Modyul 2 - Mga Batayang Kaalaman Sa Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

MODYUL 2: MGA

BATAYANG
KAALAMAN SA
PAGBASA
INIHANDA NI: DR. MARIA AGNES Q. IFURUNG
PAGBASA:
KAHULUGAN AT
KAHALAGAN
Ang pagbasa ay pagpapakahulugan o pagsasabi sa
diwa o sinasabi ng mga nakalimbag na sagisag ng
kaisipan. Sa iba, ang pagbasa ay kasanayang pangwika
na ukol sa pag-unawa sa pinagsama-samang mga
salita at diwang inihahayag ng mga ito.
May iba-ibang dahilan ang mga ito kung bakit nagbabasa. May
mga taong nagbabasa. May mga taong nagbabasa sapagkat
nag- aaliw o naglilibang sa nakababagot na mga oras.
Bumabasa sila ng mga maikling kuwento, mga tula, mga nobela,
mga komiks at iba pang mga malikhaing akda. May mga tao
namang nagbabasa upang makinabang ng mga impormasyon at
sa ganoon ay hindi sila mapag-iwanan ng takbo ng panahon.
May mga impormasyong makukuha sa mga balita sa peryodiko
at mahalaga nilang nagagamit sa pang-araw-araw nilang
pakikisalamuha sa lipunang ginagalawan. Mayroon pa ring mga
tao na nagbabasa upang kumalap ng mga kaalamang mahalaga
at kailangan nila. Nagbabasa sila ng mga aklat sa iba-ibang
larangan ng buhay at karunungan na mapakikinabangan nila sa
kasalukuyang pamumuhay at sa kanilang hinaharap.
PAG-UNAWA SA
PAGBASA
Palasak nang sinasabi ng mga dalubhasa sa larangan
ito ng kasanayan na “walang pagbasa kapag walang
pag-unawa.” Kung walang pag-unawa sa tinunghayang
mga nakalimbag na letra, yaon ay pagsasatinig lamang
ng mga salita at hindi pagbabasa.
Ano ang pag-unawa sa pagbabasa? Kinapapalooban ito ng pag-
alam ng tunay na pakahulugan sa mga sagisag ng salitang
tinutunghayan. Ito ang kakayahang kumuha sa diwa o kahulugan ng
mga salitang nakalimbag. Subukin mong ipabasa ang isang aklat.
Kapag sa 100 salita, lima rito ay nahirapan niyang intindihin, ang aklat
ay mahirap sa pag-unawa ng bata. Basahin man ang aklat na iyon ng
bata, masasayang lamang ang kanyang oras at pagod sapagkat hindi
niya mauunawaan o makukuha ang mensahe ng kanyang binabasa.
MGA TULONG SA
PAG-UNAWA SA
PAGBASA
Alamin ang singkahulugan o Kaalaman sa hiram
01 kasalungat na kahulugan ng
04 nasalita o panghihiram ng
salita. salita.

Kaalaman sa palabuuan ng Kaalaman sa kahulugang


02 salita. 05 “denotasyon” at
“konotasyon” ng salita.

Kunin ang context ng clue.


03
GAWAIN 1
Panuto: Magbigay ng 1-5 na mga salita na may Denotasyon at
Konotasyon.

Halimbawa:
Hipon - Denotasyon - Uri ng Pagkain – Dagat
Konotasyon – Babaeng pangit pero maganda katawan.
1.
2.
3.
4.
5.
MGA
KATANGIAN NG
SALITA
Nagagamit ang salita sa
01 maraming kahulugan.

May mga salitang


02 ginagamit na idyoma.

May mga salitang


03 ginagamit na tayutay.
URI NG PAGBASA
Ayon sa layunin, ang pagbasa ay maaaring masusing pagbasa
at masaklaw na pagbasa.

Ang masusing pagbasa ay maingat at puspusang pag-unawa


sa isang aralin o teksto. Maaaring ito ay bahagi ng tula,
maikling kuwento, sanaysay at iba pang akda at nauukol sa
mapanuring pag-aaral sa nilalaman at kayarian ng teksto.
Ang masaklaw na pagbabasa ay karaniwang itinakda
ng guro nang maaga at ginagawa sa labas ng silid-
aralan. Maaring ito ay ang buong maikling kuwento,
kabana ng nobela o isang drama kaya nakatuon ang
pag-unawa sa mga tauhan at pangyayari sa halip na
mga detalye ng akda.
MGA
KASANAYAN SA
PAGBASA
Nagtala sina Smith at Dechant ng ilang kasanayan sa pagbasa
o ibinubuga sa mambabasa ng kasanayan sa pagbabasa.

PAGKILALA SA SALITA
Nagiging pamilyar sa paningin ng sanay magbasa
ang salitang paulit-ulit niyang natutunghayan sa binabasang
mga teksto o aklat kaya. Malaki ang naitutulong nito sa pag-
unawa sa pagbabasa.
01
PAG-UNAWA SA SALITA
Nagiging mahusay umunawa sa kahulugan ng
mga salita ang sanay magbasa. Ang isang mapagbasa ay
kaibigang matalik ang diksyunaryo na kanyang sinasangguni
kapag nakakatagpo ng mga bagong salita sa akdang kanyang
binabasa.
02
TULIN SA PAGBASA
nang tahimik. Kapag nasanay na siyang bumasa,
mawiwili na siyang magbasa at sa paulit-ulit niyang
pagbabasa, uunlad din ang tuling niyang bumasa.

03
Yumayaman ang talasalitaan
Sa pagbabasa, nakakatagpo siyang mga bagong salita na kapag
nauunawaan niya ang kahulugan ay nagagamit na sa pagpapahayag
at nagiging talasalitaan na niya. Maaring sadyain niya ang
pagpapayaman sa kanyang bokabularyo na habang siya sa isang
kuwaderno ng mga bagong salita na aalamin niya ang kahulugan at
gagamitin lagi na sa kanyang mga pagpapahayag.

04
Nagiging mapanuri sa pagbasa at pagpapahalaga.
Higitna nagiging mapanuri at nagpapahalaga sa binabasa ang
isang sanay sa pagbabasa. Nagiging mapili siya sa mga aklat
na binabasa bunga nito. Lalo ring humuhusay ang pag-unawa
niya kanyang binabasa habang inuugali niya ang pagsusuri
pagpapahalaga sa mga binabasa.
05
Sanay bumasa sa pagitan ng mga linya.
(reading between the lines). Nasasabi niya ang natatagong
kahulugan o pahiwatig na kahulugan sa binabasang mga
pangungusap.
06
Nakapag susuri ng mga material upang makuha ang mga
pangunahing kaisipan at layunin sa pagbabasa.

07
Maliwanag na pagbasa ng pasalita.
08
Natutong gumamit ng graph, mapa at tsart.

09
Marunong gumamit ng aklatan at mga sangguniang aklat.

10

You might also like