Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

“Ang Katayuan ng Wikang Filipino sa Kalagitnaan ng Paggamit ng

Iba't Ibang Uri ng Wika Batay sa Paggagamitan Nito Ayon sa


Isinagawa na Sarbey sa Loob ng Holy Cross of Agdao.”

Panimula o Introduksiyon

Ano nga ba ang kahalagahan ng wikang Filipino sa kasulukuyan? Gumawa kami


ng pagsisiyasat sa mga kapwa naming mag-aaral sa Holy Cross of Agdao mula grade 7
hanggang 12 na kung saan malalaman namin kung ano na ng aba ang kasalukuyang
kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ngayon. Ginawa namin ang pagsisiyasat na ito
dahil mahalaga ang wikang Filipino sapagkat ito ay ang pagkakakilanlan natin bilang
mga Pilipino, at ang wikang ito ay pinaglaban din natin sa iba’t ibang bansa na sumakop
sa atin. Wika rin ang nagpapakaisa sa atin, kung kaya pinapahalagahan ito dahil kung
wala ito ay hindi tayo magkakaisa sa opinyon at hindi rin natin mailalahad ng maayos
ang ating gustong sabihin kung wala ito.

Kung kaya ay ang pangkat pangalawa sa Komunikasyon ay isinagawa ang


Survey o pagsisiyasat na ito para sa mga Junior High School ng paaralang Holy Cross of
Agadao. Ang resulta ay maibabahagi sa katawan ng pag-aaral na ito. Dahil sa sarbey na
ito, tiyak na iba-iba ang resulta sa sarbey na nagpapakita ng pagkakaiba ng mga tao sa
kung anong wika ang mas ginagamit at tinatangkilik nila sa sosyal medya, diyaryo at
magasin, at sa anong wika ang kanilang mas madalas nilang gamitin sa kanilang
tahanan. Kaya ang sarbey na ito ay para maipamulat sa makakabasa nito na
nakadepende ang paggamit ng wika sa kung ano ang pinaggagamitan. Kaya sa Sarbey
na ito, dito malalaman ang kalagayan ng wikang Filipino sa gitna ng pagkakaiba ng
wikang ginagamit.

Katawan

Nag sarbey kami sa paaralan ng Holy Cross of Agdao sa pamamagitan ng piling


mag-aaral upang malaman kung ano na nga ba ang sitwasyon ng wikang Filipino sa
mga kabataan sa kasalukuyang panahon, partikular sa paaralan ng Holy Cross of
Agdao. Sa sarbey at sa pagsisiyasat na ito, malalaman kung bakit hindi wikang Filipino
ang nangingibabaw sa lahat ng antas na ginagamitan ng wika batay sa paggagamitan
nito dahil na rin sa impluwensya at dulot na rin sa epekto ng pagkakaroon ng wikang
katutubo o Mother Tongue. Kaya hindi masasabi na ang wikang Filipino ang mas
ginagamit sa lahat ng antas na pinaggagamitan ng wika lalo na sa lungsod ng Dabaw
na kung saan ang pangunahing wika o salita na ginagamit ng mga tao ay ang wikang
Cebuano o Bisaya. Kaya walang duda na ang wikang Filipino ay hindi laging
mangunguna sa sarbey, dahil sa kadahilanan na ang wikang Cebuano o Bisaya ang
pangunahing ginagamit na wika ng mga mag-aaral na sumagot sa sarbey na bumuo sa
ginawa ang pananaliksik.
Isinagawa ang sarbey na ito sa paaralang HCA o Holy Cross of Agdao. Ayon sa
datos na nakolekta namin, umabot ito sa 20 na tugon. Batay sa resulta na aming
nakuha, mas madalas ginagamit ang wikang Ingles sa mga medya katulad ng pelikula,
palabas pantelebisyon, sosyal medya, at iba pa. Umabot sa 55 - 68 % o 11-13/20
katao ang sumagot na Ingles ang wikang madalas ginagamit sa pelikula at mga video
na kanilang pinapanood sa youtube batay sa datos na aming nakuha. Batay sa resulta
naman tungkol diyaryo at magasin, mas madalas ginagamit dito ay ang wikang Filipino
na umabot sa 47% o 8/20 katao ang sumagot na Filipino ang wikang ginamit sa o
nakasulat sa diyaryo at magasin. Ngunit dahil sa pagdating ng makabagong
teknolohiya, hindi na gaanong ginagamit ang diyaryo at magasin at wala na masyadong
nagbabasa ng diyaryo at magasin dahil sa mga makabagong teknolohiya na
nangingibabaw na meron tayo sa panahon ngayon gaya ng Cellphone, Telebisyon,
Internet at iba pa. At ang panghuli, ay ang ano nga ba ang wikang mas madalas nilang
gamitin sa kanilang tahanan? Ang karamihan sa mga sumagot ay ang sabi or sagot nila
ay wikang katutubo o mother tongue na umabot sa 57% o 11/20 ka tao ang nagsabi
na mother tongue o wikang katutubo ang kanilang mas madalas ginagamit. Di gaanong
ginagamit ang wikang Filipino dito sa Mindanao, di bale nalang kung hindi marunong
magbisaya ang taong kinakausap. Ang kabuoang resulta ng sarbey na ginawa namin
ay mas nangibabaw ang wikang Ingles sa sosyal medya, Filipino naman ang
nangibabaw sa diyaryo at magasin, at wikang katutubo o mother tongue ang
nangibabaw sa kanilang mas madalas na ginagamit na wika na nagpapakita ng
kaibahan ng resulta base sa paggagamitan nito.
Ang kahalahgahan ng pag-aaral na ito ay upang matukoy kung ano na nga ba
ang kasalukuyang kalagayan ng wikang Filipino di lang sa ating bansa kundi partikular
sa ating paaralan ang Holy Cross of Agdao. Ayon kay Manuel L Quezon, “Ang wika ay
siyang nagpapahayag ng mga kaisipan at mithiin ng isang bayan.” Maiuugnay namin
ang sinabi ni Quezon sa resulta ng aming datos. Dahil sa pag-galaw ng panahon, ang
pagsulong sa hinaharap ay nilalabanan na. Maraming produkto, palabas, pagkain, at
pagkalakan tayo sa iba’t-ibang bansa. Nakasanayan na rin natin na gamitin ang wika sa
pagkilala ng mga bagay-bagay kagaya na lamang ng X-ray, internet, virtual reality, at
iba pa. Ang pagsisiyasat at ang pag-aaral na ito ay sumasalamin sa kung ano ang
kalagayan ng wikang Filipino sa ating paaralan, at kung bakit nag-iiba ang mga sagot
ng mga tagatugon ayon sa ibat ibang paggamit ng wika sa sosyal medya, diyaryo at
magasin, at sa anong wika ang kanilang mas madalas nilang gamitin sa kanilang
tahanan.
Kongklusyon

You might also like