Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 4
Kahulugan ng mga Salita

Unang Markahan
Ikalawang Linggo
Modyul 2
Kasanayang Pampagkatuto:
1. Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan
ng pormal na depinisyon,
2. Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa: -
Kasingkahulugan -Kasalungat -Gamit ng Pahiwatig
(context clues) -Diksyunaryong kahulugan.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?

Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-
aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na
ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos


makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya
ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang
bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto
sa bagong aralin.

2
Aralin
Pormal na Depinisyon
1 ng mga Salita

Inaasahan
INAASAHAN

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nabibigyang kahulugan ang salita sa pamamagitan ng
pormal na depinisyon;
• Nagagamit ang Diksyonaryo sa pagbibigay ng pormal na
depinisyon ng mga salita,
• Naibibigay ang kahulugan ng salita ayon sa: -
Kasingkahulugan -Kasalungat -Gamit ng Pahiwatig (context
clues) -Diksyunaryong kahulugan

UnangUNANG
Pagsubok
PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat sa


kwaderno ang letra ng wastong sagot.

1. Ang paslit ay magalang magsalita. Ano ang kahulugan ng


salitang may salungguhit?
A. munting bata C. malusog na bata
B. makulit na bata D. matampuhing bata
2. Paano nakasulat ang mga salita sa diksyonaryo?
A. hiwahiwalay C. paalpabeto
B. may bilang D. sunod-sunod
3. Ininsulto ni Jose ang magnanakaw. Ano ang kasing
kahulugan ng salitang may salungguhit?
A. inalipusta C. tinarayan
B. minura D. winalanghiya

3
4. Alin sa mga sumusunod na salita ang wasto ang pagbibigay
ng kahulugan?
A. ingkong – matandang lalaki
B. kataka-taka – kapanipaniwala
C. marikit – masagwa ang itsura
D. papawirin – matataas na bundok
5. Bakit mahalaga na matutuhan natin ang paggamit ng
diksyonaryo?
A. Upang lubos natin makilala ang mga salita.
B. Upang maging maalam tayo sa mga salita.
C. Upang malaman natin ang kahulugan ng nga salita.
D. Upang magamit natin nang wasto ang mga salita.

BALIK-TANAW
Panuto: Isulat ang S sa kwaderno kung ang pangngalang
may salungguhit ay ginamit bilang simuno at HS
naman kung hindi.

_____ 1. Matibay ang pagkakagawa ni tatay sa mesa.


_____ 2. Si Jayson ay masipag mag – aral.
_____ 3. Ang nanay ay nagluto nang masarap na sinigang.
_____ 4. Si Aldrin ay nagtitinda ng isda sa palengke.
_____ 5. Magalang na bumati ang mga bata.

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Si Sir

Maaga pa lamang ay gising na si Ryan upang


maghanda sa kanyang pagpasok sa paaralan. Iba ang araw
na ito dahil siya ay magtutungo sa paaralan ngayon hindi
bilang estudyante kundi bilang isang guro. Unang araw niya

4
sa kanyang bagong trabaho. Masaya siyang lumabas ng
bahay at pumara ng dyip. Sa bukana pa lamang ng
paaralan ay nakaramdam na siya ng kaba at pagkasabik.
Broom! Broom! Alingawngaw ng mga sasakyang
nakahanay sa kalsada para maghatid ng mga bata. Araw-
araw ay ganito ang sitwasyon sa tuwing papasok si Sir sa
paaralan. Siguradong estudyante ang bababa kung
magarang sasakyan ang tatapat sa bukana ng gate, guro
naman kung ito ay tricycle. Ibang iba ang eksenang ito sa
pampublikong paaralang kinalakihan ni Sir kung saan ay
tumpok ng mga tao ang nakaharang sa gate at kalsada.
Ilan taon din namalagi si Sir Ryan sa pribadong
paaralan hanggang sa tawagin ang kanyang serbisyo sa
kanyang pinagmulang pampublikong paaralan.

Panuto: Gamit ang diksyunaryo. Alamin ang kahulugan ng


mga salitang may salungguhit. Isulat ito sa inyong
kwaderno.

) GAWAIN

Gawain I
Panuto: Isulat ang letra ng salitang kasingkahulugan ng
bawat parirala sa hanay A sa bawat bilang sa hanay B.
Isulat ang inyong sagot sa patlang. Gawin ito sa
kwaderno.
Hanay A Hanay B
A. malungkot na naglakad ___1. sa makalawa
B. bago ipagbiling lahat ___2. nakapangalumbaba
C. hirap sa paghinga ___3. lulugu-lugong
D. salo ang baba lumalakad
E. nahihirapang huminga ___4. bago ipapakyaw
F. pangatlong araw magmula ___5. pangangapos ng
ngayon hininga

5
Gawain II
Panuto: Basahin ang mga depenisyon ng mga salita sa bawat
bilang. Piliin sa loob ng kahon ang salitang binigyan ng
kahulugan. Isulat ang letra ng tamang sagot sa kwaderno.
______ 1. tinaguriang pinakamaliit na sangay ng lipunan
______ 2. haligi ng tahanan at nagtataguyod sa pamilya
______ 3. tawag sa mga anak
______ 4. tawag sa ina at ama ng pamilya
______ 5. ilaw ng tahanan at gumagawa ng gawaing bahay

A. nanay C. supling E. pamilya


B. tatay D. magulang

Gawain III
Panuto. Salungguhitan ang salitang binibigyang kahulugan sa
bawat pangungusap. Gawin ito sa inyong kwaderno.
1. Ang Pasko ay ipinagdiriwang tuwing Disyembre.

2. Tinaguriang “Man’s Best friend” ang mga aso.

3. Ang mga ibon ay uri ng hayop na lumilipad.

4. Paaralan ang lugar kung saan nag-aaral ang mga bata.

5. Ang lapis ay isang mahalagang kagamitan ng mag-aaral


upang makapagsulat.

Gawain IV
Panuto: Pag-aralan ang mga salita hango sa pahina ng
diksyonaryo. Punan ang talahanayan ng hinihinging
impormasyon. Gawin ito sa inyong kwaderno.
Mabunyi Magaso
mabunyi, pu.,tanyag, kilala makunat, pu., di nababali

6
agad, mahigpit sa pera
makabayan, pu., may pag- madilim, pu.,walang liwanag
ibig sa bayang; magiting
makahiya, png.,isanguri ng maganda, pu., may taglay na
ligaw na halamang matinik ganda; kaakit-akit; kahali-
halina
makapal, pu.,siksik, magaso, pu.,maharot,
masinsin, marami, hindi malikot, magulo
manipis

Salita Bahagi ng Kahulugan Kasalungat


Pananalita
makunat
magaso
maganda
makapal
makahiya

Gawain V
Panuto: Pumili ng mga gawain sa ibaba. Gumamit ng puting
papel o makulay na papel para gawin ito.
I. Gumawa ng Acrostic upang mabigyan ng
kahulugan nag salitang KAPAYAPAAN. Isang letra
isang papel. Lagyan ng mga disenyo.
II. Gumawa ng maliit na diksyunaryo.
III. Umisip ng 10 salita, bigyan ito ng mga kahulugan
sa tulong ng Graphic Organizer. Isang graphic
organizer bawat salita.

7
TANDAAN

Malalaman ang pormal na depinisyon o kahulugan ng


mga salita sa tulong ng diksyunaryo. Makikita rin natin
dito kung anong bahagi ito ng pananalita. Malalaman
din natin ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng
mga pananda o context clues; mga salitang
kasingkahulugan at kasalungat.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Panuto: Piliin ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa


kahon. Isulat ang tamang sagot sa kwaderno.

inaantok dikdikin itali


maraming hangin makapit

1. Kinabagan ang sanggol kaya iyak siya ng iyak.


2. Naalimpungatang sumunod si Rona sa paglabas ng
kanyang ina.
3. Katasin mo ang dahon ng oregano
4. Maaaring kapirasong tela ang ibigkis sa baywang ng
sanggol.
5. Maganit ang ubo ni Miko.
6.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A. Panuto:Basahin ang mga sumusunod na
pangungusap. Alamin ang kasingkahulugan ng
salitang may salungguhit. Gawin ito sa
kwaderno.

8
1. Kataka-taka ba kung napahinto agad ni Jesus ang
malakas na unos sa dagat?
A. kapani-paniwala B. kapanapanabik
B. nakakakaba D. nakakainis
2. Sina Simon, Pablo at Pedro ay ilan sa mga alagad ni
Jesus.
A. tagasunod C. kasapi
B. tagapagbalita D. pastol
3. Si Jesus ay dakilang Maestro.
A. tagapatnubay C. tagasunod
B. tagapagtanggol D. tagapangaral
4. Pagod si Jesus kaya’t naidlip siya sa bangka.
A. nag-antok C. nakahiga
B. naghilik D. nagising
5. Maulap at madilim ang papawirin. Malapit nang umulan.
A. langit C. paligid
B. alapaap D. himpapawid

B. Panuto: Itambal ang hanay A sa hanay B upang makuha


ang kahulugan ng mga salita. Gawin ito sa
kwaderno.

Hanay A Hanay B
6. walang malapitan A. walang kapera-pera
7. ayaw abalahin B. maraming bisita
8. walang maibayad C. ang hirap ng kalagayan mo
9. katakot – takot na tao D. ayaw istorbuhin
ang dumating
E. hindi makahingi ng tulong
10. kawawa ka naman
sa iba

9
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

Ang natutuhan ko sa aralin ay_________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________.

SANGGUNIAN
Curriculum Guide
Unified Lesson Plan, Baitang IV
Lydia P Lalunio, Ph.D. et al.2000. Hiyas sa Wika
LG & M Corporation, G. Araneta Ave. Cor. Ma. Clara S., Quezon City
Dr. Concepcion D. Javier et. Al 2007. Supling.Worktext sa Wika
Missionbook Publishing, Inc. Quezon City
Sta Ana, Angelita L. 2000.Filipino 4. Sagisag ng Lahi-Pagbasa
Abiva Publishing House, Inc.
Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa, Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon 2015

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Francis Ross M. Padrelanan


Editor: Edwin Remo Mabilin EPS
Tagasuri: Ma. Teresa M. Chico, PSDS
Tagalapat: Evelyn T. Cabunilas
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V- Tagapamanihalang Pansangay
ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na naktalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

10
SUSI NG PAGWAWASTO

UNANG PAGSUBOK BALIK TANAW


1. A 1. HS
2. C 2. S
3. HS
3. A
4. HS
4. A 5. S
5. D

GAWAIN I GAWAIN II
1. F 1. E
2. D 2. B
3. A 3. C
4. B 4. D
5. E 5. A

GAWAIN III GAWAIN V


1. Pasko Natapos at napiling gawain
ng bata.
2. aso
I. Acrostic
3. ibon
II. Diksyunaryo
4. paaralan
III. Graphic Organizers
5. lapis

11
Gawain IV
Salita Bahagi ng Kahulugan Kasalungat
Pananalita
makunat Pang – uri di nababali Malutong;
agad; mahigpit galante
sa pera
magaso Pang – uri Maharot; Tahimik
malikot;
magulo
maganda Pang – uri May taglay na Panget
ganda; kaakit –
akit; kahali-
halina
makapal Pang – uri Siksik; Manipis
masinsin;
marami; hindi
manipais
makahiya Pangngalan .,isanguri ng Makapal
ligaw na ang mukha
halamang
matinik

PAG-ALAM SA PANGWAKAS NA
NATUTUHAN PAGSUSULIT
1. maraming hangin 1. A
2. inaantok 2. A
3. dikdikin 3. A
4. itali 4. D
5. makapit 5. D
6. E
7. D
8. A
9. B
10. C

12

You might also like