng teksto.
● Ang pag-unawa sa binasa ay nagsisimula sa teksto patungo sa tagabasa. Ang teksto
ang “bottom” attagabasa ang “up”.
TEORYANG TOP-DOWN
● Nagsisimula sa kaisipan ng tagabasa(Top) patungo sa teksto (down)sapagkat ang ating
kaalaman ang nagpapasimula sa pagkilala sa teksto.
TEORYANG INTERAKTIBO
● Mas mainam na pagsamahin ang teoryang bottom-up at teoryang top-down para lalong
maging epektibo.
● Ibig sabihin hindi lamang ang teksto ang bibigyang-pansin, kasama na rin dito ang pag-
uugnay ng sariling karanasan at pananaw o dating kaalaman.
ISKEMA
● Mahalaga ang tungkuling ginagampanan sa pagbasa ng dating kaalaman ng
mambabasa. Bawat bagong impormasyong nakukuha sa pagbabasa ay naidaragdag sa
dati nang iskima.
Ang Pagpapaunlad ng Pagbasa
Ito’y isang uri ng pagbasa na kung saan ang materyales ay preperado at naglalayong umunlad
ang kakayahan ng mambabasa
Iskiming- Ito ay pagsaklaw o mabilisang pagbasa upang makuha ang pangkalahatang ideya o
impresyon, o kaya’y pagpili ng materyal na babasahin
● Previewing- Ito ay nagbibigay ng kabuuan na paglalarawan.
● Overviewing- Ang mambabasa ay dapat tukuyin kung ano ang layunin at saklaw ng
binabasa
● Re-reading o Muling Pagbasa -Ito ay isang paraan na kung saan ang mambabasa ay
inuulit ang pagbasa upang sa ganoo’y ito ay mas lalong maintindihan.
Iskaning -Ito ay isang pamamaraan na kung saan, ang mambabasa ay kailangan hanapin ang
mga impormasyon na kanyang gustong malaman.
Survey - Ang mambabasa ay kailangan na kunin ang kabuuang ideya ng materyales.
. Intensive - Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay maingat na
tinitingnan ang bawat salita na ibinibigay.
Kaswal - Ito ay isang uri ng pagbasa na kung saan ang mambabasa ay nagbabasa lamang para
sa kasiyahan.
Pagtatala - Ang mambabasa ay tinatala ang mga salitang sa tingin niya hindi niya maintindihan
o napakahirap na salita.

TATLONG YUGTO NG PANANALIKSIK! SA SILID-AKLATAN


Tinukoy nina Bernales, et al. (2001) ang mga sumusunod na uri at gamit ng kard katalog sa
aklat nilang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina.

● Kard ng Paksa (Subject Card)- ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa
mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Nangunguna sa entri ng kard na ito
ang mismong paksa bago pa ang ibang informasyon tulad ng awtor at pamagat ng libro
● Kard ng Awtor (Author Card)-ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may
naiisip na agad na awtor na awtoridad sa kanyang paksa. Nangunguna sa entri ng kard
na ito ang pangalan ng awtor bago pa ang ibang entris.
● Kard ng Pamagat (Title Card)- ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy
ang paksa o awtor na gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng
kanilang paksa sa mga librong familyar sa kanila.
Pagbubuod at Pag-uugnay ng Imposmasyon
Ang pagbubuod ng impormasyon ay isang paraan ng papapaikli ng ano mang teksto o
babasahin. Ito ay paglalahad ng mga kaisipan at atutuhang impormasyong nakuha sa tekstong
binasa. Ito ay hindi sulating orihinal o hindi kailangang maging sariling akda. Wala kang
isasamang sarili mong opinyon o palagay tungkol sa paksa.
Isinasaad dito kung ano ang nasa teksto. Kailangang panatilihin ang mga binanggit
nakatotohanan o mga puntong binigyang-diin ng may-akda (The Silent Learner, 2017).!Ito ay
kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng teksto. Kung maikling kuwento ang
binubuod o nilalagom, kailanganang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat
padampot-dampot ang pagpapahayag ng mga bahagi.
Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag. Kung ang teksto naman ay isang
ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at katuwirang ginamit upang maayos at mabisa
ang paglalahad.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBUBUOD


Ayon naman kay Javier (2017), may iba't-ibang paraan ng pagbubuod upang mag-ugnay ng
impormasyon at ideya kaugnay ng paksa. Ito ay ang Hawig at Lagom o Sinopsis.
● Ang hawig ay tinatawag na paraphrase sa Ingles. Galing ito sa salitang Griyego na
“parapahrasis”, na ibig sabihin "dagdag o ibang paraan ng pagpapahayag.
● Ang Lagom o Sinopsis ay isang pagpapaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng
piksyon. Karaniwang di lalampas ito sa dalawang pahina.
PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG BUOD
Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.
● Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at pinakamahalagang
kaisipan ng talata.!• Isulat ang buod sa paraang madaling unawain
● Gumamit ng sariling pananalita.
● Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.
KATANGIAN NG PAGBUBUOD
● Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto na kaugnay sa paksa.!Hindi inuulit ang
mga salita ng may akda at gumagamit tayo ng sarili nating mga salita.
● Ito ay pinaikling teksto.
● Ang pag-uugnay ng iba’t-ibang bahagi ng pagpapahayag ay mahalaga upang makita
ang pag-uugnayang namamagitan sa pangungusap o bahagi ng teksto. Sa Filipino, ang
pang-ugnay na ito ay kadalasang kinakatawan ng pang-angkop, pang-ukol at pangatnig.

Pang-angkop - ito ay ang katagang nag- uugnay sa panuring at salitang tinuturingan. Ito ay
nagpapaganda lamang ng mga pariralang pinaggagamitan.
Pang-ukol - ito ay kataga/salitang nag- uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita sa
pangungusap.
● Halimbawa: sa ayon sa/kay Ng hinggil sa/kay Kay/kina ukol sa/kay Alinsunod sa/kay
para sa/kay Laban sa/kay tungkol sa/kay.
Pangatnig sa mga kataga/salita na nag- uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay
Pagbibigay sanhi/bunga
● Halimbawa: Pumasa siya sa naganap na pagsusulit sa LET dahil sa kanyang
pagpupursiging mag-aral.
Pagsasaad ng kontrast o pagsalungat: Nagsasaad ng pagkontra o pagtutol.

You might also like