Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

KLARA: Una

Iaris.
“Okay na ba lahat ng gamit mo?” nakangiting bungad sakin ni Mommy saka siya tuluyang
pumasok sa kwarto ko. Umupo sya sa kama ko habang ako naman ay nag-aayos ng aking sarili
sa harap ng vanity desk.
Bumaling ako sa kanya at saka sumagot.
“Hmm yes ‘My. Sa tingin ko ay nailagay ko na ang lahat ng kailangan ko,” sagot ko naman sa
kanya at saka bumaling muli sa harap ng salamin.
“Ayaw mo ba talagang mag-condo na lang Anak?” tanong niya pa na nakahabol lang ang tingin
sa akin habang naglalagay ako ng mga ginamit ko sa aking nackpack.
Saka ako tumabi sa sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
“My, okay lang talaga. Saka di ba, baka mas matututo ako sa buhay kung may kailangan akong
pakisamahan na tao. Hehe. Dalawa lang naman kami don at saka parehas kaming babae kaya
you should not worry,” ngumiti ako kay Mommy at saka pinisil-pisil ang kanyang mga kamay.
“Pano ba yan, mamimiss ko nang sobra ang baby ko!”
Hinila ako ni Mommy palapit sa kanya at niyakap nang mahigpit.
“Ganon?! Di mo ko dadalawin?” nakanguso kong tanong sa kanya nung maghiwalay kami ng
yakap.
“Di naman pwede yon! Busy si Mommy pero if you tell me to come, I will cancel anything just for
you,” sagot ni Mommy nang may ngiti at saka pinisil ang magkabilang pisngi ko.
‘Ang cute talaga ng Mommy ko! Hihi’
“My, diyan na ako sa may kanto.” turo ko kay Mommy sa isang kanto na mayroong nagtitinda
ng fishballs.
Madilim na ang paligid dahil alas-siyete na rin ng gabi. Bago kasi kami dumiretso dito ay
dumaan muna kami sa mall para kumain.
Tinanggal ko ang pagkakalock ng aking seatbelt at saka bumaba para kunin ang mga gamit ko
sa likod ng sasakyan.
“Mukhang safe naman pala dito dahil nasa loob kayo ng subdivision at meron ding guards.
Good job Anak!” sabi ni Mommy habnag tinutulungan ako na ibaba ang mga gamit ko. Isang
maleta at travel bag ang dala-dala ko sa paglipat pati na rin ang stuffed toy kong si Spencer.
Nang maisara namin ang likod ng sasakyan ay siya namang pagtunog ng medyo kalawangin
nang gate ng apartment na titirhan ko.
Lumabas don ang isang medyo may edad nang babae. Nakadaster sya at nakapusod ang
buhok.
“Ginabi ka ng dating iha.” may ngiting bati niya sa akin. Nang makalapit siya ay naglipat siya ng
tingin kay Mommy at ngumit din.
“Good evening po Auntie Lace,” may ngiting bati ko rin sa kanya at saka ipinakilala si Mommy.
Siya ang may-ari ng uupahan kong apartment at nasa mga 60’s na ang kanyang edad.
“Ahh, Auntie Lace, ito po ang Mommy ko.” pakilala ko kay Mommy habang nakakapit ang
kamay ko sa kanya.
Nag-abot naman ng kamay si Mommy at agad naman itong tinanggap ni Auntie Lace.
“Auntie Lace, kayo na po ang bahala sa anak ko ha. Medyo pasaway lang po ito pero mabait
naman,” matawa-tawang habilin ni Mommy kay Auntie Lace na siya rin namang ikinatawa nang
bahagya nito
“Huwag po kayong mag-alala Ma’am...??” ani Auntie Lace na naghihintay na banggitin ni
Mommy ang kanyang pangalan.
“Ahh, Desie po.”
Bumaling naman sa akin si Mommy at ngumiti. “Sige na Iaris, pumasok ka na at magpahinga.”
sabi niya sa akin at niyakap ulit ako nang mahigpit.
Hinalikan ko naman si Mommy sa pisngi bago kami tuluyang maghiwalay.
“Auntie Lace, una na po ako.”
“Sige Ma’am Desie, ingat kayo pauwi.”
Sumakay na si Mommy sa kotse at pinaandar yon. Bago siyang tuluyang umalis ay kumaway
ulit siya bilang pagpapaalam. Hinila ko naman ang aking maleta at isinakbit sa aking balikat ang
travel bag na dala ko.
Maingat na binuksan ni Auntie Lace ang gate ng kulay green na apartment kung saan ako titira
at pumasok kami doon.
May mga napansin akong halaman sa espasyo mula sa gate hanggang sa apartment.
Magaganda ang mga halaman at mukhang malulusog dahil kahit gabi na ay kitang-kita ko ang
mga bulaklak niyon.
“Mahilig po kayo sa halaman?” tanong ko kay Auntie Lace na ngayon ay nagsasara ng gate.
“Ay, dun yan sa kasamahan mo. Mahilig yun sa mga halaman.”
Napatango naman ako bilang sagot habang namamangha pa rin sa mga halamang naandon.
Sa bahay kasi namin ay marami ring halaman na alaga naman ng aking Mommy. Puro din yun
ornamental plants.
‘Awww, namimiss ko na agad sya.’
“Ilang taon na po pala yung kasama ko sa loob? Wala ho kasi siya dito nung tiningnan ko itong
apartment eh,” puno ang kuryosidad na tanong ko kay Auntie Lace.
“Hmmm,” parang nag-iisip at nya pang sagot. “Sa tingin ko ay kaedad mo lamang iyon.”
Huminto pa sya ng bahagya bago nagsalitang muli nang maisara nya na nang tuluyan ang gate.
“Halika ka na pasok na tayo sa loob.”
Nauna siyang naglakad sa akin at ako naman ay sumunod sa kanya. Sobrang tahimik ng
paligid at tanging gulong lang ng maleta ko ang maririnig.
Hahawakan na ni Auntie Lace ang pinto nang biglang itong magbukas.
“Oh, Klara. Nandyan ka pala,” bati ni Auntie Lace sa babaeng nagbukas ng pintuan. Nakasuot
siya ng maluwang na t-shirt na puti at itim na pajama. Konti lang ang itinaas sa kanya ng
pintuan at ang kanyang buhok naman ay lampas lang nang kaunti sa kanyang balikat.
Taimtim ko lang na pinagmamasdan ang kanyang kabuuan at naghihintay ng sunod niyang
gagawin.
May pinindot siya sa may bandang tabi ng pintuan na naging dahilan ng pagliwanag sa labas ng
apartment. Lalong naging kapansin-pansin ang mga halaman na narito.
Dahil doon ay lumitaw ang kanyang balingkinitan na katawan maging ang maamo niyang
mukha. Pero kahit ganoon ay parang mas pipiliin mong huwag siyang ngitian.
Hindi pa makapagsalitang muli si Auntie Lace nang walang alinlangang tumalikod ito at iniwan
kami sa labas. Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa ginawa niyang iyon.
“Pakisamahan mo na lang iyong si Klara ha. Talagang hindi siya malapit sa mga tao eh,” pilit
ang ngiting wika sa akin ni Auntie Lace. “Magsasalita lang siya pag may itatanong o kailangan.”
Ibinukas niya nang maigi ang pintuan at iminuwestra ang kanyang kamay na papasok sa
pintuan.
Hinila kong muli ang aking maleta at hinawakang maigi si Spencer.
“Maraming salamat po, Auntie Lace,” wika ko nang nasa mismong pintuan na ako.
“Sige, iha. Tumawag ka na lamang sa aking numero kung sakaling may problema.”
May dinampot pa siyang basura sa tabi ng halaman na nasa may bintana bago siya tuluyang
naglakad palabas. Inantay kong maisara niyang muli ang lumalangitngit na gate bago ako
tuluyang pumaling sa kalooban ng apartment.
Pagkapasok sa pintuan ay may isang maliit na cabinet na lagayan ng sapatos. Kapansin-pansin
doon ang dalawang pares ng sneakers na pareho lamang ang disenyo at kulay. Sa tabi noon ay
isang halaman din na halos kasing-taas ng cabinet.
Itinabi ko nang bahagya ang aking maleta at ibinababa sandali ang aking travel bag na sakbit.
Ipinatong ko doon si Spencer bago naupo sa dalawang baitang na hagdan na kaharap ng
pintuan na ngayon ay nakasara na.
Hinubad ko ang aking sapatos at maingat na inilagay iyon sa ibabang parte ng shoe cabinet.
Minasahe ko muna nang kaunti ang aking dalawang paa na nakakaramdam ng sobrang pagod.
“Ituturo ko sa’yo ang kawarto mo.”
Nagitla ako nang bahagya dahil sa tinig na nanggaling sa aking likuran. Wala itong bakas ng
kahit na anong emosyon o pagwe-welcome man lang.
Bago ako tumayo ay hinawakan ko na si Spencer pero paglingon ko kung saan nanggaling ang
boses ni Klara ay tanging likod nya na lang ang aking nakita.
Dali-dali kong sinakbit ang aking travel bag at maingat na inilakdaw sa dalawang baitang na
hagdan ang aking maleta na hindi naman kalakihan.
Sinundan ko ang tinahak ni Klara at nalampasan ko ang maliit na sala pati na rin ang katapat
nitong kusina. Saka ko narating ang aking kwarto na katapat din ng kwarto ni Klara.
Nakasandal si Klara sa itim na pinto ng kanyang kwarto habang nakatingin sa tila naglalaro
niyang mga mapuputing paa. Nang makarating ako sa kanyang tapat ay nag-angat siya ng
tingin sa akin ngunit blangko pa rin ang kanyang mukha.
“Diyan ang kwarto mo. Kung may kailangan ka ay katukin mo na lang ako dito.”
“Thank you Klara. I’m Iaris,” nakangiti kong pagpapakilala ko sa kanya at nag-abot pa ako ng
kamay.
Ngunit tinanguan nya lamang ako at saka ako tinalikuran para pumasok sa kanyang kwarto.
Napabuntong- hininga na lang ako at napapailing na ibinaba ang kamay kong hindi man lang
niya inabot.
Nagpupunas ng mukha akong lumabas sa CR na nasa loob din ng kwarto ko nang biglang
mag-vibrate ang cellphone ko. Nasa ibabaw iyon ng study table na katapat ng bintana.
Kasalungat non ang aking kama na kakatapos ko lang lagyan ng bed sheet bago ako
maghilamos.
Tiningnan ko ang screen at nakita kong si Mommy ang tumatawag. 8:30 na ng gabi at naalala
kong kahit text ay hindi pa ako nagsesend sa kanya.
Sinagot ko ang tawag at naupo sa upuang nasa harap ng study table.
“Iaris, anak, nakapag-ayos ka na?”
Napatingin ako sa sahig at nakita doon ang nakabukas kong maleta at ilang gamit na nakakalat
na. Medyo napangiwi ako dahil doon.
‘Ahh, ‘My. Medyo nakakalat pa. Hehe,” sagot ko naman kay Mommy na napatawa rin sa
kabilang linya.
“Sige. Take your time lang anak. Alam kong pagod ka rin sa biyahe.”
“Yes ‘My. Pahinga ka na rin. Siguradong marami ka pang gagawin bukas.”
May ilang paalala pa si Mommy bago niya ibinaba ang tawag na tumagal ng halos 30 minuto.
Lumapit ako sa aking maleta at saka kinuha ang ilang gamit na pang-banyo. Inilagay ko ang ito
sa maliit na basket na naandon na mismo sa loob ng CR. Kulay blue yon at malalaki ang butas
sa tabi.
Pumasok ako sa CR at inilagay ag basket sa pagitan ng lavatory at toilet bowl. Katabi pa ng
toilet bowl ay isang maliit na shower area na may harang lang na shower curtain.
Hindi sobrang sikip ngunit hindi rin sobrang luwag ng kabuuan ng CR at puti ang lahat ng tiles
na naandon.
Bigla akong nakaramdam ako ng uhaw kaya nagdesisyon akong lumabas ng kwarto bitbit ang
isang transparent na tumbler.
Makalabas ng aking kwarto ay napatigil pa akong muli sa harap ng pinto ng kwarto ni Klara.
Itim na kulay ng pintuan.
Bakit itim?
“May kailangan ka?” bungad sa akin ni Klara na nakasilip sa kaunting siwang ng kanyang
pintuan.
Medyo magulo ang kanyang buhok at animo’y naabala sa kanyang pagtulog. Gayunpaman ay
hindi bakas sa kanyang boses ang kahit na anong pagkainis.
Napatuwid ako ng tayo at saka sunud-sunod na napailing.
Isinara niya ang pintuan at doon lang ako nahimasmasan.
Dali-dali ngunit maingat akong naglakad papunta sa kusina at binuksan ang ilaw doon. Itinapat
ko ang aking tumbler sa water dispenser at mabilis na lumabas doon ang nakapalamig na tubig.
Nakakatatlong lagok na ako ng tubig nang mapansin ko ang veranda na katapat ng pasukan ng
bahay. Mayroon itong harang na sliding door.
Bitbit ang aking tumbler ay pumunta ako doon at sinubukang hanapin kung may light switch.
Nang makailang kapa pa ay natagpuan ko rin iyon.
Pagkabukas ng ilaw ay tumambad sa akin ang isang gravity chair na nasa sulok ng veranda.
Nakaharap ito sa labas at maging ito ay kulay itim.
Mahina lang ang ilaw doon pero hindi yun naging dahilan para hindi ko mapansin ang mga
halaman na kagaya nung mga nandoon sa may gate.
Lumapit ako sa isa at lumipat ulit sa kabila. Naramdaman ko ang pag-angat ng aking mga labi
dahil sa kaginhawaan na ibinigay sa akin ng mga halaman.
Matapos ko silang malapitan lahat ay umupo ako sa gravity chair at dahan-dahang itinaas ang
aking paa. Pakiramdam ko ay nakalutang talaga ako.
Biglang pumasok sa isipan ko na kailangan ko nga palang bumili ng ilang gamit pa sa bahay
dahil school supplies lang ang nabili ko kanina.
Ilang minuto pa akong nag-isip tungkol sa kung anu-anong bagay.
Nang biglang nakarinig ako ng tunog ng pinindot na switch ng ilaw. Parang bahagya ding
dumilim sa aking likuran
Kaya naman ay napalingon ako sa aking likuran at inabutan ko ang likod ni Klara na naglalakad
pagbalik sa kanyang kwarto. Patay na ang ilaw sa kusina.
Sana matagalan ko itong babaeng ito!

You might also like