Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

PAGSUSULIT SA FILIPINO 11

Pangalan: ___________________________________ Seksyon: ______________________


Iskor:_____

Pangkalahatang panuto. Ang pagsusulit na ito ay tataya sa kaalamang natutuhan, basahin at unawain nang mabuti
ang bawat pahayag at isulat ang sagot sa espasyo bago ang aytem.
I. Malayang pagpili. Piliin ang titik ng napiling sagot.
1. Ang kakayahang umunawa at gumamit sa kasanayan sa ponolohiya, morpolohiya, sintaks, semantika at
ortograpiya.
a. Kakayahang Pragmatik
c. Kakayahang Sosyolinggwistik
b. Kakayahang Istratedyik
d. Kakayahang Linggwistik
2. Kilala bilang isa sa mga modernong paraan sa paggamit ng wika sa pagpapadaloy ng impormasyon
a. Vlogging
c. radyo at telebisyon
b. Texting
d. lahat ng nabanggit
3. Siya ang kinikilalang may-akda ng dulang Sinag sa Karimlan na nagpapakita ng kultural na aspekto sa
lipunang Pilipino?
a. Sigrid Andrea P. Bernardo
b. c. Severino Reyes
c. Dionisio S. Salazar
d. d. Manuel L. Quezon

4. “Siguro kaya tayo iniiwan ng mga mahal natin dahil may darating pang ibang mas magmamahal sa’tin
‘yung hindi tayo sasaktan at paaasahin… ‘yung magtatama ng lahat ng mali sa buhay natin.”-Jhon Lloyd
Cruz bilang Popoy, One More Chance (2007). Ano ang implikasyon nito sa realidad na buhay?
a. Magmahal lamang hanggang makita ang tunay na para sa iyo.
b. Kailangang pahalagahan bawat minuto na may nagmamahal sa iyo.
c. Maraming tao sa mundo, kayat wag mabahala.
d. Kaakibat ng pagmamahal ay ang pagkadama ng sakit at pagdurusa.
5. Ito ay mga espesyalisadong salitang ginagamit sa isang partikular o tiyak na larangan sa iba’t ibang
disiplina.
a. Jargon
b. c. Pidgin
c. Register
d. d. Creole
6. Ang mga sumsunod ay halimbawa ng diptonggo maliban sa isa.
a. aruy at away
b. bahay at kahoy
c. agiw at aliw
d. reyna at hari
7. Ito ang uri ng komunikasyon na ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa kahulugan
ng mga mensahe. Ano ito?
a. di-berbal
b. b komunikasyon
c. c. berbal
d. d. wala sa nabanggit
8. Ang depinisyon nito sa talatinigan ay ang akto ng pagpapahayag ng ideya at kaisipan sa pamamagitan ng
pasalita o pasulat na paraan. Ano ito?
a. Kakayahan
b. Komunikasyon
c. Kahulugan
d. Kontroler
9. Anong uri ng komunikasyon ang hindi gumagamit ng mga salita bagkus ay ginagamitan ng mga kilos o
galaw ng katawan upang iparating ang mensahe?
a. Di-berbal
b. Komunikasyon
c. Berbal
d. Lahat ng nabanggit
10. Tumutukoy ito sa kakayahang magamit ang berbal at di-berbal na mga hudyat upang mabatid nang
malinaw ang mensahe at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan, ano ito?
a. Kakayang Pragmatik
c. Kakayahang Sosyolinggwistik
b. Kakayahnag Istratedyik
d. Kakayahang Diskorsal
11. Ano ang kakayahang natutukoy ang mensaheng sinasabi at di-sinasabi, batay sa kinikilos ng taong kausap
at natutukoy ang kaugnayan ng mga salita sa kanilang kahulugan, batay sa paggamit at konteksto?
a. Kakayahang Pragmatik
c. Kakayahang Sosyolinggwistik
b. Kakayahang Istratedyik
d. Kakayahang Linggwistik
12. Ang mga sumusunod ay mga maaaring pagkunan ng paksa ng isang sulating pananaliksik maliban sa isa.
a. Karanasan
c. Pagmamasid
b. nagaganap sa lipunan
d. balita sa mula sa kapit-bahay
13. Isang sistematiko, pormal, mahigpit at eksaktong prosesong ginagamit upang humanap ng mga lunas sa
suliranin o makahanap at makapagbigay-kahulugan sa mga bagong kaalaman at kaugnayan.
a. Wika
b. Komunikasyon
c. Pagsulat
d. Pananaliksik
14. Pangongopya ng datos, mga ideya, mga pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig
at iba pa na hindi kinikilala ang pinagmulan o kinopiyahan.
a. Plagyarismo
b. Pagwawasto
c. Pananaliksik
d. Pangangalap
15. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng klaster maliban sa isa.
a. Plagyarismo
b. klase
c. kwaderno
d. bughaw
Para sa aytem 16-23 Tukuyin ang mga dapat isaalang-alang sa Epektibong Komunikasyon ayon kay Dell Hymes
na ginamit ang acronym na SPEAKING, isulat ang titik ng tamang sagot mula sa kahon.

a. Setting c. Ends e. Keys g. Norms


b. Participant d. Act Sequence f. Instrumentalities h. Genre

Ang mga taong kasangkot sa pakikipagtalastasan.

16. Tumutukoy sa tono ng pakikipag-usap, nararapat na isaalang-alang ang sitwasyon ng usapan.


17. Mahalagang malaman o alamin kung tungkol saan an gang usapan o paksa ng usapan.
18. Ang tsanel o midyum na ginamit, pasalita man o pasulat.
19. Tumutukoy sa lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ang mga tao.
20. Tumutukoy sa diskursong ginagamit sa pakikipag-usap.
21. Binibigyang pansin nito ang takbo ng usapan.
22. Tumutukoy sa layunin at pakay ng pakikipagtalastasan.

II. Tama o Mali. Isulat ang A kung ang unang pahayag ay tama at ang ikalawang pahayag ay mali; isulat
ang B kung ang unang pahayag ay mali at ang ikalawang payahag ay tama;isulat ang C kung ang
dalawang pahayag ay tama; isulat ang D kung ang dalawang pahayag ay mali.
23. (1) Hindi kailangang pag- aralan ang komunikasyon dahil ito ay natural na simula pa nang tayo`y
pinanganak. (2) Pinag-aaralan lamang ang komunikasyon ng mga taong hindi naniniwala sa kanilang mga
sarili.
24. (1) Sa Internet, marami nang website ang mapagkukunan ng mga impormasyon o kaalamang nasusulat sa
wikang Filipino, (2) ngunit nananatiling wikang Ingles pa rin ang pangunahing wika rito.
25. (1) Walang masama kung tayo’y matutong magsalita ng wikang banyaga at maging multilinggwal, (2)
ngunit kailangan nating patatagin ang ating sariling wika para sa sarili na rin nating kapakinabangan.
26. (1) Hindi sapat na ang isang tao’y matuto sa wika at makapagsalita, (2) marapat ding maunawaan at
magamit nito nang tama ang wika.
27. (1) Sa interaksyon ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral, kailangang bigyan ng pantay na pagkakataong
makilahok sa iba’t ibang gawain nang malinang ang kani-kanilang kakayahan. (2) Sa guro nakasasalay
ang paglinang ng kakayahan ng isang bata.
28. (1)Matagumpay ang komunikasyon kung nagkakaunawaan ang nagsasalita at ang kausap. (2) Ang
miskomunikasyon ay nangyayari lamang kapag pinagpipilitan ng isang tao ang kanyang paniniwala sa
isang taong may ibang kultura at tradisyon.
29. (1) Bahagi ng ating buhay ang ginugugol sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. (2) Masasabi natin na
ang komunikasyon ay isang natural na pangyayari sa ating buhay.
30. (1) Marami sa mga Pilipino ang hindi ganap na bihasa sa pagsulat sa wikang sarili. (2) Marami pa ring
nagkakamali sa simpleng paggawa ng pangungusap.
31. (1) Ang Internet (social media) ay daan sa pagpapadali ng komunikasyon sa pagitan ng magkaibigan at
mga mahal sa buhay, (2) samantalang may mga hindi namang mabuting idinudulot ng mga ito sa tao.
32. (1) Sa Internet, Ingles pa rin ang pinadominanteng gamiting wika ng mga impormasyong nababasa,
naririnig at napapanood, (2) may mga impormasyon ding nakatala sa wikang Filipino.
33. (1) Sa pakikipagtalastasan, mahalagang maunawaan ang intensiyon ng nagsasalita, (2) upang maiwasan
ang miskomunikasyon mahalagang malinaw ang sinsasabi ng nagsasalita.
34. (1) Magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung ito ay isinasaayos. (2) Hindi mahalagang
maunawaan ng tagapakinig ang nagsasalita.
35. (1) Nakalilikha ang isang tao ng kanyang mga pick-up lines at hugot lines mula sa kanyang mga
karanasan at nakikita,(2) hindi maganda ang naidudulot ng mga ito sa kabataan.

III. PAGHAHANAY (37-56)

Tukuyin ang mga sumusunod na terminolohiya na ginagamit sa iba’t ibnag larang at piliin kung saang
larang ginamit o angkop ang mga salita.

Ihanay ang mga sumusunod na terminolohiya na ginagamit sa iba’t ibnag larang at tukuyin kung saang
larang ginamit o angkop ang mga salita. Gamitin ang talahayan sa pagsulat ng sagot.

Saving swimming doktor interes


guro Maikling Kwento task pony taekwondo
Nobela lawyer Sanaysay Physician
Fencing Withdraw Volleyball Balancing
Soneto Parabula deposit driver

Larangan Larangan Larangan Larangan


LITERATURA PROPESYON ISPORT BANGKO

37. 42. 47. 52.


38. 43. 48. 53.
39. 44. 49. 54.
40. 45. 50. 55.
41. 46. 51. 56.

IV. Kakayahang Komunikatibo.

Panuto. Tukuyin kung ano ang mali o walang mali sa mga sumusunod na pangngusap. Isulat lamang ang
titik na makikitang mali, kung wala isulat ang titik D.

57. Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang kabataang tulad mo. Walang mali.
A B C D
58. Magdiwang tayong lahat ngunit panalo na tayo. Walang mali.
A B C D
59. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay. Walang mali.
A B C D
60. Sila ay mahusay sa iba’t ibang larangan. Walang mali.
A B C D
61. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa? Walang mali.
A B C D
62. Walang imposible kung ang bawat isa sa pamilya ay magkakaisa. Walang Mali.
A B C D
63. Huwag sanang magsasawa ang kanilang magulang na turuan sila ng turuan. Walang Mali.
A B C D
64. Gabayan at paalalahanan sina sa kanilang pagharap sa totoong buhay. Walang Mali.
A B C D
65. Magkaisa Tayo para sa isang mabuting layunin. Walang Mali.
A B C D
66. Maraming salik ang nakaaapekto sa moralidad at pag-iisip ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon. Walang Mali.
A B C D

B. Panuto. Bilugan ang salitang aangkop sa pangungusap.

67. Lakad (ng,nang) lakad ang pulubi sa daan.


68. Ang tipo (kong, kung) lalake ay maginoo pero medyo bastos.
69. Pinagbuksan niya ng (pinto,pintuan) ang kanyang mga bisita.
70. Ako ay ikaw (din,rin) kapag gumagawa ng takdang-aralin.
71. (Sundin,Sundan) moa ng alituntunin ng ating paaralan para sa ikagaganda ng record.
72. Si Marko ang siga (nang, ng) Maynila.
73. (May,Mayroon) kaming binabalak sa Idol Week.
74. Huwag mong kalilimutang (pahirin, pahiran) ang iyong muta sa umaga.
75. (Walisin, Walisan) moa ng mga tuyong dahon sa bakuran.
76. (Kung, Kong) pwede lang sana, unahin niyo muna ang pag-aaral bago maglaro at mag-Facebook.
77. Huwag mong kalimutang (Pahiran, Pahirin) ang iyong muta sa umaga.
78. (Pahiran, Pahirin) mo ng palaman ang tinapay.
79. Nagmamadaling inakyat ni Marvin ang (Hagdan, Hagdanan)
80. Umalis ka dyan sa may (Hagdan, Hagdanan) baka ikaw ay mahulog.
81. (Ooperahan, Ooperahin) sa mata si Aling Maria sa Sabado.
82. (Ooperahan, Ooperahin) si Aling Maria sa mata sa Sabado.
83. May kumakatok. Buksan mo nga ang (Pinto, Pintuan).
84. (Walisan, Walisin) nga ninyo ang kalat sa sahig.
85. (Sundan,Sundin) mong lagi ang sinasabi ng iyong mga magulang dahil para ito sa iyong kabutihan.

HINDI SAPAT NA ANG TAO’Y MATUTO NG LENGGWAHE AT MAKAPAGSALITA, MARAPAT DING


MAUNAWAAN AT MAGAMIT NITO NANG TAMA ANG WIKA.

Inihanda nina:

RACHELLE B. LAGADON
ALGIE DULDULAO
(mga guro sa Filipino)

You might also like