Professional Documents
Culture Documents
Co Lesson Plan Health 4 Quarter 1
Co Lesson Plan Health 4 Quarter 1
II. PAKSA
PAGKAING LIGTAS AT TAMA
III. MGA KAGAMITAN
A. Sanggunian
Teacher’s Guide Most Essential Learning Competencies (MELCs) p. 347
Anu-ano ang mga pagkaing inihahain ng iyong mga magulang para sayo?
https://www.youtube.com/watch?v=0t-Z80z9Hus
Itanong:
Tungkol saan ang napanood?
Anu-ano ang magandang aral na napulot mo mula sa video presentation?
Kailangan ba natin itong isabuhay o gawin? Bakit?
Si Ana at ang kanyang nanay ay nanggaling sa palengke upang mamili ng kanilang pagkain para sa
kanilang pananghalian. Pagdating sa bahay, “Nanay, ano po ang lulutuin natin?” tanong ni Ana. “Ang
lulutuin natin ay ang paborito mong Sinigang,” sagot ni nanay. “Ngunit bago tayo mag-umpisang magluto,
ano ang unang dapat gawin para sa paghahanda ng mga pagkain?” tanong ni nanay.
“Maghugas po ng mga kamay, Nanay.” Magalang na sagot ni Ana at agad na nagtungo sa lababo upang
maghugas ng mga kamay. Matapos maghugas ng mga kamay, tinulungan ni Ana ang kanyang nanay sa
paghihiwalay ng mga hilaw sa mga lutong pagkain o mga ready-to-cook food. Pagdating sa karne at mga
gulay, nagtungo ang kanyang nanay sa lababo upang magkahiwalay na hugasan ang mga ito nang sa
gayon ay matanggal ang mga dumi na nakuha ng mga ito mula sa palengke.
Matapos mahugasang mabuti ang karne at mga gulay, inihanda ng nanay ni Ana ang mga
kagamitang pangkusina. Naglabas ng dalawang uri ng sangkalan ang nanay ni Ana. Ang isa ay para sa
mga gulay at ang isa naman ay para sa karne. Ito ay para maiwasan ang cross-contamination sa mga
pagkain.
Nang matapos sa paghahanda ng mga sangkap, inumpisahan na ng nanay ni Ana ang pagluluto.
“Matagal po bang lutuin ang karne?” Tanong ni Ana. “Kailangang lutuin ang karne sa loob ng 45
minuto upang mamatay ang mga mikroboyong maaaring nasa katawan nito. Sa kabilang banda, hindi
naman natin pwedeng pagtagalin ang pagluluto nito dahil ang sunog na pagkain ay masama rin sa
katawan.” sagot ni nanay.
Nang matapos sa pagluluto ang nanay ni Ana, inilagay niya ang ulam sa isang malinis na lalagyan.
“Yehey! Luto na ang ulam. Kakain na tayo!”, masayang sabi ni Ana. “Oops, sandali. Ano ang dapat gawin
bago kumain?”, tanong ng kanyang nanay.
“Maghugas po ng mga kamay.” sagot ni Ana at nagtungong muli sa lababo upang maghugas ng
kanyang mga kamay. Nang matapos ay inumpisahan na nila ang pagkain ng tanghalian. Masaya silang
kumain na kanilang nasisigurong malinis at ligtas ang kanilang pagkain.
Ang kalinisan at kaligtasan ng ating mga pagkain ay mahalaga upang maiwasan ang pagkakaroon ng
sakit. Mayroong mga pamamaraan na kailangan nating sundin upang matiyak na malinis at ligtas ang
ating mga pagkain.
Ngayung panahon ng pandemya bakit mahalaga na mapanatiling malinis at ligtas ang mga
pagkain?
E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2
Panuto: Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng tama at malinis na pamamaraan sa paghahanda
ng ligtas na pagkain? Lagyan ito ng tsek (/)
1. A
2.
3.
4.
5.
F. Paglinang sa Kabihasaan
I. Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ayusin ang mga ito ayon sa wastong
pagkakasunod-sunod gamit ang mga letrang A-E sa pagtatanda.
4. Alin ang HINDI dapat gawin upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng maruming pagkain?
A. Kumain ng naaayon sa food pyramid.
B. Uminom ng gatas s aumaga at sa gabi.
C. Kumain ng prutas at gulay araw-araw.
D. Kumain sa maruruming lugar.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang Gawain sa mga pinamiling prutas, gulay at karne
galling sa palengke.
A. Hugasan bago hiwain ang mga gulay.
B. Hiwain bago hugasan ang mga gulay.
C. Hugasan ang karne bago ilagay sa freezer.
D. Hugasan ang mga prutas bago ito kainin.
Panuto: Punan ng tamang sagot ang patlang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
paghuhugas dito bago iluto. Kinakailangan ding (2) _______________________ ang mga
prutas at gulay sa mga isda’t karne. Iniluluto itong (3) _______________________ upang
(4) _______________________ ang mga mikrobyong kumapit dito. Takpan ang mga
H. Paglalapat ng Aralin
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Iguhit ang happy face kung nararapat itong gawin upang mapanatiling malinis at ligtas ang
pagkain at sad face kung hindi.
_____1. Panatilihing malinis ang pagkain sa pamamagitan ng paghuhugas nito bago lutuin.
_____2. Hayaang walang takip ang natirang pagkain.
_____3. Hugasan ang kutsarang nahulog sa sahig bago gamitin.
_____4. Takpan ang pagkain upang hindi madapuan ng insektong nagdadala ng mikrobyo.
_____5. Hindi na kailangang hugasan ang pinaglutuan dahil gagamitin lang din naman sa
Susunod na magluluto.
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pamamaraan upang mapanatili ang kaligtasan at
kalinisan ng mga pagkain. Lagyan ng tsek (✓) ang kaukulang hanay.
B. TALA
C. PAGNINILAY
A. Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80%
sa pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na nangangailangan
ng iba pang gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng
mga mag-aaral na nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking nararanasan na
nasulusyunan sa tulong ng punong guro
at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa kapwa
ko guro?
Prepared by:
JULIET B. VENTURA
Teacher II
Observed:
ARLENE B. ABION
Principal II