Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

School: St. Theresa’s School of Novaliches Inc.

Grade Level: Five

Grades 1-12 Teacher: Savana D.R. Umali Learning Area: ESP


DAILY LESSON
Teaching Dates and November 21-25, 2022, Quarter: Second Quarter
LAG
Time:

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naisasagawa ang pang-unawa sa mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang tunay na kahulugan ng pakikipagkapwa tao.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang s aiyo ang mga sumusunod na kasanayan:
(Isulat ang code ng bawat kasanayan)  Natalalakay ang paggalang sa mga dayuhan at iba pang kultura.
 Nasusuri ang kaibahan ng mga dayuhan at mga kultura nito.
 Naisasagawa ang paniniwala ng mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan.
EsP5P-IIb-23
II. NILALAMAN KAKAIBA PERO PAREHO
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa Kagamitang Pang Mag-aaral LM 1-9
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Panturo Larawan, tsart, bond paper
III. PAMAMARAAN
A. Balik Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula Magbigay ng opinyon ukol sa mga nabanggit na kalamidad o
ng bagong aralin. suliranin. Ipahayag mo ang iyong naramdaman sa mga nakita mong ginagawang
tulong at pagmamalasakit ng pamahalaan sa mga naapektuhan ng kalamidad.

1. Pagputok ng Bulkang Taal


2. Lindol sa Davao
3. Bagyong Yolanda

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong makakita ng dayuhan o katutubo?


Saan mo sila nakita? Ano ang ginawa mo noong nakita mo sila?
A. Bago natin talakaying mabuti ang aralin, alamin mo muna ang kahulugan
ng mga sumusunod na salita:
• Dayuhan
• Kaugalian
• Kultura
• Katutubo
B. Basahin ang maikling kuwento at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

KAKAIBA PERO PAREHO


Patungo sa Baguio ang mag-anak na Cruz.Habang nasa sasakyan ay nakita ni
Lovie ang mga batang naglalaro sa kalsada, maiitim at kulot ang buhok at ang liliksi
nilang kumilos at tumakbo. Sila ang mga Aeta o mga katutubo. Kakaiba sila sa ating
buhok at maitim ang kanilang kulay pero sila ay Pilipinong katulad din natin.
“Kakaiba pero pareho lang ng ating lahi, mga Pinoy din sila, ang pagpapakilala ni Liane
na nakatatandang kapatid ni Lovie.

Nang dumating sila sa Baguio ay nakita naman nila ang mga batang iba ang
kasuotan at sumasayaw habang tumutugtog. “Sila ay mga Igorot, mga katutubo sila
dito sa Baguio”, sabi ng kanilang ama. “Pinoy din po ba sila Daddy?”, tanong ni Lanz,
ang isa pang anak ng mag-asawang Cruz. “Oo, sila ay mga Pinoy din katulad natin”.
Maya maya ay nakakita naman sila ng grupo ng mga Amerikano. “Sila naman ay mga
Amerikano na mula sa Amerika. Pumupunta sila dito sa ating bansa para mamasyal.
Iba rin ang kanilang anyo. Sila ay matangkad, maputi ang buhok at matangos ang
ilong. Hindi sila mga Pinoy. Sila ay mga dayuhan sa ating bansa. Maraming dayuhan
ang pumupunta dito sa ating bansa upang mamasyal,” ang wika ni Lola Rosie.

May mga lahing katutubo sa Pilipinas na iba ang anyo at kaugalian sa atin
ngunit sila ay kapwa din natin mga Pilipino. May mga dayuhan naman na iba din ang
anyo at kaugalian sa atin. Igalang natin sila at respetuhin ang kanilang tradisyon o
kaugalian. Sabay sabay na sumagot ang mga anak, “Tama!” Kakaiba pero pareho
nating kapwa Pilipino ang mga katutubo.”
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong Gawain 1
aralin Base sa iyong nabasang kuwento, sagutin ang mga sumusunod na tanong:
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
______ 1. Saan papunta ang mag-anak na Cruz?
a. Bulacan b. Bohol c. Bataan d. Baguio
______ 2. Ano ang dapat nating gawin kapag nakakita tayo ng mga dayuhan?
a. pagtawanan b. awayin c. batuhin d. batiin at ngitian
_____ 3. Bakit sila sinabing kakaiba pero pareho?
a. dahil kakaiba ang kanilang anyo pero parehas nating Pinoy
b. dahil kakaiba ang kanilang kaugalian pero parehas nating Pinoy
c. dahil kakaiba ang kanilang pinagmulan pero parehas nating dapat igalang
d. lahat ng nabanggit
_____ 4. Ang mga nakita ng mag-anak ay tinatawag nating mga _______.
a. dayuhan at katutubo b. kabataan c. kaibigan d. kapamilya
_____ 5. Ang mga Pilipino ba ay may iba’t ibang anyo at kaugalian?
a. tama b. mali
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Gawain 2
ng bagong kasanayan #1 Lagyan ng tsek (/) ang kahon kung ito ay tamang gawain at ekis (X) kung maling gawain.
1. 2.

3. 4.

5.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad Gawain 3


ng bagong kasanayan #2
A. Isulat sa patlang ang titik ng wastong sagot.
_____ 1. Ang mga Amerikano, Koreano, at Intsik ay masasabi nating mga ____.
a. katutubo b. dayuhan c. kababayan d. kalahi
_____ 2. Alin sa mga sumusunod ang masasabi mong katutubo?
a. Bisaya b. Ilokano c. Kapampangan d. Ita
_____ 3. Anong pangkat ng mga dayuhan ang napakarami sa Pilipinas?
a. Amerikano b. Australyano c. Intsik d. Hapon
_____ 4. Alin sa mga sumusunod na pangkat ang maituturing na tunay na Pilipino?
a. Bumbay b. Mangyan c. Intsik d. Koreano
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang pangkat ng katutubo na karaniwang makikita
sa Metro Manila?
a. Mangyan b. Igorot c. Ita o Aeta d. Tausug
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative B. Isulat ang masayang mukha kung tama at malungkot na mukha kung
Assessment) mali ang ipinapahayag ng pangungusap.
______ 6. Binigyan ni Elsa ng pagkain ang pulubing naglalakad sa kalsada.
______ 7. Pinagsabihan niya ang nakita niyang mga bata na pinagtatawanan ang mga
Igorot sa kanilang kasuotan.
______ 8. Sinamahan ni Mang Bong sa barangay ang Amerikano na naliligaw upang
makauwi sa tinutuluyang bahay.
______ 9. Tumakbo palayo ang mga kabataan ng makakita sila ng mga Tsino.
______ 10. Sinisisi ng pamilya Monte ang kanilang kapitbahay na nagkasakit ng Covid19.
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na Bilang isang bata, ano ano ang maari mong gawin upang maipakita mo ang
buhay pagmamalasakit mo sa iyong kapwa? Paano mo sila matutulungan kung dumating
ang panahon na sila ay mangangailangan? Ilahad ang mga bagay na maari mong
ibigay na tulong sa iyong kapwa. Isulat sa kahon ang iyong sagot sa pamamagitan
ng pagsulat ng talata.
H. Paglalahat ng Aralin Pangwakas na Pagsusulit
A. Isulat ang TAMA kung nagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa at
MALI kung hindi.
________ 1. Ikinandado ng mga kapitbahay ang bahay ng isang pamilya na may sakit
na Covid-19 upang hindi ito makalabas.
________ 2. Iginagalang ng mga Muslim ang paniniwala at tradisyon ng mga Mangyan.
________ 3. Pinagbabawalan ng pumunta sa Pilipinas ang mga Tsino.
_______ 4. Ang pamunuan ng barangay ay lumibot sa lugar na kanilang nasasakupan
upang mamigay ng ayuda sa mga residente.
_______ 5. Pinaalis ng may ari ng paupahan ng bahay ang nangungupahan na Igorot
sapagkat ito daw ay nakakahiya ang kasuotan.
I. Pagtataya ng Aralin B. Gumupit ng limang (5) larawan ng iba pang katutubo at dayuhan. Idikit ito sa isang
malinis na bond paper. Isulat ang kanilang anyo, kaugalian, at pinagmulan.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at Gumawa ng poster sa islogan na nakasulat sa ibaba. Iguhit ito sa
remediation kahon.
“Ang pagkutya sa kapwa ay iwasan sa halip ipakita ang pagmamahal.”
V.MGA TALA
VI.PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B. Bilang ng mga-aaral na nangangailangan ng iba
pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng
mag-aaral na nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa
remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
nasolusyunan sa tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitan ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like