Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Pitong Tungkulin ng Wika - Ayon kay Michael A.K.

Halliday ay may pitong tungkulin ng wika:


1. Instrumental
2. Regulatoryo
3. Interaksyonal
4. Personal
5. Imahinatibo
6. Heuristik
7. Impormatib

Sa obserbasyon ni Michael A.K. Halliday nabuo nya ang pitong tungkulin ng wika batay sa iba’t ibang yugto ng pagkakagamit
ng isang bata. Napansin nya na ang isang bata ay may hakbang na yugto ng kakayahan sa paggamit ng wika, samantala ang
nakatatanda ay may kakayahan nang ilapat ang maraming tungkulin na ito.

Gamit ng Wika Bilang Instrumental


 Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Sa aktuwal na karanasan,
karaniwang instrumental ang gamit ng wika para sa paglutas ng problema, pangangalap ng materyales,
pagsasadula, at panghihikayat. Kailangan gamiting mabisa ang instrumental na gamit ng wika sa pamamagitan ng
paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan, naiisip, o nararamdaman. Sa instrumental na tungkulin ng wika,
ginagamit din ang wika na tagapagsalita para mangyari o maganap ang mga bagay-bagay.

1. Sa palagay ko, kailangan na nating mag pahinga muna.


(sa unang pahayag hindi mabisang na ilapat ang instrumental na tunggkulin ng wika, sapagat hindi ito nag lilinaw ng tiyak na
kagustuhan at panggangailangan ng tagapagsalita).

2. Sa akin, gusto ko munang makipaghiwalay.


(may tiyak na paggamit ng pahayag na gusto, upang sapat na makatugon sa hinihingi ng tagapagsalita).

Dalawang Katangian at Tatlong Anyo Gamit ng Wika Bilang Instrumental sa Lipunan

- Instrumental bilang wika ng panghihikayat (bigkas-pagganap) - paggamit ng wika ng isang tao upang paganapin at
direkta o di direktang pakilusin ang kausap nya batay sa nilalaman ng mensahe.

PERFORMATIVE UTTERANCE
· Pagpapahayag
· Pagmumungkahi
· Panghihikayat
· Pagbibigay-panuto
· Pag-uutos
· Pagpilit

1. Literal na pahayag (lokusyonaryo) - Ito ang literal na kahulugan ng pahayag, kung ano ang sinabi ay yun lang ang
nais iparating ng taga-pag salita.

2. Pahiwatig ng konteksto ng kultura’t lipunan (ilokusyonaryo) - Ito ang kahulugan ng mensahe batay sa
kontekstong pinagmumulan ng nakikinig at tumatanggap nito.

3. Pagganap sa mensahe (perlokusyonaryo) - Ito ang ginawa matapos mapakingggan ang natanggap na mensahe,
ito ang patugon sa hiling.

2. Instrumental bilang wika ng patalastas - ginagamit upang maipakilala ang isang tao, produkto, serbisyo o
panggyayari uppang tumatak sa isipan ng mamimili ang dapat niyang tangkilikin. Tinatawag itong
“tagline”

Halimbawa:

-Max restaurant, max to the bones

-Globe telecom, abot mo ang mundo


Ipinanalalagay ni Bronislaw Malinowski na “Ang wika ay repleksiyon ng lipunang pangangailangan at
konteksto.” Ibig sabihin ang silbi at tungkulin ng wika ay nalilikha alin sunod sa papel na ginagampanan nito
sa isang partikular na kultura.

Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo

 Ang wikang regulatoryo ay gumagabay sa kilos ng iba. Nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa
kanyang paligid. Itinuturing ito na instruksyon o ang pagkokontrol sa anong dapat na gawin tulad ng pagtakda ng
mga regulasyon, direksyon, o proseso sa kung paano isagawa ang isang partikular na bagay, pag sang-ayon,
pagtutol at iba pa.
 Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon ng isang partikular na lugar, direksyon sa pagluluto ng
isang ulam, direksyon sa pagsagot ng isang pagsusulit, at direksyon sa paggawa ng anumang bagay ay mga
halimbawa ng tungkuling regulatoryo.

Mga Halimbawa:

1. WARNING! CONSTRUCTION ON GOING

Ito ay halimbawa ng regulatoryo dahil ito ay isang paalala na mag ingat ang mga taong dadaan sa lugar na ito dahil sa
nasabing paalala. Ito din ay kumokontrol sa kilos ng tao dahil sa paalalang yan siguradong may mga taong iiwas o mag iingat
dahil sa nasabing gawain.

2. BEWARE OF DOGS!

Ito rin ay isang halimbaw ng wikang regulatoryo. Nagbibigay ito ng babala na mag ingat sa mga aso o umiwas dahil
maaaring makagat ang taong dadaan dito.

Anim na Anyo ng Wikang Regulatoryo:

1. Imperatibo - Ito ay ginagamit upang magbigay ng mga utos o pakiusap kasama ang mga pagbabawal at pagbibigay-
permiso.

Halimbawa:

"Kunin mo ang aking jacket."

"Pakiabot ang patis."

2. Direktang Patanong - Ginagamit sa pagtatanong sa tagapakinig o mambabasa kung kaya niya bang sundin ang utos.

Halimbawa:

"Kaya mo bang abutin ang jacket?"

"Pwede mo bang abutin ang patis?"

3. Direktang Hindi Hayagan - Ito ay nanghihikayat mapaniwala ang tagapakinig o mambabasa na kaya o hindi niya kayang
gawin ang isang kilos.

Halimbawa:

"Kayang-kaya mo ‘yan!"

"Hindi mo yan kayang abutin."


4. Pahayag na Nagpapatunay ng Awtoridad - Ito ay paglalahad kung sino ang dapat sundin.

Halimbawa:

"Ako ang nanay mo, ako ang dapat sundin."

5. Pagkontrol ng mga Gamit - Isang paglalahad kung sino ang nagmamay-ari ng lugar o gamit.

Halimbawa:

"Akin ‘yang laruan."

6. Pahayag ng Pagpapahintulot at Obligasyon - Ito ay paglalahad kung maaari o hindi maaaring gawin ang isang
kilos.

Halimbawa:

"Puwedeng-puwede mong kunin yan."

"Bawal ‘yan inumin!"

Kahalagahan at Silbi ng Gamit ng Wika Bilang Regulatoryo:

- Ang gamit ng wika bilang regulatoryo ay kinakasangkapan upang magbigay-permiso at magbawal para sa
aktibidad, gamit, o karapatang pagmamay-ari.
- Sa paggamit ng wika bilang regulatoryo, nagkakaroon siya ng kontrol sa pag-aasal ng tao at sa kaniyang
kapwa.
- Gamit ang wikang regulatoryo, napapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng lipunan.
- Tinitiyak ng wikang regulatoryo na ang tao ay makapagpahayag ng utos at gabay sa kung ano-ano ang
dapat at hindi dapat gawin.

You might also like