NIyebeng Itim

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

1.

Mga Tauhan:
a. Li Huiquan (pangunahing tauhan ng kwento)
b. Tiya Luo
c. Hepeng Li
d. Xiaofen
2. Ang mga tagpuan ay mula sa iba’t-ibang lugar sa China katulad ng Red
Palace, Komite sa Kalye, East China Gate Consignment Store, Chaoyong
Gate Boulevard, Gate Bldg 8 at Silangang tulay. Naganap ang kwento bago
at pagkatapos ng bagong taon.
3. Ang Kwentong Niyebeng Itim ay naglalayong ipahayag ang mga katangian at
paniniwala sa buhay. Nilalayon ng kwento na ipahayag ang kanilang
damdamin base sa mga pagsubok na kanilang dinanas. Si Li Huiquan na
pangunahing tauhan ay nagpakita ng m,atatag na kalooban sa kabila ng mga
hindi magandang nangyari sa kanyang buhay.Isa iyan sa mga katangian ng
mga Chinese na hindi sumusuko at nagtutulungan. Sa kwento naman
nagpakita ito ng isang inspirasyon na kung saan ibinahagi na anumang
paghihirap o pagsubok sa buhay ay kapalit na kaginhawaan.
4. .
a. Sinimulan ng may-akda ang kwento sa pamamagitan ng paglalarawan
ng panahon kung kelan nangyari ang kwento.
b. Ang suliraning ikinaharap ng pangunahing tauhan sa Niyebeng Itim na
si Li Huiquan ay ang hindi pag-apruba ng kaniyang lisensya sa
pagtitinda ng prutas sa kadahilanang puno na ang kota. At kahit
mayroong kontak ang kaniyang Tiya Luo, hindi na rin nito natulungan
si Huiquan.
c. Nagpakita ng tatag ng loob si Huiquan at hindi siya naghiganti o
nagtanim ng galit. Pinanatili niya ang kababaan ng kanyang loob.
d. Naghanap siya ng trabaho—ang pagtitinda ng damit. Siya ay
nagsumikap at tumayo sa sarili niyang paa.
e. pang makatakas sa madilim niyang kahapon, humanap ng pwesto si
huiquan sa isang kalye upang magkapwesto at makapagbenta ng mga
damit. Paunti-unti ay nakakabenta naman siya at ito ay daan ng kanyang
pagbabagong-buhay.
f. Napagtanto ni Huiquan na ang pagtiyatiyaga niya ay magbubunga din
balang araw.
5. Ang wakas ng kuwento ay ginamitan ng may akda ng isang masaya at
magandang katapusan. Ginamitan niya ng damdamin ang mga tauhan na
nagsilbing halimbawa para sa mga taong muntik ng sumuko at nawalan ng
pag-asa.

You might also like