Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

ARALING PANLIPUNAN 5

UNANG MARKAHAN

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF BOHOL
City of Tagbilaran

ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN, WEEK 2

Ang Pinagmulan ng Lahi

Writer Remanti B. Salazar


Editor: Antonio Buaya Phd
PSDS
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 1 Activity No. : 1


Competency : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa :
a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon (No Code Indicated)
Objective : • Natatalakay ang teoryang “Continental Drift”.
Topic : Teoryang ”Continental Drift”
Materials : Video lessons (mp4, mp3)
Reference : References:DLP-Aral.Pan.5,Week4/Day2writtenbyMillaLuz
https://bit.ly/2Zi1pbf , https://bit.ly/38Iugbx,
Batayang Aklat (Pilipinas Bilang Isang Bansa)pp.38-41
Copyrights : For classroom use only.
DepEd Owned Materials

Concept Notes:

Ang Continental
Drift Theory ay isang
Teorya kung saan ang
mundo ay nabubuo
lamang ng isang
supercontinent na
tinatawag na Pangaea
at di nagtagal dahil sa
mga sunod-sunod na
floods at earthquakes ito
ay naghiwahiwalay
hanggang sa mabuo ang
mundo natin ngayon.

-Ayon sa Teorya ng Continental Drift, may 200 milyong taon na ang


nakalilipas ng dahan-dahang nahati ang Pangae sa dalawang bahagi- sa
Laurasia sa hilagang hating-globo at Gondwanaland sa timog hating-
globo. Mula sa kontinente ng Laurasia pinaniniwalaang nagmula ang
Pilipinas. Dahil sa patuloy na paggalaw ng mga kontinente hanggang sa
kasalukuyang kaanyuan nito.

Mga ebidensyang sumusuporta sa Continental Drift Theory

1.Pagkatunaw ng yelo noong 380 milyon hanggang 250 milyong taon na


nakararaan
2.Magkakaparehong bato na makikita sa America at Atlantic
3.Magkakaparehong fossils na makikita sa America at Atlantic
4.Ang grupo ng mga bato na makikita sa baybayin ng Brazil ay tugma sa
makikita sa kanlurang Africa.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

-Ang teoryang ito sa unti-unting paggalaw ng mga kalupaan sa daigdig


mula sa isang supercontinent ay tinawag na Teorya ng Continental Drift.
Patunay ni Wegener, isang siyentistang Amerikano ,sa kaniyang teorya ang
pagkakaroon ng magkatulad na uri ng fossilized na labi ng hayop sa South
America at Africa;pagiging akma ng hugis ng silangang baybayin ng South
America sa kanlurang baybayin ng Africa; at ang magkatugmang rock
formation at mga kabundukan sa South America at Africa.

-Ipinaliwanag naman ng Teorya ng Tectonic Plate ang paggalaw ng mga


kalupaan. Ayon dito, ang crust ay nahahati sa Malaki at makakapal na tipak
na lupa na tinatawag na mga tectonic plate. Dulot ng pagikot na
paggalaw ng init sa ilalim ng mga tectonic plate sa asthenosphere (sa
mantle) ay napapagalaw rin ang mga tectonic plate palayo, pasalubong,
at pagilid sa isa’t isa. Dahilan ang prosesong ito hindi lang sa paggalaw ng
mga kontinente kung hind imaging sa iba pang prosesong pangheograpiya
tulad ng paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan.

Activity:

Panuto:

Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy
nito. Isulat ang wastong sagot sa patlang.

________________1. Ang siyentistang naghain ng Continental Drift Theory.

________________2. Tawag sa supercontinent na sinasabing pinagmulan ng


pilipinas?
________________3. Anu-ano ang dalawang bahagi ng Pangea?
________________

________________4. Ibigay ang mga ebidensyang sumusuporta sa Continental


Drift Theory.
________________5. Ano ang ipinahiwatig ng teorya ng Continental Drift
tungkol sa pinagmulan ng kapuluan ng Pilipinas?
________________6. Saang kontinente pinaniniwalang nagmula ang Pilipinas?

________________7. Malalaki at makakapal na tipak ng lupa na bumubuo sa


crust.
________________8. Bahagi ng mantle kung saan may paikot na paggalaw
ang init dahilan upang gumalaw ang kalupaan sa
ibabaw nito.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 2 Activity No. : 2


Competency: : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa:
a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon (No Code Indicated)
Objective : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
teoryang Bulkanismo.
Topic : “Teoryang Bulkanismo”
Materials : Video lessons (mp4,mp3)
Reference : Reference:Araling Panlipunan, Pilipinas Bilang Isang Bansa,
Ikalimang Baitang, pahina 6 at 7.Brainly.ph –
https://bit.ly/3gOIvi5
Copyrights : For classroom use only.
Pending for permission.

Concept Notes:

Ayon sa Teoryang Bulkanismo,


nabuo ang bansa sa pamamagitan ng
pagsabog ng bulkan mula sa
karagatang pasipiko. Ito ay ayon kay
Bailey Wills.Ang patuloy na pagtambak
ng mga volcanic material sa ilalim ng
karagatan ang nabigay-daan sa unti-
unting paglitaw ng kapuluan ng Pilipinas
mula sa karagatan.Isang patunay sa
teorya ng bulkanismo ang pagkakaroon ng Baguio City at karatig na
kabundukan ng mga korales at lumang
mga volcanic material.Ito rin ay
tinatawag na Pacific theory.
Ang pulo ay nabuo mula sa bato,
buhangin at putik mula sa bulkan. Ang
pagputok ng mga bulkan sa paligid ng
pacific basin ang pinagmulan ng mga
pulo rito.
Ayon sa iba, ang mga pulo raw ay
nabuo mula sa pagputok ng bulkan. Photo credit: https://bit.ly/2CgT0M1
Nabiyak mula sa mga ito at lumitaw ang
mga batong nakahanay sa ilalim ng dagat. Sa paglaon ng panahon ang
mga ito ay lumamig at naging kapuluan pagkatigas.Ayon sa paniniwala ng
iba, ang buong planeta ay nagmula sa iisang bulkan lamang.

Ayon kay James Hutton, ang materyales ng lupa ng ating bansa ay


kahawig ng nilabas ng pagsabog ng Pinatubo at Mayon.Ang pagsabog ng
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

bulkan ay nasasabi rin na


nagkaroon ng malakas na epekto
sa lupa na siyang naging epekto ng
paggalaw nito.

Ano ang pagkakaparehas ng


Pacific Theory sa Plate Tectonic
Theory?
Ang dalawa ay magkapareho
dahil parehas silang gumagawa ng
Photo credits : https://bit.ly/2W3P0pi paggalaw ng lupa o lindol. Sa
pamamagitan ng paggalaw ng
lupa o lindol ay sinasabing nabuo ang
ating bansa.

Activity:

Panuto:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang tinutukoy
nito.Isulat ang iyong tamang sagot sa patlang.

__________________1.Isang siyentipikong nagsabi na ang Pilipinas ay nabuo dahil


sa pagputok ng bulkan sa ilalim ng karagatan.

__________________2. Siya ang nagsabi na ang materyales ng lupa ng ating


bansa ay kahawig ng nilabas ng pagsabog ng Pinatubo at Mayon.

__________________3.Paano nabuo ang kapuluan ng Pilipinas batay sa Teoryang


Bulkanismo?

__________________4.Ito ang nagbigay-daan sa unti-unting paglitaw ng


kapuluan ng Pilipinas mula sa karagatan.

__________________5. Isang pangyayari na patunay sa Teoryang Bulkanismo. Ano


ito?
__________________6. Ito’y sinabing dahilan sa pagkabuo ng ating bansa?

__________________7. Ano ang ibang tawag sa Teoryang Bulkanismo?

__________________8.Paano nagkakaparehas ang Pacific Theory at Plate


Tectonic Theory?

Quarter : 1 Week : 2 Day : 3 Activity No. : 3


ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Competency: : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa :


a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon (No Code Indicated)
Objective : Natatalakay ang teoryang Tulay na Lupa sa pagkabuo ng
Kapuluan ng Pilipinas
Topic : Teoryang “Tulay na Lupa”
Materials : Video lessons (mp4, mp3)
Reference : References: https://bit.ly/301FS5Q gr 5 week 4 day 4 written by Milla
Luz P. Bompat/Btatayang aklat – ang teorya ng Tulay na Lupa sa
pahina 42-43 ng batayang aklat(Pilipinas Bilang Isang Nasyon.Gabay
ng Guro pp. 17-18
Copyrights : For classroom use only.
Pending for permission.

Concept Notes:

Teorya ng Tulay na
Lupa

Ang teoryang ito ay


inihayag ni Fritj of Voss.
Isinasaad ng teoryang
ito na kabit-kabit dati
ang mga lupain ng
mundo at nagmukha
lamang hiwa-hiwalay
dahil natunaw ang
mga bundok ng yelo.
Ito ang naging dahilan
ang paglalakbay ng mga tao sa iba’t ibang kontinente.
Ang tulay na lupa ay dati dikitdikit ang bansa sa pamamagitan ng
yelo at ang Pilipinas ay bahagi din ng "sunda shelf" at ang asia ay kaugnay
ng mga lugar tulad nito (Burneo, Malaysia, Indonesia,Guinea at Taiwan ).

May mga tulay na lupang nag-uugnay sa Pilipinas at sa mga Karatig


bansa nito, ayon kay Prpesor H. Otley Beyer, isang dalubhasang arkeologo
mula sa unibersidad ng Pilipinas. Tinatayang nagsimula ito noong panhahon
ng yelo may 1.8 milyong taon na ang nakalipas. Nagsilbi itong daanan ng
mga taong dumating sa pilipinas mula sa mainland Asia. Nang Dumating
ang panahon na natunaw ang mga yelo na bumabalot sa mga kontinente,
lumikha ito ng pagtaas ng tubig sa dagat. Bunga nito ay lumubog ang ilang
pulo kasama na ang mga tulay na lupa nagdurugtong sa mga karatig -
lugar. Ang mga naturang matataas na bahagi ng lupa ang siyang
bumubuo sa kasalukuyang Pilipinas.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Naging batayan ng teoryang ito ang pagkakatulad ng mga uri ng


halaman at hayop na parehong makikita sa Pilipinas at mga karatig-
bansa. Ang anyo ng lupa sa ilalim ng mga dagat na nakapalibot sa
Pilipinas ay natuklasan na tila may mahabang bulubunduking nag-uugnay
patungo sa mga karatig bansa.
May limang tulay na lupa na nabuo noon na nagdurugtong sa
sumusunod na mga lugar:Batanes hanggang Taiwan, Palawan hanggang
Borneo, Sulu hanggang Borneo, Mindanao hanggang Celebes at Mindanao
hanggang Mew Guinea.

Activity:

Panuto:
Sagutin ang mga sumusunod na tanong hango sa konsepto na
inyong nabasa. Isulat ang inyong tamang sagot sa patlang.

______________1. Paano nabuo ang kapuluang Pilipinas ayon sa teorya ng


tulay na lupa?
______________2. Ano ang dahilan sa pagkahiwalay ng Pilipinas sa iba pang
bahagi ng Asya?

______________3. Ilan ang mga tulay na lupa na nabuo noon na


nagdurugtong sa Pilipinas at ibang mga bansa?

______________4. Ano ang pinagmulan ng tulay na lupa?

______________5. Magbigay ng isang halimbawa na bilang patunay ng


Teoryang Tulay na Lupa?

______________6. Ang nagpahayag ng teorya ng tulay na lupa na kabit-kabit


dati ang lupain ng mundo at nagmukha lamang hiwa-
hiwalay dahil natunaw ang mga bundokng yelo.

______________7. Isang dalubhasang arkeologo mula sa Unibersidad ng


Pilipinas na nagsabing may mga tulay na lupang nag-
uugnay sa Pilipinas sa karatig bansa nito.
8. Mga lugar sa Asya na kaugnay sa Pilipinas na nagging
bahagi rin ng “_____________________”.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 4 Activity No. : 4


Competency: : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa:
a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon (No Code Indicated)
Objective : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
Mitolohiya
Topic : Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Mitolohiya
Materials : Video lessons (mp4,mp3)
Reference : https://bit.ly/2ZVFNAn, Google, https;//brainly.ph, Alamat
tungkol sa Pinagmulan ng Pilipinas
Copyrights : For classroom use only.
Pending for permission.

Concept Notes:

MGA HIGANTE
Ang Pilipinas daw ay nagmula sa
pagpupukulan ng tipak-tipak na lupa at
malalaking baton g tatlong naglalabang higante
upang patunayan kung sino sa kanila ang
pinakamakapangyarihan sa Pasipiko. Ang
malalaking bato at lupang bumagsak sa
karagatang ito ang siyang pinagmulan ng
kapuluan.
MINDA, LUZ AT BISAYA
://bit.ly/3iPA8EA
Ayon naman sa mito, may amang higante na
nakatira sa kuweba na may tatlong anak na sina Minda, Lus at Bisaya. Isang
araw, umalis ang amang higante upang mangaso. Pinagbilinan niya ang
kanyang tatlong anak na huwag lumabas sa yungib dahil mapanganib sa
labas. Dahil hindi masunurin sa ama si Minda lumabas ito at namasyal sa
may dagat habang ang dalawa ay naglinis. Naglaro si Minda sa dagat ng
biglang sumigaw ng tulong at narinig ang sigaw niya sa kanyang dalawang
kapatid at agad siyang tinulungan. Ngunit pati silang dalawa ay nadala ng
dambuhalang alon. At sa kasamaang palad, ang tatlong anak na babae
ng higante ay hindi na nakaahon. Nagtaka ang amang higante ng pag-uwi
niya wala na ang kanyang tatlong anak. Agad niya itong hinanap ngunit
wala siyang nakita. Biglang umalon ulit nang malakas at dumagundong, at
nabuo sa isip ng ama na baka nalunod ang tatlo. Tumingin ang higante sa
malayo at nakita niya ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. Dahil
sa pagod at hapis, nakatulog nang mahaba ang higante at sa kanyang
paggising nakita niya ang tatlong pulo. Napasigaw siya nang malakas na
ang tatlong pulong ito ay sina Lus, Bisaya at Minda. At buhat noon, tinawag
na luzon, Visayas at Mindanao ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang
Pilipinas.
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

SILALAK AT SIBABAY
Ang isa pang kinawiwilihang alamat tungkol sa pinagmulan ng Pilipinas
ay ang tungkol kina Silalak at Sibabay. Nang lalangin daw ang mundo ng
Punong Pinagmulan ang inunang lalangin ay dagat at langit. Pagka't wala
pang buhay noon sa daigdig, ang Punong Pinagmulan ay malulungkutin. Sa
kanyang kalungkutan siya ay napaluha. Dalawang patak na luha ang
nalaglag sa papawirin at iya'y naging ibon. Sapagka't walang pulong
madapuan ang ibon, naibulong ng Punong Pinagmulan ang "Nais kong
magkaroon ng lupa at kakahuyang dapat madapuan ng ibon." Halos hindi
pa nasasabi ito, nang sa di-kawasa, nagkaroon ng lupa at gubat.
Sa puno ng kawayan sa lupang naturan, dumapo ang ibon. Tinuktok ng
ibon ang isang biyas na kawayan. Wari'y may mahiwagang tinig na narinig,
"Lakasan mo ang pagtuktok." Nang tuktukin nang buong lakas ang biyas ng
kawayan, nabiyak ito at lumabas ang kauna-unahang lalaki. Siya ay si
Silalak. Isinunod ng ibon ang pagtuktok sa isa pang biyas ng kawayan. Nang
mabiyak ang kawayan, lumabas naman ang kauna-unahang babae. Siya
ay si Sibabay.

Activity:
Directions: Sa pamamagitan ng isang Graphic Organizer sa ibaba, ipaliwanag
ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa Mitolohiya.

Pinagmulan ng Pilipinas
Batay sa Mitolohiya

PAMAGAT PAMAGAT PAMAGAT


ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

Quarter : 1 Week : 2 Day : 5 Activity No. : 5


Competency: : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa:
a. Teorya (Plate Tectonic Theory)
b. Mito
c. Relihiyon (No Code Indicated)
Objective : Naipapaliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay sa
Relihiyon
Topic : Pinagmulan ng Pilipinas batay sa Relihiyon
Materials : Video lessons (mp4,mp3)
Reference : https://bit.ly/2ZQhqnI
Copyrights : For classroom use only.
Pending for permission.

Concept Notes:

Lahat halos ng paniniwala o relihiyon ay nagpanukala na nilalang ang


daigdig ng kinilalang Diyos. Batay sa mga sinaunang relihiyon ng mga taga
Mesopotamia, India at maging sa Pilipinas, may higit na puwersa na
naglalalang sa sinukob. Sa relihiyong Kristiyano (Christianity), nakasaad sa
aklat ng Genesis sa bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa
sandaigdigan.

Ayon sa relihiyon na Creationism, na ang daigdig ay nilikha ng


Dakilang Maykapal, na noo’y “Ama” ang kanilang tawag dito. Nilikha ang
daigdig sa loob ng anim na araw. Ito ang mga pahayag tungkol sa
ARALING PANLIPUNAN 5
UNANG MARKAHAN

pinagmulan ng daigdig kung saan kabahagi rito ang pinagmulan ng


Pilipinas ayon sa relihiyon.

Activity:

Panuto:
Basahing mabuti ang mga pahayag at kilalanin kung ano o sino ang
tinutukoy nito. Isulat ang iyong sagot sa patlang.

_______________1. Anong relihiyon ang may paniniwala na nakasaad sa aklat


ng Genesis sa bibliya ang kasaysayan ng paglalang ng Diyos sa
Sandaigdigan?
_______________2. Anong relihiyon ang naniniwala na nilikha ang daigdig ng
Dakilang Maykapal sa loob ng anim na araw?

_______________3. Ayon sa dalawang relihiyon (Christianity and Creationism),


sino ang Lumikha sa daigdig kung saan kabahagi nito ang Pilipinas?

_______________4. Sa anong aklat nakasaad sa bibliya ang kasaysayan ng


paglalang ng Diyos sa sandaigdigan?

Replikasyon:

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa ibaba nito.

Alin sa pinagmulan ng Pilipinas ang pinapaniwalaan mo:


Continental drift, Bulkanismo, Tulay na lupa, Mito o Relihiyon? Bakit?

Inihanda ni: REMANTI B. SALAZAR


T-III , Pilar District

You might also like