Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 3b:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Katotohanan
Ikaanim na Linggo
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3b: Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng
Modyul Manunulat: Irene Jane F. Zalun
Editor: Luz Marie S. Pantoja
Tagasuri: Amancio M. Gainsan Jr. Cita J. Bulangis
Tagaguhit:
Tagalapat: Luz Marie S. Pantoja
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental Tel
#: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan –Modyul 3b:
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa
Katotohanan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Isyu sa Kawalan
ng Paggalang sa Katotohanan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-a

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

i
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

i
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda
sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

i
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Isyu sa Kawalan ng Paggalang sa Katotohanan

Alamin

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO:


1. Napatutunayang ang pagiging mulat sa mga isyu tungkol sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan ay daan upang isulong at isabuhay ang pagiging
mapanagutan at tapat na nilalang. EsP10PI-IVd-14.3

2. Nakabubuo ng mga hakbang upang maisabuhay ang paggalang sa katotohanan.


EsP10PI-IVd-14.4

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at


pag-unawa:

1. Nakapaglalahad ng mga paraan kung paano maging mulat sa mga isyung


nagaganap sa ating lipunan.
2. Nasusuri ang mga sitwasyong nagpapakita ng kawalan sa paggalang sa
katotohanan.
3. Nakagagawa ng isang organizer sa pagpapanatili ng paggalang sa
katotohanan.
4. Nakapagbibigay ng posisyon sa bawat senaryo na naglalarawan ng kawalan ng
paggalang sa katotohanan.

1
Subukin

PANIMULANG PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi rason ng pagsisinungaling ng isang tao?


A. malinis sa mata ng iba
B. isyung ayaw palakihin
C. pagtakpan ang ibang tao
D. pagkwento sa totoong nangyari

2. Alin ang hindi nagpapakita ng katotohanan?


A. Pagsumbong ng isang mag-aaral sa nangyaring kopyahan sa pagsusulit
B. Pag-amin sa kasintahan na mayroon na siyang anak sa ibang babae.
C. Pagiging martir ng isang ginang kahit binubugbug siya ng kanyang
asawa.
D. Paghingi ng paumanhin ng isang host sa maling pagkadeklara ng
nanalong Miss Universe.

3. Alin ang nagpapakita ng kasinungalingan?


A. dagdag-bawas sa eleksyon
B. pagpapapanalo sa isang bidder para makakuha ng komisyon
C. hoarding
D. lahat ng nabanggit.

4. Paano ka maaaring umiwas sa kasinungalingan?


A. pumanig lagi sa katotohanan.
B. gamitin ang kritikal na pag-iisip
C. magkalap ng mga patunay.
D. lahat ng nabanggit.

5. Ito ay may napakalaking impact sa ating mga buhay lalung-lalo na sa ating mga
kabataan, kung saan ito ay nagagamit sa pagbunyag ng mga kasinungalingang
nagaganap o kaya nama’y nagagamit sa pandadaya.
A. social media
B. pera
C. sakit
D. pagbabarkada

6. Ang sumusunod ay mga paraan kung papaano maghayag ng katotohanan.


A. magpahayag sa pamamaraang simple at tapat
B. maging matapang
C. maging handa
D. Lahat ng sumusunod.

2
7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagsasabi ng totoo, maliban sa isa:
A. Makaiwas sa kalituhan
B. Makatutulong sa pagkakaunawaan
C. Magtutulak sa tao upang makakuha ng aral
D. Magbigay ng pagkabagabag sa damdamin

8. Kailangang yumakap sa katotohanan at pagiging tapat upang .


A. Pagkatiwalaan ng kapwa
B. Upang lumago ang iyong pagkatao bilang isang tao
C. Maproteksiyunan ang mga inosente
D. Lahat na nabanggit.

9. Kailan dapat hubugin ang isang tao upang matutong maging matapat.
A. Habang nasa murang edad
B. Habang dalaga at binata pa
C. Kung matanda na
D. Wala sa mga nabanggit

10. Kaninong kasabihan ang Gintong Aral na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw
mong gawin nila sa iyo.”
A. Mahatma Gandhi
B. Confucius
C. Dr. Jose Rizal
D. Pres. Rodrigo Duterte

Balikan

Marami ang maaaring maidulot ng pagsisinungaling. Ang pinakamalalang


nagagawa ng pagsisinungaling ay kamatayan. Ang pagsasabi ng kasinungalingan ay
kinamumuhian ng Maykapal. Ang katotohanan ay magbibigay ng kaluwagan sa sarili at sa
iyong kapwa.

Tuklasin

Panuto: Basihin ang sumusunod na mga senaryo. Ibigay ang iyong posisyon sa bawat isa.
Isulat sa isang buong papel. (15 puntos bawat sitwasyon)

3
Rubriks sa pagmamarka:
Nilalaman 10
Organisasyon------------------3
Dating sa mambabasa------2
Kabuuan 15 pts.

Unang Senaryo
Isang pasyente na positibo sa COVID19 ang nasa ospital. Tinanong siya ng mga health
workers kung saan-saan siya nagpupupunta ngunit hindi niya sinabi lahat. Sinabi lang niya
na nasa bahay lang siya kaya pinag-home quarantine ang lahat ng kasama nya sa bahay.
Hindi nya sinabi na nakapunta na siya sa mall at karatig barangay.
1. Bakit naging isang pagkakamali ang ginawa ng pasyente?
2. Paano itutuwid ang naging kasalanan niya?

Ikalawang Senaryo
Si Ayah ay nanghingi ng pera sa kanyang ina na tindera ng kabibe. Ito umano’y para
pambayad sa tuition. Ang kanyang bayarin ay 3,500 ngunit ang sinabi ni Ayah sa kanyang ina
ay 5,000. Ginamit ni Ayah ang sobrang pera para mag- date sila ng kanyang boyfriend.
1. Ano ang ipinakitang kilos ni Ayah?
2. May kabuluhan ba ang ginawa ni Ayah?

Ikatlong Senaryo
Si John ay may isang maliit na tindahan sa palengke. Halos kada araw ay marami ang
pabalik-balik na bumibili sa kanyang tindahan. Nagtaka ang mga kalapit tindahan kung bakit
nakapagpapaaral si John sa kanyang mga kapatid sa pribadong paaralan gayong napakaliit
lamang ng kanyang tindahan na siyang pinagkukunan nila ng hanapbuhay. Marami ang
nagtatanong sa kanyang ina kung mayroon bang ibang sideline si John. Sinabi ng ina na
ipon daw umano ni John. Si John pala ay isang tulak o pusher at kasama ito sa mga tinda
niya sa nasabing maliit na tindahan. Alam ito ng kanyang ina.
1. Sa tingin mo, anong klaseng tao si John?
2. Bakit kaya ganun ang sinabi ng kanyang ina?
3. Sa sitwasyon ni John, may pagkakataon bang naging tama ang mali at kailan naging
mali ang tama?

4
Suriin

“BE HONEST.

EVEN IF OTHERS ARE NOT


EVEN IF OTHERS WILL NOT
EVEN IF OTHERS CANNOT”

Ang pagiging totoo ay isang bagay na kinalulugod ng Diyos. Ang pagsisinungaling ay


kanyang kinamumuhian. Ang pagsisinungaling ay pagkakait sa katotohanan. Maihahalintulad
ito sa pagnanakaw.

Maraming mga bagay ang nangyayari sa ating mundo simula paggising sa umaga
hanggang sa pagtulog sa gabi. Ang iba sa mga ito ay maaaring mag-udyok sa atin na
makagawa ng kasamaan gaya ng pagsisinungaling. Halimbawa, ang pag- ho-hoarding o
iyong pagkukulang ng mga produkto ngunit ang totoo’y marami pa.

Nakaranas ka na bang bomoto? Narinig mo na ba ang minsang nangyayaring dayaan


sa halalan kung saan may pagkakataong may nangyayaring dagdag -bawas sa botohan? May
na receive ka na ba minsang mga text sa celphone na ikaw ay nanalo ng 100, 000.00? Lahat
ng mga ito ay mga gawaing kasinungalingan.

Sa kabilang dako, marami na ring mga pagkakataong tayo ay nakarinig ng mga


balita sa radyo at telebisyon patungkol sa mga taong gumagawa ng katapatan gaya ng mga
tsuper na nagsasauli ng pera at iba pang mga simpleng tao na nakagawa ng mga
mabubuting bagay. Ito ay nagpapakita ng pagiging matapat.

Kailangan nating maging tapat sa isip at sa gawa. Iwasan ang pagsisinungaling. Sabi
nga sa unang prinsipyo ng Likas na Batas Moral, “Gawin ang mabuti, iwasan ang
masama.” Habang nasa murang edad pa lamang ay kailangang itanim sa isip ng mga
kabataan na ang pagiging tapat at totoo ay isang gawaing mabuti. Magagawa ito sa patnubay
ng kanilang mga magulang at ng mga miyembro ng pamilya o kaya nama’y ang mga taong
nakapalibot sa kanila. Ika nga sa kasabihan “It takes a village to educate a child.”

Ang pagsisinungaling, kapag napabayaan ay maaaring maging makasanayan at


posibleng madala sa pang-araw-araw na buhay.

Ang pagiging mapagmatyag at ang pagkuha sa bawat panig ng sitwasyon ay isang


malaking ambag upang malaman ang katotohanan. Isumbong ang mga hindi kanais-nais na
gawain upang ito ay masupil nang maaga kaysa naman ito ay maging daan upang gayahin
ng iba.

5
Kung ang tao ay matapat siya ay bibiyayaan ng Maykapal. Sabi nga ni Confucius
sa kanyang Gintong Aral, “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa
iyo.” Huwag tumulad sa iba, bagkus maging matapat at palaganapin ito upang sa gayo’y
ang lahat ay umiwas sa pagsisinungaling at nang ang lahat ay mamuhay ng matiwasay.
Ayon nga kay Mahatma Gandhi, “ Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo
ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.”

Ikaw, ano ang iyong gagawin upang maging mulat sa mga isyung nagaganap sa ating
lipunan?

Pagyamanin

Sagutin ang sumusunod.

1. Ngayong nasa panghuling kwarter kana sa grade 10, masasabi mo bang ikaw ay naging
totoo sa iyong mga sagot sa bawat tanong sa modyul ng iyong asignatura? Pangatwiranan?
2. Ano-ano ang mga katotohanang iyong nalaman ngayong panahon ng
pandemya?
3. Ano-anong mga paraan ang magagawa mo upang maging mulat sa mga isyu ng
katiwalian at kasinungalingang nagaganap ngayong nasa panahon tayo ng pandemya?
(Magbigay ng 2 paraan)

Isaisip

Napag-alaman ko na.

Napagtanto ko na

6
Isagawa

Panuto: Maglagay ng mga hakbang upang mapanatili ang paggalang sa


katotohanan. Isulat sa loob ng bilog.

PAGPAPANATILI SA PAGGALANG SA KATOTOHANAN

Tayahin

PANGWAKAS na PAGTATAYA:

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa iyong
kuwaderno.
1. Kailan dapat hubugin ang isang tao upang matutong maging matapat.
A. Habang nasa murang edad
B. Habang dalaga at binata pa
C. Kung matanda na
D. Wala sa mga nabanggit

2. Bakit kailangang maging matapat?


A. Upang maging matiwasay ang iyong buhay at ang buhay ng iyong kapwa.
B. Upang ang pamumuhay ay masagana.
C. Upang ikaw ay kalulugdan ng Maykapal.
D. Lahat ng nabanggit

7
3. Ang sumusunod ay mga paraan kung papaano maghayag ng katotohanan.
A. magpahayag sa pamamaraang simple at tapat
B. maging matapang
C. maging handa
D. Lahat ng nabanggit

4. Paano ka maaaring umiwas sa kasinungalingan?


A. pumanig lagi sa katotohanan.
B. gamitin ang kritikal na pag-iisip
C. magkalap ng mga patunay.
D. lahat ng nabanggit.

5. Ang pagiging tapat at totoo ay


A. Nagpapahiwatig ng respeto sa iyong sarili at sa kapwa
B. Nagpapahalaga sa birtud
C. Tumatanaw para sa kabutihan ng lahat
D. Lahat ng nabanggit

6. Ito ang pinakamalalang kahihinatnan ng pagsisinungaling.


A. sakit
B. kamatayan
C. kaligayahan
D. pagkasira ng pagkatao

7. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagsasabi ng totoo, maliban sa isa:


A. Makaiwas sa kalituhan
B. Makatutulong sa pagkakaunawaan
C. Magtutulak sa tao upang makakuha ng aral
D. Magbigay ng pagkabagabag sa damdamin

8. Kaninong kasabihan ang Gintong Aral na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw
mong gawin nila sa iyo.”
A. Mahatma Gandhi
B. Confucius
C. Dr. Jose Rizal
D. Pres. Rodrigo Duterte

9. Ito ang mga taong maaaring tumulong sa paghubog sa bata upang maging matapat at hindi
maging sinungaling.
A. Miyembro ng pamilya
B. Mga guro
C. Mga pari at mga nagsisilbi sa simbahan
D. Lahat ng nabanggit

8
10. Sino ang nagsabing “ Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas
maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa iyong sarili.”
A. Max Scheler
B. Confucius
C. Mahatma Gandhi
D. Immanuel Kant

Karagdagang
Gawain

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag. Lagyan ng (S) kung sang-ayon at (DS) kung
di-sang-ayon. Ilagay ang iyong katwiran. Gawin sa kuwaderno.

Pahayag Sang-ayon (S) Pangatwiranan


o Di-sang-
ayon (DS)
1. Nagiging kasalanan ang pagsisinungaling
kung ito ay pumapanig
sa kasamaan.
2. Ang pagiging tapat ay nagbibigay sa iyo
at sa iyong kapwa ng kaginhawaan
sa buhay.
3. Maaaring masakit ang katotohanan
ngunit magdadala ng kapanatagan ng
loob.
4. Mas mainam na magsinungaling para
sa madaliang pag-angat sa buhay.
5. Dapat magsinungaling upang iaangat
ang sarili sa iba.

9
Susi sa
Pagwawasto

Tuklasin: Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.


Subukin Rubriks sa pagmamarka:
: Nilalaman 10 Organisasyon3
d Dating sa mambabasa2
c Kabuuan15 pts.
d
d
a
d
d Pagyamanin
d Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
a Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.
b Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

Isagawa: Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

Tayahin:
a
d b
d d
d b
d d
C

Karagdagang Gawain: Ang sagot ay maaaring magkaiba-iba.

Sanggunian
Bognot, Regina Mignon C. et al., 2013, Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para
sa Mag-aaral- Ikawalong Baitang, Unang Edisyon, 2nd Floor Dorm G, Philsports
Complex, Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Brizuela, Mary Jean B. et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao: Modyul para sa


Mag-aaral- Ikasampung Baitang, Unang Edisyon, 5 th Floor Mabini Bldg.,DepEd
Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP-DLP Initiated

1
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental Kagawasan, Avenue, Daro, Du


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
Email Address: Website: lrmds.depednodis.net

You might also like