Professional Documents
Culture Documents
Suring Pelikula
Suring Pelikula
Suring Pelikula
---------HENERAL LUNA----------
I. PAMAGAT
Heneral Luna
May-akda:
Jerrold Tarog
Henry Hunt Francia
E.A Rocha
Genre:
III. PAKSA
Ang paksa ng pelikulang Heneral Luna ay ukol sa kung paano
kinaharap ng isang magiting na Heneral Antonio Luna ang mga
pagsubok sa kaniyang buhay tulad nalang kung paano siya at ang
kaniyang hukbo na nakipagsapalaran laban sa mga mababagsik na
Amerikano para makuha ang kalayaan ng Inang Bayan (Ang
Pilipinas) kahit kapalit pa nito ang kanilang mismong buhay at
kung paano namatay si Heneral Luna sa kamay ng mga kapwa niya
Pilipino sa kabila ng kaniyang pagmamahal sa bayan at kung
papaano siya naging inspirasyon sa mga ito.Ang pelikula naito ay
tungkol rin sa mga problema ng ating pamahalaan noong datipa
man,tulad nalang ng may mga takwil sa ating pamahalaan at hindi
tayo nagkakaisa sa iisang layunin/paraan,tulad nalang ng layunin
na makaalis sa pananakop ng mga Amerikano o tayo na mismong
mga Pilipino ay nagkakagulo na sa ating pamahalaan..
IV. BISA
(Sa isip)
Naimpluwensiyahan ng pelikula na ito ang pagiisip ng mga
manonood ukol sa ating pamahalaan at maging sa kasaysayan.
Namulat nito ang mga kaisipan na hanggang ngayon ay hindi parin
talaga natin lubusang kilalaang ating mga bayani , at naipakita rin
dito sa kanila na may mga bagay na nangyari dati na nakaaapekto
sa mga pangyayari ngayon sa bansa.
(Sa damdamin)
Napukaw ng pelikulang ito ang damdamin ng bawat manonood
bata,matanda,estudyante o mga magulang man.Halo-halong
emosyon ang nadama marahil ng mga manonood,maaaring
nalungkot dahil sa nangyaring kalupitan kay Luna na sinaksak at
binaril ng mga kapwa niya mismo Pilipino,nagalit sa mga taong
walang awa na pinatay si Heneral Luna sa kabila ng mga ginawa
nito para sa Bayan,nainis sa ibang tao na nasa pamahalaan na
walang ginawa kundiang magpakasaya sa kabila ng paghihirap
ngibang Pilipino,natuwa dahil sa mga binitiwang kataga ni Heneral
Luna o naiyak dahil kahit sa huling sandal ng kaniyang buhay ay
naging matapang parin si Luna at siyay kinatakutan parin ng mga
kawal.
V. MENSAHE
Gustong ipabatid ng pelikulang Heneral Luna na dapat mahalin
natin ang ating sariling bansa,bago pa man angibang bansa,bago
pa ang ating sarili.Dapat nating ipagtanggolang ating bansa sa
mga mananakop,gaya ng ginawa niHeneral Luna.Huwag rin tayong
magiging sakim sa ating kapangyarihan,dapat nating alamin ang
mga limitasyon natin sapagkat lahat ng kasamaan ay may
masamang bunga.Higit sa lahat,bago pa man natin ayusin ang
problema na dala ng mga dayuhan,dapat ay resolbahin muna
natin ang mga problema nating mga kapwa Pilipino sapagkat
paano nga ba natin maaayos angibang bagay kung tayong
mismong mga Pilipino ay watak-watak na.
VI. TEORYANG GINAMIT
Humanismo
THE HEALING
I. Pamagat : THE HEALING
II. Tauhan
a. Vilma Santos- bilang Seth (pangunahing tauhan)
b. Kim Chiu- bilang Cookie (kapatid ni Jed sa parehong tatay)
c. Jhong Hilario- bilang Dario Mata (ang binuhay at ginamot ni Manang
Elsa at siya rin ang puno’t dulo ng kamatayan ng mga tao sa pelikula)
d. Daria Ramirez- bilang Manang Elsa (ang tagagamot o “faith healer”)
e. Martin del Rosario- bilang Jed (anak ni Seth at kapatid ni Cookie)
f.Janice de Belen- bilang Cita (ina ng batang nagpa "healing")
g. Pokwang- bilang Alma (nagtatrabaho sa Dubai na nagpa "healing")
h. Carmi Martin- bilang Bles
i. Cris Villanueva- bilang Ding
j. Ynez Veneracion- bilang Greta
k. Robert Arevalo- bilang Odong
l. Mark Gil- bilang Val
m. Allan Paule- bilang Ruben
n. Mercedes Cabral- bilang Kell
o. Ana Capri- bilang asawa ni Melchor
III. Kwento
> Ang pangunahing tauhan sa pelikula na si Seth ang unang nakaalam tungkol sa
sinabing manggagamot at siya ring ang nagdala sa mga kasamahan niya kay Manang
Elsa para magpa-healing. Lahat ng mga kasamahan niya ay gumaling ang kalagayan
ngunit may naging kapalit ito sa kanila. Isa-isa silang namatay tuwing nakikita nila
ang kanilang “doppelganger”, simula sa unang nagpahealing hanggang sa huli. Ang
pagkakamatay muli ni Dario ang tanging sagot sa problemang ito.
> Ang kabuuang pelikula ay makatotohanan tingnan at talagang maganda dahil
madaling naiintindihan at maliwanag ang pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari. Totoong hindi hinabi ang pelikula para lamang manggulat at manakot sa
mga manonood, pagkat maliwanag na may kuwento itong isinasalaysay. Maihahambing
na rin sa mga pelikulang imported at nakahihigit ang kalidad ang pagkakagamit ng
CGI (computer generated images) sa The Healing, bagama’t wala itong bagong
naidagdag sa genre. Sa katunayan, ang mga ipinakita dito ay “lumang tugtugin” na,
halimbawa, ang paggamit ng uwak upang magpahiwatig ng nakaambang kapahamakan.
Nakakasawa din ang paulit-ulit na gimmick na ginamit kapag nababaliw na ang mga
pasyente—kikilos nang kakaiba; magdidilim ang mukha; manglalaki, tila luluwa, at
magpapaikot-ikot ang mata. Kapag nasa punto nang iyon, tiyak, papatay na siya, at
papatayin din ang sarili. Nawawala tuloy ang “gulat”, nagiging predictable.
V. Paksa/Tema
VI. Cinematograpo
"Tayo rin ang haharap sa mga bunga ng ating mga ginagawa" pinakita sa pelikula na
ang basta bastang pagpasok o paggawa ng desisyon mula sa desperasyon ang siyang
magdadala sa atin sa kapamahakan. Huwag dapat tayong magpadalos-dalos sa
anumang gagawing desisyon natin sa buhay. Alamin muna ang sanhi at magiging bunga
nito, hindi lamang para sa iyong sarili kundi pati na rin sa ikabubuti ng ibang tao
dahil ito pa ang magdadala sa atin sa sitwasyong hindi mabuti na humantong lamang
sa pagsisi.
Suring-Pelikua: Anak
Suring-Pelikula Anak
1. Tauhan
Mahusay na nagampanan nila ang papel bilang mga tauhan sa kwento. Dahil natural ang kanilang
mga galaw at walang naiilang sa pagganap sa kanilang tauhan. Ito ay pagsasabuhay ng kwento ng
karamihang sa OFW's na iniiwan ang kanilang mga anak sa Pilipinas at pupunta ng ibang bansa upang
kumita ng malaki para lang mabuhay.
2. Istorya o Kwento
Buod
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabaho sa Hong Kong bilang
domestic worker. Ginawa niya ito upang makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan
ang kanilang pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng magandang
kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila, tiniis nya ang mga pasakit ng
kanyang amo at ang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang hindi na pagtatrabaho sa Hong
Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na
pagsalubong ng mga anak. Si Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael
(Baron Geisler) ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man lamang ang
atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya ang kanyang mga anak. Nakita
niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo,
paghihithit ng rugby, panlalalake at paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang
kinaharap, ang pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang mga
anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga kasosyo niya dahil nagastos
nito ang perang ibabahagi sana niya.
Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang ehemplo katulad ng anak
niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa
kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni
Josie sa kanila bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-loob
si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang kapatid na siyang gagabay
sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.
Ang kwento ay kapanapanabik dahil ipinapakita nito kung ano ang nangyayari sa mga OFW na umaalis
papuntang ibang bansa at uuwi dito sa Pilipinas ng puno ng kasabikang makita ang mga anak ngunit
dahil sa matagal siyang nawala sa kanila at hindi na niya gaano kilala ang kanyang mga anak.
Malalim ang hatid ng istorya dahil ito ay makatotohanan, ang fokus nito ay kung paano mabigay ng ina
ang kanyang pagkukulang sa kanyang mga anak upang bumalik ang loob ng mga ito sa kanya. Ang
paglabas ng mga tagong detalye sa pelikula ay mabagal ang pag usad pero hindi masyadong nahuhulaan
agad ang susunod na mga pangyayari dito. Ang pelikulang ito ay dapat panoorin dahil pinapahalagan
nito ang isang pamilyang at pinapakita ang isang tunay na pamilyan pilipino.
3. Pananalita
Sa pananalita ay walang ilangansa pag ganap sa kanilang mga tauhan pagdating sa mga dayalogong
kanilang saasabihin, ginagampanan ang tamang dayalogo para sa isang sitwasyon sa pelikula na walang
halong arte sa gaganapin na kung dapat pagdatin sa mga eksenang dapat mahinahon ay dapat
mahinahon rin ang pananalita, kapag nasasabik naman ang tabuhan ay dapat yun rin ang kalalabasan ng
kanyang pag arte at pagdating naman sa mga pag aaway na mga dayalogo ay dapat buhos ang
expression ng mukha hindi lang sa pagdadayalogo na parang walang tuldok.
4. Tema o Paksa
Ang tema ng pelikulang ito ay ang maipahatid sa mga manood, hindi lang sa mga simple manonood
kundi para sa mga manonood ng may kapamilyang OFW na sanay maintindihan nila ang mga
pinagdadaan nila doon, ang mga pagsubok na kinakaharap, and hirap na mawalay sa pamilya sa Pilipinas
at ang pagpapahalaga ng isang ina sa kanyang mga anak, na umalis siya sa Pilipinas upang maging OFW
para pa iahon niya ang kanilang buhay dito sa Pilipinas.Bilang isang manonood, naiitindihan ko ang isang
buhay ng OFW pero hindi gaanong naiintindihan dahil ang hirap na dinaranas nila doon ay masmabigat
kesa sa nararanasan natin dito sa Pilipinas, karapatdapat talaga silang tawaging mga bagong bayani
dahil sa kanilang paghihirap para sa kadahilanang maiangat ang kanilang buhay at lalong lalo na para
sa kanilang pamilya.
5. Titulo
Ang titulong Anak para sa pelikulang ito ay angkop na angkop. Sinisumbolo nito ang mga hamon sa
inang hindi na gaanong kilala ang kanyang mga anak at ito ang nagiging mitsa ng pagkakaroon ng
magandang agos ng pelikula.
6. Cinematograpo
Mahunas ang mga angulo ng camera dahil alinaw ang bawat eksenang nagaganap at gumamit ng
realistikong pamamaraan ng pag angulo ng mga camera. Hindi nasusukat ang visual effects sa
kagandahan ng pelikula kundi kung paano ang kwento dumadaloy at kung paano gampanan ng mga aktor
ang kanilang papel. Kailangang ma adjust ang galaw ng aktor dahil tinatawag rin itong chase scene sa
mga pelikula.
7. Aspektong Teknikal
Ang mga sumisingit na mga musika sa mga emotional na parte ng kwento ay mashinihila nito ang mga
manonood na umiyak sa o maging emotional rin kagaya ng nanood sa pelikula. Akma ang pagpapalit-
palit ng mga eksena dahil nagiging sunod sunod ang pag daloy ng kwento para mas maging epektibo
ito. Ang paka coordinated ng mga kagamitan sa set ay umaakma dahil tamang tama at hindi lumabis
ang lighting effects o ilaw at ang tunog rin. Wala masyadong special effects ang naganap sa pelikula
dahil hindi naman sci-fi, action o iba pa ang kategorya ng palikula kundi drama, maliit lang dito ang
papel ng kompyuter. Ang pagkadugtong dugtong ng mga kinunang eksena ay nagbigay ng magandang
resulta dahil maganda ang pagkakagawa at pagkasunod sunod ng mga ito.
I. Pamagat: 3 IDIOTS
II. Tauhan:
g. Rahul Kumar bilang si Manmohan "MM" aka Millimeter- isang boy sa eskwelahan nagging
kaibigan niya rin sila Rancho
III. Kwento:
Para kila Raju at Farhan, napakahirap ng buhay nila bilang isang kolehiyo
sapagkat nariyan ang kanilang director na binansagan nilang “Virus” na pumipiga sa
kanila at ginagawang masalimuot ang buhay kolehiyo lalo na sa kanilang kurso. Ngunit
salamat kay Rancho sapagat lagi siyang nariyan upang tulungan ang kanyang kaibigan.
Gayon na lamang ang pasasalamat nila kay Rancho sapagkat sa bandang huli ay
nakamit nila ang kanilang nais.
IV. Banghay ng Pangyayari:
V. Paksa/ Tema:
Ito ang ugali na makikita sa ating bida na si Rancho. Kahit na maraming problema
ang dumarating, naroon pa rin yung pananaw niya na masosolusyunan ang lahat.
VI. Cinematograpo:
Huwag ispin lamang ang problema, isipn mo agad kung paano itomareresolba. Kung
hindi man maresolba, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat ang lahat ay magiging
maayos rin.
0
Suring Pelikula(BALER)
BALER
I.Direksyon
Sa direksyon ni Mark Meily isa sa mga pinakamagaling na director sa ating panahon. Isa siyang award winner
director dahil nagkamit siya ng 3 bilang best director sa pelikulang “baler”, best screenplay sa pelikulang “La
visa loca at best screen play and director sa pelikulang Crying Ladies. Kaya hindi maipagkakaila na maggaling ang
ginawa niyang pagdidirek sa pelikulang baler patunay nalang ang nakamit na award ng pelikulang ito. Nagkamit ito
ng 26 na award at 16 nomination kaya hindi maitatanggi na isa sa mga magagandang pelikula ang baler.
II.Istoryang Pampelikula
Ang istorya ng pelikulang ito ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan kahit na magkaiba ang
kanilang mga dugo at tutol ang kanilang mga magulang ay piliit nilang pinaglaban ang kanilang pag-ibig kahit
III.Pagganap
DJ Durano ... Pablo
Rio Locsin ... Azon Reyes
IV.Sinematograpiya
Anggulo – nasa tama ang position ng camera kaya maganda ang kinalabasan.
Kasuotan- makaluma ang mga kasuotang ginamit panahon pa ng kastila ang ginamit. Bagay na bagay sa
pelikula ang mga damit na ginamit at nabigyan nito ng kulay at linaw ang pelikula.
Ilaw- nasa tama naman ang mga ilaw nito at kitang kita ang mga inaarte nang mga artista.
V.Disenyong Pamproduksyon
Disenyong pamproduksyon ay akmang akma sa sinematograpiyanito pati sa istorya. ginanap ang taping ng
Makaluma ang mga ginamit na disenyo at akmang akma sa istorya nito at para kang bumalik sa sinaunang
panahon.
VI.Editing
Simple lang ang ginawa ng editor sa peliulang ito. Karamihan kasi sa pelikulang ito ay natural. Kaya
VII.Musikal Iskoring
Napakasimple nang mga musika nito parang 90’s pa ang mga sound effect na ginamit ngunit tumugma
naman ito sa pelikula. Kung aking mamarkahan ang musical nito ay 5/3 lamang dahil kakaunti lamang ang mga
dinagdag.
VIII.Paglapat ng Tunog
Noong mga oras na nanonood ako ng pelikulang ito wala naman ang masayadong napasin sa tunog nito
parang wala din akong narinig na background song ngunit ayos lang dahil bagay din naman ito sa pelikula
5/2
IX. Buod
Ang Baler ay nagsimula sa dalawang magkasintahan na sina Feliza at Celso. Sila ay nagmamahalan ng patago
sapagkat si Celso ay isang sundalong Espanyol at si Feliza ay isang Pilipino. Sa panahong ito ay nasa loob ng
pananakop ng Espanya ang Pilipinas at nagsimula ang komplikadong pangyayari ng makipagsabwatan ang ama ni
Feliza na si Daniel sa kampo nina Collonel Villacorte pinagsama nila ang kanilang samahan.
Nang kanilang simulan ang paglusob ay nagulat ang mga Espanyol sapagkat wala silang alam sa mangyayari. Sa
sobrang lakas ng pwersa ng mga Pilipino ay kailangan pa nilang lumipat sa simbahan at doon ay wala silang sapat
na pagkain at inumin. Si Gabriel naman na kapatid ni Feliza ay tumakas nang sila ay lumilikas upang di madamay sa
darating na digmaan. Isang beses habang sila ay nagmimisa sa sobrang gutom ay bumagsak na lamang bigla ang
pare na si padre Candido Gomez Carreno, Tuwing naghahatid o nagbibigay ang mga Pilipino ng pagkain ay
sinasalubong ito ng mga Espanyol gamit ang isang puting bandila at pagdating ng gabi ay napag-utusan sina Lope
at Celso na magtungo sa kuta ng mga Pilipino at doon ay sinunog nila ang isang kubo upang mawala ang intension
ng mga ito. Habang nagkakasunog ay kinuha nila ang mga manok at iba pang pagkain. Nagkita si Feliza at Celso at
doon ay hindi nila napigilan ang mga sarili at sila ay nagyakap napansin sila ng ama ni Feliza na si Daniel mabuti na
lamang at mas nakuha ng sunog ang pansin ng ama nito.
Isang beses pa nga ay nagsagawa ng isang handaan ang mga Pilipino sa harap ng simbahan. Sa pagbibigay ng
pagkain ng mga Pilipino ay isang beses ay nagpresinta si Feliza na sya ang mag-aabot nito, si Celso naman ang
tatanggap. Dumaan ang maraming arw at nalaman ni Celso na si Feliza pala ay pinagbubuntis ang kanilang anak. At
dahil doon ay nagplano ang ilang sundalong espanyol na tumakas, noong sila ay tatakas na ay biglang nagising ang
kanilang pinuno at bigla namang bumaliktad ang kanyang kasama at sinabing na siya ay gustong tumakas. At dahil
doon ay napagpasyahang hatulan ng kamatayan si Celso siya ay pinahirapan at sa kalaunan ay binaril. Halos isang
taon din ang nakalipas bago tuluyang sumuko ang mga Espanyol Matapos sumuko ay agad na hinanap ni Feliza si
Celso ngunit hindi niya ito natanaw kaya siya tumakbo sa loob ng simbahan at doon niya nakita ang si Celso na
patay na.
X. Aral O mensahe
Ang pag-ibig ay mahirap pigilan lalo na sa taong lubos na nagmamahalan. Hindi ito matitinag kahit na mayunos na
dumaan.