Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

MATAAS NA PAARALANG RIZAL HIGH SCHOOL

Caniogan, Pasig City

Katitikan ng Pulong

Hanay B
12 - STEM ( Diamond )

Ipinasa ni:
Tinasas, Ma. Cristina P.

Nobyembre 25, 2022

Ipinasa kay:

Bb. Michelle Layson


Filipino sa Piling Larang ( Akademiko )
TALAAN NG NILALAMAN

● Kahulugan

● Uri ng Katitikan ng Pulong

● Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong

● Mga Dapat tandaan sa pagsulat ng

Katitikan ng Pulong

● Katangian ng Katitikan ng Pulong

● Halimbawa ng Katitikan ng Pulong

● Layunin ng Katitikan ng Pulong

● Kahalagahan ng Pagkakaroon ng Katitikan ng Pulong

● Mga Sanggunian
KAHULUGAN NG KATITIKANG PULONG
Ang Katitikan ng Pulong ay isang uri ng dokumentong nagtatala ng
mahahalagang diskusyon at desisyon. Ito ay dapat na organisado ayon sa
pagkakasunod sunod ng mga puntong napag-usapan at makatotohanan. Sa Ingles,
ito ay pwedeng maihambing sa “minutes of the meeting“.

URI NG KATITIKAN NG PULONG


● Ulat ng Katitikan
- Ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala.

● Salaysay ng Katitikan
- Isinasalaysay lamang ang mahahalagang detalye ng pulong.

● Resolusyon ng Katitikan
- Nakasaad lamang ang lahat ng isyung napagkasunduan ng samahan.

MGA MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG


PULONG
a.) Heading
- Nakatala rito ang pangalan ng kompanya, samahan, organisasyon o
kagawaran kasama na rin ang petsa, lokasyon, at maging ang oras ng
pagsisimula ng pulong.
b.) Mga Kalahok o Dumalo
- Ang taong nanguna sa tagapagdaloy ng pulong, pangalan ng lahat
nang mga dumalo. Maging ang pangalan ng mga liban o hindi
nakadalo ay nakatala rin dito.
c.) Pagbasa o pagpapatibay ng nagdaang Katitikan ng Pulong
- Pagbabagong isinagawa sa nakalipas na katitikan ng pulong.
d.) Action items o usaping napagkasunduan
- Ang mahahalagang tala hinggil sa mga paksang tinalakay. Ang taong
nanguna sa pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol
dito.
e.) Pabalita o Patalastas
- Hindi kadalasang nakikita sa Katitikan ng Pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay maaring ilagay ang
bahaging ito.
f.) Iskedyul ng susunod na Pulong
- Kailan at saan gaganapin ang susunod na pulong.
g.) Pagtatapos
- Oras na nagwakas ang pulong.
h.) Lagda
- Pangalan ng kumuha ng Katitikan ng Pulong.

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG KATITIKAN


NG PULONG
● Bago ang Pulong
- Magpasiya kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong
gagamitin.
- Tiyaking ang gagamitin mong kasangkapan ay nasa maayos na kondisyon
- Gamitin ang adyenda para gawin nang mas maaga ang outline o balangkas
ng katitikan ng pulong.
● Habang Isinasagawa ang pulong
- Sikaping makilala kung sino ang bawat isa
- Itala kung anong oras nagsimula ang pulong.
- Itala lamang ang mahahalagang ideya o puntos.
- Itala ang mga mosyon o mga suhestiyon.
- Itala at bigyang-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan.
- Itala kung anong oras natapos ang pulong.
● Pagkatapos
a.) Gawin o buoin agad ang katitikan ng pulong.
b.) Huwag kalimutang itala ang pangalan ng samahan o organisasyon,
pangalan ng komite at uri ng pulong.
c.) Itala kung anong oras ito nagsimula.
d.) Isama ang listahan ng mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna
sa pagpapadaloy ng pulong.
e.) Basahing muli ang katitikan ng pulong bago tuluyang ipasa sa
kinauukulan.
f.) Ipasa ang sipi ng katitikan ng pulong sa kinauukulan.

KATANGIAN NG KATITIKAN NG PULONG


● Ito ay dapat organisado ayon sa pagkakasunod ng puntong napag-usapan at
makatotohanan.
● Ito ay dokumentong nagtatala ng mahahalagang diskusyon at desisyon.
● Dapat ibinabatay sa adyendang unang inihanda ng tagapangulo o pinuno ng
lupon.
● Maaring gawin ito ng kalihim, encoder/typist, o reporter sa korte.
● Dapat maikli at tuwiran ito, walang paligoy ligoy, walang dagdag-bawas sa
dokumento.
● Dapat ito ay detalyado, nirepaso, at hindi kakikitaan ng katha o pagka-bias sa
pagsulat.

LAYUNIN NG KATITIKAN NG PULONG


● Naipababatid sa ibang kasapi ang mga naganap.
● Nagsisilbing gabay upang maalala ang lahat ng detalye.
● Maaaring maging bahagi ng kasaysayan sa paglipas ng panahon.
● Magbigay ng Impormasyon para sa mga susunod na pulong.
● Nagsisilbing ebidensya kung sakaling magkaroon ng pagtatalo sa isang
organisasyon.
● Nagsisilbing paalala sa mga responsibilidad.

KAHALAGAHAN NG PAGKAKAROON NG KATITIKAN NG


PULONG
● Naipapaalam sa mga sangkot ang mga nangyari sa pulong.
● Nagsisilbing gabay upang matandaan ang lahat ng detalye ng pinag-usapan o
nangyari sa pulong.
● Maaring maging mahalagang dokumentong pangkasaysayan sa paglipas ng
panahon.
● Ito’y batayan ng kagalingan ng indibidwal.

MGA SANGGUNIAN:
https://prezi.com/p/r61qqwphbeyz/katitikan-ng-pulong-humss-d-group-1
https://quizlet.com/555233264/katitikan-ng-pulong-flash-cards
https://m.youtube.com/watch?v=dp8tFVwpMdg
https://www.scribd.com/document/456683741/Katitikan-ng-Pulong
https://www.coursehero.com/file/75105814/Kahalagahan-ng-Katitikan-ng-pulongdocx
https://www.coursehero.com/file/49702815/KATITIKAN-NG-PULONGdocx/

You might also like