Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

JAY-R: Ayun. Ahh. Magandang hapon sa’yo.

Ako si Jay-R Salamat, s’ya naman si


Mariztella Abuel. Kami ay 4th year Psychology (student) ng Southern Luzon State
University. Nandito kami ngayon upang ikaw kapanayamin tungkol sa iyong
kasaranasan sa paglalaro at pagiging manager ng play-to-earn games. Ahh, unang-
una ang interview na ito ay confidential. Ahh ngayon tatanungin namin ang iyong
pangalan pero hindi ito maiisama dun sa research para maitago ang iyong
pagkakakilanlan. Pangalawa, ay ang voluntary par.. par.. participation ito ay
boluntaryong partisipasyon lamang at kapag hindi ka komportable sa interview’ng ito
ay maari mong sabihin sa amin at kung naisin mo man na umayaw ay maaari parin.
Ahh para simulan ang katanungan sa.. sa interview,
JAY-R: Ano ang iyong pangalan?
JOVERT: Ang pangalan ko ay Jovert Danez De Dios.
JAY-R: Ilang taon kana po?
JOVERT: 20.. ah 21
JAY-R: Taga-saan ka po?
JOVERT: Mayao Parada, Lucena City
JAY-R: Ikaw ay…
MARIZTELLA: Manager or scholar?
JOVERT: Ano.. parehas. Halos parehas ay.. inabot ko s’ya parehas
JAY-R: Scholar muna?
JOVERT: (inaudible) scholar then nahawakan ko s’ya parehas
MARIZTELLA: Ilang years kang or months ka naglaro?
JOVERT: Ano.. more.. more than one year. Ganon
JAY-R: Para sa unang katanungan sa unang parte ng aming interview guide, ahh
ano ang iyong unang ompresyon sa paglalaro ng play-to-earn game?
JOVERT: Ang una kong impresyon sa paglalaro ng play-to-earn is yung ano parang
palagi kang mapupuyat baga kumbaga yun.. para palagi kang puyat ‘pag naglalaro
ka para matapos yung mga ano… mga… meron kasing anu yun.. may mission kasi
yun eh kailangan mong matapos, yun parang ganon.
JAY-R: Paano mo nalaman ang konsepto ng play-to-earn games?
JOVERT: Nanggaling lang din yun sa mga ano sa mga kaibigan ko yun edi sinabihan
nila ako yung mga kaibigan ko yung.. and then pinanuiod ko sa youtube kung paano,
kung paano mo s’ya lalaruin, paano s’ya iinstall yun ganon lang
JAY-R: Ikaw ay nagsimula sa pagiging scholar, paano ka nagdesisyon na?
JOVERT: Hindi, ang nagsimula.. nagbili akong sariling account para pero mero..
meron din akong scholar
JAY-R: Hmmmm
JAY-R: Ano ang mga nalalaman mo tungkol sa play-to-earn games?
JOVERT: Sa play-to-earn games (inaudible) ang play-to-earn games kasi ay
kailangan mo munang bagang mag-invest, mag-iinvest, mag-iinvest ka ng pera
para.. para kumita ka kum.. kumbaga sure naman yun kung makakapag-ano ka
return of investment ka ron
MARIZTELLA: Ano sa palagay mo bakit maraming Filipino yung naengganyo sa
mag-invest sa play-to-earn games?
JOVERT: Yun na nga, kasi ano.. kaya maraming Filipinong willing mag-invest sa
play-to-earn kasi malakas s’ya kumita, malakas, malakas s’ya kumita kumbaga sa..
sa 14 days.. 14 days nun kumita kami nun 24k, 14 days lang yun (inaudible)
JAY-R: Sa tingin mo ano ang mga kalamangan at kabawasan or ang advantage at
disadvantage nang paglalaro ng play-to-earn games?
JOVERT: Ang advantage kasi ng… paglalaro ng online games is yun nga marami
kang pera kumbaga’y marami kang pera na mahahawakan kaso nga lang ang
disadvantage nito yung kumbaga kagaya ko napatigil ako pag-aaral yun hindi ko na..
nung last year napatigil ako dapat ay 4th year na rin ako. Yun ang para sa akin yun
ang mga naging disadvantage
JAY-R: Sa iyong palagay, ano ang pinaka mainam or the best na play-to-earn game?
JOVERT: Ang pinaka nilaro namin nun is Axie eh, Axie kasi.. malakas kasi yun nun
ang Axie eh, malakas s’ya kumita
MARIZTELLA: Sa tingin mo mas maganda ba na isa nalang yung lalaruin or
madaming lalaruin?
JOVERT: Mas maganda “pag madami kasi ‘pag mas madami marami kang kikitain
JAY-R: Bukod sa Axie Infinity, ano pa yung nilaro mo?
JOVERT: Crypto blades, mga Defypet. Mga ganon
JAY-R: May manager at scholar din?
JOVERT: Oo, ganon din yun, halos lahat may manager at scholar
JAY-R: Gaano ka.. kaa.. mag kadalas maglaro ng play-to-earn games? Mga ilang
oras sa isang araw?
JOVERT: Ay yung dati kasi halos dun na’ko, halos dun na talaga umiikot yung oras
ko kumbaga’y lahat full time, full time ako minsan don kaya ako’y napatigil na din
JAY-R: Tas araw-araw ito? Sa isang…
JOVERT: Oo, araw-araw
MARIZTELLA: Nakaapekto ba yun sa relasyon mo sa family mo, sa friends mo? Mga
ganon
JOVERT: Parang ganon na din, parang nakakaapekto s’ya kasi syempre nakain s’ya
ng oras.. mga ganong oras
JAY-R: Anu-ano ang iba pang naidulot sa iyo nang paglalaro play-to-earn games ah
sa nasabi na kanina natin yung mga advantage at disadvantages na kumikita ka sa
paglalaro ng play-to-earn games. Ano pa sa tingin mo ang..
JOVERT: Ang mga naidulot?
JAY-R: Oo, na sa palagay mo ay positive?
JOVERT: Siguro yung mga ano, nagkaron ako ng mga kaibigan na kumbaga sa
online yun yung mga parang positive para sa’kin kasi yun nagkaroon ng tiwala
(inaudible)
JAY-R: Sa ano naman, sa aspetong negative. Halimbawa, ay sa stress? Nakaranas
ka ba ng stress?… (inaudible)
JOVERT: Oo, nakaranas akong stress eh kumbaga’y hindi mo matatapos yung ano
kasi bitin ka sa oras. May oras kasi yun, sa oras
JAY-R: Paano itong stress na’to nakaapekto sa’yo?
JOVERT: Syempre yung kumbaga’y parang papa.. syempre papagalitan ako ni
Manager ko kapag hindi ko natapos yung.. mission ko
MARIZTELLA: (inaudible)
JAY-R: Napabayaan mo ba ang iyong sari.. sarili sa paglalaro ng play-to-earn game?
JOVERT: Oo, oo napabayaan ko ‘pag minsan ay almusal ko na’y ‘pag ka
pagkagising ko almusal ko na’y nagcecellphone na ako.. (inaudible)
JAY-R: Tas nabanggit mo rin kanina yung sa puyat ano?
JOVERT: Oo, sa puyat
JAY-R: Ahhh.. (mariztella inaudible) may pagkakataon ba na nairitta ka or nagalit
habang naglalaro ka ng play-to-earn games?
JOVERT: Oo, madami, meron. Maraming beses kasi minsan ‘di ko talaga maiwasan
talaga yung mapapasabi ka ng mga abi ka ng mga bad words
JAY-R: Bukod sa pagsasabi ng bad words, may iba pa bang nangyari na kapag galit
ka?
JOVERT: Ano, kapag yung inutusan ako ‘pag naglalaro ako yun yun yung parang
ganon na nga eh naglalaro ako syempre
(silence)
JAY-R: Ayan, para sa huling parte ng ating interview kailan ka nagsimulang maglaro
ng play-to-earn games?
JOVERT: Ano talaga? Yungg..month talaga o yung?
JAY-R: Kahit
JOVERT: Ano matagal na eh, mga last year pa
JAY-R: Ito yung bago magpandemic
MARIZTELLA: During?
JAY-R: Or pandemic?
JOVERT: Pandemic na s’ya, pandemic na
JAY-R: Uhmmm
MARIZTELLA: Masasasbi mo ba na sikat during pandemic yung play-to-earn
games?
JOVERT: Oo, sumikat s’ya halos nag-ano s’ya boom s’ya sa facebook
MARIZTELLA: Kung…
JAY-R: Ngayong unti-unti nang bumabalik yung mga mag-aaral pumapasok na sa
school yung mga nagtatrabaho bumabalik na sa kanilang trabaho o at hindi na
online. Sa palagay mo, nakaapekto ito sa mga manlalaro ng play-to-earn games?
JOVERT: HIindi, ang play-to-earn games kasi ay ano eh bumabagsak din s’ya
bumabagsak and then kapag bumagsak s’yempre yung mga naglalaro mas pinipili
nalang uli nila magtrabaho parang ganon
JAY-R: Uhhh
MARIZTELLA: Kung hindi nagkaroon ng pandemic tingin mo maglalaro ka pa din ng
play-to-earn games?
JOVERT: Siguro oo, kung meron ‘pag syempre
MARIZTELLA: Uhhhh
JOVERT: Sasabay ka parin
MARIZTELLA: Pero ngayon naglalaro ka pa din?
JOVERT: Wala na kasi bumag.. bumagsak na s’ya eh parang dead na s’ya eh.
Mahina na ang kita
JAY-R: Anong mga dahilan kung bakit ka nakipagsapalarang pumasok sa mundo ng
play-to-earn games?
JOVERT: Siguro ano.. maano din ng kaibigan halos naimpluwensyahan lang din ng
kaibigan. Syempre naano ako sa kanila kumikita silang pera, nabibili nila yung gusto
nila kaya ayun pumasok narin ako nag invest din ako sa play-to-earn games
MARIZTELLA: Magkano yung pinakamalaki mong.. yung kita?
JOVERT: Ahh, pinakamalaki?
MARIZTELLA: Oo
JOVERT: Sa isang buwan o sa 14 days?
JAY-R: Sige, sa 14 days
JOVERT: Ah sa 14 days kasi nun ang pinakamalaki ko nun umabot ng 26k ata, 25-
26 14 days
MARIZTELLA: San mo nilaan?
JOVERT: (laughing)
MARIZTELLA: (laughing)
JOVERT: Wala sunog din eh, naano ako. Kung saan-saan ko lang din dinadala.
JAY-R: Pero nakatulong ito ano, itong perang ito sa iyo?
JOVERT: Oo, nakatulong
MARIZTELLA: Sa family
JOVERT: Sa family. Kaso’y napasabong din, nasunog na din eh
JAY-R: (laughing)
MARIZTELLA: Ayun
JOVERT: (laughing)
JAY-R: Anong maipapayo mo sa mga kapwa mo manlalaro at manager sa paglalaro
at pagmamanage ng play-to-earn games?
JOVERT: Ang akin, ang maipapayo ko lang kumbaga’y syempre kikita sila habang
malaki pa samantalahin nila kasi may time kasing bumabagsak s’ya eh bumabagsak
s’ya hindi yung… kagaya ngayon bagsak na s’ya kailangan dapat nakapag-ipon na
sila simula pa lang nila para may hawak silang pera
JAY-R: Ayun lang ang aming mga katanungan at maraming salamat at napaunlakan
mo kami na interviewhin ka ngayon. Thank you
MARIZTELLA: Thank you
JOVERT: (inaudible)
MARIZTELLA: 8 minutes
JOVERT: Okay na yun?
JAY-R: Salamat
JAY-R & MARIZTELLA: (inaudible)

----different voices----
JAY-R: Ahh, magandang hapon sa iyo. Ako si Jay-R Salamat s’ya si Mariztella
Abuel, kami ay 4th year psychology ng SLSU sa Lucban Main Campus at nandito
kami ngayon upang ikaw ay kapanayamin ukol sa iyong karanasan sa play-to-earn
game. Ahh ang aming interview guide ay nahahati sa tatlo. Una, ay para malaman
anfg knowledge or kaalaman ng mga manlalaro pati na ang persepsyon ng mga
manlalaro ng play-to-earn games. Pangalawa ay ang eksplorasyon ng mga
karanasan ng mga manlalaro ng play-to-earn games at ang pangatlo ay upang
malaman kung bakit ba naeenganyo ang mga manlalaro ng p,ay-to-earn games sa
paglalaro ng play-to-earn games. Unang-una ang ating interview ay confidential, ang
anumang makalap naming impormasyon ay hindi makakalabas at para sa purpose
research lamang. Tatanungin ka namin kung ano ang iyong pangalan ngunit sa
mismong research namin ay ito ay papaltan ng code name. Pangalawa ay ang
voluntary participation, ito ay boluntaryo lamang at kung sakali man na hindi kana
komportable sa interview na ito ay maaari kang ahhm umayaw na kung hindi ka
komportable na habang ininterview namin. Upang simulan ang aming interview
guide. Ano ang iyong pangalan?
PAUL: Paul Joshua R. Carabido
JAY-R: Ilang taon kana po?
PAUL: Twen..ty two
JAY-R: Taga-saan ka po?
PAUL: Tagaaaaa Ibabang Dupay, Red-V, Lucena City
Mariztella: Ilang taon..
Jay-R: Ilang months ka nang naglalaro ng play-to-earn games?
Paul: Ahmmm yung start ko ay October, 2021 then nag end ako ay May 2022
Mariztella: Scholar o..
Jay-R: Ikaw ay scholar o manager?
Paul: Ah nung una scholar ako then nag invest ako ng own ano ko own account ko
then binenta ko din s’ya
Jay-R: Bale masasabi ba nating scholar yung pinagbenta mo?
Paul: Ah masasasbi ko scholar ako at the same time hindi ko naman masasabi na
manager ako kasi wala naman akong pinapa-scholar na account
Jay-R: Para sa unang parte ng ating interview, ano ang iyong unang impresyon sa
play-to-earn games?
Paul: Syempre ahh nung una na-curious ako kasi nga pwede pala yung ano pwede
pala tayong kumita ng habang naglalaro
Jay-R: Paano mo nalaman na nag play-to-earn games?
Paul: Ah nung una ahh nalaman ko ito sa syempre sa mga social media’s doon ako
kumuha ng ideas then nagtanung-tanong din ako sa mga kaibigan ko then may
nakapagsabi sa akin gumawa daw ako ng discord account then dun marami akong
makikillala na pwedeng tumulong sa akin
Jay-R: Anong mga nalalaman mo tungkol sa play-to-earn games?
Paul: Ah nalalaman ko sa play-to-earn games? Nung una wala pa talaga akong
nalalamn then nagresearch ako ng iba’t-ibang pwedeng ah gawin na kunwari ahh for
example ahh paano nga ba kumita rito sa play-to-earn games then paano ito laruin
then paano mo mamamanage yung iyong time and ano and other
Jay-R: Sa tingin mo anong kalamangan at kabawasan o ang advantage at
disadvantage nang paglalaro ng play-to-earn games?
Paul: Syempre ang advantage is kumikita ka habang naglalaro ka at the same time
ahm nakakatulong ka sa iyong mga magulang pero ang disadvantage nito
nababawasan yung oras mo sa iba’t-ibang gawain tulad ng iyong responsibilidad mo
sa iyong pamilya then sa iyong pag-aaral, yun
Jay-R: So iyong palaga, anong pinaka mainam o pinaka the best na play-to-earn
game?
Paul: Ahmmm bale talo lang naman yung play-to-earn games na nalaro ko. Yung
una is Axie then Pegaxie then yung cyberball
Jay-R: Cyberball, sa Cyberball may manager din?
Paul: Oo, same lang din sila ng concept
Mariztella: Tingin mo anong mas maganda yung nagfofocus ka lang sa isang laro or
madaming lalaruin mong play-to-earn games?
Paul: Depende yan sa tao siguro para sa’kin focus ka sa ano ay ano maglaro ka
nang iba’t-ibang games kasi para mas marami yung iyong ma-earn, ma-earn
Jay-R: Gaano ka kadalas maglaro ng play-to-earn games?Mga ilang oras sa isang
araw?
Paul: Ahhm siguro ahh maximum na yung six hours
Jay-R: Ilang araw ito ahmm araw-araw?
Paul: Ahh araw-araw?
Jay-R: Araw-araw kang naglalaro?
Paul: Araw-araw naman s’ya then ‘pag meron lang akong talagang araw na hindi ko
kayang maglaro yun hindi ako naglalaro
Jay-R: Ahhh ang mga naidulot sa’yo ng paglalaro ng play-to-earn games, nasabi mo
kanina yung advantage nito yung ano kumikita tayo habang naglalaro at ang
disadvantage naman na sa oras na parang time consuming. Ano pang naidulot nito
sa’yo, sa palagay mo sa positive ba may mga yung mga friends na nakilala mo dahil
dito ay nakatulong sa’yo?
Paul: Yun marami akong friends na nakilala then maraming
Mariztella: Then? Sige-sige
Paul: And then marami akong ano syempre yung nabiling bagay na gusto ko. Ahh
ano pa ba? Socialize ganon
Jay-R: Magkano ang ano, kinita mo sa play-to-earn games? Kung okay lang?
Paul: Ahh yung buong laro ko?
Jay-R: Oo
Paul: Siguro hindi ko kasi masasabi exact
Mariztella: Yung pinaka malaki nalang na kinita mo?
Paul: Siguro mga total ay thirty thousand to thirty thousand above
Jay-R: Saan mo inilaan yun na?
Paul: Thesis (laughing)
Jay-R: Oww. So advantage din ito ano?
Paul: Oo
Jay-R: Nakatulong sa iyong thesis. Punta naman tayo sa disadvantage or negative
effects. Ahh nakapagbigay ba sa iyo ng stress ang paglalaro ng play-to-earn games?
Paul: Ahmm nung una may stress talaga kasi as a scholar kailangan mong galingan
sa paglalaro then kasi nga nung una hindi pa ako, wala pa ako masyadong kaala..
kakaunti pa yung aking kaalaman ngunit nung tumagal ay syempre natuto narin ako
ah so nakakstress din nung una kasi parang merong na s’yang ano merong tawag
dito yang yung parang tawag yung parang kailngan mo bang galingan sa paglalaro
kasi nga may manager kang ano
Jay-R: Paano nakaapekto itong stress na’to like nakaapekto ba s’ya yung pag-aaral
or sa relasyon mo sa pamilya
Paul: Yung siguro sa ano nalang behavior ko ron pag minsan syempre minsan
mabilis ako magalit kapag lalo na ‘pag nasestress ako ron sa laro
Jay-R: Nung…
Paul: Minsan nagagalit kahit walang dahilan
Jay-r: Nabanggit mo ano na ika’y nagagalit dun sa play-to-earn games or may
pagkairita, pagkainis
Paul: Oo
Jay-R: Dahil ba ito ron sa play-to-earn games lose streak ano? Anu-anong paano
nakaapekto ito don sa sa iyo anong ginawa mo nung nung naiinis ka o nagagakit ka
hindi naman ba dumating sa point na tinatapon yung cellphone, ganon
Paul: hindi naman
Jay-r: Hindi naman
Paul: Is ano, yung ginawa ko nalang siguro ahmm nagpahinga lang ako nang
kaunting oras then inisip ko kung ano yung the best way na pwede kong gawin para
maibalik yung aking laro. Ahh
Jay-R: Ang kasunod na tanong naman ay kung napapabayaan mo ang iyong sarili
habang naglalaro ng play-to-earn games, nakakakain ka ba ng, sa tamang oras?
Paul: Ahhmm nakakakain naman ako pero sa tamang oras hindi, hindi siguro dahil
Mariztella: Sa tulog?
Jay-R: Okay naman?
Paul: Ooo, okay naman ako sa tulog
Jay-R: Hindi ka naman napuyat?
Paul: Hindi ako napupuyat kasi nag-aaral pa ako eh
Jay-R: Para naman sa ikatlong parte, para malaman ang rason kung bakit
naengganyo ang mga manlalaro sa paglalalaro sa mga play-to-earn games. Ahh
nasabi mo noon na nagsimula ka ng October 20..
Paul: 2021
Jay-R: 21. Ito ba’y sakop ng pandemic ano?Lockdown
Paul: Oo, sakop
Jay-R: Sakop s’ya ng pandemic
Jay-R: Ahhhhhmm
Mariztella: Bakit maraming Pili…
Jay-R: Bakit maraming Pilipino ang naeenganyo
Mariztella: Nagsimula
Jay-R: Naenganyong mag-engage dun sa play-to-earn games sa palagay mo noong
pandemic
Paul: Syempre, marami ang nawalan ng trabaho tapos lahat naman ay walang
ginagawa sa bahay syempre yun siguro yung nagtulak sa kanila para maglaro ng
play-to-earn games
Jay-R: edi masasabi mo na sikat ito noong panahon ng pandemya?
Paul: oo, sikat s’ya
Jay-R: Ngayong unti-unti nang bumabalik sa dati ang paraan ng pagtatrabaho o at
pag-aaral ng personal kasi dati online ‘diba?
Paul: Oo
Jay-R: Online lang ‘diba? Sa’yong palagay, ano ang naging epekto nito sa play-to-
earn games? Umuunti ba o dumami? Lalo ang manlalaro ng play-to-earn
Paul: Ah ngayon umuunti na kasi syempre nagkakaroon na nang face-to-face
classes syemp.. yung ano yung mga students ang gusto’y ano eh mga naglalaro nan
eh. Yun umuunti na s’ya kasi nawawalan na ng oras yung iba maglaro
Jay-Rl: So ikaw hanggang ngayon naglalaro ka parin?
Paul: Ahmm naglalaro ako pero hindi na s’ya play-to-earn games
Jay-R: Hindi na s’ya 6 hours everyday?
Paul: Hindi na ako naglalaro
Jay-R: Ahh hindi kana naglalarong play-to-earn games?
Paul: Hindi na
Jay-R: Bakit hindi kana naglalaro?
Paul: Ahhh hindi na s’ya magandang ano ngayon hindi na s’ya friendly community
ahm wala narin halos yung kinikita kasi gawa nung nagkakaroon tayo ng inflation
rate then yun dagdag n’yo pa yung yung giyera sa ibang bansa na kung saan yung
mga apektadong countries ay sila yung ano yung malaki ang investment sa mga
play-to-earn games
Jay-R: Anong mga dahilan kung bakit ka nakipagsapalaran na pumasok sa mundo
ng paglalaro ng play-to-earn games?
Paul: Paulit nga nung question
Jay-R: Pa.. ano yung dahilan kung bakit ka nakipagsapalaran na pumasok?
Paul: Ahh nung una syempre mahilig, mahilig nung bata pa ako mahilig talaga ako
sa mga play ahh sa mga video games
Jay-R: Oo
Paul: Ahhmm syempre nung pandemic ahh habang syempre naglalaro din ako ng
video games nun, naisip ko o na o narinig ko rin sa iba na pwede palang kumita ng
habang naglalaro so yun nacurious ako kaya ako naengganyo maglaro
Mariztella: Pero kung hindi nagkaroon ng covid 19 pandemic, maglalaro ka parin ba?
Paul: Siguro hindi,
Mariztella: Hmmmmm
Paul: Kasi nga focus muna ako sa pag aaral
Jay-R: Anong.. ano maipapayo mo sa mga kapwa mo manlalaro tungkol sa paglalaro
ng play-to-earn?
Paul: Ahh siguro maipapayo ko ay yung magkaroon ng time management then
maging ahh huwag I-focus yung buong buhay n’ya sa paglalaro kasi ang paglalaro
ay syempre may oras yan may para sa ano lang yan may hindi yan parang
habambuhay ahh kailangan magfocus tayo sa mismong goal natin sa buhay
Jay-R: Ayun lang ang aming mga katanungan at maraming salamat at napaunlakan
mo kaming kapanayamin ka ngayong araw na ito. Thank you
Mariztella: Thank you, Mama

You might also like