Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

KONKOM SCRIPT.

INTRODUCTION

Magpapanggap na may nagsusuntukan sa silid aralan o kaya nama’y may malapit nang maubusan nang
hininga. Iilan lamang sa ating mga stratehiya upang maihanda ang ating guro sa napag isipang sorpresa.
Isa ito sa mga paraan natin nang pagpapakita sa kahalagahan ng mga guro. Kaya naman kahit nasa labas
na ng silid aralan ay di maikubli ang likas na ugnayan sa pagitan ng mga guro at estudyante.

Gayunpaman, mulat tayo sa kaisipan na guro ang tumatayo bilang ating pangalawang magulang, sa loob
man o labas ng paaralan. Hindi lamang magulang, kung hindi bilang isa ring kaibigan. Ano mang oras ay
pwede mong malapitan, mapagsabihan, at masandalan. Ngunit hanggang saan ba ang mga ganitong
ugnayan? Sabi nga nila, lahat ng bagay ay may limitasyon. Maaari bang maputol ang samahan natin sa
nasabing pangalawang magulang? O kaya naman ay may makasisira ba sa relasyon sa pagitan ng
estudyante at guro?

Kaya naman, kamakailan lamang ay inilabas ang DepEd Order blg. 49 serye 2022 noong ika-2 ng
Nobyembre na nilagdaan ni Bise Presidenta Sara Duterte. Ano nga ba ang nilalaman nito at paano ito
makakaapekto sa relasyon ng guro at estudyante?

(Nightfam. Ako si ( speaker ) at ang bidyong ito ay ginawa para bigyan kayo ng kaalaman patungkol sa
isang batas na kung saan kailangan mong marinig kung ikaw ay isang estudyante o guro.)

Ang DepEd Order blg. 49 serye 2022 ay inilabas upang amyendahan ang DepEd Order No. 47 at nagbigay
ng bagong bahagi na naglalatag ng mga kautusan ayon sa Republic Act No. 6713 o ang Code of Conduct
and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa bisa ng DepEd Order blg. 49 serye 2022 na pinirmahan nitong Miyerkules, ika-2 ng Nobyembre,
pinagbabawalan na ang mga guro na kausapin ang kanilang mga estudyante sa labas ng eskuwelahan, o
kahit i-follow man lang sa social media, para itaguyod ang propesyunalismo.

Ito ay ang pakikitungo ng maayos sa mga kasamahan sa eskwelahan, mga mag-aaral at iba pang
stakeholders nang may pinakamataas na antas ng propesyonalismo, abilidad at kahusayan. Dapat din
umanong igalang ng mga guro ang karapatan ng iba at iwasan ang paggawa ng mga aksyon na labag sa
batas, moralidad at kaugalian, mga polisiya at kautusan. Ipinatitiyak din na gagawin ng mga guro ang
kanilang mga responsibilidad nang may paggalang at pagiging patas. Upang bigyang diin, ipinagbabawal
din ang pagkakaroon ng aktibidad o relasyon na maaaring makaapekto sa tungkulin nito bilang isang
guro.

Pinaiiwasan din ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga guro ang pagkakaroon ng relasyon o usapan ng mga
ito sa kanilang mga estudyante, pisikal man o sa pamamagitan ng social media kung ito ay labas na sa
usaping pampaaralan, maliban na lamang kung sila ay kamag-anak.

Kabilang din dito ang pag-iwas sa mga gawaing maaaring makapagkompromiso sa integridad ng
Kagawaran ng Edukasyon at bilang isang empleyado ng pamahalaan.

Samantala, binigyang diin naman ng tagapagsalita ng Kagawaran ng Edukasyon na si Atty. Michael Poa
na hindi masasagasaan ng nasabing kautusan ang karapatan ng mga guro dahil marami sa ating
mamamayan ang nagsasabi na maaring mawalan ng karapatan ang mga guro na magkaroon ng libreng
pamamahayag dahil sa nasabing kautusan. Dagdag pa nito ay ang maaaring kawalan ng karapatang mag
pahayag ng kanilang mga sarili sa anomang social media.

Dagdag pa ni Atty. Poa, na ang nasabing probisyon ay nagbibigay ng direktang linya sa ating mga guro sa
opisina ng kalihim upang hindi maantala ang proseso ng kanilang mga hinaing. Samantala, wala pa
umanong direktiba mula sa Kagawaran ng Edukasyon kung kailan nila pwedeng i-unfollow ang account
ng kanilang mga studyante.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Bise Presidente Sara


Duterte na ipinatupad nila ito para maiwasan ang magiging problema sa eskwelahan.

(INSERT VIDEO) “Ang pagiging magkaibigan dapat nasa loob lang ng classroom or school setting at hindi
natin dinadala sa labas. Dapat as a teacher, mayroon talagang line between him or her and the learner.
Dapat hindi sila magkaroon ng friendly relations with their learners outside of the learning institution
setting dahil nagkakaroon ng bias ‘yung isang tao kapag nagiging kaibigan na niya,” ayon kay Vice
President at Education Secretary Sara Duterte. Nilabas ang nasabing kautusan kasabay ng imbestigasyon
sa ilang guro na sangkot sa mga kaso ng sexual harassment laban sa mga mag-aaral. “This is one of the
incidents we have seen, recent incidents, of our teachers going out with their students and they’re
involved in, should we say, criminal, not really criminal activities, but they are involved in crime. It’s
either they become suspects or victims.”

At iyan ang mga impormasyon patungkol sa inilahad na kautusan. Nightfam, manatiling nakasubaybay
dahil sa pagtatapos ng bidyong ito ay inyong malalaman ang mga ibat ibang opinyon at panig ng isang
guro at mag aaral.

(INSERT INTERVIEW WITH STUDENTS)

(INSERT INTERVIEW WITH TEACHERS)

Kung ito ay batas, nararapat lamang itong sundin. Pero, sa iyong palagay, tama ba ang mga bagay na
ipinaiiwas na nakasaad sa batas na ito? Bilang estudyante pabor ka ba sa nasabing kautusan? Handa ka
bang maputol ang ugnayan mo sa ating pangalawang magulang, kaibigan o tao na pwede mong lapitan?

At sa pananaw ng isang guro, Handa ka bang limitahan ang pakikitungo sa mga estudyanteng itinuturing
mong mga anak?

Sana ay nabigyang linaw namin ang napapanahong usapin patungkol sa inilabas na kautusan. Estudyante
ka man o guro, alam nating ang paaralan ang nagsisilbing ating pangalawang tahanan. Ikaw na
nanonood, oo ikaw, anong masasabi mo?

s

You might also like