Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Learning Area Araling Panlipunan 6

Learning Delivery Modality

Paaralan Alapan 1 Elem. School Baitang 6


Vanessa V. Maalat Araling
Guro Asignatura
Panlipunan
LESSON
EXEMPLAR Petsa Ikalawang
Markahan
Markahan
Bilang ng
Oras 5
Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayan Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pangnilalaman
- Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at
mga pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng
kolonyalismong Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at
ang pagpupunyagi ng mga Pilipino na makamtan ang kalayaan
tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado

B. Pamantayan sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa


Pagganap konteksto,dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa
kontribusyon ng pagpupunyagi ng mga Pilipino namakamit ang ganap na
kalayaan tungo sa pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at
pagkakakilanlang malayang nasyon at estado

C. Mga Kasanayan Nasusuri ang sistema ng pamamahala sa panahon ng mga Hapones


sa Pagkatuto
(AP6KDP-IIG-7)

D. *Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones


Pinakamahalagang (MELC #13 Q2 Week 6)
Kasanayan sa
Pagkatuto (MELC)

E. Pagpapayamang Nasusuri ang mga patakaran at resulta ng pananakop ng mga Hapones


Kasanayan

II. NILALAMAN Mga Patakaran at Resulta ng Pananakop ng mga Hapones


III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Sanggunian

a. Mga pahina MELC #13 AP G6 Q2 p. 21


sa Gabay ng
PIVOT BOW R4QUBE p. 179
Guro
AP Curriculum Guide p. 102
Teachers Guide p.
A.P. 6 Book (AP6KDP-IIG-7)

b. Mga pahina
sa Kagamitang
Pang-mag-aaral
c. Mga pahina Araling Panlipunan 6 pahina 50-61
sa Teksbuk
Pilipinas Kong Hirang 5 pahina 330-353

d. Karagdagang https://www.slideshare.net/jmpalero/ap-6-ang-pananakop-ng-mga-hapones-sa-
Kagamitan mula pilipinas
sa Portal ng
file:///C:/Users/m-1/Downloads/MODYUL%2015%20PANANAKOP%20NG%20HAPON
Learning
%20AT%20REAKSYON%20NG%20MGA%20PILIPINO.pdf
Resource
EASE I Modyul 15:MISOSA Lessons- 30-32 (Gr.5)

B. Iba pang
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN

A. Panimula Balik-aral
Alin sa mga katangiang ito ang ipinakita ng mga Pilipino noong
lumaban sila sa mga Hapones? Lagyan ng masayang mukha (☺) ang
patlang ng iyong sagot.
_____1. Katapangan
_____2. Pagkamakabayan
_____3 Pagkamakasarili
_____4. Pagkamatulungin
_____5. Pagkamaparaan
_____6. Pagtataksil sa bayan
_____7. Mapagkumbaba
_____8. Pag-iwas sa responsibilidad
_____9. Pagiging matalino
_____10. Pagiging pangahas

Balitaan
Gamit ang online platform, tatawag ang guro ng isang mag-aaral na
magbabahagi ng balita tungkol sa napapanahong isyu.

Tanungin ang mga mag-aaral ng kanilang mga natutunan noong


nakaraang aralin.

May alam ba kayo na pagkain na naipamana sa atin ng mga Hapon?


Hayaang magbigay ng iba’t ibang sagot ang mga mag-aaral..

Sa pamamagitan ng share screen, ipanood ang video clip na mula


Unang Hirit GMA 7 at makikita sa link na ito ang produktong
ipinagmamalaki ng Imus.Magpakita pa ng ilang produkto ng Imus.
https://www.youtube.com/watch?v=oo3SFkF8y44
Itanong:
Alam niyo ba ito?
Paborito mo ba ito?Bakit?
May magandang maidudulot ba ito sa ating katawan?
Mahalaga ba ang pagtangkilik sa sariling produkto? Bakit?

B. Pagpapapunlad Basahin. (Tingnan ang Araling 6 pahina 50-52)


Pagbabagong Pampulitika (EASE I Modyul 15:MISOSA Lessons- 30-
32 (Gr.5)
Sa ilalim ng Republika, lahat ng mga nanungkulan sa
pamahalaang pambansa at lokal ay pawang Pilipino, ngunit hindi
maaaring tumutol sa bawat naisin ng mga opisyal na sundalong Hapon
na nakatalaga at nagmamatyag sa bawat kilos nila. Liga militar na
Hapones ang nagpapatakbo ng pamahalaan. Ang saligang-batas ay
nasunod sa porma at istruktura lamang ng pamahalaan subalit ang mga
batas at utos ay galing sa Hapon. Maging si Pangulong Laurel ay walang
kapangyarihan. Inalis ang halalan at ipinagbawal ang pagsasalita laban
sa pamahalaan. Walang pribilehiyo ang mga mamamayan sa pagsasalita
laban sa mga opisyal at kinakailangang yumuko at magbigay galang sa
mga opisyal na Hapones. Ang mga kaso na Pilipino lamang ang
nasangkot ay nililitis sa hukuman ngunit ang mga Hapon ay nililitis ng
hukumang militar ng Hapon. Dahilan dito, kalimitan ay napapawalang-
sala ang mga nasasakdal na Hapones. Nagtayo ng maraming
instalasyong militar at mga garison sa iba’t ibang gusali sa kapuluan ang
mga Hapon. Bawat napaghihinalaang kumikilos laban sa kanila ay
ikinukulong at pinarurusahan ng iba’t ibang karumal-dumal na paraan.

Mga Pagbabagong Pangkabuhayan


Ang salaping ginamit noong panahon ng Hapon ay ang kanilang
yen, na tinatawag ng mga Pilipinong “mickey mouse money.” Malalaking
papel at maliit ang balyu at isinisilid na lamang sa bayong sapagkat wala
namang ganoong mabibili sa mga palengke. Ito ay sa dahilang ang mga
Hapon ang namahala sa mga lupain, industriya, transportasyon at
kabuhayan ng Pilipinas. Ang mga pagkain, bigas at alagang hayop ay
sinamsam ng mga sundalong Hapon. Nabuhay ang mga tao sa lamang
dagat, lamang lupa at mga halaman. Marami ang nagkasakit ng beri-beri
dahil sa kakulangan ng mga protina at bitamina sa katawan. Ang mga
maysakit ay namamatay na lamang sapagkat kulang ang mga ospital at
serbisyong panggagamot.

Mga Pagbabagong Panlipunan


Tunay na pasista ang mga Hapon. Walang kalayaan at
pribilehiyo ang mga Pilipino. Bawal ang pagpapalimbag ng babasahing
Ingles at ipinaturo sa mga paaralang bayan ang Niponggo, ang wika ng
Hapon. Walang laya sa paggalaw at pagkilos ang mga tao, maging sa
pagbibiyahe. May curfew sa mga lansangan. Ang paglabas sa mga
tahanan sa hindi tamang oras ay ipinagbawal at ang mga lumabag ay
ikinukulong o binabaril. Sinikap din naman ni Pangulong Laurel na
maging makabuluhan ang Republika ngunit lahat ng kanyang pagsisikap
ay nawalan ng saysay. Ang mga Hapones ay hindi naging matapat sa
kanilang pangakong bibigyan ng kalayaan ang bansa. Ang mga
mamamayan ay inalisan ng maraming karapatan. Maraming kababaihan
ang nilapastangan at ginawang libangan ng mga Hapon. Ang mga
kalalakihang napaparatangan ng pagiging gerilya ay inilalayo sa kanilang
mga pamilya, at ikinukulong sa mga garrison, at pinahihirapan hanggang
sa mamatay. Lumikha ang mga Hapon ng hukbo ng makapili, mga
espiyang natatakpan ng bayong ang mukha. Dinadala ang mga makapili
sa mga lugar na may mga pinaghihinalaang gerilya o kalaban ng Hapon.
Suot ang kanilang bayong, ituturo ang mga pinaghihinalaan at darakpin
ito ng mga Hapon. Kapag hindi nakatakas mula sa garison, ang mga
napaghinalaan ay maaaring hindi na makakabalik ng buhay sa kanilang
pamilya dahil sa pagpapahirap gamit ang iba’t ibang malupit na paraan.
Ang pagmamalupit sa mga Pilipino ay nagpatuloy. Ang panahong ito ay
tinawag na “Panahon ng Kadiliman” dahil walang seguridad at katiyakan
ang buhay ng mga mamamayan sa araw-araw. Sila ay nagtatago pag
may dumarating na mga Hapon o dili kaya’y nagsisinungaling upang
hindi maparusahan. Ang masakit dito, natuto ang ibang ipagkanulo ang
kanilang kababayan upang humaba ang sariling buhay.

Anong uri ng pamahalaan ang pumalit sa pamahalaang Komonwelt?


Ano- ano ang mga pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino noong
dumating ang mga Hapon?
Naitaas ba ang uri ng pamumuhay at pamamalakad sa mga
mamamayan?
Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Hapones?

C. Pakikipagpalihan Gawain 1
Basahin ang inilalarawan sa ibaba upang mabuo ang puzzle.

4 5 K
 3    
     
1     K   P      
 P   B
  T  
T 2     O   G    
   
 

PAHALANG
1 Mga Pilipinong nakipagtulungan sa mga Hapones
2 Wika ng mga Hapon na itinuro sa mga paaralang bayan

PABABA
3 Pulis-militar ng mga Hapones
4 Tawag sa pamahalaang sunud-sunuran sa mga Hapones
5 Tanging partidong tinangkilik ng mga Hapones

Gawain 2
Sagutin ang tanong.
1. Ano ang naging pamamaraan ng pamumuno ng mga Hapones sa
Pilipinas?
2. Katulad rin ba ng pamumuno ng mga naunang mananakop?
Bakit?
3. Bakit naging napakahirap ng pamumuhay ng mga Pilipino noong
Panahon ng Kadiliman?
4. Nangyayari pa rin ba hanggang ngayon sa ating bansa ang
kahirapang nangyari noon? Bakit?
5. Paano makaiiwas ang mga Pilipino sa paghihirap tulad ng dinanas
ng mga Pilipino noon?

D. Paglalapat Piliin ang wastong sagot. Isulat ang titik nito sa bawat patlang.

____1. Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Hapones?


A. Pamahalaang Parlyamentaryo
B. Pamahalaang Demokratiko
C. Pamahalaang Totalitaryan
D. Pamahalaang Komonwelt

____2. Alin ang epekto ng pananakop ng mga Hapon?


A. Natutong maging disiplinado ang mga tao
B. Napabayaan ang mga pananim
C. Dumami ang mga tao sa bansa
D. Namuno ang mga Pilipino

____3. Ano ang tawag sa panahon ng mga Hapones dahil sa takot at


pag- aalinlangan ang naghahari?
A. Panahon ng Kahirapan
B. Panahon ng Kadiliman
C. Panahon ng Kapayapaan
D. Panahon ng Kasayahan

____4. Paano nilutas ng mga Pilipino ang kakulangan sa pagkain noong


Panahon ng Kadiliman?
A. Nagsagawa ng mga pananaliksik
B. Nagtanim sa mga bakanteng lote
C. Gumamit ng mga pataba o fertilizer
D. Nag-angkat ng bigas mula sa ibang bansa

____5. Alin ang tama?


A. May higit na kapangyarihan ang Pangulo ng Republika.
B. May posisyon para sa Pangalawang Pangulo.
C. Mga militar na Hapones ang nagpatakbo ng pamahalaan.
D. Walang pakialam ang mga Hapones sa pamahalaan.

____6. Ang Ikalawang Republika ng Pilipinas ay tinatawag na Puppet


Republic dahil sa __________.
A. ang pangulo ay napasailalim ng kapangyarihan ng mga Hapones.
B. pinamamahalaan ng mga Hapones ang buong bansa.
C. pilipino lahat ang namumuno.
D. laruang Puppet ang paboritong nilang laro.

____7. Salaping ginamit sa panahon ng mga Hapon.


A. Peso C. Dolyar
B. Lapad D. Mickey Mouse

____8. Nahalal na pangulo sa Ikalawang Republika


A. Manuel Luis Quezon
B. Jose P. Laurel
C. Sergio Osmeňa
D. Benigno Aquino Sr.

____9. Ang pakikitungo ng Hapon sa Pilipinas ay naging _________.


A. Mahinahon
B. Magalang
C. Mabagsik
D. Magulo

____10. Siya ang nagdeklara na wala n gang kapangyarihan ng


Amerika sa pamumuno sa Pilipinas.
A. Heneral Homma
B. Heneral Wainwright
C. Heneral MacArthur
D. Heneral Meritt

V. PAGNINILAY
Nauunawaan ko na ________________.
Nabatid ko na ________________

You might also like